Chapter 22 - Truth
May sampung minuto na rin yata akong nakatayo sa harap ng salamin at nagpapapalit-palit ng hikaw. Hindi kasi ako mapakali kung stud pearl earrings ba ang isusuot ko or gold hoops. I'm wearing a sky blue, mid-length wrap dress with butterfly sleeves, regalo sa akin ni Ma'am Lia no'ng birthday ko last year. I've been saving this look for a special occasion, and today is definitely a special one.
Napangiti ako nang mapansin ko ang pamumula ng mga pisngi ko kahit na wala pa man akong nilalagay na make-up—iniisip ko pa lang si Lance.
"Ano ba, Maggie? Hindi 'to, 'date'. Mag-uusap lang kayo," pagpapaalala ko sa sarili. Ngunit ayaw pa ring pumusyaw ng kulay sa pisngi ko at kusa pa ring kumukurba ang mga labi ko.
I slowly ran my index finger over my bottom lip. Suddenly, my mind was flooded with images of me and Lance sealing each other's lips. 'Yong nakapanghihinang halik na pinagsaluhan namin sa opisina niya, 'yong halik sa wedding party nila Ma'am Lia, 'yong mga mapupusok na halik sa hotel at 'yong halik na iginawad ko sa kaniya sa labas ng Café Amor no'ng isang araw.
Naputol ang imahinasyon ko nang biglang tumunog ang doorbell sa labas.
"Ang aga naman niya..."
I lightly massaged my cheeks to stop them from blushing. Ayokong makita akong ganito ni Lance.
Nagmamadali kong inilipat sa likuran ko ang nakalugay kong buhok. Inikot ko ang doorknob at nakangiti kong sinalubong ang inaakala kong inaasahan kong bisita.
But I was frozen. Natunaw ang ngiti ko. Bumagsak ang mga balikat ko at parang may pumiga sa puso ko. Hindi si Lance ang nakatayo sa harapan ko.
"M-Mamá?"
"Hi, Maggie," bati ni Mamá sa akin. Inangat niya ang mga braso niya at halos palundag niya akong niyakap. Sinubsob niya ang ulo niya sa balikat ko kasabay ng pagbigat ng paghinga niya.
"I miss you, M-Maggie." Napahibki siya. "I miss you so much, a-anak..." At mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin.
***
Tahimik kong nilapag ang isang basong puno ng tubig sa dining table at saka ako umupo sa tapat ni Mamá. I looked at her—stared at her, but she darted her eyes. Bagsak hanggang sa balikat niya ang buhok niya, marami-rami na ring linya sa noo niya, pero malamlam pa rin ang mga mata niya kagaya ng dati.
"Kung na'ndito po kayo para kumbinsihin akong sumama sa inyo, nag-aaksaya lang kayo ng oras, Mamá," diretsong sabi ko. Malakas ang boses ko—ibang-iba sa Maggie noong magkasama pa kami sa probinsya, noong buo pa ang pamilya namin.
Ibinalik niya sa akin ang tingin niya. "Maggie... ako na ang humihingi ng pasensya sa nangyari no'ng nakaraan," malumanay niyang panimula. Nakakapanibagong marinig ang ganitong tono niya.
"I already told Hugo that I will talk to you properly, pero tinuloy niya pa rin ang plano niyang—"
"Dukutin ako?" taas-kilay kong tanong sabay sandal sa malamig na bakal ng upuan ko.
"Anak..." Lumambot ang pagtitig niya sa akin at gano'n din ang boses niya. "You may not understand, but that's the only way to protect you."
Pagak akong natawa at napairap sa sinabi niya. "To protect me, Mamá?"
Napayuko siya at mabilis niyang inabot ang baso sa harapan niya. She took a small sip from it and softly wiped her red lips with the back of her hand.
"I'm s-sorry..." Her voice quivered. "Alam kong hindi ako naging mabuting ina sa 'yo noon, Maggie, but I'm trying my best now. So please... come with me, kayo ni Zoe, kayo ng apo ko."
Hearing her last words snapped something inside me. Zoe. My baby. Hindi ko hahayaang makalapit ulit si Hugo sa kaniya.
"Huwag na huwag niyo siyang idadamay dito, Mamá!" singhal ko. My fists automatically clenched, gripping the skirt of my dress.
"Subukan niyo lang lapitan si Zoe, magkakaalaman tayo," pagbabanta ko. Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang tapang ko, pero pagdating sa anak ko, kaya kong kalabanin lahat, kahit pa si Mamá.
