Chapter 12 - Threats

Kusang gumagalaw ang kamay ko habang hinahalo ang order ng customer sa Table 2. Naririnig ko ang pagtama ng bar spoon sa baso habang patuloy lang ako sa paghahalo. Hindi ko tinitingnan ang ginagawa ko, nakatulala lang ako sa kawalan.

My mind was occupied with questions—Bakit si Mamá lang ang nakita nila Ate Amira? Nasaan ang Papá at si Tiya Cristina? Who sent that text? Could it be Lance? It's from him, right?

"Napansin mo 'yon?" Napaigtad ako nang marinig ko ang tanong ni Ma'am Lia.

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Ni hindi ko nga napansin na katabi ko na pala siya sa likod ng checkout counter, nagsasalansan ng mga takeout cups sa supplies cabinet.

"Po? Ma'am Lia?"

"'Yong motor na itim, parang tatlong beses nang dumadaan 'yon?" Sinulyapan niya ang malaking glass window ng café, iyong pinakamalapit sa pinto.

"Sorry, Ma'am Lia, hindi ko po napansin," nahihiya kong sagot, kasabay ng pagguhit ng isa ring nahihiyang ngiti sa mga labi ko.

Binalik ko ang atensyon ko sa paggawa ng iced latte. Nang matapos, agad ko itong inilagay sa tray at sinerve sa babaeng nagbabasa ng libro sa Table 2.

Pabalik na ako sa counter nang marinig ko ang pagtunog ng wind chime.

"Welcome to Café Amor!" I automatically and happily shouted.

"Hi Mama!"

Napalingon ako sa entrance nang marinig ko ang maliit na boses ng anak ko. Malapad ang ngiti ni Zoe habang nakahawak ang kaliwang kamay sa kamay ni Tita Linds at ang kanang palad naman niya ay paulit-ulit niyang ikinakaway sa akin. Akala mo'y artista na kinakawayan ang fan niya. Napabungisngis ako at nagmamadaling lumapit sa kanila.

I have them seated at Table 4, malapit sa bintana. Paborito kasing panoorin ni Zoe ang mga sasakyang dumadaan sa labas tuwing nasa café. Hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mukha niya habang nag-si-sway ang mga paa niyang hindi abot ang sementadong sahig. Kalong-kalong niya ang pink unicorn bag niya.

"Good mood yata ang baby ko today, ah? Ano'ng meron?" masaya kong tanong kay Zoe habang ipinapatong ko ang braso ko sa sandalan ng upuan niya.

Binuksan niya ang bag niya at inilabas ang spelling booklet niya.

"Look, Mama! One hundred ako sa spelling kanina. Hindi na ako nagkamali sa spelling ng family!" Proud na proud niyang ipinakita sa akin ang score niya, namimilog ang mga mata niyang kakulay ng dagat.

"Wow! Very good naman ang Cordelia Zoe ko!"

Tiningnan ko ang booklet, at kusang kumurba ang mga labi ko. May bilog ang '100' sa tabi ng pangalan niya, at may tatak pa ng limang stars. Nawala na parang bula ang mga alalahanin ko kanina at tuluyan nang natabunan ng sayang hatid ni Zoe.

"Tapos sabi po ni Teacher Irish, 'Use in a sentence'..."

I looked at Zoe and I watched her. She pursed her lips, paused, and smiled just like him.

"... and I said, 'My family is my Mama Gail and my Mamita Linda'. Na-very good ako ni Teacher! Tapos nag-clap sila Aksana and Yvette!"

Napapalakpak si Tita Linds at hindi na napigilang idikit ang pisngi niya sa pisngi ni Zoe habang pinupuri ito. Halos magkapalit na sila ng mukha. Humahagikgik si Zoe habang yapos-yapos siya ni Tita.

"Ang galing, galing naman talaga ng Zoe ni Mamita!"

This is good. Zoe is slowly accepting that it's just us.

Naka-move on na siguro siya sa sinasabi niyang buhay pa ang Papa niya at kukunin siya nito sa akin. And I should be happy... but I'm not. Pakiramdam ko ay may malaking pagkakasala ako sa anak ko na hindi mabubura kahit kailan. Pakiramdam ko ay masamang ina ako dahil ipinagkakait ko sa kaniya ang isang buong pamilya.

