Chapter 8 - Ocean
Itinirintas ko ang mahaba kong buhok. Naglagay na rin ako ng itim na contact lens. I swiped my light red lipstick on my lips and put on a light pinkish blush on my cheeks.
"Welcome to Café Amor!" I greeted my own reflection in the mirror.
Nginitian ko rin ang sarili ko, mula sa malaking ngiti, maliit na ngiti, at ngiting nakalabas ang mga ngipin. Ilang beses ko pang ikinurba ang mga labi ko just to find that perfect, warm smile.
"Hi, I'm Gail. What can I make for you today?"
Even the way I introduce myself, paulit-ulit ko ring pina-practice. Ayoko kasing makalimutan ko na ako si Gail, mother of a 6-year-old blue-eyed girl named Zoe, and that's it... and that's all. Iyon lang ang tanging nakakabit sa pangalan ko—nanay ako ni Zoe. Iyon lang ang pagkakakilanlan ko.
"Hi, I'm Gail. What can I make—"
Napahinto ako nang biglang bumukas ang pinto ng inuupahan naming studio-type apartment. Agad kong nilingon iyon.
Nakabusangot na nagmartsa papuntang sala si Zoe. Sa bawat paghakbang niya ay sumasayaw ang kulay-kape at naka-pigtail niyang buhok. Nakahalukipkip pa siyang umupo sa maliit naming sofa. Napailing na lang ako. Isa na namang mahabang debate ang mag-uumpisa.
Gail vs Zoe. 25 years old mom vs her 6-year-old sassy daughter.
Mabagal akong umupo sa tabi ng anak kong parang maliit na bulkang malapit nang mag-alburoto. And I can't help but blame myself why she's like this—a cute tantrums factory.
"Where's Tita Linds?" malambing kong panimula.
"Parking her car," mataray na sagot ng anak ko. Nakahalukipkip pa rin siya at gusot na gusot ang mukha. Hirap na hirap na akong pigilan ang pagbungisngis ko dahil ang cute niyang tingnan kapag nagmamaldita nang ganito.
I crouched in front of her, making sure that our eyes are on the same level. "Zoe... can you tell Mama what's wrong?"
Padabog niyang ibinagsak ang mga braso niya sa kandungan niya at saka bumuga ng hangin. Dahan-dahan niyang hinubad ang maliit niyang backpack at binuksan ang zipper noon. Nakasimangot pa rin at nakakunot ang noo.
Inilabas niya mula sa pink unicorn bag niya ang assignment niyang pinagtulungan naming tapusin. Hindi siya nagsalita, basta na lang niyang inilahad iyon sa harap ko. I took it and stared at it for a few seconds.
"Bakit walang check ang assignment mo, Zoe?" malumanay kong tanong nang mapansin kong walang kahit anong marka ang family tree na ginuhit namin kagabi.
"Hindi ko po pinasa 'yan kay Teacher Irish, Mama..." Mabagal at mahina niyang sinabi iyon. She sounded so hurt.
Napaupo ako sa malamig na sahig. Biglang kumirot ang dibdib ko, pero hindi ko iyon puwedeng ipahalata kay Zoe. I cleared my throat to steady my voice and then gently held her small hand.
"Why, baby? 'Di ba ginawa natin ito kagabi? Ang perfect pa nga ng pag-color mo sa leaves, o!" I said with my eyes widened and with a cheerful tone, hoping that it will brighten up my daughter's sulking face. "Why didn't you pass this, Zoe? Sayang naman, anak..."
"Kasi po I will not get any star if I pass that..." Mas lalong kumirot ang dibdib ko sa sagot niya.
"No, Zoe... look, I like the butterfly that you added here at the top. I'm sure Teacher Irish would love this too!" Itinuro ko ang maliit na paru-paro sa papel habang nakaguhit sa mga labi ko ang isang malapad na ngiti. Pero malungkot pa rin ang mga maliliit niyang matang kakulay ng dagat.
