Chapter 14 - Past

Ang huling beses na pumunta ako sa ospital ay noong sinugod ko si Zoe dahil hindi siya makahinga. That was just last year. Iyon din ang araw na nalaman kong namana niya ang asthma ko. Sa dami ng puwede niyang manahin sa 'kin, 'yong sakit ko pa talaga.

Now, I woke up in a bright hospital room with the oxygen tube in my nose, without her, without my daughter.

"Z-Zoe..." nanghihina kong binigkas ang pangalan ng anak ko.

Napabalikwas ako sa kama at agad napaupo. Isinandal ko ang likod ko sa malamig na pader. Napalingon pabalik sa akin ang babaeng nurse na palabas na sana ng kuwarto ko.

"Ma'am!" Nagmamadali siyang lumapit sa akin. "K-Kumusta po ang pakiramdam niyo?"

"Ah... ayos lang ako, nurse," garalgal kong sagot. Lumunok ako ng laway para basain ang lalamunan ko. "P-Puwede na ba akong umuwi?"

"Hintayin na lang po natin si doktora and then she'll let you know if for discharge na po kayo," malumanay niyang sagot.

Yumuko siya sa clipboard na yakap-yakap niya at mabilis na pinasadahan ng tingin ang papel na nakaipit doon. "So far, normal naman po ang vitals niyo kaya wala po kayong dapat ipag-alala." She flashed a comforting smile at me, pero hindi iyon nakabawas sa mga pangamba ko.

"I need to go, nurse. Nawawala ang anak ko, kailangan kong hanapin siya. Please... can I go home?" My voice trembled. I almost sounded like I'm pleading. Mabuti na lang din talaga at may nakakabit sa aking oxygen, hindi ako hinahapo kahit na pakiramdam ko ay maninikip na naman ang dibdib ko.

"Ma'am, hintayin na lang po natin si doktora." Muli akong nginitian ng nurse. "And... binilin po kayo sa akin ng asawa niyo kanina. Siya na raw po ang bahalang maghanap sa anak niyo."

Gumusot ang mukha ko. "A-Asawa?"

"Yes po, Ma'am. 'Yong foreigner po na matangkad tapos blue eyes?"

Napasapo ako sa noo ko. Asawa? Kanina lang sabi niya kay Kath, bestfriend niya ako. Naging ex-fling pa nga 'nong sinabi kong ex-girlfriend ako at hindi bestfriend lang. Tapos ngayon, asawa na?

"Ma'am, are you okay?"

Napabalik ako sa ulirat ng tanong ng nurse. I straightened up and softly bit my lips. "H-Hindi ko po siya—"

Napahinto ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto. Isang petite na babaeng naka-bob cut ang pumasok sa kuwarto ko. She's wearing a white coat over her purple top and black slacks.

"Good afternoon, Dra. Sanchez!" bati ng nurse.

"Good afternoon, Becca!" Tumango ang doktora sa nurse at sinulyapan ako. Kusa namang kumurba ang mga labi ko para sa isang tipid na ngiti. "And Mrs. Thomas, right?"

Napalitan ng ngiwi ang ngiti ko habang mabagal akong napailing-iling.

***

Halos sampung minuto lang ang check-up na ginawa sa akin ni Dra. Sanchez. Normal na rin naman daw ang oxygen level ko at kailangan ko lang talagang makapagpahinga, lumayo sa stress at iwasang mag-isip ng mga problema. 'Clear mind and calm heart', she said. Pero parehong wala sa akin 'yon ngayon. Kahit nakahiga ako sa malambot na kama, naglalakbay naman ang isip ko, dahil hindi ko alam kung nasaan si Zoe.

Ipinatong ko sa bedside table ang prescription na ibinigay sa akin ni doktora bago siya lumabas. Inalis ko na rin ang oxygen tube sa ilong ko at inumpisahan ko nang tanggalin ang buhol ng tali ng hospital gown sa likod ko para makapagbihis na ng damit. Pero napatigil ako sa ginagawa ko nang tumunog ang doorknob.

"How's my wife?"

