Chapter 24 - Reunion

Warning: This chapter contains themes of bullying directed towards children. Reader discretion is advised.

"Miss! Patient Cordelia Zoe Thomas?! Saan siya?" natatarantang tanong ni Lance sa nurse na nasa reception desk ng emergency room.

Sa gulat ng nurse sa malakas na boses ni Lance, napaatras pa ito bago muling lumapit sa computer monitor sa tapat niya.

"Kaano-ano niyo po ang pasyente?"

"She's my daughter," Lance quickly answered back.

Biglang tumalon ang puso ko nang marinig iyon. Suddenly, an image of him snuggling a newborn version of Zoe flashed through my mind. I couldn't help but imagine what kind of father he must have been... kung hindi lang nangyari ang gabing 'yon.

"W-Wala pong 'Thomas'," mabagal na sabi ng nurse habang nagtitipa pa rin sa keyboard at nakatitig sa screen.

"Ah, Miss, sorry!" bulalas ko. "Ortiz po pala—Ortiz po 'yong apelyido. Cordelia Zoe Ortiz po 'yong hinahanap namin. Na'ndito po ba siya?" kalmado kong tanong.

"R-Right. Ortiz nga pala si Zoe," nakayukong bulong ni Lance sa sarili.

Pinunasan niya ang namumuong pawis sa noo niya. Then he frantically tapped his fingers on the marbled desk. Mabigat rin ang paghinga niya. I could hear each inhale and exhale. He was so calm earlier before getting here. Ako 'yong halos hindi makagalaw kanina sa sobrang kaba.

"Can you search faster, Miss?" His voice is now more demanding. Ipinatong niya ang siko niya sa desk at itinagilid pa ang ulo niya para silipin ang screen ng monitor.

"Lance..." mahina kong tawag sa kaniya na hindi niya pinansin. Pinipilit pa rin niyang silipin ang kung anumang tina-type ng nurse sa screen.

"Lance, it's okay." Hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamao. Pinagpapawisan siya, pero malamig ang balat niya.

Napatingin siya sa akin. Nagtama ang mga paningin namin at malambot niya akong tinititigan.

"S-Sorry, I was just worried," pag-amin niya, kasabay ng malalim na pagbuntong-hininga.

"I know. I know, Lance." Mapait akong ngumiti sa kaniya. "But Zoe's okay... she's so much braver than you think..." bahagyang nabasag ang tinig ko.

Hearing my voice crack made me realize how scared I was. Palagi naman akong takot pagdating kay Zoe, pero iba ngayon. Lalo na't pakiramdam ko mas delikadong makita ng kung sinumang pumatay kay Landon na magkasama kami ngayon ni Lance.

"Maggie, your hand is shaking..."

Tinapunan niya ng tingin ang kanang kamay kong nakapatong sa kamao niya. It is indeed shaking uncontrollably.

Aalisin ko na sana ang nanginginig kong kamay pero bigla niyang tinaob ang palad niya at pinagsalikop niya ang mga daliri namin.

"W-We're okay, mahal ko." He forced a smile on his face and held my hand tightly.

Inangat niya ang magkasalikop naming mga kamay at inilapit niya sa bibig niya. "We're okay," he whispered as he kissed the back of my hand.

Mahinang umubo ang babaeng nurse at sabay kaming napatingin sa kaniya. "Nasa room 107 po 'yong anak niyo," nakangiting balita niya sa amin.

***

Sumisiksik sa ilong ko ang amoy ng ospital—amoy alcohol, amoy gamot. Hindi pa rin binibitawan ni Lance ang kamay ko, kahit ramdam kong namamawis na ang palad ko sa kaba. I wanted to withdraw my hand, pero habang papalapit kami sa kuwarto ni Zoe, mas lalo pang humihigpit ang hawak niya.

Then we stopped walking. I took a deep breath as we stood in front of the blue hospital door.

"Mahal..." His thumb gently caressed my knuckles. "Are you okay?" he asked with a serious yet affectionate tone.

"Hmm..." Tumango ako at pilit ko siyang nginitian.

Using his free hand, he lightly knocked on the door, and then I heard the doorknob rattle. I inhaled deeply, forcing air into my lungs.

Bumukas ang pinto at sinalubong kami ni Teacher Irish. Nakakurba ang mga kilay niya pati na rin ang mga labi niya.

"Mommy Gail..."

"Si Zoe po?" bungad ko.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Pumasok na ako sa loob, dragging Lance with me.

Hindi pa ako nakalalayo sa may pintuan, nakita ko na agad si Zoe na nakahiga sa kama, sleeping like a doll. Nakasuot siya ng itim na arm sling. Nakasabit ang strap noon sa kanang balikat niya, nakasampay naman sa sling ang kaliwang braso niya at may malaking gasa sa noo niya.