"Dalawa lang po tayo sa family tree, Mama. Sa classmates ko ang daming branches!" She waved her small hands in the air. Para talaga siyang matanda kung magkuwento at maglabas ng mga hinaing.
"Kay Pia, big 'yong tree niya, tapos six ang branches. Kay Cassy rin, Mama, ang daming branches. Sa akin, isa lang. It looks funny! They will laugh at me if they see my tree!" Humalukipkip ulit siya at saka sumandal sa sofa.
Napayuko ako. Hindi ko mahanap ang mga tamang salita. It pains me seeing her like this. Day by day, I'm witnessing her getting more insecure because of how we are. I inhaled deeply and mustered all the courage I have in me before lifting my head again.
"Zoe... 'di ba in-explain na ni Mama bakit dalawa lang tayo?"
"Where's my Papa?" she snapped. Her little voice was shaking.
Tumayo ako at lumipat sa tabi niya. I gave her a side hug, kahit na pakiramdam ko ay ayaw niya iyon. Malambing kong hinaplos-haplos ang kaliwa niyang braso habang inaayos sa isip ko ang paulit-ulit kong sagot sa ilang taon niya nang paulit-ulit na tinatanong sa akin.
"Zoe... I already told you. Your Papa is dead."
Doon na tuluyang pumutok ang maliit na bulkan. Marahas niyang inalis ang kamay ko sa braso niya. Nagmamadali siyang tumayo at humarap sa akin. Matalas na nakapako ang mga mata niyang kakulay ng sa ama niya, kakulay ng dagat.
"No! You're lying! Papa is not dead. Napanaginipan ko siya kagabi... he told me he's gonna take me away from you!" Tears started to stream down her face. "He's not dead b-because he's in my dreams. Y-You're a liar, Mama, and I hate you! K-Kapag kinuha ako ni Papa, sasama ako sa kaniya because I hate you!"
Hinihingal niyang binitawan ang mga masasakit na salitang iyon bago kumaripas ng takbo papasok sa kuwarto namin. She glared at me with her teary ocean eyes before she slammed the door shut.
Napatakip ako ng bibig ko habang nag-uunahan na sa pisngi ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I cried silently. Ayokong marinig ako ni Zoe. Ayoko rin siyang sundan sa loob ng kuwarto dahil noong huling beses kong ginawa iyon, mas lumala lang ang sitwasyon.
"Ano na namang nangyari, Gail?"
Napalingon ako sa pinto ng apartment. Agad kong pinunasan ang mukha ko gamit ang likod ng mga palad ko bago ako mapait na ngumiti kay Tita Linds.
Bumuntong-hininga siya. Alam kong kahit hindi ako magsalita, alam niya na agad ang nangyari. Umupo siya sa tabi ko at inalo-alo niya ang likod ko.
Inangat ko ang assignment ni Zoe na naipit na sa hita ko—lukot na ang papel. Inabot ko 'yon kay Tita Linds.
"Hindi niya pinasa 'yan, Tita Linds... tatawanan daw kasi siya ng classmates niya kasi isa lang 'yong sanga ng puno niya." Magaspang ang tinig ko. Pilit kong pinipigilan ang muling pag-iyak.
"Gail... sabi ko kasi sa 'yo isama mo na ako, e! Kahit ako na 'yong ugat. Tatlo sana tayo!"
Napabuga ako ng tawa dahil sa biro ni Tita.
"Dapat pati si Nathaniel saka si Amira nilagay niyo na!" pahabol pa ni Tita Linds. "Gusto mo pati 'yong boarders ko pa, total mga ate naman ni Zoe ang mga iyon..." Hindi maubos-ubos ang mga kwela niyang ideya para lang patawanin ako. Successful naman siya, dahil saglit na napawi ng mga iyon ang kirot sa dibdib ko.
"Thank you, Tita Linds... sa lahat-lahat," usal ko nang tuluyan ng lumuwag ang dibdib ko. "Thank you for being here." A tear escaped my eyes. That's when she faced me and hugged me tightly.
