Chapter 21 - Chance

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. I adjusted my blurry vision, kumurap-kurap ako hanggang sa makilala ko ang kwarto namin ni Zoe. Napalingon ako sa tabi ko, wala na si Zoe. Baka pumasok na sa school.

"School?!"

Napahawak ako sa ulo ko. "Agh! Maggieee!" naiinis kong singhal sa sarili.

Sigurado akong afternoon shift ako ngayon sa café at ako dapat ang maghahatid kay Zoe sa school niya, pero late na 'kong nagising. Nagmamadali kong hinagilap ang cellphone ko sa kama. Binaligtad ko pa ang unan ko dahil doon ko palaging iniipit iyon, pero wala!

"Cellphone ko? Shit! Ano'ng oras na ba?"

"Are you looking for this?" tanong ng isang pamilyar na boses.

This bedroom voice... I know this voice.

Mabagal kong pinihit ang katawan ko para sulyapan ang nagmamay-ari ng tinig na 'yon. Na-estatwa ako sa nakita ko... it's Lance.

Nakasandal siya sa may door frame, hawak ang cellphone kong obvious na ipinapakita sa akin. Sa malapad niyang palad lang sana ako nakatingin kung hindi lang agaw-pansin ang suot niyang asul na apron.

Apron lang ang suot niya.

Napalunok ako. Naputol na yata ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita. Hindi rin maproseso ng bagong-gising kong utak kung ano'ng ginagawa niya rito sa bahay at bakit naka-apron lang siya.

Humakbang siya papalapit sa akin. Hindi pa rin ako makaimik. Tahimik ang buong paligid ko maliban sa malakas na pagtatambol ng puso ko. Palapit siya nang palapit hanggang sa gumapang siya sa may paanan ng kama.

Gusto ko siyang sipain, pero nanlalambot ang mga tuhod ko.

"Sundan na natin si Zoe... mahal ko," nakangisi niyang ibinulong habang akmang hahalikan ang binti ko.

What the hell?!

Sininok ako sa sinabi niya. Hindi ko pa rin mahanap ang boses ko.

Nakatitig sa akin ang mga mata niyang kakulay ng dagat habang unti-unti niyang inilalapat sa binti ko ang mga labi niya. He gently kissed my right leg. Pagkatapos no'n ay tumayo siya at marahas niyang hinubad ang apron na suot niya.

"Aghhhh!" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw ko nang tumambad sa harapan ko ang hubad niyang katawan.

This is not happening. Oh my God! Fertile ako ngayon! Mabubuntis talaga ako kapag may nangyari sa amin!

Bigla siyang pumaibabaw sa akin. Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang dumampi sa akin ang balat niya.

"L-Lance... kalma ka lang, please!" namamaos kong pakiusap sa kaniya.

Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. Siya naman ang hindi kumikibo at nakapako lang ang mga namumungay niyang mata sa akin habang hinahawi ang mga takas na hibla ng buhok ko palayo sa mukha ko.

"Lance, please... h-huwag muna."

He gently touched my dry lips with his thumb and then he brought his lips closer to mine.

Pero hindi nagtagpo ang mga labi namin nang maramdaman ko ang pagtama ng unan sa mukha ko na tuluyang gumising sa akin.

"Ano'ng 'Lance, please, huwag muna!'" matinis at masakit sa taingang sigaw ni Tita Linds.

Napabalikwas ako sa kama, muntik pa akong mahulog kung hindi ako napakapit sa bedsheet.

Grabeng panaginip naman 'yon!

Napakamot ako sa buhok ko at sabay napailing.

"Ano, Maria Galina Dela Vega? Hanggang sa panaginip, ang rupok-rupok mo!" Nakapamewang si Tita at pinangdidilatan ako ng mga mata.

Nakakahiya! Naabutan pa niya ang sleep-talking ko.

Tumikhim ako at saka bumaba na ng kama. Kunwari ay hindi ko na lang narinig ang sermon niya.

"S-Si Zoe, Tita Linds?" pag-iiba ko sa usapan.

"Hinatid ko na sa school. Lasing ka kagabi, eh! Alam kong tatanghaliin ka ng gising," mabilis niyang sagot. Hindi na matalim ang tingin niya sa akin, pero nakapamewang pa rin.

Lasing? Paano ako nakauwi kung lasing ako?

"P-Paano ako—"

Hindi ko pa natatapos ang tanong ko ay parang nabasa na ni Tita Linds ang laman ng isip ko.

"Hinatid ka ng kupal mong ex dito sa apartment," mataray niyang balik sa akin. Gusot ang noo niya at nakataas pa ang mga kilay.

"D-Dito?" kinakabahan kong usal.

