Chapter 27 - Home
Anak natin.
Ayon ang pagkakarinig ko sa pautal-utal na sinabi ni Papá kay Tiya Cristina.
Hindi agad ako nakapagsalita, parang may bumarang hangin sa lalamunan ko. Nanigas ang mga kalamnan ko at biglang nanikip ang dibdib ko. I couldn't even control my muscles. Ni hindi ko magawang ikurap man lang ang mga talukap ko.
Ako? Anak ako ni Papá sa kapatid ni Mamá? Anak ako ni Tiya Cristina? Anak ako ni Papá at ni Tiya?
Warm tears escaped my eyes. Iyon ang nagpabalik sa ulirat ko. Humugot ako nang malalim na hininga at marahas kong pinunasan ang naiwang lagkit ng mga luha sa pisngi ko.
Mula kay Papá ay inilipat ko ang tingin ko kay Tiya Cristina na parang naubusan na ng dugo sa mukha niya. She looked so pale and obviously nervous. Lumikot ang mga mata niya, halatang ayaw ng mga itong magpahuli sa mabigat at mapanghusga kong titig.
"Totoo ba? Totoo ba ang sinabi ng Papá, Tiya?" diretsong tanong ko sa kaniya.
Yumuko siya na para bang hinahanap niya sa sahig ang sagot sa tanong ko.
"Totoo ba, Tiya?"
She didn't answer for the second time. Wala akong ibang narinig mula sa kaniya maliban sa mga mahina niyang pagsinghot.
Nagsimula na ring ngumuyngoy si Papá na parang paslit na mas nakadagdag pa sa inis at galit na unti-unting sumasakop sa loob ko.
"Totoo bang anak niyo ako ni Papá?!" I shouted. My trembling voice craving for just one second that she will meet my gaze and answer me.
"Maggie... please, calm down," awat sa akin ni Lance. "Why don't we all sit down first," malumanay niya pang dagdag.
"No!" I protested. "Sagutin mo ako, Tiya! Anak niyo ako ng Papá?! Anak mo ba ako sa asawa ng ate mo?!"
Umalingawngaw ang nanunuya kong tanong sa malaking sala ng bahay ni Lance. And hearing my own question made my stomach churn.
Nakakadiri. Nakakadiri kung totoo!
Naramdaman ko ang kamay ni Lance na dahan-dahang inaabot ang nanginginig kong mga daliri, but I shoved him away.
Bigla na lang pumalahaw ng iyak si Papá. Napaatras ako dahil sa sobrang lakas no'n. Nakabuka ang bibig niya at walang tigil sa pagtulo ang laway niya.
Napaluhod si Tiya Cristina sa harap ni Papá at nagmamadali siyang pinunasan ang mga luha at laway nito.
"Mariano... na'ndito ako. Si Cristina 'to," mahinahong bulong ni Tiya kay Papá habang inaalo ang mga braso nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang alisin ni Papá ang kamay ni Tiya sa braso niya. He looked like he didn't want to be touched by her.
"Si Cristina 'to, Mariano..." mangiyak-ngiyak na pagpapakilala ni Tiya. "A-Ako 'to Mariano. S-Si Cristina 'to."
Paulit-ulit niyang hinahaplos si Papá at paulit-ulit lang din siyang tinataboy nito. Hanggang sa ikinulong ni Tiya ang mukha ni Papá sa mga palad niya.
My father's sobs faded out. Kumalma siya at sumibol sa mukha niya ang isang maliit na ngiti.
Idinikit ni Tiya ang noo niya sa noo ng Papá. At doon ko napagtanto ang sagot sa tanong ko.
I softly gasped as I watched them—their foreheads brushing together with smiles on their faces that ached my heart.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Parang pinagtaksilan ako ng mundo. Ang sakit palang malaman na kahit hindi pa ako nagtatago sa ibang pangalan, isang malaking pagpapanggap na pala ang buong pakatao ko.
"Asawa siya ng kapatid mo..." nanghihina kong saad.