Mahigpit niya akong niyakap at mas gumaan naman ang pakiramdam ko. Hindi ko ma-imagine na ma-su-survive ko ang pitong taon dito sa Maynila kung wala si Tita Linds. Minahal at inalagaan niya kami ni Zoe kahit na walang kapalit. Minahal at inalagaan niya kami na parang totoo niyang pamilya. Kaya tama siya, kasama dapat siya sa family tree.
"Kung pinikot ko lang talaga si Mariano noon, 'Mommy Linds' sana ang tawag mo sa akin!" Humirit pa talaga siya ng biro habang nakayakap sa akin. Nabalot naman ng mahina kong tawa ang buong sala.
***
Nakadapa at mahimbing na ang tulog ni Zoe sa kama, nakatulog siyang masama ang loob sa akin. Maingat kong hinubad ang sapatos niya at hinayaan na lang ang medyas. In-adjust ko ang aircon at kinumutan siya ng paborito niyang pink unicorn blanket. Mabagal kong hinawi ang ilang hibla ng kulay-kape niyang buhok palayo sa maliit niyang mukha. Ang kulay lang yata ng buhok ko ang namana niya. Every bit of her reminds me of him—Lance.
"Someday, I'll be brave enough to tell you everything... I love you." I whispered those words before kissing her forehead softly.
Dahan-dahan kong sinara ang pinto, nag-iingat na hindi makagawa ng katiting na ingay na baka ikagising ni Zoe.
"Ano? Tulog na?" tanong sa akin ni Tita Linds. Nakaupo siya sa dining chair at nanonood ng TV.
"Yes, Tita... nakatulog sa pagmamaktol." I let out a wry smile followed by a deep sigh.
Lumapit ako sa dining table at isinuot ang shoulder bag kong nakapatong sa lamesa. Ma-le-late na ako sa shift ko sa Café Amor. Ten minutes away lang iyon sa apartment namin kaya tricycle lang ang sinasakyan ko. Minsan pa nga, nilalakad ko lang kapag maaga akong nakakaalis, pero ngayon baka kailangan ng lumipad ng tricycle para umabot ako.
Tumayo si Tita Linds at nagmamadaling inayos ang nakataob na collar ng uniform ko. "Ako nang bahala kay Zoe, Gail... 'wag ka mag-alala, ice cream lang ang katapat ng tampo no'n," nakangiting sabi pa niya sa akin.
"Thanks, Tita," I smiled back at her too.
Katabi lang ng apartment namin ang paupahan ni Tita Linds. Ayaw niya sana kaming umalis doon ni Zoe, kaso hindi na kami kasya sa kuwartong libre niyang pinapatirahan sa amin. Palagi siyang nasa bahay, sinasamahan at binabantayan si Zoe tuwing may pasok ako. Wala rin kasi sa Pilipinas ang mga kamag-anak ni Tita Linds; nasa Canada lahat maliban kay Kuya Nathaniel na nasa Mindoro. Kaya naiintindihan ko kung gaano siya kasabik sa mga anak at mga apo niya.
"May ulam po sa ref, dinner niyo ni Zoe."
"Naku, nag-abala ka pa. Kaya ko naman magluto," tugon niya bago muling umupo. Inilipat niya sa ibang channel ang TV. Balita ang napili niyang panoorin.
Magpapaalam na sana ako kay Tita Linds kung hindi lang naagaw ng TV ang atensyon ko.
"Yesterday, 32-year-old lawyer-model Atty. Lance Thomas returned to the Philippines after a few years in the US. Known for gracing local and international magazine covers, this bachelor has made a name for himself in both the legal and fashion world."
Ipinakita sa TV ang ilang larawan ni Lance mula sa iba't-ibang magazine.
"But the question on everyone's mind: Bachelor no more?"