Bigla akong nilamig nang marinig ko ang buong boses na 'yon, galing sa may pintuan. Natataranta akong bumalik sa pagkakahiga. Tumagilid ako at humarap sa nakasaradong bintana, nakatalikod sa pinto ng kuwarto. Hindi ko na naibalik pa ang pagkakabuhol ng mga tali ng hospital gown ko. I kept pulling my blanket up to cover my exposed back, pero mukhang naipit iyon sa bakal na frame ng hospital bed.

Narinig ko ang mga yabag niya at ng isa pang pares ng mga paa. Hindi na ako gumalaw pa, pinikit ko na lang ang mga mata ko at nagpanggap akong tulog.

"For discharge na po siya, Sir. You can get your billing po sa Counter 1 sa ground floor..." Boses iyon ng babaeng nurse kanina.

"Thank you," sagot naman ni Lance.

"Happy to help po. I'll go ahead na, Sir."

Narinig ko ang papalayong yabag ng nurse. Then I heard the door closed. Napalunok ako. Now, it's just him and me.

The sound of his footsteps grew louder, matching the rapid beating of my heart. Huminto siya sa paglalakad sa may gilid ng kama ko at parang huminto rin sa pagtibok ang puso ko. Mas mariin akong napapikit. I flinched when I felt his fingers lightly touching my back.

Sana ay hindi niya napansin iyon.

Dahan-dahan niyang binuhol ulit ang mga tali ng hospital gown ko.

S-Stop... I wanted to tell him that, but I can't. Mahuhuli niyang nagpapanggap lang akong tulog at mas nakakahiya iyon kaysa sa makita niya ang likod ko.

Tumunog ang cellphone niya dahilan para mapahinto siya. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

"I don't care kung wala pang-24 hours! Do your fucking job!" singhal niya sa kausap.

"My daughter is missing! How can I calm down?!"

Rinig na rinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hangin.

"Felix, come on man! Please, just this time." Nabasag ang boses niya. I heard him sniffle a few times. That's when I realized he was crying.

"I missed six years of her life. I... I d-don't want to lose her again," he sobbed.

Ang huling beses na narinig ko siyang umiyak nang ganito ay noong inaya niya akong makipagtanan sa kaniya. That was seven years ago. Iyon rin ang huling araw na magkasama kami sa Sta. Isabel... sa maliit naming kubo.

After that night, sumugod sila Mamá roon at kinaladkad ako palayo sa kaniya. Wala siyang nagawa. Wala kaming nagawa. The next day, his brother was murdered and he was so convinced that I killed Landon.

Sigurado akong palabas lang ang pag-iyak niya dahil nawawala si Zoe. Crocodile tears—nagawa niya noon at mas kaya niyang gawin ngayon.

***

I successfully made it home. Nakatakas ako sa ospital paglabas ni Lance ng kuwarto ko para siguro bayaran ang hospital bills. Hindi ako nakokonsensya sa ginawa kong biglaang pag-alis. Kurot lang ito kumpara sa ginawa niya sa akin noon.

Bukas ang ilaw sa loob ng bahay at naririnig ko ang boses ni Tita Linds.

"Pinag-alala mo kami, Zoe. Lalong-lalo na ang mama mo..."

Agad kong pinihit ang doorknob at tinulak ko ang kahoy na pinto. Nakaupo sa dining chair namin si Zoe at umiinom ng tubig sa tumbler niya. Nakatayo naman si Tita Linds sa likod ng upuan habang sinusuklay ang kulay-kapeng buhok ng anak ko.

"Zoe!"

Namilog ang mga mata ni Zoe at sabay silang napalingon sa akin ni Tita Linds.

"Mama!" masiglang sigaw niya. Nilapag niya ang tumbler sa lamesa at saka tumakbo papalapit sa akin.

Lumuhod ako para salubungin siya ng yakap. Iniyapos niya ang mga maliliit niyang braso sa likod ko. Paulit-ulit namang hinaplos ng kaliwang palad ko ang buhok niyang nakalugay, habang ang kanan ay nakalapat sa likod niya.

