Chapter 23 - Game
Pagpasok namin sa conference room, agaw-pansin kaagad ang glass writing board sa harapan na may nakadikit na mga pictures. Hindi ko inaalis ang tingin ko roon habang marahan akong umuupo sa pinakadulong upuan ng ten-seater wooden table na nasa gitna ng silid.
Nakita ko ang picture ni Mamá at ni Hugo sa board; mukhang naglalakad sila sa tabing-dagat. 'Puerto Galera' ang nakasulat malapit sa kuha nila. Sa gilid noon ang picture ni Henry Saldivar, nakababatang kapatid ni Hugo. Nakatayo siya sa gitna ng stage at tila nangangampanya. 'Calapan' naman ang nakalagay sa baba ng picture niya. At ang huli kong napansin ay ang larawan ng isang matandang lalaki, siguro ay nasa 60 na ang edad. Nakatayo ito sa tabi ng isang poste malapit sa kalsada. 'Busay, Cebu' ang nabasa ko malapit sa picture niya.
I don't know the old man, but I was somehow drawn to his picture. Suddenly, a name popped up in my mind—si Mang Felipe. Nabanggit ni Kuya Nathaniel noon ang tungkol sa caretaker nila Lance sa ancestral house nila sa Sta. Isabel. Baka siya iyon at baka may malaking ambag siya sa kaso ni Landon.
"Let's go, Flor. Pizza is here..." Napalingon ako kay Kath na may tina-type sa cellphone niya. Nakatayo siya sa may pintuan. "Kunin natin sa baba."
Si Flor naman na paupo na dapat sa tabi ko ay biglang napatayo. "O-Okay, Attorney," malakas na sagot niya kay Kath.
Inilapag niya sa ibabaw ng lamesa ang welcome banner na hawak niya kanina at saka mabilis na lumapit kay Kath. "Sumama ka na rin kaya, Hon?" yaya niya kay Angelito na kasalukuyang nakatayo malapit sa aircon, at panay ang pindot sa remote nito.
"Ah... s-sige," mabagal nitong sagot na para bang napilitan lang. Sinulyapan niya si Lance na kauupo pa lang sa tapat ko.
"You too, Felix! Sumama ka na rin para may taga-bitbit ng drinks."
Mahinang natawa si Felix sa request ni Kath. "Six hands? Hindi niyo pa ba kaya iyon, Kath?" nakangising sabi niya habang inuusog ang leather office chair sa tabi ni Lance.
Pinaningkitan siya ng mga mata ni Kath. "We're wearing heels; what if madapa kami sa hagdan?" Inangat ni Kath ang kaliwang paa niyang may suot na black slingback heels.
"May elevator naman," sagot ni Felix sabay upo sa tabi ni Lance.
"W-What if mag-brown out?" biglang tanong ni Flor.
"May generator ang buong building," balik ni Felix. Ngumisi siya at sumandal sa upuan niya.
"Tsk! Just go, Felix!" iritadong utos ni Lance.
Lahat kami ay napatingin sa kaniya. His jaw clenched while he was rubbing his forehead.
"Give us the room, please," he said in an authoritative but shaky voice.
Tumayo si Felix at tinapik ang kaliwang balikat ng pinsan niya. "Take it easy, Lance," bulong niya. "Hindi naman mawawala si Maggie." He smirked at me and then he walked out the door.
***
Parang may dumaang anghel nang kaming dalawa na lang ni Lance ang natira sa loob ng conference room. Isang beses ko lang siyang sinulyapan, pagkatapos ay ibinalik ko na ang atensyon ko sa mga litratong nasa glass writing board.
He cleared his throat. Maybe an attempt to lift the thick air between us, o baka para ibaling ko ang pansin ko sa kaniya.
Binasa ko ang labi ko at humarap ako sa kaniya. Matapang kong sinalubong ang mga mata niyang kakulay ng dagat na mukhang kanina pa pala nakapako sa akin.
"So..." mahinang panimula ko. "Who's the guy?" diretsong tanong ko.
"H-Huh?" tanong niya pabalik.
"'Yong lalaking nanutok sa 'yo ng baril... do you know him?"
Huminga siya nang malalim. Nakita ko ang paggalaw ng malapad niyang dibdib.