"Maggie, wala akong gagawing masama sa inyo ng apo ko..."
"Talaga lang, Mamá? Kasama mo si Hugo Saldivar." Napahalukipkip ako, at napaismid sa kaniya. "Saldivar, Mamá?"
Napalunok siya at mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin.
"Hindi ba sila ang nagpapatay kay Landon?" matapang kong ibinato sa kaniya.
Napapikit siya at mabilis na minasahe ang sentido niya. "Maggie... makinig ka muna sa 'kin, please."
"Hindi, Mamá!" sigaw ko kasabay ng pagbagsak ng mga kamay ko sa hita ko. "Nakinig ako sa 'yo no'n dati! K-Kaya nga siguro nagkanda-leche-leche ang buhay ko... k-kasi nakinig ako sa 'yo... k-kasi natakot sa 'yo..." Napahinto ako nang marinig ko ang unti-unting pagkabasag ng tinig ko. "Sana pala sumama na lang ako kay Lance noon!"
"Maggie, please calm down," papiyok niyang awat sa akin. "Maniwala ka, walang gagawing masama si Hugo sa 'yo at kay Zoe—He promised me that," mariing sabi niya na para bang buong-buo ang tiwala niya kay Hugo at kilalang-kilala niya ito.
"At sa tingin mo tutuparin niya 'yon? Saldivar siya Mamá?!" Umalingawngaw ang nangangalit kong boses sa buong apartment.
"I'm sure sila ang sumunog sa mansyon... sa hacienda natin. Gagawin nila ang lahat para lang makapaghiganti sa mga Dela Vega, lalong-lalo na kay Papá..." Marahas akong napabuntong-hininga. "Para kay Dolor, para sa nag-iisang kapatid nilang babae... na unang asawa ni Papá."
Halos lumuwa ang mga mata ni Mamá sa rebelasyon ko. Ilang segundong nakaawang lang ang mga labi niya ngunit walang tunog na lumalabas mula roon.
"Y-You knew, M-Maggie?" hindi makapaniwala niyang tanong.
"Yes, Mamá. Alam kong si Papá ang dahilan kung bakit nabaliw si Dolor. He's the reason why she jumped off that cliff," mabagal kong binigkas kasabay ng pagkalas ko ng titig kay Mamá.
Yumuko ako at napasulyap sa mga kamay kong bahagya nang nanginginig.
"Kaya hindi ko masikmura Mamá... Hindi ko maintindihan bakit. Bakit magkasama kayo si Hugo?"
"Maggie..." halos walang lakas niyang sambit sa pangalan ko. Her eyes looked like they're pleading. "S-Stop this, anak."
"No, I won't!" Napatayo ako mula sa kinauupuan ko. "May relasyon kayo 'di ba? Obvious naman no'ng nakita ko kayo, eh!"
Nanatiling nakaupo si Mamá at nakatingala sa akin. Nakatikom ang mga labi at nangingilid ang mga luha niya.
"Sumagot ka, Mamá. May relasyon ba kayo ni Hugo?!" Nanginginig ang mga labi ko habang binibitawan ang mabigat na bintang na iyon.
"Yes," she answered firmly.
Parang nawalan ako ng lakas sa sagot niya. Itinukod ko ang mga palad ko sa lamesa dahil pakiramdam ko ay matutumba ako sa pag-amin niya.
"P-Paano mo n-nagawa s-sa amin 'to ni P-Papá?" Hirap na hirap akong magsalita, ayaw tanggapin ng utak ko ang sagot ni Mamá.
"Maggie, nagmamahalan kami ni Hugo..."
"At kayo ni Papá? Ano 'yong eighteen years na magkasama kayo sa Calapan?" Gigil ko siyang pinandilatan ng mga mata.
"We never really love each other," she answered without hesitation.
"B-But you had me," my voice cracked. "H-Hindi pa ba ako sapat na pruweba na nagmamahalan kayo ng Papá?"
Mahina siyang bumuga ng hangin. "Marami ka pang hindi alam tungkol sa pagmamahal, Maggie," mabagal niyang sagot.
Parang may nadurog sa dibdib ko dahil sa mga huling sinabi ni Mamá. Tuluyang nanlambot ang mga tuhod ko hanggang sa mapaupo ulit ako.
Do I really understand love?