"Yes..." Inikot ni Tita Linds ang mga mata niya na kabuuan ng silid ko. "Di-to," mariin niyang pag-uulit.

"So... you mean?" Bahagyang nanginig ang boses ko kasabay ng panunuyo ng lalamunan ko.

"Oo, 'nak. Nagkita kagabi si Zoe at si Lance."

Seven years, Maggie. Seven years mong hiniling at idinasal sa Diyos na hindi mangyari ang tagpong iyon, but you ruined it because of... vodka. Right. Because of vodka and... your heart.

"Tita..." bulong ko.

"O, bakit, 'nak?" Inalis na Tita Linds ang mga kamay niya sa baywang niya.

"Naalala mo 'yong sinabi mo noon na 'madaling maloko ang pusong galit'?" mabagal kong sinambit.

"Oo, bakit? Ano'ng problema d'yan?" Nginuso ni Tita Linds ang dibdib ko. Kusa namang umangat ang palad ko at inilapat ko iyon sa may puso ko.

"Tita Linds, para kasing hindi na siya galit ngayon..." Ikinuyom ko ang kamay kong nakapatong sa dibdib ko. "P-Parang hindi na siya galit, Tita Linds..." Pumatak ang luha ko at hinayaan kong dumulas lang iyon sa pisngi ko. "H-Hindi na galit ang puso ko... pero madali pa ring maloko." Napahikbi ako.

***

Tatlo lang kaming pumasok ngayon sa café: ako, si Jasper, at iyong isang intern namin. May hangover pa raw si Ma'am Steph sa mga ininom niya kagabi sa party, sabi ni Jasper.

Habang nagse-serve ako ng order ng college student sa Table 5, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang pagngisi sa akin ni Jasper. Parang may niluluto siyang pang-aasar na sa tingin ko ay mas lalong ikakasira ng araw ko.

Masama na nga panaginip ko kanina, dadagdagan pa niya!

Mabilis akong nagmartsa papunta sa checkout counter. Ibinagsak ko sa tabi ng POS machine ang plastic tray na bitbit ko. It didn't make a loud sound, pero napalingon sa akin si Jasper.

"Uy... masira mo 'to, kaltas 'to sa 'yo," pananakot niya sa akin kasabay ng mabilis niyang paghimas sa countertop.

"Nakakabanas kasi 'yang ngisi mo!" iritado kong sagot. Humalukipkip ako at pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Mahina siyang natawa sa ginawa ko. Sumandal siya sa counter at napakamot sa batok niya.

"Hindi lang kasi ako makapaniwala sa nakita ko kagabi..." panimula niya. Sumisilip na naman ang mga dimples niya.

"Bakit? Ano ba'ng nakita mo kagabi?" Napalunok ako ng laway. Bigla kasi akong kinabahan sa sinabi niya.

Kung iisa-isahin ko ang mga naaalala kong nangyari kahapon sa kasal nila Ma'am Lia, wala yata akong ni isang ginawang matino—puro nakakasira lahat ng dignidad.

"Gano'n pala talaga mga tipo mo, Gail, 'no? Mga mixed breed... mga may lahi." Mas lumapad ang ngiti niya na ikina-gusot naman ng mukha ko.

"Nakita ka namin ni Ma'am Steph kagabi, nakikipaghalikan ka kay Atty. Lance, 'yong Fil-Am na kaibigan nila Sir Andrew." Napahagikgik siya at ilang segundo ring nagtagal iyon bago ko malakas na hinampas ang braso niya.

"Inggit ka lang!" gigil kong ganti sa kaniya. "Inggit ka lang kasi basted ka kay Ma'am Steph!" dagdag ko pa.

Akala siguro ng kulot na 'to hindi ko siya nahahalata. Kulang na lang ay matunaw si Ma'am Steph sa mga titig niya. Lagi pa niyang niyayang mag-pares.

"Grabe ka naman, Gail. Bigat naman ng 'basted'..." mabagal at halos pabulong na tugon ni Jasper. Nabura ang ngiti sa mukha niya. Nakaka-guilty tuloy nang kaunti.

"Ikaw kasi ang nag-umpisang mang-asar d'yan." Ibinaba ko ang mga kamay ko at pinasadahan ko ang suot kong apron.

Napahawak si Jasper sa batok niya at mabilis na minasahe iyon. "Na-shock lang talaga ako kagabi. Hindi ko in-e-expect na mukhang si Attorney pala ang type mong maging future stepdad ni Zoe," sabay napabungisngis siya.

Future stepdad? Kung alam mo lang, Jasper.

Napabuntong-hininga ako, paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang biro ni Jasper.

Gano'n ba talaga kalala ang mga ginawa ko kagabi?

