Chapter 9 - Ripple

Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. Ayaw kumalma ng puso ko kahit tatlong minuto na akong pabalik-balik na nagmamartsa rito sa loob ng banyo. Parang aangat na ang palad kong nakasapo sa dibdib ko dahil sa dagundong nito. Ito na naman ang alon na dala niya.

One small ripple, but I feel like I'm drowning already.

I straightened up and started to shake my hands repeatedly. Nasa café ako at kailangan kong isantabi ang kung anumang nararamdaman ko. I need to collect myself or else baka mawalan ako ng trabaho.

"This is for Zoe..." I whispered and then I slowly exhaled through my mouth.

Oo nga pala! Si Zoe!

Natataranta kong idi-nial ang number ni Tita Linds. Malapit lang ang apartment namin dito sa café. Paano kung... paano kung—

Napatid ang mga pangamba ko nang marinig ko ang boses ni Tita Linds sa kabilang linya.

"O? Gail! Sakto tawag mo papunta kami ni Zoe diyan—"

"No, Tita! Huwag kayong pupunta sa café, please! Huwag na muna kayong lumabas ng bahay," mabilis kong pagkontra sa kaniya. Hinihingal ako habang hinihintay ang reaksyon niya.

"B-Bakit, Gail? May ginawa pa namang card para sa 'yo 'yong bata. Sorry gift niya raw sa 'yo kasi nagalit siya kanina..."

I felt relieved and worried at the same time. Humupa na ang tampo sa akin ng anak ko at parang unti-unti na ring lumuwag ang dibdib ko. Pero nang sumagi sa isip ko ang mukha ni Lance kanina, bigla namang nanuyo ang lalamunan ko.

"Tita Linds... nandito siya," magaspang kong bulong.

"S-Sino?" Saglit na tumahimik si Tita. Siguro ay napaisip siya sa binalita ko. "Diyos ko! Si Lance?!"

Halos mabingi ako sa bulalas niya.

"Shh! Tita, baka marinig ka ni Zoe," saway ko sa kaniya. Lumunok ako ng laway at saka mahinang sumagot sa kaniya, "Yes, Tita... kaibigan pala siya ni Sir Andrew. Pinakilala pa nga kami kanina..."

"Nagharap na kayo?! Put—"

"Tita, marinig ka ni Zoe!" pagpuputol ko sa pagmumura niya.

"S-Sorry, Gail, anak. Hindi ko lang kinakaya ang mga tagpo diyan," mahina niyang tugon.

"Basta diyan muna kayo, Tita... huwag na huwag mong palalabasin si Zoe," mariin kong paalala sa kaniya bago ko pinatay ang tawag.

Inayos ko ang bandana ko at inilagay ko ang nakatirintas kong buhok sa harapan ng kanang balikat ko. Nginitian ko ang sarili kong repleksyon sa salamin at pinuno ko ng hangin ang baga ko.

Hindi ka magpapadala sa alon, Maria Galina. Hindi na.

Paglabas ko ng banyo, agad kong iginala ang paningin ko sa kabuuan ng Café Amor. May mag-asawang nagsusubuan ng blueberry cheesecake sa Table 2. Sa Table 6 naman, may estudyanteng tinititigan ang laptop niya habang humihigop ng iced caramel macchiato. At kalalapag lang ni Ma'am Steph ng order ng morenong lalaki sa Table 4.

Wala na si Sir Andrew... wala na rin si Lance. Bumagal ang tibok ng puso ko hanggang sa tuluyan na itong kumalma. Pinasadahan ko ng palad ko ang apron ko at saka ako mabilis na naglakad papunta sa checkout counter.

Habang tinatakal ko ang mga coffee beans, sumagi sa isip ko ang mga pictures na ipinadala sa akin. Someone is threatening me. And I couldn't help but think that maybe it was him. Eksaktong pagbalik niya sa Pilipinas, may nagpadala sa akin ng mga pictures from seven years ago... I'm sure may kinalaman si Lance doon.

Should I resign? Lilipat na ba kami ni Zoe? Tatakas ba ulit ako?

Napahinto ako sa ginagawa nang maglaro sa isip ko ang mga tanong na iyon.

Ayoko nang tumakbo. Ayoko nang matakot. Lalo pa't alam kong inosente ako. Wala naman akong ginawang mali. I'm not guilty of anything, and so, I will stay. I will rise and reclaim my name. Whatever it takes.

***

Alas-diyes na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Maingat kong hinubad ang rubber shoes ko at inilagay ko iyon sa likod ng pinto. May nakatakip na tirang ulam sa maliit naming lamesa pero wala akong gana kumain. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kuwarto. Ganitong oras kasi, mahimbing na ang tulog ni Zoe.

I was right. Nang buksan ko ang pinto ng kuwarto, nakadapa at tulog na ang anak ko sa kama. Si Tita Linds naman ay mabagal na sinusuklay ang nakalugay na buhok ni Zoe.