But I chose this. I chose to protect her like this—away from him, away from my life before... away from the truth.

Huminga ako nang malalim at muling ibinaling ang pansin ko kay Zoe. "Dahil very good ka, may chocolate cake ka!"

Sabay napakurap-kurap ang mga mata ni Zoe at ni Tita Linds. Sabay din silang nagsabi ng 'Wow!' Pareho kasi nilang favorite ang moist chocolate cake na specialty ni Ma'am Lia.

"Wait here. I'll get your cake," masigla kong pagpapaalam.

Tumalikod na ako para bumalik na sa counter. Pero natigilan ako sa paghakbang nang makita kong naglalakad papunta sa amin si Ma'am Lia. Bitbit ang wooden tray na may isang slice ng cake.

"Chocolate cake for Ms. Cordelia Zoe Ortiz!" magiliw niyang sabi habang dahan-dahan na inilalapag ang cake sa tapat ni Zoe.

"Wow! My cake is here na!" Zoe shouted with excitement. Napahagikgik naman si Ma'am Lia dahil sa reaksyon ng anak ko.

"On the house na 'to, Gail. Narinig kong nakaperfect siya sa exam niya kanina," bulong ni Ma'am Lia.

"T-Thank you po, Ma'am Lia."

***

Sabay kaming nag-aalmusal ni Zoe ng pritong itlog at corned beef nang sunod-sunod na katok ang nagpatayo sa akin.

"Gail..." mahinang tawag ni Tita Linds.

"It's Mamita, Mama!"

Mabagal akong tumango kay Zoe. "Finish your food, then maligo ka na..." I said before walking towards the door.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad sa akin ang hinihingal na si Tita Linds, namamawis ang noo niyang paulit-ulit na pinupunasan ng kaliwang kamay niya. Kumakalansing ang mga gintong pulseras niya. Tatlong layers yata ang mga iyon.

"Good morning, Tita Linds!" bati ko sa kaniya. "Off po ako ngayon. Ako na maghahatid kay Zoe sa school."

"A-Alam ko, m-may iaabot lang ako," paputol-putol niyang sagot dahil sa pagkahapo.

Napatingin agad ako sa box na nakaipit sa kanang kili-kili niya. Bigla akong dinalaw ng kaba. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko.

"T-Tuloy ka muna... Tita," nauutal kong tugon.

Ipinatong ni Tita Linds sa coffee table ang parcel at saka niya isinandal ang likod sa sofa. Umupo rin ako sa tabi niya, hindi inaalis ang tingin sa box na nakabalot pa ng itim na bubble wrap.

"Hi, Mamita! Let's eat breakfast po," alok ni Zoe habang magana pa rin itong kumakain ng almusal, isinasayaw-sayaw ang mga paa niya habang nginunguya ang corned beef at kanin.

"Done na ako, apo," balik naman ni Tita Linds.

Tumikhim muna siya at saka inginuso ang kahon na nasa harapan namin. "May nagpadala niyan sa boarding house. Naka-address sa 'yo. Akala siguro do'n ka pa nakatira."

Dinampot ko ang box. Hindi iyon mabigat pero sigurado akong may laman din. Parang may kung ano kasing umalog sa loob noong inangat ko. Binasa ko ang nakasulat sa sticker na nakadikit sa ibabaw nito.

To: Abigail Ortiz

Kumpleto ang detalye, kasama ang personal number ko at ang address ng paupahang boarding house ni Tita Linds na katabi lang ng apartment na tinitirahan namin ni Zoe. Pero walang nakasulat na sender details. Mas lalo akong binundol ng kaba.

I ripped the wrapper gently. Mabilis ko lang din napunit iyon. Makunat kasi ang bubble wrap. Nang makita ko na ang mismong kahon, nilapag ko ulit sa coffee table ang parcel.

Tinuklap ko gamit ang kuko ko ang packing tape. Hindi ko pa man nabubuksan nang tuluyan ang box ay parang may kakaiba na akong naaamoy. Hindi iyon mabaho... I even found myself familiar with the smell. Kilala ko ang ganitong amoy—maasim-asim at manamis-namis—kaamoy ng mga nabubulok na rambutan at lanzones sa hacienda noon.

