Chapter 1
Para sa babaeng ang akala sa una'y puro bulakbol ang alam ko. Hindi ko makakalimutan yun, TMC. Lalo na't hindi pa rin nawawala ang matinding pagnanasa este paghanga ko sayo. Haha.This one's really for you. :) Mwa.
***
Kristine Alfaro
"Dude, you know that you can't force me to do that. H'wag ka ngang tamad!" Naiirita kong hinarap si John pagtapos kong matanggap ang text message niya.
"Sige na, dalawang plate lang naman eh!" Pagmamakaawa niya. Deadline na kasi ng pasahan ng mga plate namin pero kulang pa rin siya.
"Mambabae ka pa ha? Psh." Kunyari'y sinuntok ko siya sa noo. Bestfriend ko si John at ayokong itolerate ang gawaing Juan Tamad niya pero heto mukhang makoconvince akong gawin yung natitirang plates niya.
Tatalikod na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hilain. "No please Kristine! Help me!" Ugh, kadiri.
"Fine! I'll do it later. Just let me have my break for now." Naiirita akong inirapan siya ng ngisian niya ako. He never fails to annoy me. Magdiditch na lang ako ng klase mamaya para gawin yung dalawang plate niya.
"Okay best friend! Thank you! I love you! I love you!" Clingy siyang yumakap sa'kin which isn't helping, dahil nakakaagaw kami ng atensyon ng mga estudyanteng nagdaraan at kumakain sa loob ng cafeteria.
"Quit hugging me, you beast! Yung SLR!" Inis. Pinilit kong kumawala mula sa mahigpit niyang yakap. "Ugh! Ano ba! Bitiwan mo na ako kung hindi hindi ko gagawin plates mo." Bigla namang lumuwag ang pagkakayakap niya at halos itulak na ako malayo lang siya. Tss! This boy is so, annoying.
"Okay, sige na nga. Sungit!"
Tumalikod na ako ulit at lumabas na sa cafeteria. Dumiretso ako sa fountain malapit sa main gate ng school kung saan nagdaraan ang maraming estudyante. Gustong-gusto kong tumambay sa bench sa ilalim ng puno ng acacia sa di kalayuan dahil marami akong naispot-ang mga magagandang babaeng nadaan.
Ako kasi ang in-assign para kumuha ng mga litraro ng mga babaeng ipinopost mismo sa website ng school. Pero hindi lang naman kasi yun ang ipinupunta ko dito, dito ko rin kasi mismo nakita yung babaeng umiiyak dahil bnreak ng boyfriend niya. Nakakatawa dahil mukhang umaasa siyang magtatagal sila nung boyfriend niyang mukhang hindi naman tatagal ng isang buwan sa relasyon. Yeah, naaamoy ko ang kagaya ko. Kagaya kong hindi rin tumatagal sa kahit anong relasyon.
Hindi ko alam kung bakit umaasa pa akong makikita ko siya dito. Basta may something sa kanya na humahatak sa pagkatao ko, humihila sa'kin para hanapin siya. Oh yeah Kris? Crazy thoughts. Sa laki ng school na to hindi ko na siguro siya makikita o makakasalubong.
Sayang lang dahil hindi ko na hawak ang camera nun at nasa bag ang cellphone kong nakalimutan kong walang flash kaya walang silbi. Maitatanong ko pa sana sa website ng school o kahit sa page kung sino yun at saang department siya.
Hmmm.
Pumikit ako sandali at nagdekuwatro. Wala pang masyadong dumadaan eh. Pahinga muna. Nang makaramdam ako ng malalaking patak ng ulan bigla akong napamulat. Shit lang!
Napatakbo ako sa main gate kung saan pwedeng sumilong. Badtrip. Mahirap ng humanap ng mga babae nito. Kailangan ko pa ng 5 para makompleto na yung ipopost ko. Tss!