She's hurt. Physically hurt. Parang may biglang pumiga sa puso ko. Bumigat din ang mga mata ko dahil sa mga nagbabadyang luha. Tumingala ako at suminghot para pigilan ang pagbagsak ng mga ito.

Naramdaman ko ang pagbitaw ni Lance sa kamay ko. Narinig ko ang paghakbang niya pabalik at ang mahina niyang pagmumura.

"W-Who d-did t-that?" he stuttered. I instinctively looked back at him.

Mulat na mulat ang mga mata niya at nag-iigting ang panga niya. Mabilis na tumataas-baba ang dibdib niya. His neck is turning red, as if the rage within him was too much for his fair skin to contain.

"Mama? Mama, is that you?"

Nangibabaw ang maliit na tinig na 'yon sa buong silid.

Kusang gumalaw ang mga paa ko. Tumakbo ako papalapit kay Zoe. Halos liparin ko na ang may tatlong dipa pang pagitan mula sa may pintuan at sa kama niya.

Sa malapitan, mas nakapanghihina ang itsura niya. May ilang maliliit na gasgas sa pisngi niya at may kalmot din siya sa leeg. Para akong nabuwal at napaupo na lang sa tabi niya.

"M-Mama?" Tinitigan niya ang mukha ko at bigla na lang siyang pumalahaw ng iyak. Binalot ko siya sa mga bisig ko.

I hugged her just like the first time that I hugged her when I gave birth to her—gentle yet firm, a silent promise that I would always protect her. 'Skin to skin,' that's what they called it—unang yakap ng nanay sa anak niya. But from that moment on, I know that it was more than just our skin touching—it was our hearts. Malakas din ang pag-iyak niya noon, pero huminto din siya agad nang marinig niya ang boses ko.

At ngayon, boses ko rin ang nagpatahan kay Zoe. "Baby, na'ndito na si Mama... M-Mama's here, my love..."

Nakasubsob sa dibdib ko ang mukha niya. Naririnig ko ang unti-unting paghina ng mga hikbi niya.

"I'm so-sorry, Mama... sorry, Mama," she whispered in between her fading sobs.

A sharp ache spread through my chest, making it hard to breathe as I held her close.

"Naabutan ko po silang nag-aaway sa playground kaninang recess," pagsingit ni Teacher Irish.

Napasulyap ako sa kaniya habang yakap-yakap ko pa rin si Zoe at banayad na sinusuklay ang kulay-kapeng buhok nito gamit ang mga daliri ko.

"Nabalian po ng braso si Zoe..." pagpapatuloy ni Teacher Irish. "Then 'yong tatlong batang nakaaway niya, puro kalmot sa mukha at braso—"

"Tatlo?!" pasigaw na tanong ni Lance. Nagmamadali siyang lumapit sa guro.

"T-Three kids against her?!" He scoffed, his voice dripping with irritation. He crossed his arms and exhaled sharply. "Ano po ba'ng ginagawa niyo at hindi niyo nabantayan ang mga bata?"

"Lance!" awat ko sa kaniya.

Napayuko si Teacher Irish, parang tupa na kayang lamunin ng malaking leon. "I-I was with another pupil po... s-sinamahan ko papuntang restroom," kinakabahang pagpapaliwanag niya.

"S-Sorry, Mama... it's my fault."

Napatingin kami kay Zoe nang marinig iyon. Inangat ko ang mukha niya at mabilis kong pinunasan ang basa niyang pisngi.

Dahan-dahan siyang lumingon sa gilid niya. "T-Teacher, can I speak to my Mama, alone?" she asked politely, her small voice cutting through the tension.

Hindi agad nakasagot si Teacher Irish. Kahit ako ay nagulat din sa request ng anak ko. "Y-Yes, of course, Zoe. Lalabas na lang muna si Teacher," nakangiting tugon nito sa anak ko.

Lance started to walk towards the door too, but Zoe halted him. "You can stay, Tito Lance. Friend ka naman ni Mama, eh!" she cheerfully exclaimed.

Sinilip niya ang pinto at nang makita niyang nakalabas na ang teacher niya, binalik niya ang pansin niya kay Lance. "I know I can trust you with my feelings," pabulong niyang dagdag.

For a while, she looked so happy. Innocent and playful. Like how a six-year-old should be. Pero nang ituloy niya na ang kuwento niya, nanumbalik na naman ang lungkot sa mukha niya.

"It's my fault, Mama. I didn't listen to you." Her tiny voice trembled, halos hindi ko iyon marinig. "'Di ba, you said before, it's bad to hurt other people, e-even if they hurt us first?" Her blue eyes widened as she looked up at me as if she was waiting for my confirmation.

I nodded slightly. "Yes. B-Bakit Zoe? What did they do to you?"