Masyado ba akong mabilis magpatawad na kahit na hindi ko pa alam ang mga rason ni Lance kung bakit niya ako sinaktan noon, I'm willing to jump and fall, head first?
But In the midst of my clouded thoughts, Lance's words echoed in my head. 'Everything leads back to you, Maggie. My mind, body, soul, and my heart. They always lead me back to you'.
Always.
Siguradong-sigurado sa akin si Lance at sa tingin ko ay sapat na 'yon para muli akong sumugal sa kaniya.
"Maggie, please... just come with me," patuloy na pangungumbinse sa akin ni Mamá. "Lalayo tayo rito. Ilalayo ko kayo ni Zoe sa mga Saldivar, at pati na rin kay Lance." Para siyang maamong pusa na nagmamakaawa sa akin. Inabot niya mga kamay kong nasa ibabaw ng lamesa.
"Sorry, Mamá..." Binawi ko ang mga kamay ko mula sa mahigpit niyang kapit. "Pero hindi ako kagaya mo, hindi ko kayang talikuran ang pamilya ko. At ngayon, ang mag-ama ko lang at sila Tita Linds ang pamilyang meron ako."
***
Sinubukan kong alisin sa isip ko ang hindi ko inaasahang pagbisita ni Mamá sa bahay kanina, pero bigo ako. Hindi ako makapagsalita simula pa kanina no'ng sinundo ako ni Lance hanggang ngayon na magkatabi kami sa elevator paakyat sa opisina niya.
"What's wrong?" tanong niyang bumasag sa katahimikan. Napasulyap ako sa kaniya.
"You're so quiet, Maggie. Baka labag sa loob mo ang pagsama mo sa 'kin ngayon ha?" He chuckled awkwardly while touching his nape.
I wanted to tell him the truth but I decided not to. Hindi para sa relasyon ni Mamá at Hugo ang pagkikitang ito, para ito sa amin ni Lance.
"Hindi, Lance. Tahimik ako kasi nililista ko sa isip ko ang lahat ng mga itatanong ko sa 'yo," nakangiting sagot ko sa kaniya.
Napayuko siya at muling natawa. "Well, Ma'am..." then he looked back at me. "...everything you require is here in my office. Feel free to ask any questions you may have," his red lips curved into a mesmerizing smile. Iyong ngiting abot ang kinang sa mga mata niyang kakulay ng dagat.
Biglang nagwala ang puso ko. Na-miss ko ang ngiting ito... na-miss ko si Lance. Sobrang na-miss ko siya.
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, mabuti na lang at bumukas ang elevator at mabilis na lumipat doon ang atensyon ni Lance.
"We're here," he said, holding the elevator door open. "After you..."
I politely smiled back at him before stepping outside the elevator.
Hindi kagaya ng unang beses na pumunta ako sa law firm niya, walang katao-tao sa buong palapag. Kahit pa 'yong sekretarya niyang umawat sa akin noon ay wala rin.
The entire floor was dimly lit and was uncomfortably silent too. Naririnig ko ang bawat yabag namin habang sabay kaming naglalakad papunta sa saradong conference room. Nakababa ang blinds ng salaming silid na iyon at patay din ang ilaw.
Napalunok ako at mas lalong bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko.
Mag-uusap lang kami, hindi ba?
Just. Talk.
"I trust you're fully prepared for this..." he said, his voice low as he adjusted his cufflinks. "I don't know if I can satisfy you..." he added as he rolled his sleeves.
"S-Satisfy?" nag-aalangang bulong ko.
Ano ba talagang binabalak niya? Bakit kami lang ang na'ndito?
Napayakap ako sa braso ko.
"Yes, Maggie. I don't know if I can answer all your questions," he responded.
Ah, iyon pala ang ibig sabihin niya.
Mahina akong natawa dahil sa kung anu-anong naglaro sa utak ko.
Huminto siya sa paglalakad. "W-What's funny, Maggie?" tanong niya. Nakatagilid pa nang kaunti ang ulo niya at nakakurba pa ang mga kilay. He looked so innocent and pure. Mas lalo tuloy akong natawa.
"Why are you laughing?" muling tanong niya. Umiling lang ako. I sucked in my cheeks to stop myself from laughing even more.
"Ma'am, I insist on a response," he said in a formal tone.
Ma'am? Is this how a lawyer flirts?
He locked his ocean eyes at me. Yumuko pa siya nang bahagya para magpantay ang mga mukha namin. "Ano'ng nakakatawa, mahal ko?"