Napatayo si Tiya Cristina at humakbang siya papalapit sa akin.
"Hindi ka ba kinikilabutan, Tiya? Inagawan mo ang sarili mong kapatid?!" singhal ko na nagpahinto sa mga paa niya.
"Maggie, don't say that to her," Lance blurted out. "She's still your mother..."
Napakagat ako sa labi ko. Nilingon ko si Lance. "So, alam mo rin, Lance? Kailan pa, ha?"
In his silence I already know the answer. I gave out a small chuckle. A bitter one.
"A-Alam mo nga?!" Tinaasan ko ng kilay si Lance. Ilang segundo kong ipinako ang mga mata ko sa kaniya, waiting for his confirmation, or any reaction, but I got nothing.
"Ang galing! Ang galing niyong lahat!" sigaw ko at sarkastiko pa akong pumalakpak. "Ang galing niyo!" Mabilis kong pinasadahan ng matalim na tingin si Lance at si Tiya.
"A-Anak... " nag-aalangang tawag ni Tiya.
"No! Don't call me that!" Napahakbang siya pabalik dahil sa sigaw ko.
"Kinikilabutan ako sa kababuyan niyo ni Papá! Nakakadiri kayo! Hindi na kayo nahiya kay Ma—"
Isang malutong na sampal galing kay Tiya ang nagpahinto sa boses ko.
Nangilid ang mga luha ko hindi dahil sa sakit ng sampal ni Tiya kundi dahi sa sakit sa puso ko. Lance held both my arms and gently brought me closer to him. Sinandal niya ako sa dibdib niya.
"I'm sorry... I'm so sorry, Galina. H-Hindi ko sinasadya," humihikbing saad ni Tiya.
I instinctively looked down, ayokong salubungin ang mga nagmamakaawa at sinungaling niyang mga mata.
"Alam kong galit ka, Galina. Pero maniwala ka... hindi ko inagaw ang Papá mo kay Ate Criselda. Hindi ko inagaw si Mariano," she calmly stated in between her sobs.
"Kinasal sila ni Ate dahil pinagkasundo sila ng mga magulang namin, kahit na kami ni Mariano ang magkasintahan..."
Napakurap-kurap ako sa rebelasyon niya. Marahan kong inangat ang mukha ko.
"At si Ate.... s-she's also with someone else. Natakot lang siyang itakwil ng mga magulang namin kaya pumayag siya sa kasal," pagpapatuloy ni Tiya habang malambot na nakatitig sa akin.
"Kinasal si Mariano at si Ate, pero kahit kailan hindi sila nagsama sa iisang kuwarto, kahit pa noong tumira na sila sa hacienda. Pinagpatuloy namin ni Mariano ang relasyon namin. At no'ng nalaman kong buntis ako, nagkasundo kami ni Ate na—" Napahinto siya saglit. Pinalis niya ang mga luha niya at malalim siyang bumuntong-hininga. "Nagkasundo kami na palabasing anak ka nila ni Mariano. Para iwas gulo, para hindi ako maging kahiya-hiya sa buong Sta. Isabel... to keep us safe... to protect us, Galina."
Nabasag ang boses ni Tiya Cristina at parang may kung ano ring nabasag sa dibdib ko nang makita ko kung paano niya sinusubukang pigilan ang muling pagbagsak ng mga luha niya. Ilang ulit siyang tumingala at panay rin ang pagsinghot niya. Pinapanood rin siya ng Papá na namumungay ang mga matang nakatitig kay Tiya.
"Pero may ilang matatabil pa rin ang dila sa Sta. Isabel. May mga bulong-bulungan pa rin..." mahinang tumawa si Tiya habang mabilis na kinukusot ang pagitan ng mga mata niya.
"Kaya ba hindi niyo 'ko pinapalabas ng hacienda noon? Ayaw niyong marinig ko ang mga sinasabi nila tungkol sa... sa magulong pamilya natin?" I asked as I took one step closer to her.