Sumandal na lang ako sa gilid at chineck kung nabasa ba ang DSLR na hawak ko. Hindi naman, kaya nakahinga ako ng maluwag. Inikot ko ang paningin ko para gawin kung anumang dapat kong gawin ng maagaw ang atensyon ko ng isang babaeng nakatalikod at naliligo ng ulan? No. Ineenjoy ang mahinang ulan na nasundan ng kulog at kidlat, pero ayun, kahit nakauniporme pa rin eh hindi ininda sa halip ay iniangat ang mga kamay at umikot. Inihanda ko ang camerako at agad na itinutok sa kanya ang lente.
Nag-iisa na lang siyang nakatayo sa harap ng fountain. Nagtakbuhan ba naman lahat ng estudyante pero sa kanya lang ako nakafocus. Hindi ko pa siya nakukuhaan sa nakaharap na anggulo kaya tinawag ko siya.
"Babaeng naliligo sa ulan!" Just to be sure na lilingon siya.
And click!
Sumigaw siya ng "Isa pa!" Tapos ay ngumiti ng pagkaganda ganda.
I was stunned. Kung hindi lang siguro nakasukbit itong camera marahil ay nalaglag na sa sahig. Oh, she got me on the second sight.
Kung totoo ang love at first sight, marahil yun na yung naramdaman ko ng makita siya nung una. Hm. Ngayon? Second sight and the effect is still the same. Some stupid butterflies, and racing horses inside my heart. Great. Mawkish.
"Miss! Isa pa." Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa'kin at narealized ko lang na kanina pa ako nakatanga. Shit. Shame on you, Alfaro.
"Aww. Okay. S-sorry about that one." At bakit ako nauutal? Fuck. This isnt healthy at all. Wala sa bokabolaryo ko to.
Para siyang basang sisiw pero the fact that she looks cuter and more innocent on that scene? Hindi ko maidedeny na para siyang anghel na inuhulog mula sa langit. I am willing to catch her, tho.
What? No. Erase. Delete the thought.
Nairita na yata siya at lumabi kaya naibalik ako sa reyalidad at nakuhaan ko ang anggulo na iyon which is nakakatuwa.
"Miss? Isa pa." Ngiti ko sa kanya at itinaas na ang camera ko para kunan siya ng litrato.
Ngumiti naman siya at pumose pa. Nakakatuwa. Nakailang shot ako bago siya magsawa. At himala lang talaga na hindi ako nairita sa pagpapacute niya na kinaayayawan ko sa mga babae.
Tumila ang ulan at kinuhaan ko ulit siya ng di niya alam. So probably isa iyong stolen shot. "Now tell me, pano ka papasok sa klase ng ganyang hitsura?" Tanong ko sa kanya. Sapat na siguro tong pictures na to para mamaya. Tinatamad na akong humanap pa ng ibang magandang babae.
"Hmmm. Of course... I'll.... ditch!" Ngiting-ngiting saad niya na akala mo bata lang na tatakas sa pagtulog sa tanghali para makapaglaro. Halos matawa ako sa paraan ng pagsasabi niya nang maalala kong may klase pa nga pala ako at gagawin ko ang plate ni John.
Nahihiya man ako, nagpaalam na lang ako. "Ah miss. Una na ako ha?" Sabi ko na nakamot sa ulo. Gusto ko siyang ayain magkape man lang pero hindi ako pwedeng umabsent. For sure, gegerahin ako ni mam Sandra. Tsk.
"Hm, okay. Ingat ka! Ako din." Nakangiti siyang humakbang palayo ng nakaharap sa'kin.
"Wait, anong pangalan mo?" Lakas loob kong tanong kahit na malalaman ko naman yun mamaya. Napailing ako mentally. Tss.
"Hm? You wanna know?"
Tumango ako at ngumiti. Alam kong para akong tanga sa ginagawa ko pero shit! Hindi ko mapigilan.
"Magkita tayo dito after class. 5:30 pm."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top