Napatingin siya sa akin."Kakatulog lang," bulong niya.

Ngumiti ako sa kaniya at saka marahang isinara ang pinto. Mamaya na lang ako mag-go-goodnight kiss at baka maputol pa ang tulog ni Zoe.

Dumiretso ako sa kusina at kinuha ko sa ref ang bote ng red wine na kalahati pa lang ang nababawas. Pampatulog. Binuksan ko iyon at lumagok ako habang nakasandal sa countertop malapit sa lababo. The wine is sweet and a bit sour, walang pait, parang juice lang. Ganitong klase lang din naman kasi ng alak ang iniinom ko.

Tutunggain ko pa sana ulit ang bote pero inagaw sa akin 'yon ni Tita Linds. Napangisi na lang ako habang pinapanood ko siyang uminom.

"So... how are you?" she asked with a grin.

Inabot sa akin pabalik ni Tita ang wine. Uminom muna ulit ako bago sumagot sa tanong niya.

"Okay lang ako, Tita," pagsisinungaling ko.

Hinablot niya sa akin ang bote at pinaningkitan ako ng mga mata. "Lokohin mo lelang mo!"

Napabuga ako ng mahinang tawa habang si Tita naman ay nakangiti rin, nilalagok ang alak.

"Ano'ng sabi sa'yo ng kupal mong ex?" usisa niya habang pinupunasan ng palad ang mga labi niya.

"Wala... pinakilala ko ang sarili ko bilang 'Gail' na parang first time ko siyang nakita." Kinuha ko ang bote kay Tita, uminom lang ako nang kaunti at saka suminghot-singhot. Para kasing biglang nanubig ang mga mata ko.

"Pero hindi siya tanga, Tita. Of course alam niyang nagpapanggap lang ako... nakangisi pa nga siya kanina," mapait kong dugtong saka muling sumimsim sa nguso ng bote.

"Binayagan mo sana!"

Muntik ko nang maibuga ang wine dahil sa sinabi ni Tita Linds. I could have done that, kung wala lang ako sa Café Amor.

"Tita... nasa café ako. Hindi ako puwedeng mag-iskandalo," I said calmly as I passed the bottle to her.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Tita Linds kasabay ng pagbagsak ng mga balikat niya. "Gail... basta ihanda mo ang sarili mo. I'm sure, hindi lang 'yan ang huling beses na magkikita kayo."

Tita Linds's warning echoed in my head. Seven years akong tahimik na namuhay. Seven years ko na siyang kinakalimutan, pero bakit ganito... bakit parang binuwal ng pagkikita namin kanina ang pader na pitong taon kong itinayo.

Mabagal akong tumango at pilit na ngumiti kay Tita Linds habang maingat kong kinukuha ang bote mula sa kaniya.

"Ubos na, Gail," nakangiwi niyang sabi sa akin.

***

Pasikat pa lang ang araw nang umalis ako ng bahay para sa morning shift ko sa café. 5:00 AM nang magsimula na akong maglakad. Twenty minutes na lakaran lang naman ito. Kapag brisk walk, baka nga fifteen minutes lang.

Halos hindi pa ako nakakalayo sa apartment nang businahan ako ng isang motor. Nilingon ko 'yon saglit, kasi akala ko kakilala ko. Pero hindi pamilyar sa akin ang lalaking nagmamaneho no'n. Naka jersey sando siya, walang helmet at may malaking tattoo ng koi fish sa kaliwang braso.

"Miss, angkas ka na sa akin," nakangising alok niya.

I ignored him. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko. Kahit mahina pa rin siyang bumubusina, hindi ko na siya sinulyapan pa ulit.

"Miss, libre na. Mapapagod ka sa paglalakad niyan! Papawisan ka pa! Ang bango mo pa naman..."

Narinig kong pangungulit niya na nagpahinto sa mga paa ko.

"Ano'ng sabi mo?" Matapang kong sinalubong ang mga mata niyang taas-baba ang malagkit na pagtitig sa akin.

"Sakay ka na, Miss... biyaheng langit." Kinagat niya pa ang pang-ibabang labi niya.

I scoffed and crossed my arms in front of me. Hindi ko kayang hayaang bastusin ako ng manyakis na 'to.

"Wala ka bang nanay? Wala kang kapatid na babae?... Bastos!" mataray kong balik sa kaniya. Pagkatapos ay naglakad na ulit ako nang mabilis. Sobrang bilis na halos tumatakbo na ako. Ngunit patuloy pa rin sa pagsunod sa akin ang motor.

Kaunti na lang talaga at i-sprayhan ko na siya ng pepper spray na niregalo sa akin ng boarder ni Tita Linds, pero mas pinili ko pa ring magtimpi na lang. Ang aga-aga pa para masira ang araw ko.