Nag-play ang isang video; naglalakad si Lance sa airport at ka-holding hands niya ang isang babaeng matangkad, naka-shades ito at hanggang balikat ang tuwid na buhok. May tumakbo papunta sa kanilang isang reporter at agad nitong inilapit ang mikropono sa pagitan ni Lance at ng babae.
"Hi, Atty. Lance. We thought for good na po ang migration niyo sa US, what made you come back po?" hinihingal na tanong ng reporter.
"Ah... I have this open case..." Kumunot ang noo ni Lance. "It's very personal, and I can't disclose any details, but I wanted to settle that this year; that's why I'm back."
Biglang nagtambol ang puso ko. Nanuyo ang lalamunan ko at biglang gumihit ang nakapangingilong sakit sa ulo ko. I know what he's talking about; it's Landon's murder. Iyong krimeng pilit nilang ipinipako sa akin. Iyong krimeng tinakbuhan ko kahit na hindi naman ako ang may sala.
Napakapit ako sa sandalan ng upuan ni Tita Linds. Maging siya ay tutok na tutok din sa balita.
"Is it your brother's case po?" usisa ng reporter.
"Sorry, I can't—" Umiling si Lance at saka ngumiti.
He is smiling, but his eyes—his ocean eyes that he gave to our daughter... those eyes were lifeless. I felt a pang in my chest.
Why? Why does it hurt me seeing him like that?
"Thank you for your time, but we have to go," singit ng babaeng kahawak-kamay ni Lance. Mabilis silang naglakad palayo sa mga reporter.
Pinatay ni Tita Linds ang TV at agad siyang tumayo sa harapan ko. Nakatikom ang bibig niya pero malilikot ang mga mata niya, tila inoobserbahan ako.
"H-He's back, Tita Linds... p-paano 'pag nalaman niya ang tungkol kay Zoe?" nauutal kong tanong.
Hindi ko na naisip kung kaso nga ni Landon ang aasikasuhin niya, kung hahanapin niya ako para idiin o para ikulong. Hindi ko na rin naisip maging ang tungkol sa babaeng ka-holding hands niya sa airport. Mas nilamon ako ng takot na magkatotoo ang panaginip ni Zoe. Natatakot akong kunin ni Lance sa akin ang anak ko.
"Gail... hinga," mariing utos ni Tita Linds. Doon ko lang napansin na humahagulgol na pala ako at nahihirapan nang huminga. I inhaled and exhaled intensely. Repeatedly.
"Gail, hindi niya malalaman ang tungkol kay Zoe, okay? Hinding-hindi siya makakalapit sa inyong dalawa, itaga mo 'yan sa bato, Maggie."
Napayakap ako kay Tita Linds nang bitawan niya ang pangakong iyon. Iniyak ko na lang ang lahat ng takot at kaba sa mga balikat niya.
***
Sa kitchen agad ako dumiretso pagpasok ko sa Café Amor. Kumuha ako ng ice cubes sa ref at pinagulong-gulong ang mga iyon sa namamaga kong mata. Ayokong humarap sa mga customers na mugto ang mga mata. Number one iyon sa mga paalala ni Ma'am Lia; dapat palagi kaming presentable at maaliwas ang mukha.
"Gail, nag-lunch ka na?"
Napaigtad ako nang marinig si Jasper, kasamahan kong barista sa café.
"Oo, s-sa bahay." I lied. Ayoko na kasing kumain ng lunch sa café. Not this week, at least.
"Sayang naman, may tira pa sa sinigang ni Sir Andrew!" At humagikgik pa siya.
This is probably the fourth day—apat na araw na kaming pinupurga sa sinigang ng asawa ng boss namin, si Sir Andrew. Ang sabi niya, pini-perfect niya ang recipe ng sinigang para kay Ma'am Lia at kami raw ang judge.
"Hindi pa rin ba tapos ang sinigang-serye ni Sir? Diyos ko, nangangasim na sikmura ko!" natatawa kong gatong sa usapan namin ni Jasper.