"They pushed me on the playground... malapit sa slide." She paused and then she looked down. "H-Hindi naman masakit 'yon, Mama. Nasugatan lang ako dito..." Tinuro niya ang noo niyang may gasa. "Pero hindi naman masakit, Mama. I-I was about to run away, to ignore them, b-but..." Her voice cracked, and she sniffled. "...but they said mean things about us, that's why I fought back!" She burst into tears.

I gently brushed my hand along her back. "W-What did they say?" I steadied my voice, trying to mask my own pain.

"T-They said, Papa hates us so much t-that's why he left us. T-That you're a bad mom b-because you can't make Papa stay..." She choked on her sobs, her shoulders shaking with the weight of her pain. "And... and they make fun of my eyes b-because they're blue."

Itinago niya muli ang mukha niya sa dibdib ko. Wala akong magawa kundi ang paulit-ulit siyang aluin kahit ang totoo ay parang sasabog na rin ang mga luha ko. "A-Alam mo namang hindi totoo 'yong mga sinabi nila, right? Zoe?" Tumango-tango lang siya.

"I-I..." she mumbled. "I hate Papa!" she shouted furiously. Ramdam ko ang galit sa nanginginig niyang balikat at boses.

"I hate him so much!" she repeated as she lifted her head, her face flushed with anger, glistening with tears. "They're so mean to me because wala siya. Because wala akong Papa!"

Muli niyang isiniksik ang ulo niya sa dibdib ko, at umatungal siya nang ubod ng lakas.

Wala sa sariling napatingin ako kay Lance na nakatayo sa gilid ng kama ni Zoe. Kagat-kagat niya ang labi niya habang nag-uunahan sa pisngi niya ang mga luha. Nakakuyom ang kaliwang kamao niya habang ang kanan naman ay mahinang kinakatok ang dibdib niya.

He's breaking down in front of me, yet he's making sure that he's not making any sound. Halatang ayaw niyang marinig o makita siya ni Zoe. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa anak namin.

"I'm so sorry," he mouthed, his lips barely moving.

He closed his eyes as an attempt to stop his tears, but he failed. Mas lalo lang bumuhos ang luha niya.

Mahina siyang napasinghap. Pero desperado siyang itago ang ingay ng mga hikbi niya, inangat niya ang dalawang kamay niya at itinakip ang mga ito sa bibig niya. Kitang-kitang ko ang pagtaas-baba ng mga balikat niya habang nakapikit siya at tahimik na umiiyak.

God, what did I do to deserve this? Parehong nasasaktan ngayon ang dalawang taong pinakamamahal ko.

Hindi ganito. This is not the kind of reunion that I dream of. I know it'll be painful, but not like this. This is... this is torture.

***

Nakaunan sa kaliwang braso ko si Zoe habang mahimbing itong natutulog. Napagod na ang mga mata niya sa kaiiyak kanina. Kababalik lang ni Lance galing sa labas, bumili ng hapunan namin.

Maingat niyang ipinatong ang brown paper bag na may tatak ng paboritong fast food chain ni Zoe sa ibabaw ng lamesa.

"Favorite niya 'yan," I commented, trying to lighten his mood.

Nakangiti siyang humarap sa akin. "I know, Maggie. I've done my research," he answered proudly. Mas maliwanag na ang mga mata niya ngayon kaysa kanina. "I also bought her favorite ice cream." Nilabas niya mula sa bag ang isang pint ng chocomint flavored ice cream.

"Thank you, Lance," mahina kong sagot pabalik, making sure that I wouldn't wake up Zoe.

Marahan kong hinila ang kaliwang braso ko mula sa ulohan niya at saka ako umupo sa tabi niya.

"I wanted to file a case," Lance said out of nowhere. "...against the school management," he added as he walked towards the bed.

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. "S-Seryoso ka ba? Palalakihin mo lang 'yong gulo."

"No, Maggie. It's not like that." Dumiin ang tingin niya sa akin. "There's a law mandating that primary and secondary schools should establish anti-bullying mechanisms—R.A. 10627. Clearly, Zoe's school failed to do that," he stated, his voice firm and resolute. Parang walang lugar ang pakikipagdebate sa kanya.

"Lance, hindi no'n masosolusyonan ang problema natin." Inabot ko ang kanang kamay niya at ikinulong ito sa mga palad ko. "Please, let's not resort to that..."

Hindi siya umimik. Mukhang hindi gumana ang paglalambing ko.

"People will keep hurting her because of us, Lance." I let go of his hand. "Dahil galing siya sa broken family," my voice quivered.

"Kasalanan natin, Lance," I declared as I darted my eyes away from him.

He slouched and then gently touched my cheeks. "No. Kasalanan ko, Maggie." His words slurred as he planted a feathery kiss on my cheeks.

"Oh shocks! You kissed my Mama!"