I remember making out with Lance. I remember getting soaked in a hotel shower. I remember almost having sex with Lance. Kung hindi lang biglang sumagi sa isip ko na may girlfriend siya, baka kung ano'ng kasalanan na ang nagawa namin.

Hindi ko lang maalala kung ano'ng nangyari pagkahatid niya sa 'kin sa bahay. Ano'ng sinabi niya kay Zoe? Ano'ng sinabi ni Zoe sa kaniya? Wala akong alam... at hindi rin alam ni Tita Linds dahil naabutan niya na lang daw si Lance na nasa loob ng bahay. But Zoe introduced Lance to her as Tito Lance... kaibigan ko raw.

So I guess, hindi pa alam ni Zoe kung sino talaga si Lance sa buhay niya.

"Uy, ayos ka lang, Gail?!" Napabalik ako sa ulirat ng malakas na boses ni Jasper.

Kinakaway-kaway pa niya sa harap ng mukha ko ang kaliwang kamay niya. "Ba't tulala ka na d'yan? Iniisip mo si Attorney, 'no?"nakangiting panunukso pa niya.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata bago ako sumagot. "Bakit ko naman iisipin si Lance? Sino ba siya? Saka hindi ako naghahanap ng tatayong ama para kay Zoe. I can be both!"

Hindi umimik si Jasper. Namilog ang mga mata at napalunok pa. Mukhang sindak na sindak sa pinagsasabi ko.

"Nag-kiss lang kami ni Lance, end of story! Hindi nga siya magaling humalik. Ang lamya-lamya! Ang lamya niya humalik!"

Hindi pa rin ako nagpaawat kahit na parang may kakaiba na sa mukha ni Jasper. Unti-unting humaba ang nguso niya na para bang may itinuturo siya sa bandang likuran ko.

"Sino'ng malamya?"

Nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang boses na iyon. Iyon rin ang boses na laman ng masamang panaginip ko kaninang umaga.

Sa kabila ng mabilis na tibok ng puso ko at kahit parang aangat na ang kapeng ininom ko kaninang umaga na siguro ay may halo pang vodka mula sa kagabi, matapang akong lumingon sa kaniya.

"H-Hi, w-welcome to Café Amor, S-Sir Lance!" I greeted him and then I swallowed hard. My voice was shaking and so were my fingers.

"Napa-'Sir Lance' ka bigla, ah?" nakakapikon na bulong sa akin ni Jasper.

***

"Fifteen minutes lang ang break ko," mahinang sabi ko habang nakasandal sa trunk ng kotse ni Lance, na sinasandalan din niya. "Sabihin mo na kung ano'ng gusto mong sabihin..."

Ilang pulgada lang ang layo ng braso niya sa braso ko. Sobrang lapit namin sa isa't-isa na naaamoy ko na ang pabango niya. A fresh light scent, parang bagong ligo. Samantalang ako ay amoy kape at amoy pagod.

He's wearing his classic white long-sleeves and black pants, halatang galing pa sa trabaho. Inilipat ko ang nakatirintas kong buhok mula sa likuran ko, papunta sa may harapan ko para matakpan ang leeg kong namamawis na dahil sa maalinsangang hapon at dahil na rin sa kaba.

I was never like this before. Something changed between last night and today. May mga sinabi siya sa hotel room na tanda-tanda ko pa rin hanggang ngayon.

'Change of plans', 'I'll tell you everything when you're sober,' and 'I still love you.'

Those words that he said last night... did he really mean it or nadala lang siya ng alak at—

"I'm sorry, Maggie." Napatahimik ng tatlong salitang iyon ang ingay na lumulunod sa isip ko.

"Sorry, Maggie..." May kakaibang gaspang sa boses niya.

Alam kong nakatingin siya sa akin, pero natatakot akong salubungin ang mga mata niya. Baka hindi ko kayanin. Baka tuluyan nang maloko ang puso kong hindi na kasing tigas noon.

"I'm sorry kung nagpakita ako kay Zoe. You were whispering her name last night. You don't want her to get worried, kaya hinatid na kita sa inyo," he slowly said. Then he heaved out a deep sigh.

"T-Thank you," nakangiti kong sagot. Mabilis ko lang siyang sinulyapan bago ako muling napatitig sa kawalan. "H-Hindi kasi nakakatulog si Zoe sa gabi kapag hindi niya ako katabi," dugtong ko.

"I said, I'm your friend... and I can live with that," his voice cracked. "I-I thought I could live with that... pero no'ng pinakita niya na sa 'kin 'yong picture ko na ang sumbong niya, pinunit mo raw..." He chuckled bitterly.