Tumango siya at mapait niya akong nginitian. "Patawarin mo ako, anak..." Dinampot niya ang mga kamay ko at mahigpit niyang hinawakan ang mga ito. "Believe me, sinikap kong maging isang mabuting ina sa'yo kahit na tiyahin lang ang turing mo sa 'kin. Ibinuhos ko ang pagmamahal ko sa 'yo, Galina. Mahal na mahal kita, a-anak..."
Tuluyan nang nag-unahan sa pisngi niya ang mga bagong luha.
At parang isang pelikulang sunod-sunod na nanumbalik sa isip ko ang mga alaala mula sa pagkabata ko. Si Tiya Cristina na tinuturuan akong sumulat at magbasa. Si Tiya Cristina na ginagamot ang unang gasgas sa tuhod ko nang minsan kong sinubukan akyatin ang gate ng mansyon. Si Tiya Cristina na binebendahan ang braso ko noong nahulog ako mula sa kabayo kong si Kidlat. Si Tiya Cristina na tinitirintas ang mahaba kong buhok habang naghahagikgikan kami sa balkonahe ng silid ko.
"I'm sorry, Galina. I'm so sorry, anak. Patawarin mo ang Mamá kung naging duwag ako noon. Patawarin mo 'ko..."
Binitawan niya ang mga kamay ko. Nabalot ng hikbi niya ang buong sala.
Tinago niya ang mukha niya habang unti-unting tinutupi ang mga tuhod niya. My lips parted when I realized what she's about to do. Luluhod siya sa harapan ko at ayokong masaksihan iyon. Hindi ko kaya paluhurin ang sarili kong ina.
"Huwag, Mamá..."
Kasabay ng basag kong boses ang maingat kong paghila sa kaniya upang itayo siya.
"You don't have to do that... M-Mamá."
Halos mahulog ang panga ni Tiya—ni Mamá, ng tunay kong ina sa narinig niya. Halatang nagulat siya sa itinawag ko sa kaniya. Her eyes that mirrored mine were drowning in tears.
"Mas... mas malala pa po ang nagawa ko sa sarili kong anak, Mamá. Pinagkait ko sa kaniya ang isang buong pamilya," my voice quivered. "I even gave her a fake family name. Until now, wala siyang kaalam-alam tungkol sa mga Dela Vega... sa totoong pinagmulan niya."
Napailing-iling na lang ako habang nakakuyom ang mga palad. Nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang mga luha.
"Anak, pagtutulungan nating ayusin, ha?" malambing na binigkas ni Mamá habang inilalagay niya sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok ko.
I slowly nodded and then I smiled at her. Isang malapad na ngiti ang gumuhit din sa mukha niya bago niya ako ikinulong sa mga braso niya.
Sabi nila, ang mga nanay daw ang ilaw ng tahanan, ngunit higit pa sila roon—higit pa kami roon. Dahil para sa anak namin, kami mismo ang tahanan nila.
And this warm hug is my home. Ilang taon ko ring hinanap-hanap ang ganitong pakiramdam.
Sa wakas, nakauwi na ako sa tahanan ko.
***
Mabagal kong pinihit ang doorknob ng pinto ng master's bedroom. It creaked open and I was greeted by the dim lighting. The entire room was painted with hues of blue and white. Minimalist ang theme na may kaunting tropical vibes dahil sa muwebles na halos lahat ay gawa sa kahoy at ratan. Kahit ang headboard ng kama na sinasandalan ni Lance ay yari rin sa rattan.
He was casually reading a book. Sa tingin ko nga ay masyado siyang naka-focus sa binabasa niya at hindi niya napansin ang pagpasok ko sa kuwarto. Nakasuot siya ng manipis na sandong puti, bakat doon ang muscles ng dibdib niya. He paired his top with gray sweatpants, bakat doon ang—
I swallowed hard to stop my thoughts. Pinasadahan ko ng palad ko ang suot kong puting pantulog. Then I spoke, "Lalabo mata mo niyan, Attorney. Ang dilim-dilim tapos nagbabasa ka?"