Napabalikwas ako sa malakas na sigaw ni Zoe. Namilog ang mga mata ko at halos lumuwa rin ang mga mata ni Lance. Nakahiga pa rin si Zoe sa tabi ko, pero gising na gising na siya. Nanlilisik ang mga mata niya habang salitan niya kaming tinitingnan ng Papa niya.

"Why did you kiss my Mama, Tito Lance?!" She propped herself against the headboard. Tinaasan pa niya ng kilay si Lance. "Answer me, Tito Lance!"

"Zoe, baby.... Mama can explain," my voice is almost pleading, but Zoe is not buying it.

"Why did you kiss my Mama?"

"Because I love her," malakas na sagot ni Lance.

Gumusot ang maliit na mukha ng anak ko. Takang-taka sa sagot ng ama niya. Parang nahulog ang puso ko, nagtatalo na ang kaba at kilig sa loob ko.

Lance slowly sat at the edge of the bed, directly across from me and Zoe.

"I love your Mama so much... just like how I love you, my Cordelia Zoe... my baby," naluluhang sabi ni Lance habang nakapako ang mga mata niya kay Zoe.

"P-Papa?" Zoe asked softly, tears brimming in her eyes.

"Yes, anak. I'm your Papa," he replied, a tender smile breaking across his lips.

Umalingawngaw ang malakas na pag-atungal ni Zoe sa buong silid. Bumaha ang luha sa mga mata niya, pero hindi siya nagsasalita. Panay lang ang hagulgol niya habang nakatingin kay Lance.

Aligaga namang tumayo si Lance mula sa kama. Agad ko namang hinawakan sa braso si Zoe, brushing her small, injured left arm tenderly, offering comfort. But she wouldn't stop wailing. My heart broke seeing her like this... Zoe was never a big crier. She was a tantrum factory, but she never cried like this.

Pulang-pula na ang mukha niya, lalong-lalo na ang gilid ng mga mata niya. Some strands of her wavy hair were sticking to her neck. Isa-isa kong inalis iyon habang patuloy pa rin sa pag-alo sa kaniya.

"L-Lance... I think you should go." Mabilis kong sinulyapan si Lance na nakatulala lang habang pinapanood ang pagpalahaw ni Zoe. "Umalis ka muna, Lance. This... this is too much for her," garalgal kong pakiusap sa kaniya.

I didn't hear any response. He just turned his back and slowly stepped away from the bed. Wala pa ring hinto sa pag-iyak si Zoe, pero nang malapit na si Lance sa pinto, isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya.

"Papa, wait!" Halos patalon siyang bumaba sa kama at mabilis na tumakbo papunta kay Lance—sa Papa niya. Ni hindi ko man lang siya napigilan dahil sa sobrang liksi ng kilos niya.

Iniyapos niya ang kanang braso niya sa hita ni Lance. "Papa... I take it back. I take it back na, Papa!" Humihikbing sigaw ni Zoe. "I don't hate you. I don't hate you, Papa!"

I could see Lance's shoulder shaking. I knew he was crying too. I could hear his soft sobs.

Slowly... carefully, he faced Zoe while desperately wiping his own tears. Lumuhod siya sa harap ng anak namin na panay pa rin ang nguyngoy habang nagkukusot ng mga mata.

"Papa, I-I won't get into f-fights. I will b-behave na. I-I promise." Sininok na si Zoe dahil sa labis na pag-iyak. "J-Just d-don't l-leave us anymore, Papa. P-Please, Papa Lance." Namamaos niyang pagmamakaawa sa Papa niya.

Lance broke down in tears as he gently pulled Zoe in and wrapped his arms around her. Hindi ko napansin na tumutulo na rin ang mga luha ko habang pinagmamasdan silang dalawa.

"I'm not going anywhere, my love," Lance promised with his trembling voice. "Papa's here, Zoe, tahan na... tahan na, anak." And just like that, Zoe's sobs faltered.

Pinalis ko rin ang mga luha ko habang unti-unting gumuguhit sa mga labi ko ang isang maaliwalas na ngiti.

"I'm sorry, I'm so sorry, baby. Y-You waited so long..." Lance whispered hoarsely, his voice laced with guilt, his hands gently stroking Zoe's back.

They hugged each other tightly, no one wanting to let go, as if making up for the lost years.

Lance looked at me, with hope brightening his ocean eyes. Inangat niya ang kaliwang palad niya sa akin. I slowly walked towards him and Zoe... towards my family. I took his hand, and felt the strength of his grip as he gently welcomed me into their embrace.

Hindi ko alam kung ano'ng tawag sa ganitong pakiramdam, na parang hindi na ako si Gail at hindi na rin ako si Maggie. I feel like I am someone new... someone whole, and someone loved.

***

MsLynLuna

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top