"Where have you been? Bakit sabi ni Tita Linds hindi ka makita sa school kanina?" Hindi ko na naitago ang panginginig ng boses ko dahil sa pinaghalong saya, inis, at takot.

Paano kung nauna si Lance na mahanap siya? Paano kung kinuha siya ng mga masasamang tao? O kaya 'yong van na dumudukot sa mga bata, tapos binebenta 'yong lamang loob?

"I'm s-sorry, Mama. Sorry po. I promise I will not do it again," mahinang sagot ni Zoe.

Narinig ko ang pagsinok-sinok niya at alam ko na ang kasunod no'n—pumalahaw siya ng iyak. Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya. Banayad kong hinagod ang likod niya hanggang sa unti-unting humina ang pagtangis niya.

I gently parted from our hug. Inilipat ko sa magkabilang braso niya ang mga kamay ko at iniharap ko siya sa akin.

Pinunasan ko ang mga natirang luha sa sulok ng mga mata niya. My lips curved into a warm smile as I wiped her tears.

"Stop crying na, baby..."

She inhaled softly and forced a small smile on her face.

Lumapit sa amin si Tita Linds, bitbit ang tumbler ni Zoe. "Uminom ka ulit ng water, apo..." malambing niyang sabi sa bata, na sinunod din naman ng anak ko.

Nakaluhod pa rin ako sa harapan ni Zoe at pinapanood ko lang siya habang mabagal na tumataas-baba ang dibdib niya. I always let her process her feelings. I let her cry when she needs to. I let her get mad at me when she feels like it too.

Hindi ako ganito pinalaki nila Mamá at Papá. I was so sheltered back then. Malayo sa sakit at sa pait, at ganoon na rin sa totoong saya. Kaya nang dumating sa buhay ko si Lance, nayanig ako. Nahulog agad ako at ibinigay ko ang lahat sa kaniya. Inubos ko ang sarili ko at hindi ako nagtira. Everything happened so fast that I never got the chance to process my own feelings wisely.

Now, I'm staring at the mirror of his eyes. She got it—his fire. Masyadong matapang si Zoe para sa edad niya. Masyadong prangka, masyadong maraming tanong na ni isa ay hindi ko kayang sagutin nang tapat.

"Can you tell Mama what happened?" I asked in my serious tone.

Huminto siya sa pagsipsip ng tubig mula sa tumbler niya. "I went to the ice cream parlor with Papa's friend. Hindi po ako nagpaalam kay Mamita because I know she will say no."

Napaawang ang mga labi ko sa sagot niya. "Y-Your Papa's friend?... Baby, walang kaibigan dito sa Pilipinas ang Papa Greg mo," I said calmly.

"No, not Papa Greg!" Nagsalubong ang mga makapal niyang kilay. "My real Papa. Papa's friend showed me a picture of my real Papa!"

Binundol ako ng kaba at parang namawis ang mga palad ko sa sinabi ni Zoe. Pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. May dinukot siya mula sa bulsa ng palda niya at excited siyang ipinakita sa akin 'yon.

"Tada!" sigaw niya, itinapat niya sa mukha ko ang picture ni Lance—naka-black tuxedo at nakangiti. "Kamukha ko si Papa, right? Same kami ng shape and color ng eyes... and same kami ng smile, Mama!" Zoe tilted her head and effortlessly copied Lance's smile.

She looked so happy—so pure in her joy, and I was so stupid to shatter that happiness. In one swift motion, I snatched the picture from her tiny hands.

"Zoe, hindi siya ang Papa mo!" sigaw ko, naghalo na ang galit at sakit sa boses ko. Hindi pa ako nakuntento; pinunit ko sa dalawa ang picture ni Lance sa harap ng bata. "Bakit ba ang kulit mo? Hindi siya ang Papa mo!" I tore the picture into smaller pieces. "Why can't you understand, Zoe?!"

Umiiyak na si Zoe sa harap ko. Nakikita ko ang pag-alog ng mga balikat niya, pero hindi pa rin ako humihinto sa pagpunit ng picture."Your Papa is dead! Patay na si Greg! Hindi ito ang Papa mo, okay?!" Sa gigil ko ay itinapon ko sa sahig ang pira-pirasong picture ni Lance.