"Ang sungit mo naman. Akala mo naman dalaga!" Napaigtad ako sa sigaw ng lalaki. Kalalagpas ko pa lang sa unang kanto. Nasa kalahati pa lang ako ng nilalakad ko papuntang Café Amor pero hindi ko na mapigilang sumabog dahil sa sinabi niya.

"Ano kamo?!" Nag-igting ang panga ko sa inis. Halos magkiskis na ang mga ngipin ko. "Subukan mong sumunod pa sa akin... sa rehas talaga ang bagsak mo!" pagbabanta ko pa.

"E, 'di ba ikaw 'yong anak-anakan ni Linda? 'Di ba single mom ka? Inanakan ka lang naman ng foreigner! Taas ng tingin mo sa sarili mo! Disgrasyada ka naman!" pang-iinsulto niya habang pinandidilatan ako.

Dumura siya sa kalsada malapit sa paanan ko at saka pinaharurot ang motor niya.

I froze. Parang nawala ang lahat ng tapang ko. Natunaw iyon ng mga insultong sinabi ng manyak na lalaking 'yon. Ganoon ba ang tingin ng mundo sa akin? Disgrasyada?

Gumalaw lang ang mga binti ko nang malasahan ko ang mga luha ko. Agad kong pinunasan ang mga iyon. I sniffled and then I inhaled deeply. Wala akong pakialam kung ano'ng tingin nila sa akin. Ang mahalaga, mabuti akong ina kay Zoe... that's it, and that's all.

***

Sinulyapan ko ang relo ko. 5:29 AM, wala pang sunrise pero nasa harap na ako ng Café Amor. Tatawid na lang ako ng kalsada, ngunit bigla akong natuod sa puwesto ko.

Nakatayo sa entrance ng café si Lance—white sleeves rolled up to his elbows, brows furrowed, ocean eyes sending ripples down my spine.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pinaghalo-halong kaba, takot, at galit. Umatras ang mga paa ko. Umatras ako dahil ayokong muling harapin siya. Umatras ako at naglakad pabalik. Maaga pa naman at may allowance pa ako bago ang opening shift. Palilipasin ko muna ang oras hanggang sa umalis siya sa café.

I ignored the uneasy feeling inside me as I walked. Memories from seven years ago flooded my mind. Nagmakaawa ako sa kaniya noon. Lumuhod pa nga ako sa harap niya—humahagulgol habang nakikiusap akong paniwalaan niya.

Napahawak ako sa sentido ko habang nanariwa sa isip ko ang gabing huli kaming nagkita ni Lance.

Patuloy lang ako sa paglalakad, ni hindi ko na alam kung tamang daan pa ba ang tinatatahak ko. Napahinto ang mga paa ko nang bigla akong matauhan. Namilog ang mga mata ko, hindi na pamilyar ang masikip na eskinitang ito sa akin.

Nasaan na ba ako?

Madilim at amoy basura. May samu't saring vandal ang magkabilang pader na humaharang sa akin. Paano ako nakapasok dito?

Lilingunin ko na sana ang dinaanan ko para makabalik sa main road, pero biglang may humablot sa braso ko. Napasinghap ako. Malapad ang ngiti ng lalaking nambastos sa akin kanina, labas ang mga madilaw niyang ngipin.

"Hi, Miss..." nakapangingilabot niyang bulong habang unti-unting niyang inilalapit ang mukha niya sa akin.

Mahigpit ang kapit niya sa braso ko, pero kaya ko naman sanang pumiglas, kung hindi lang... kung hindi ko lang naramdaman ang balisong niyang nakatutok sa leeg ko.

"P-Please... kuya... may anak ako," naiiyak kong pakiusap sa kaniya.

"Alam ko, kaya huwag kang sisigaw, kung gusto mo pa makita ang anak mo!"

Idiniin niya ang balisong sa leeg ko at mariin akong napapikit dahil doon. Nanatili akong nakapikit at nag-umpisang ibulong ang lahat ng dasal na itinuro sa akin noon ni Tiya Cristina. Hanggang sa marinig ko ang malakas na mura ng lalaki kasunod ang pagdaing niya sa sakit.

Nabitawan niya ang braso ko. Bumagsak ang patalim niya sa aspalto. Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko siyang nakadapa sa may paanan ko. Pero mabilis lang din siyang nakabalikwas. Duguan ang nguso niya at nanginging ang mga labi. Someone struck a solid punch on his mouth. Tinapunan niya ako ng matalim na tingin at saka siya kumaripas ng takbo.

"You okay?"

Nanlambot ang tuhod ko nang marinig ko ang tinig na iyon galing sa may likuran ko.

"Maggie, are you okay?" Mas malakas niyang tanong sa akin.

Maggie, huh? Napaismid ako bago ako matapang na humarap sa kaniya.