Dahan-dahan kong pinaghiwalay ang mga flap ng kahon. Napangiwi ako nang sumambulat sa amin ni Tita Linds ang bulok na mga prutas, rambutan at lanzones... kagaya ng pananim namin sa Sta. Isabel.

"Susmaryosep! Sino'ng gago ang magpapadala niyan?!" bulalas ni Tita Linds. Naglaro agad sa isip ko ang mga picture na ipinadala rin sa akin kamakailan lang at ang misteryosong text noong isang gabi. Hindi ko na nga nagawang sitahin si Tita sa pagmumura niya.

Kumakatas na sa gilid ng kahon ang sirang mga prutas. Pero hindi lang iyon ang laman ng box. Natatabunan ng mga prutas ang isang picture. Ako, si Papá, at si Tiya Cristina—malapad ang ngiti naming tatlo habang namimitas ng mga lanzones.

Someone is clearly sending a message to me. Someone is threatening me.

"Yuck! Ew!"

Napabalikwas ako nang marinig ko ang anak ko. "Zoe!"

Nasa likod ko na pala siya at nakikisilip din sa mga bulok na prutas. Nakatungtong sa armrest ng sofa at nakakapit sa pader, pilit na ibinabalense ang sarili niya.

"Who's that Mama? He looks like you." Itinuro niya si Papá sa picture.

Hindi ko siya sinagot. Binuhat ko siya pababa sa tinutungtungan niya at mariing tinitigan ang mga mata niyang puno ng pagtataka.

"Zoe, maligo ka na at male-late ka na sa school," kalmado kong utos sa kaniya.

"Kanino galing 'yong yucky fruits, Mama?"

Bakit ba hindi maubos-ubos ang tanong ng batang ito?

Lumuhod ako sa harapan niya at malambing na hinawi ang ilang hibla ng buhok niya palayo sa maliit niyang mukha. "Zoe, no more questions, go take a bath na... okay?"

She pouted as she crossed her arms in front of her, but I just continued staring at her. Hanggang sa siya ang unang sumuko at saka padabog na nagmartsa papuntang banyo.

Napabuga ako ng malakas na paghinga. Napasapo ako sa noo ko habang unti-unting ibinabagsak ang puwit ko sa malambot na sofa.

"Gail, ano na naman natakbo sa isip mo, anak?" tanong ni Tita Linds. Inilabas niya sa box ang picture namin nila Papá at isinara iyon.

"Tita, puwede bang kayo na ang maghatid kay Zoe sa school? May kakausapin lang ako para matapos na 'to." Nakatitig lang ako sa box habang binabanggit ang mga iyon. Ayokong tumingin kay Tita dahil alam kong pipigilan niya ako.

"Gail, mag-iingat ka."

I was wrong. Hindi niya ako pinigilan, bagkus ay hinawakan niya pa nang mahigpit ang nakakuyom kong kamaong nakapatong sa hita ko. As if she's encouraging me to do whatever it is that I planned.

"Mag-iingat ka, Maggie... madaling maloko ang pusong galit," pahabol niyang paalala sa akin.

Humarap ako sa kaniya at mapait akong ngumiti. "Tita, matagal ko nang hindi pinapakinggan ito," sabay turo ko sa aking dibdib.

***

Sinulyapan ko ulit ang screenshot ng office address na nakuha ko sa internet kanina—Thomas & Co. Law Firm, 5th Floor, 710 Commerce Tower, Riverside Avenue, Taguig City.

Kung kailan naman nasa fifth floor na ako ay saka naman naduwag ang mga paa kong pumasok sa loob. Natatanaw ko mula sa labas ng glass door ang isang maliit na receiving area. May receptionist counter din kung saan nakatayo sa likod ang isang babaeng may kausap sa telepono.

Hinila ko pababa ang laylayan ng blue sundress ko na pinatungan ko ng white cardigan. Tumuwid ako ng tayo, pinalandas ko ang mga daliri ko sa nakalugay kong buhok, hinigpitan ko ang hawak ko sa paper bag na dala ko, at humakbang ako papasok ng glass door na automatic namang bumukas.

"Good morning! Is Atty. Thomas around?" magalang kong tanong sa babae. Kabababa niya lang sa telepono at maaliwas naman niya akong nginitian.