Muling bumukas ang pinto ng kitchen. Tinuyo ko ng paper towel ang mukha ko at agad na isinuot ang apron ko. Nakapamewang sa may pintuan si Ma'am Steph, best friend ni Ma'am Lia at co-owner ng Café Amor. May bitbit siyang maliit na package sa kaliwang kamay niya.
"Bakit na'ndito kayo pareho?"
"'Eto na nga, Ma'am Steph... e-exit na ako," sagot ni Jasper bago nagmamadaling lumabas ng kusina.
Napangisi naman si Ma'am Steph at saka lumapit sa akin. "For you, Gail. Hinatid ng courier dito kanina." Inabot niya sa akin ang package na naka-bubble wrap pa.
Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat. Pagkatapos noon, lumabas din agad siya ng kitchen.
Ilang segundo ko pang tinitigan ang package bago ako nagdesisyon na buksan iyon. My hands were jittery as I tried to remove the tape sealing the small cardboard box. Sumuko na lang din ako at ginamitan ko na ng cutter; pudpod na rin kasi ang kuko ko. Maingat kong inangat ang takip ng box. Ngunit kahit anong ingat ko, nahulog pa rin iyon sa sahig kasabay ng pagkahulog ng puso ko sa tiyan ko.
Inside the box are pictures from that night. That bloody night.
Nakahandusay sa carpet ng opisina niya si Landon—picture number one.
Tumatakbo ako palabas ng ancestral house nila, may bahid ng dugo ang puting damit—picture number two.
Kahit nanginginig ang mga kamay ko, agad kong pinagdadampot ang mga pictures at mabilis ko ring itinago sa bag ko.
Whoever sent those is telling me that I am a criminal, that I killed Landon. Whoever sent those is after me and my family... my Zoe.
Tumayo ang mga balahibo ko. Akala ko ligtas na kami rito. Akala ko hindi na ako masusundan ng bangungot ko.
"Gail, halika dali!"
Nabalik ako sa ulirat ng malakas na tawag ni Jasper. Hinawakan niya ang braso ko at iginiya ako palabas ng kusina. Hindi ko na nagawang kumontra pa dahil naglalaro pa rin sa isip ko ang mga larawang nakita ko kanina.
"Ah, here she is!"
Narinig kong masiglang sinabi ni Ma'am Steph. Nakatayo siya sa harap ng checkout counter at namimilog ang mga singkit niyang mata. Mahina akong itinulak ni Jasper papunta sa tabi ni Ma'am Steph. Nakayuko lang ako. Naguguluhan pa rin sa mga nangyayari at hindi ko sigurado kung nawala na ba ang pamumugto ng mga mata ko kaya hindi ko kayang mag-angat ng tingin.
Dalawang pares ng black leather shoes ang napansin kong nasa tapat namin ni Ma'am Steph.
"And this is Gail, Lance..." Narinig kong pagpapakilala sa akin ni Sir Andrew sa tinawag niyang Lance.
Lance? Kapangalan niya lang siguro. Iyon ang pilit kong isinuksok sa isip ko kahit na biglang nagwala ang puso ko.
Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko. Nakangiti si Sir Andrew samantalang ang lalaking katabi niya ay nakaawang ang mga mapupulang labi at namimilog ang mga matang kakulay ng dagat. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya umimik.
"Gail, huh?" he said with a playful smirk on his face.
Number one rule sa Café Amor, sabi ni Ma'am Lia, dapat palagi kaming presentable at maaliwas ang mukha. Kaya kahit parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil kaharap ko ang unang lalaking minahal ko na siya ring unang dumurog sa puso ko, at kahit naninikip ang dibdib ko dahil bigla akong binundol ng kaba, nginitian ko siya. Iyong ngiti na ilang beses kong prinactice kanina bago umalis ng bahay. That perfect, warm smile.
"Welcome po sa Café Amor... I'm Gail," I said as I stared into his ocean eyes—those ocean eyes that he gave to our daughter... the daughter that I swear he will never know about.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top