"Oh!" he uttered before closing the book. "Kanina ka pa, mahal?" tanong niya kasabay ng bahagya niyang paggusot sa buhok niya.
He smiled and patted the mattress of the king-size bed, gesturing for me to join him. I let out a shy smile before walking towards the bed.
"Mission accomplished?" he asked.
"Hmm... tulog na si Zoe," sagot ko at saka ko inilapat ang likod ko sa malambot na kama. "Medyo namamahay lang siya, mahal. Hindi kasi sanay 'yon na hindi kami magkatabi sa higaan."
Mula sa unan ay inilipat ko ang ulo ko sa dibdib niya. It was firm ang hard, but it was comfortable.
"And your parents?"
"Nagpapahinga na rin sa guest room. Ang dami pa sana naming pagkukwentuhan ni Mamá kaso ano'ng oras na rin." Malambing na sinusuklay ni Lance ang nakalugay kong buhok at nakayapos naman ang kanang kamay ko sa may tiyan niya. "Saka ayaw matulog ni Papá nang hindi kasabay si Mamá."
"That's sweet," komento niya bago niya hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Napangiti ako sa ginawa niya. This is the first time that we're going to share the same bed again after we separated. Hindi counted 'yong encounter namin sa hotel no'ng kasal nila Ma'am Lia. That was just pure embarrassment.
But then, my smile faded nang sumagi sa isip ko ang itsura ng Papá. "Naaawa ako sa kalagayan ni Papá..." wala sa sariling nabanggit ko.
His hands stopped brushing my hair. Inilipat niya ang kamay niya sa braso ko at mas inilapit niya pa ako sa katawan niya.
"I know an excellent neurologist. I can refer your father to him, if you want. For sure, makakatulong siya sa stroke at dementia ng Papá mo," he said with certainty.
I looked up and met his ocean blue eyes. "Thanks, Lance. Thank you for bringing them home," my voice cracked and I know that he noticed it.
"Of course, anything for your happiness, Maggie," he whispered under his breath before locking his gaze on my lips.
"Pero hindi mo sinagot ang tanong ko kanina—" dire-diretso kong winika na bahagyang nagpagusot sa noo niya.
He heaved out a sigh and furrowed his thick brows. "What is it now, mahal?"
"Kailan mo pa nalaman na si Tiya Cristina ang totoo kong ina? Bago pa 'yong sunog? Bago pa sila magtago sa abroad ni Papá?" seryoso kong tanong na nagpaseryoso rin sa mukha ni Lance.
Actually, not serious. The blue in his eyes softened, and the corners of his lips turned slightly downward. He looks... sad.
"That night—" He paused and then he gulped. Nakita ko ang paggalaw ng lalagukan niya. "Nalaman ko no'ng mismong gabing 'yon. That night when Landon was murdered."
"H-How?" I hesitated. Pero hindi ko kinalas ang mariiin kong pagtitig sa mga mata niya.
"Sa inyo ako dumiretso pagkagaling ko sa bahay. Hindi pa ako nakakarating sa mansyon niyo, nakasalubong ko na ang Tiyahin mo—ang Mamá mo, kasama niya ang Papá mo. They were in a hurry, both looking terrified. Then your mom asked me to give you her letter, and that's when she told me the truth about you," Lance explained, voice low.
"Letter?" I softly bit my lower lip. "Wait you mean... 'yong sulat na binigay sa akin ni Kuya Nathaniel, b-before I left home?"
Napakunot ang noo ko dahil sa kalituhan. "Paano napunta kay Kuya 'yon—"
"I gave it to him," he immediately responded, cutting me off.
Napanganga ako sa sagot niya. Inalis ko ang kamay kong nakayapos sa tiyan niya at nagmamadali akong umupo. Natataranta ring napaupo si Lance sa kama.
"Kung ikaw ang nagbigay no'n kay Kuya Nathaniel ibig-sabihin..."
"I called him that night," he replied quickly, his eyes darting away from mine as he rubbed his forehead in discomfort.