"Please, don't call me that, Lance."

Parang umikot ang sikmura ko nang sambitin ko ang pangalan niya. That's the first time that I said his name out loud after seven years.

"I'm asking if you're okay. I don't fucking care about your name!"

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya.

"Ang kapal din naman talaga ng mukha mo 'no?" sarkastiko kong singhal sa kaniya. "Ano bang ginagawa mo rito? Ipapakulong mo ako? Isusumbong mo ako sa mga pulis? Are you going to accuse me again of killing Landon?" I said it to his face, every word clearly enunciated. Challenging him.

"Answer me first. A-Are you okay... Gail?" he asked firmly. He sounded a bit... worried.

Hindi ako sumagot, tinitigan ko lang siya. Inangat niya ang kamay niya at dahan-dahan niyang hinawi ang nakalugay kong buhok.

He gently touched my neck. I flinched but I still managed to stand close to him. My feet firm on the ground. My eyes locked on his.

"You're bleeding... m-may sugat ka... dito," bulong niya habang mabagal na dumadampi ang daliri niya sa leeg ko.

Ilang beses akong paulit-lulit na lumunok bago ko nagawang magprotetsa sa haplos niya.

"D-Don't touch me!" nanginginig kong sigaw.

Napaatras siya kasabay ng pagbaba ng kamay niya. Agad kong kinapa ang leeg ko. Napailing na lang ako nang makita ko ang dugo sa palad ko, pero kaunti lang. Hindi rin naman masakit ang sugat kaya wala akong dapat ipag-alala. Malayo sa bituka.

"Y-You've changed."

Ibinalik ko ang matalas kong tingin sa kaniya nang marining ko iyon. "I have to. Wala akong choice, Lance."

He looked confused, his lips were parted. Hindi niya alam kung sa mata ko ba siya titingin o sa leeg kong malamang ay dumudugo pa rin.

"Why? Does it surprise you?" I asked him with a smile on my face.

"Marunong na ako mag-english, Lance!" Tumawa ako nang mahina. Pinapanood niya lang ako. Walang kahit ano'ng reaksyon. Nakatulala lang siya sa akin.

I sucked in my cheeks to stop myself from laughing. "I've finished college, Lance! I graduated Cum Laude! Nakapag-aral ako habang nagkukuskos ng mga kubeta sa iba't-ibang hotel dito sa Manila!"

Marahas akong bumuga ng hangin, pilit pinapaluwag ang paghinga ko. Pakiramdam ko kasi ay aatakihin ako ng hika. Nakakatawang isipin na kahit ipamukha ko sa kaniya na nabuhay ako... nabuhay kami... nang wala siya, masakit pa rin pala. Masakit pa ring makita siya.

"Surprise, Lance. I survived!" I shouted as I burst into tears. He reached out for my face, but I shoved his hand away.

Umiling-iling ako habang mahinang humihikbi sa harapan niya. "H-Hindi na ako ang Maggie na napaikot mo noon, Lance. I'm not that stupid 18-year-old-girl who fell in love with you!"

Pinunasan ko ang mga luha ko. Kinagat ko ang mga labi ko para pahintuin ang panginginig ng mga ito. Tumingala ako saglit habang pinipigilan ang muling pag-iyak.

"I survived, Lance... at wala na akong pakialam kung ipagpipilitan mo pa ring pinatay ko ang kuya mo. Because I know that I'm innocent," I declared with my now calm voice.

I saw him gulp. "E-Everything's leading to you... Maggie. Why is everything leading to you?" he said huskily under his breath.

Pinagdikit ko ang mga palapulpushan ko at inilahad ko iyon sa harap niya. "Then arrest me, now! Para makuntento ka. Para magka-peace of mind ka na," paghahamon ko sa kaniya.

"No... not today," tipid niyang sagot bago tumalikod na sa akin.

Nakakailang hakbang pa lang siya palayo pero parang may puwersang gustong kumawala sa loob ko. I gave in to that force, and then I spoke again.

"You're smart, Lance..."

Napahinto siya sa paglalakad ngunit nanatili siyang nakatalikod sa akin.

"Abogado ka na rin kagaya ni Landon. Alam mo sa sarili mo ang totoo. Alam mo sa sarili mong hindi ko magagawa 'yon. I'd like to believe that what happened back then between us was... real." I swallowed hard after saying those words.

That love gave me my beautiful angel, Zoe. Nothing can change that, no matter how ugly Lance and I ended.

"What we had back then... was just a fling," he slowly said. Then he continued to walk away.

I thought it was just ripples. Maliit na patak lang ng tubig at hindi ako kayang saktan no'n. But ripples can create small waves. Small waves can transform into breaking waves. Ito na naman ako, nalulunod sa parehong dagat na pumatay sa akin noon.

***

MsLynLuna

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top