"Gail, ano ba?!" saway sa akin ni Tita Linds.

Tumayo ako at ibinagsak ko ang sarili sa sofa. What Zoe did next broke my heart. Nagmamadali siyang pinagdadampot ang punit-punit na picture ni Lance habang humihikbi.

Her small fingers were shaking because she was crying non-stop. Ibinubulsa niya ang bawat makukuha niyang piraso, as if she's afraid of losing a piece of her father again.

"M-Mamita, h-help me please, liliparin picture ni Papa..."

Mabilis namang yumuko si Tita Linds para tulungan si Zoe. I looked up to hold off my tears, but I failed. Kahit anong tingala ko, kusa paring bumagsak ang mga luha ko.

What have I done? Ano'ng klaseng ina ako?

***

Wala sa sariling hinahalo ko ang kape kong kanina pa malamig pero hindi ko pa rin binabawasan. Lumabas galing sa kuwarto namin si Tita Linds at umupo sa tabi ko sa sofa.

"Nakatulog na naman si Zoe sa sama ng loob," malungkot niyang binalita sa akin na sinundan ng malalim niyang pagbuntong-hininga.

Sumandal siya sa sofa at lumagok naman ako sa kape ko. Thinking that maybe, it will help me calm my senses.

"Hindi na kita pagagalitan, Gail... malaki ka na," bulong ni Tita Linds na mapait na nagpangiti sa akin. "Pero sa ginawa mo kanina lalo lang lalayo sa 'yo ang loob ng bata. Why don't you tell her the truth?" diretsong tanong niya. Naramdaman ko ang pagkapako ng mga mata niya sa akin, pero hindi ko sinalubong 'yon.

"Para ano, Tita? Para masaktan lang din siya? Kagaya ng kung paano ako sinaktan noon ng Papa niya?" mariin kong balik sa kaniya.

"Gail... what if hindi. What if si Zoe pa ang maging tulay para ma-realize ng kupal mong ex na hindi ka kriminal?"

Biglang sumagi sa isip ko kung paano humikbi si Lance kanina sa ospital habang may kausap siya sa cellphone. Kung paano nanginig at napuno ng takot ang boses niya dahil nawawala si Zoe.

"Si Lance ang pinuntahan mo kaninang umaga 'di ba?"

Naputol ang pagbabalik-tanaw ko nang muling magtanong si Tita. Isang tipid na tango lang ang sinagot ko.

"Ano'ng sabi niya?"

"Itinanggi niya lahat, Tita Linds. Hindi raw siya ang nagpadala ng mga pictures, 'yong text at 'yong package," sagot ko. Marahan kong nilapag sa coffee table ang tasa ko.

"Pa'no kung nagsasabi pala siya ng totoo?"

Parang may bumarang hangin sa lalamunan ko dahil sa mapaghamong tanong ni Tita. Lumunok ako para mawala iyon, pero bigo ako. Kinuha ko ang tasa ko at inubos ko ang laman nitong malamig na kape sa isang lagukan lang.

"H-Hindi ko alam, Tita Linds... h-hindi ko na alam ang totoo..." pautal-utal kong usal. "Ang alam ko lang, kailangan ko ilayo si Zoe sa lahat ng gulong ito." Humarap ako sa kaniya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala.

Marami ng linya ang noo ni Tita Linds, marami na rin siyang puting buhok at mas makolorete na rin siya sa mukha ngayon. Marami nang nagbago sa kaniya, pero hindi ang pagmamahal niya para sa amin ni Zoe.

Inilagay niya ang kamay niya sa likod ko at magaang tinapik-tapik ito. "Tumawag si Nathaniel sa 'kin, on the way na sila rito ni Amira. Nasa sa'yo na Gail kung pasasamahin mo si Zoe sa kanila sa Calapan o—"

Bigla na lang akong napahikbi. Suminghot-singhot ako para sana hindi matuloy ang pag-iyak ko pero hindi na talaga kinaya ng mga mata ko ang mabibigat na mga luha.