"She said you tore it to pieces because you got mad, and then she fixed it... pinagtyagaan niyang buuin ulit, Maggie." He sniffled and cleared his throat.

Is he crying?

May kung ano ring kumurot sa puso ko. Wala sa sariling napatingala ako nang maramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko.

"T-Those small pieces of me... she patiently put them back together, at proud na proud siyang ipinakita sa 'kin 'yon, Maggie. Papa niya raw 'yong nasa picture and I badly wanted to be... that."

Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko iyon.

I was right. Lance is crying in front of me. Nag-uunahan sa pisngi niya ang mga luhang gustong-gusto kong punasan, pero pinapangunahan ako ng takot.

Paano kung palabas lang ang lahat ng ito?  Pure facade to get Zoe from me?

Pinagsalikop ko ang mga kamay ko para mas pigilan ko ang sarili ko.

"I wanted her to know me as her father." He said firmly with tears in his ocean eyes. "I'm so sorry, Maggie. I know, I'm seven years late..." Dinampot niya ang mga kamay ko at walang kahirap-hirap niyang napaghiwalay ang mga iyon.

"I know that you hate me. I know that I owe you a lot of explanation... I know that I hurt you, Maggie." Basag na basag na ang boses niya at hindi ko na rin namalayan na nahulog na rin pala ang mga luha ko.

"A-And maybe I don't deserve what I'm asking from you, but I'll take the risk..." Maingat niyang binitawan ang kamay ko at lumuhod siya sa harapan ko habang mahinang humihikbi. "M-Maggie, can I be a father to Zoe? Will you let me? Please... just give me a chance."

I never thought that this moment would be so healing and so painful at the same time. I know I waited for this, na magmakaawa at lumuhod din siya sa harapan ko kagaya ng ginawa ko noon sa Sta. Isabel. Pero parang dinudurog din ang puso ko habang pinapanood ko siyang umiiyak nang ganito.

"Lance... g-gusto mong ipakilala kita kay Zoe as her father?" halos pabulong kong tanong. Mabilis siyang tumango-tango habang sumisinghot-singhot.

"W-What would your girlfriend say about that?" I asked hesitantly.

"I-I don't have one. You're my last girlfriend," pag-amin niya sa akin na mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

"A-Ano'ng wala... s-si Kath, 'di ba?"

"W-We just pretended... para sa kaso ni Kuya."

Parang nahulog ang puso ko sa tiyan ko. Ilang segundo kong tinitigan ang mga mata niya basa pa ng mga luha. Hinahanap ko ang kasinungalingan o kahit ano'ng pagpapanggap, pero wala.

His sobs completely faded out, but he's still kneeling in front of me. Hindi ko alam kung magagalit akong pinalabas nila ni Kath na magkarelasyon sila. They even called each other 'babe' no'ng pumunta ako sa law firm niya.  I know I should be furious, but for the first time in a long time... I felt something good—hope.

"I'm so sorry, Maggie. I promise, I will tell you everything. Lahat ng tanong mo, sasagutin ko. Lahat-lahat, Maggie," he said with a pleading tone. Both his fists clenched lying on top of his thighs.

"Lahat ng tanong ko, Lance?" Ipinako ko ang mga nanunubig kong mata sa kaniya.

"Yes. Everything."

Huminga ako nang malalim bago ko nahanap ang mga tamang salita.

"No'ng nagkita tayo ulit... sabi mo, everything leads back to me. Lahat ng ebidensya ako ang itinuturong pumatay kay Landon... do you still believe that I killed him?" I asked with my heart pounding so loud in my chest. I reached for my inhaler in my back pocket. Just in case.

He slowly stood up. Salitan niyang pinagmasdan ang mga mata ko na parang may hinahanap siya sa mga ito at saka niya marahang hinawakan ang mukha ko.

"When I said everything leads back to you, Maggie... hindi ebidensya ang tinutukoy ko... and I know you're innocent." His words were heavy, but they instantly lifted a weight from me. Parang biglang nawala ang bigat na matagal ko nang dinadala.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa pisngi ko. Ayokong magmulat ng mga mata. Natatakot akong maging mahina.

His proximity, the rawness of his voice—it all swirled within me like a storm. I didn't want to open my eyes, parang nawalan na ako ng tiwala sa sarili kong damdamin. But I did.

I took a deep breath and softly met his gaze.

"Everything leads back to you, Maggie. My mind, body, soul... and my heart. They always lead me back to you," he whispered with his voice full of longing and sincerity.

I never thought this moment would come, that he would stand here, so broken yet so certain.

To be loved again by him? God, I would risk it all.

"W-Welcome home..." I slowly said before I gently pressed my lips to his in a tender, lingering kiss.

***

MsLynLuna

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top