"P-Pagkatapos k-kitang ipagtabuyan sa kubo n-natin sa Calapan... y-you collapsed," he stuttered saying. I know that the guilt and regret still pains him.
"Tinawagan ko ang Kuya Nathaniel mo. I talked to him." He paused and moistened his lips.
Then, with a quiet, desperate shake of his head, he continued, "No. I—I begged him to keep you safe. To keep you away from me. Pinakiusapan ko siyang ilayo ka sa Calapan, to hide you, protect you. I instructed him not to update me on anything about you... and he followed through. He did it, Maggie. He did it perfectly." He gritted his teeth before he heaved out a deep sigh.
Yumuko siya at tinapunan niya ng tingin ang mga kamao niyang nakapatong sa kandungan niya.
"Pati nga ang tungkol kay Zoe, itinago niya sa akin." Pagak siyang tumawa.
"But I still found you," he said raspily.
He looked at me intently—deeply, as if he's staring into my very soul. And I did that too. Ilang segundo kong pinagmasdan ang dagat sa mga mata niya at ang pamumuo ng alon sa mga ito. I studied how the darkest shade of blue overpowered the peaceful hues of his iris. I will always be drawn to his eyes. They never failed to mesmerize me.
Dahan-dahan kong inilapat ang palad ko sa pisngi niya. His skin was surprisingly warm, kahit na malamig sa kuwarto.
"Lance... we are both found," I declared in a soft whisper, barely moving my lips.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin, at agad na bumilis ang tibok ng puso ko. But just as our lips were about to meet, I heard a soft knock on the door.
"Mama! Papa! I can't sleep, can I come in?"
"Zoe!" sabay naming bulalas ni Lance. Bumalikwas siya sa kama at nagmamadali niyang pinagbuksan ng pinto ang anak namin.
"Hi, Papa!" nakangiting bungad ni Zoe. Bitbit pa nito ang unicorn stuffed toy niya.
Lance effortlessly lifted her and carried her to our bed. Agad naman itong sumisik sa tagiliran ko.
"Bakit hindi ka makatulog, Zoe?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok niya.
Puwesto naman si Lance sa kabilang gilid nito, pinagitnaan namin si Zoe.
"I think because I'm just too happy today, Mama!" masiglang sagot ni Zoe.
"And why's that?" I asked, curious.
"Because I have you—Mama, and si Papa and si Lolo and si Lola and si Mamita and si Mr. Sparkles pa!" Namilog ang mga mata niya habang itinataas sa ere ang unicorn stuffed toy niya. Malakas namang natawa si Lance dahil doon.
"I love our new home, Mama!"
"I love it too, baby!" I said, playfully tapping the tip of her nose.
"And we love you, baby," masayang pagsingit ni Lance.
Sabay naming hinalikan ang magkabilang pisngi ni Zoe. Napabungingis naman ito at napuno ang buong silid ng mga hagikgik niya.
"One more kiss, please!" request pa nito na pinagbigyan naman namin ng Papa niya.
We brought our lips closer to her cheek, but this time, Zoe deliberately tilted her head lower.
Lumapat ang mga labi namin ni Lance sa isa't-isa.
I froze in surprise, and Lance's eyes widened, clearly just as startled. Walang sinuman sa aming dalawa ang nakaisip na magiging ganito kapilya si Zoe.
"Tsk... Cordelia Zoe?" Lance said, his voice a mix of teasing and playful warning as he mentioned our daughter's name.
"Ha-ha! Look, Mama, Papa's blushing," pang-aasar pa ni Zoe na mas lalong nagpapula sa mukha ng Papa niya.
Lance raised his hands dramatically, his fingers splayed like claws. "Rar!" he exclaimed playfully before tickling Zoe.
I watched them, my heart both light and heavy at the same time. Gumaan ito dahil nasagot ang mga tanong ko, at bumigat naman dahil umaapaw ito ngayon sa pagmamahal. Ganito pala ang pakiramdam.
Ganito pala ang pakiramdam ng isang buong tahanan.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top