"I don't know him, Maggie." Umiling siya at saglit na napapikit. "I- I didn't look at him. Hindi ko na naisip lumingon. I was focusing on you—watching you. Too scared that I might say or do something that will trigger him." Buong-buo ang boses niya at hindi niya rin kinakalas ang tingin niya sa akin. Batid kong nagsasabi siya ng totoo.
Nilapit ko ang upuan ko sa lamesa. "Ano ba'ng eksaktong sinabi niya sa 'yo?"
"May tinanong siya sa 'kin..." He gulped. "...and with his question, I already knew what was happening that night. I knew that we were being played." His ocean eyes changed; his eyelids slightly raised, his pupils dilated, and he looked... scared.
Ipinatong ko ang mga siko ko sa lamesa. Unti-unti ring bumibilis ang pulso ko, hindi ko alam kung dahil sa takot na nakapinta sa mukha ngayon ni Lance o dahil sa takot na baka hindi ko kayanin ang mga susunod na sasabihin niya.
"A-Ano'ng tinanong niya sa 'yo?"
He took one deep breath. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng mga balikat niya, then he spoke. "'Ano'ng nakita mo? Nakita mo bang pinatay ng girlfriend mo ang kuya mo? O nakita mong bangkay na rin siya kagaya ng kuya mo?'"
Napasinghap ako at parang huminto sa pagtibok ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko man gustong isiksik sa utak ko ang posibilidad na baka namatay rin ako ng gabing iyon, na walang kaalam-alam na ipinagbubuntis ko na pala si Zoe, pero hindi ko malabanan ang takot na bumalot sa akin.
Biglang nanginig ang mga daliri ko. Mabilis kong itinago ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa dahil ayokong makita iyon ni Lance.
"P-Pinili mo 'yong una, Lance?"
He nodded slowly. "Oo, Maggie. I stuttered saying 'Maggie killed my brother' then the gunman started to laugh." He gritted his teeth and then he exhaled sharply.
"H-He kicked me in the back. Napadapa ako sa lupa. Then I saw you running away from our house. And I... I felt relieved and terrified at the same time," he said, almost catching his breath.
Sumandal siya sa upuan niya. Itinapon niya ang tingin niya sa gilid niya at mabagal niyang hinilot ang sentido niya.
"L-Lance, we can stop if this is too much." Sinubukan kong gawing malambing ang boses ko, to offer him comfort. Alam ko ang pakiramdam sa tuwing babalikan ang gabing iyon.
He placed both of his hands on the table as he leaned closer. "I can manage, Maggie." Isang maliit na ngiti ang umusbong sa mga labi niya na nagpahinto naman sa panginginig ng mga kamay ko.
"Whoever killed my brother is so much more powerful than us. He's smart too." His forehead creased. "For his game to work out as he planned... you and I have to be there at the exact moment he wants us to be," he continued, his voice low and tense.
Mahina akong bumuga ng hangin para pakawalan ang namumuong tensyon sa dibdib ko. Tanging mga Saldivar lang ang naiisip kong kayang gumawa no'n, pero palaisipan pa rin sa akin kung paano nila nagawa.
"Si Hugo ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin si Lance. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa lamesa at pinagsalikop ang mga ito.
"It's not him, Maggie," he answered with certainty.
Hindi ko alam kung bakit parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni Lance. Kung hindi si Hugo ang salarin, ibig-sabihin ay nagsasabi ng totoo si Mamá, na wala siyang binabalak na gawing masama sa akin... sa amin ni Zoe.
"But I'm sure he knows something," he said, his voice steady. "The man we're looking for is obviously working with someone else, Maggie."
His expression grew serious. His brows furrowed and he tightly pressed his lips. Tumuwid din siya ng pagkakaupo niya at kumalas ng tingin sa akin.
"His game is elaborate." He paused and shifted back his gaze on me, intently. "Landon gets killed, your mansion gets burned, I will pin you for a crime you never did, and you... you will loathe me forever."
"I don't!" sigaw ko na ikinatulala niya. "I-I don't loathe you, Lance." Nabasag ang boses ko at parang bumigat rin ang talukap ko. "P-Pero sana... sana sinabi mo sa akin ang lahat ng 'to no'ng gabing 'yon. P'wede naman nating pagtulungan, Lance." Mabilis akong yumuko nang maramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko.