Mahal ko?
Bigla akong naubo dahil sa tinawag niya sa akin. "N-Nothing, Lance. Wala talaga..." pagsisinungaling ko.
He smirked and leaned in, getting so close that our foreheads brushed against each other.
"Wala ba talaga? Hmm?" he teased with this bedroom voice.
Parang may bumarang hangin sa lalamunan ko nang maamoy ko ang hininga niya. It was cool and minty, but my cheeks were starting to heat up.
"L-Lance... n-not here, please. B-Baka may makakita sa... sa 'tin."
Nagulat ako sa sinabi ko, pero mas nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang baba ko.
He flashed a mischievous smile at me, our foreheads still touching. "Ma'am... I promise I won't do anything here..." He paused, swallowing hard. "N-nothing more than this, at least..."
He tilted his head and then he kissed my exposed neck. A moan escaped my lips.
He chuckled sexily, then he started to kiss my jaw. Small, nimble kisses traced the distance between my neck, my jaw, and finally my lips.
He stopped at one tender kiss on my lips and then he smiled at me again.
"My Maria Galina... I-I love you," he whispered almost breathlessly.
I let out a soft gasp.
Gusto kong sumagot pabalik pero may pwersang pumipigil sa akin.
'Marami ka pang hindi alam tungkol sa pagmamahal, Maggie.' Sumaglit sa isip ko ang sinabi ni Mamá..
"Lance... I-I—"
"SURPRISE!!!!" Napatili ako nang marinig ko ang malakas na sigawan sa may likuran ko.
Bigla nagliwanag ang buong palapag. Umulan ng gold and white confetti. At bago pa man ako makalingon sa likod ko, hinawakan na ni Lance ang baywang ko at maingat niya akong hinigit papunta sa tabi niya.
And then, I saw them. Sila Angelito at Flor na magkahawak-kamay, si Kath na may hawak ng banner na may nakalagay na 'Welcome back, Maggie!' at ang isang lalaking nakatayo sa likuran niya na ngayon ko lang nakita. Moreno ito, matangkad, at nakasuot ng itim na jacket kahit na mukhang hindi naman siya nilalamig.
"I told you to wait for my signal." Bakas ko ang kaunting inis sa boses ni Lance habang nakatingin kay Angelito.
I looked up at Lance. His brows were furrowed. He quickly brushed his hair with his left hand while his right hand snaked around my waist.
"S-Sorry, Attorney... ang tagal mo po kasi," balik naman ni Angelito. "Ang init kaya sa loob ng conference room!"
"Naistorbo yata natin sila ni Senyorita Maggie, eh!" dugtong ni Flor, sabay ng malisyosong tingin niya sa akin.
"N-No..." usal ko.
"Yes!" Mas malakas na sagot ni Lance.
Binitawan ni Flor ang kamay ni Angelito at magaang hinampas ang braso ng asawa niya. "Sabi ko naman kasi sa 'yo..."
Napabungisngis ako nang makita ko kung paano ininda ni Angelito ang ginawa ni Flor. Hindi pa rin talaga nagbabago ang dalawang ito.
"B-But it's okay..." halos pabulong na sambit ni Lance. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya. "A-At least she's happy," nakangiting dugtong niya habang nakatitig sa akin.
Tumikhim si Kath, dahilan para sabay kaming mapalingon sa kaniya ni Lance.
"Ah!" Lance exclaimed. "Let me properly introduce you to Kath—" He cleared his throat. "Atty. Kathleen Villanueva, ex-girlfriend ni Kuya Landon."
Siya pala 'yong nabanggit sa akin ni Landon noon.
"Ano'ng ex?! I'm still Landon's girlfriend!" iritadong pagtatama ni Kath na nagpatawa naman kay Lance. Tinupi ni Kath ang banner na hawak niya at saka inabot iyon kay Flor.
She walked towards me with a small smile on her face. "H-Hi Maggie. I've been wanting to tell you the truth ever since I met you in person, but Lance here insisted not to." Matalim niyang sinulyapan si Lance. Naramdaman ko ang pagluwag ng kapit ni Lance sa baywang ko hanggang sa mahulog ang kamay niya.
Kath grabbed my shoulder and squeezed me into a tight hug. "S-Sorry ha... We really tried our best to pin those monsters, but we failed. Ang tagal mo tuloy nag-isa..." Nabasag ang boses niya at naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa leeg ko. "...i-ilang beses kung sinubukang tulungan ka, b-but I don't want to ruin the p-plan."