"Hindi ko na alam Tita. I really don't know what to do," my voice cracked. "Hindi ko na nga alam kung kay Lance ko ba siya dapat ilayo, o sa kung sino'ng nagpapadala sa 'kin ng mga kung anu-ano para takutin ako, o sa akin na nanay niya... na paulit-ulit na nagsisinungaling sa kaniya?"

Binalot ng hagulgol ko ang buong sala. Sumisikip ang dibdib ko at nararamdaman ko na naman na parang may kamay na pumipiga sa baga ko. But I managed to take one deep breath and slowly exhaled to collect myself.

"Gail, maiintindihan ka rin ni Zoe balang araw."

"Sana nga, Tita... sana nga," humihikbing bulong ko.

***

Nang kumalma na ako ay inaya ko na si Tita Linds na maghapunan habang tulog pa si Zoe. Hindi na ako nakapagluto at ininit ko na lang ang tirang adobo kagabi.

Napangiti si Tita Linds habang nginunguya niya ang kanin at ulam na inihain ko. Ilang taon ko na kasing inaaral ang recipe niya, pero hindi ko pa rin ma-perfect.

Dinampot niya ang remote ng TV sa tabi niya at hininaan niya ang volume nito. Sumubo ulit siya ng isa pa at saka tumingin sa akin.

"Hmm, sakto na ang alat, Gail... malapit na." Namilog naman ang mga mata ko sa narinig. "Puwede ka nang mag-asawa!" dugtong niya. Bumusangot ang mukha ko sa pahabol niyang biro na tinawanan niya lang.

Tumikhim ako. "May nakuwento ba si Zoe sa inyo, Tita... tungkol sa sinamahan niya kanina?" Humina ang tawa ni Tita Linds at mabilis ding sumeryoso ang mukha niya.

Uminom siya ng tubig bago niya binalik sa akin ang tingin niya. "Matandang lalaki raw, eh. Matangkad, puti na lahat ng buhok, tapos may kasama raw bodyguards..."

I rubbed my right temple. Iniisip ko kung may kilala ba akong ganoon ang itsura, pero walang ako maalala. Iilang tao lang din naman kasi ang nakakasalamuha ko noon sa Sta. Isabel at maging dito sa Maynila.

"Ah! Mayor daw ang tawag ng bodyguard sa kaniya!" bulalas ni Tita Linds.

"M-Mayor?" naguguluhan kong tanong sa sarili.

"Dios Mio, Gail!"

Napatuwid ako ng upo sa sigaw ni Tita. Nanlalaki ang mga mata niya. Halos mahulog din ang panga niya at parang nawalan ng kulay ang mukha niya. She's not looking at me, but at the TV behind me.

Dahan-dahan kong ipinihit ang katawan ko paharap sa TV. Sumambulat sa akin ang video kung saan nakangiting winawagayway ng isang matandang lalaki ang malaking pulang ribbon. He looked like a businessman fresh from a ribbon cutting ceremony. Napalilibutan din siya ng iba pang mga negosyante at dalawang bodyguard. Puti na ang buhok niya at alam ko sa sarili kong hindi ito ang unang beses na nakita ko siya.

"Incumbent Mayor of Calapan, Mindoro, Hon. Hugo Saldivar, is one happy businessman as he opened another branch of his restaurant in Taguig City, yesterday."

Parang may kung ano'ng nagbuhol-buhol sa sikmura ko. Hindi ako makapagsalita at nakaawang lang ang mga labi ko.

"G-Gail, hindi kaya siya 'yong tinutukoy ni Zoe?" nanginginig ang boses ni Tita Linds. Nakadagdag iyon sa takot na unti-unting bumabalot sa katawan ko.

Ano'ng pakay ni Hugo Saldivar sa aming mag-ina? Paano niya nalaman na si Lance ang ama ni Zoe?

Napahawak ako sa dibdib ko. Parang hindi na tumitibok ng puso ko. I tried to breathe, but I couldn't feel any air passing through. Pakiramdam ko ay kumikipot ang lalamunan ko.

"In... In-ha-ler... T-Tita, p-please..."

***

MsLynLuna

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top