"S-Sana sabay na lang tayong umalis no'n. N-Nabigay ko sana k-kay Zoe ang pangarap niyang b-buong pamilya." Ilang patak ng luha ko ang sunod-sunod na tumulo sa ibabaw ng lamesa.
"Maggie..." pabulong niyang tawag sa pangalan ko. "You don't understand, I have to push you away to keep you safe. Alam kong babalikan ka nila kung hindi ka lalayo sa Calapan. Hindi ka ligtas kung magkasama tayo... at alam kong iiwan mo lang ako kapag sinaktan kita." His tone is almost pleading. At kahit gustong-gusto ko siyang tingnan, nanatili lang akong nakayuko habang humihikbi.
"I have to act upon what I said I saw that night. Kailangang paniwalain ko sila. I have to play the game... that's the only way to catch the culprit and the only way to keep you alive." His voice is trembling yet firm.
My breath hitched when I felt his warm hands reaching for my shaky hands. Nag-angat ako ng mukha sa kaniya. Nangingilid na ang mga luha sa mga namumungay niyang mata.
"I-I almost lost you too that night, Maggie... ikaw at ang anak natin. I a-almost lost everything that night." Basag na basag na ang boses niya at parang nabasag din ang puso ko nang tuluyang dumulas ang kanina niya pa pinipigilang mga luha.
Napayuko siya at mabilis niyang pinunasan ang pisngi niya. Tumayo ako mula sa upuan ko. I harshly wiped my tears too. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod ng upuan niya. Naririnig ko pa rin ang pagsinghot niya at ang pigil niyang paghikbi habang nakatago ang mukha niya.
I slightly bent and embraced him from behind. Mahigpit kong kinulong sa mga braso ko ang mga balikat niya. I heard him gasp softly.
"Lance... I'm here," I whispered. Nakapatong ang ulo ko balikat niya.
I could have said something more, something grand, but that's the first thing that I wanted him to feel. Na nandito na ako... na nandito lang ako at hinding-hindi na mawawala ulit.
Naramdaman ko ang pagbagal ng paghinga niya at unti-unti ring humina ang mga hikbi niya. I felt his warm palms slowly brushing my arms as he sniffled.
With one swift and smooth motion, he pulled me into his lap. My heart skipped a beat, but I managed to whisper his name raspily. "Lance..." I swallowed hard. Isinampay ko ang nanlalambot kong kanang braso sa leeg niya.
He cupped my flushed cheeks with his right hand. While his left hand was pressing my thigh for support.
"This is Maria Galina Dela Vega, Lance..." he started to mumble to himself. "The woman of your dreams, the mother of your child..." He stroked my cheeks with his long fingers. "Your strength..." He brushed the tip of his nose to mine. "...and your weakness." His lips crawled to my forehead.
"Her deep brown Spanish eyes haunted you for years, still haunting you..." he whispered huskily as he stared at me. "And her lips... you'll crave forever." He kissed the corner of my mouth. Sinadya niyang hindi ilapat ang mga labi niya sa mga labi ko.
Binabaliw niya ba ako?
"And this..." Ipinatong niya ang palad niya sa may gitna ng dibdib ko, malapit sa dumadagundong kong puso. "If she's willing to give it to me again, I promise I will never ever break it," he said, full of sincerity.
"Maria Galina Dela Vega, will you be mine again?" His voice filled with longing, and as his eyes flickered, a tear escaped his eyes, but he ignored it.
"Yes!" I responded without thinking because I don't need to.
Alam kong siya pa rin.
Alam kong siya lang.
Kusang naglapit ang mga mukha namin. Humigpit ang hawak ng kanang kamay niya sa hita ko. Mula sa dibdib ko ay gumapang sa leeg ko ang kaliwang palad niya.
"Mahal na mahal kita, Maggie," mabagal niyang usal.
Ngumiti ako bago sumagot sa kaniya. "Mahal na mahal din kita, Lance." Muling nahulog ang mga luha ko, pero hindi ko rin pinalis ang mga ito.
Lance claimed my lips. It was a slow, gentle, delicate kiss. I could hear our steady breathing as we sealed each other's mouths. I could taste our tears.