Hindi ko lubusang naintindihan ang sinabi niya, pero may kung ano'ng kirot na tumusok sa dibdib ko.
Nakita ba nilang lahat ang paghihirap ko sa loob ng pitong taon? Pero wala silang ginawa kundi ang panoorin lang ako? All because of a plan that I am not aware of? Am I just a sacrificial lamb?
"Kath, d-don't, please." Narinig ko si Lance. May kakaiba sa boses niya at sa pag-awat niya kay Kath.
Kumalas ako sa mga bisig ni Kath at humarap ako kay Lance. I'm almost glaring at him, but he ignored it. Huminga siya nang malalim at mabilis na sinulyapan si Kath na nagpupunas na ng mga luha niya. Then he shifted his gaze to Angelito.
"And you know Angelito—PO1 Angelito Legarda," masiglang pagpapakilala niya kay Angelito.
"Pulis ka na?" tanong ko kay Angelito.
Nahihiya siyang napahawak sa batok niya."Ah... opo, Senyorita. S-Si Attorney po ang nagpaaral sa 'kin."
"Sa amin," pagsingit ni Flor. "Third year ko na po sa law school, Senyorita!"
"Wow! Nakakatuwa naman." Malapad ang ngiti ko sa kanila kahit na may kakaibang pait akong nararamdaman. "Ang layo na ng narating niyo, huwag niyo na ako tawaging 'Senyorita'." Mapait akong ngumiti. "Hindi na bagay..."
Tumikhim ako para pigilan ang panginginig ng boses ko. "I-Ikaw? Scholar ka rin ni Lance?" tanong ko sa estrangherong lalaking tahimik lang kaming inoobserbahan simula pa kanina.
"No. Pinsan." tipid nitong sagot. "I'm Felix, a private investigator. Kaming dalawa ni Angelito ang tagahanap ng mga pinapahanap ni Lance," he said almost nonchalantly.
"Ah, a-akala ko kasama ka rin sa mga project ni Lance," I said bitterly. Naramdaman ko ang pagdiin ng mata sa akin ni Lance, pero hindi ko pinansin iyon.
"D-Don't get me wrong, Angelito... Flor," salitan ko silang tiningnan. "S-Sobrang saya ko para sa inyo, sobrang s-saya ko sa naabot niyong dalawa..." Hindi ko na naitago ang pagkabasag ng boses ko.
"H-Hindi ko lang mapigilang isipin na... all those years na mag-isa kong binuhay si Zoe..." Tinapunan ko ng mga namumungay kong mata si Lance. "A-All those years na pinagsasabay-sabay ko ang pagtatrabaho, ang pag-aaral ko, at ang pagiging ina... p-pinapanood mo lang pala a-ako, Lance?" Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko habang hinahanap ko sa mga mata niya ang sagot.
Inangat niya ang palad niya marahil ay para punasan ang mga nag-uunahan kong luha pero mabilis akong humakbang palayo sa kaniya.
"I have no choice," pagaralgal niyang sagot.
"O-Of course... hindi kasama sa plano mo, kung anumang plano 'yan, ang iligtas ako!" Malutong kong binigkas ang bawat salita sa paratang ko.
He was silent. Lahat sila ay walang kibo. Naramdaman ko na lang ang dahan-dahang paghaplos ni Kath sa braso ko. I know she's trying to comfort me.
"I-I was there that night, Maggie..." Lance said slowly, his eyes squinting as he shook his head. He looked like he's in pain. "I was there that night when they killed Landon..." He swallowed hard before continuing, his breath ragged. "Nakita kitang dumating sa opisina niya. I even saw you talking to them... a man and a woman. You remember them, don't you?"
I nodded, tears still streaming down my face. Alam kong ang tinutukoy niya ay 'yong mga inakala kong kasambahay nila.
"The man was waiting for a shoot-to-kill order. He's hiding his gun on his back while... while talking to you," pagpapatuloy ni Lance.
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at napatakip ako sa bibig ko. Napatid na ang mga luha ko at napalitan ang galit na nararamdaman ko—nilamon na ako ng takot. Parang kumikipot ang lalamunan ko at parang may paulit-ulit na dumadagan sa dibdib ko.
"O-Order f-from whom?" putol-putol kong tanong.
"From the man who was pressing a gun against my head... as I watched you through that small window—crying beside my brother's lifeless body," his voice broke.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top