His grip on my neck tightened as he pulled me in closer. Parang hindi pa sapat sa kaniya na wala na ang distansya sa pagitan naming dalawa. Parang kulang pa ang mainit at maalat na halik na pinagsasaluhan namin.
Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kaliwang kamay ko at kusang bumaba iyon sa dibdib niya. Magkadikit pa rin ang mga labi namin habang abala ako sa pagtatanggal ng butones ng pang-itaas niya.
He let out a soft groan when I rested my hand on his hard chest. Halos umangat ang palad ko sa lakas ng tibok ng puso niya.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napaungol ako nang maramdaman ko ang basa at mainit niyang labi sa likod ng tainga ko. Mula sa hita ko ay naglakbay na sa puson ko ang kaliwang kamay niya.
"L-Lance... b-baka pabalik na sila..." Hirap na hirap akong bigkasin ang mga salitang iyon dahil sa ginagawa niya sa akin.
"Hindi na sila babalik, Maggie..."
"H-Ha?" nauutal kong tanong. Halos hindi ako makapagsalita dahil pinipigilan ko ang paghalinghing ko.
He stopped kissing my neck and then he chuckled softly.
Napatili ako nang walang kahirap-hirap niya akong ibinaba mula sa kandungan niya. Pinaharap niya ako sa lamesa. Tinulak niya ang upuan palayo sa amin at tumayo siya sa may likuran ko.
Inilipat niya sa harapan ko ang mahaba kong buhok na nakalugay sa likod ko. He kissed my exposed nape.
I gasped because of what he did. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kusa akong napapayuko habang gumagala ang mga labi niya sa batok ko. Ibinaba niya ang zipper ng dress ko. Napakapit ang dalawa kong kamay sa gilid ng lamesa.
He then slowly traced my spine with his warm lips. With every touch, I feel my cheeks burning. Para akong nakukuryente sa ginagawa niya.
"God, I miss you, Maggie..." His mouth is now on my shoulder blade.
Naramdaman ko ang pagdikit ng dibdib niya sa likod ko. I also felt something hard pressing against me from the back.
Is that his—
Nabura ang iniisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Lance was still showering my neck with his disarming kisses. Bahagya siyang umatras at muli niyang hinalikan ang likod ko. He unclasped my bra with his mouth.
"L-Lance... m-may tu-ma-ta-wag..."
"Answer it, Maggie..."
Napalunok ako.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya?
"Put it on loudspeaker," dagdag pa niya. His hands are now inside my dress, gently playing with my peaks.
Nakapanghihina ang ginagawa niya sa akin, pero gusto ko ang ganitong Lance. Gustong-gusto ko. I did what he told me, dinukot ko ang tumutunog kong cellphone sa bulsa ng dress ko.
I shut my lips together as I pressed the 'answer' button. Liyong-liyo ako na hindi ko na nabasa kung sino ang tumatawag.
Ibinaba ko ang cellphone sa lamesa, and then I put it on loudspeaker.
"H-Hello! Mommy Gail?"
Napatayo ako nang tuwid nang marinig ko ang boses ni Teacher Irish. Parang bigla akong napaliguan ng tinunaw na yelo.
Lance was stunned too, maybe because of how I reacted. Mabilis niyang itinaas ang zipper ng dress ko.
"Y-Yes po, Teacher Irish? M-May problema po ba?" kinakabahan kong tanong.
Hinawakan ni Lance ang baywang ko at maingat niya akong isinandal sa dibdib niya.
"M-Mommy... I'm sorry po." Bigla na lang napahikbi si Teacher Irish sa kabilang linya.
Napahawak ako sa sikmura ko dahil parang may ibabalita siyang hindi ko magugustuhan.
"N-Nasa ospital po ngayon si Zoe..."
Natulala ako. Parang may malaking batong bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita at parang natuod din ako. Kanina lang ay hinatid ko pa siya sa school.
"What's the name of the hospital?" Napaigtad ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Lance. He grabbed the phone and placed it near his mouth.
Tumahimik bigla sa kabilang linya.
"Hello, Ma'am! What's the name of the hospital?" he repeated with urgency. Tumingala ako at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
"S-Sino po 'to?" nag-aalangang tanong ni Teacher Irish.
"I'm Zoe's father. Atty. Lancelot Xavier Thomas," he answered confidently.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top