Mula sa receiving area ay kita ko na agad ang buong office space. Bilang lang ang cubicle ng mga empleyado. Kaunti lang ang mga tao na nagpakatungo sa kanya-kanya nilang computer. Sa dulo ng palapag ay may tatlong kuwarto na pare-parehong gawa sa salamin ang dingding. Mukhang conference room ang nasa gitna dahil may mahabang lamesa at maraming office chairs. Iyong dalawang nasa magkabilang dulo naman, frosted glass ang dingding kaya hindi ko makita ang nasa loob.

"Ah, yes, Ma'am. He's here po." Napalingon ako sa babae. "Do you have an appointment with him po? May I know your name, Ma'am, so that I can check my—"

"No, wala akong appointment," mabilis kong sagot. Bahagyang kumunot ang noo niya. "But... but I know he expects me," dugtong ko.

Dinampot ulit ng babae ang telepono.

"Sa'n ang office niya?" I asked nervously, tapping my fingers lightly on the counter. "I really need to talk to him."

"Ma'am, I'm sorry, but you have to secure an appointment first before—"

Hindi ko na hinintay pang matapos ang pagpapaliwanag niya. I withdrew my fingers from the counter and then I immediately walked towards one of the frosted private offices.

"Ma'am, wait lang po!" Naririnig ko ang pagpigil sa akin ng babae pero hindi ko siya pinapansin. Lumalagatok ang takong ng high heels ko sa tiles at isa-isa na ring nagtatayuan ang mga taong kanina lang ay nagpakayuko.

"Ma'am! Stop it or I'll call security," pagbabanta pa ng babae.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang sa iniluwa ng pintong nasa pinakasulok ng palapag si Lance.

Nakarolyo hanggang sa siko niya ang puti niyang long sleeves. Wala siyang necktie at bukas ang unang butones ng damit niya. He looked like he had just awakened from a nap. His blue eyes were still drowsy, and his black and golden hair was disheveled.

"Rose, it's okay..."

Para akong binuhusan ng tinunaw na yelo nang marinig ko ang buo niyang boses na may kaunting gaspang. Just like how his bedroom voice sounds.

I shook my head lightly. Madaling maloko ang pusong galit. Madaling maloko ang pusong galit. Paulit-ulit kong ibinubulong sa isip ko.

Pinasadahan ako ng tingin ni Lance. Mabilis lang iyon, pero pakiramdam ko ay natutunaw ako. Huminto ang mga mata niya sa mga mata ko.

"You want to talk?" he asked softly, and I just responded with a nod.

He inhaled sharply and then he walked back to his office. Sumunod ako sa kaniya, ignoring all the curious and heavy stares from everyone on the floor.

***

Nakaupo na siya sa tan leather chair niya pagpasok ko sa opisina niya. Nakasalo ang mga magkasalikop niyang mga kamay sa baba niya.

"Close the door," he said in a neutral tone. I pushed the frosted door and then I stood in front of him.

Nakakainis na sobrang kalmado lang niya habang ako ay parang sasabog na. Ni hindi ko nga kayang isayad ang puwit ko sa upuang nasa harapan ng lamesa niya—nakatayo lang ako sa tapat no'n. Gusto kong sigawan siya. Gusto kong itapon sa mukha niya ang bitbit kong paper bag laman ang box ng bulok na mga prutas.

"What brings you here... Maggie?" I glared at him. He looked away and cleared his throat. "I mean, Gail—Abigail Ortiz."

Napakurap-kurap ako at napalunok. Paano niya nalaman ang buong pangalan na ginagamit ko?

I took a deep breath to steady my voice. Dinukot ko mula sa paper bag ang box at malakas kong ibinagsak 'yon sa lamesa niya.

"This!" I exclaimed as I harshly opened the box.

Napatayo siya sa kinauupuan niya at napaawang pa ang mga mapula niyang labi. Lumikot ang mga mata niya. Kitang-kita ko rin ang pagtaas-baba ng dibdib niya.

"Hindi ka pa rin ba titigil, Lance? Hindi ka pa ba nakuntento sa mga pinadala mo?" Nanginginig ang boses ko, pero hindi ko inaalis ang titig ko sa kaniya.

"You sent me those pictures, right? No'ng araw na pumunta ka sa café with Sir Andrew? You sent me those pictures from that night, Lance! From that night when Landon was murdered!" Halos umalingawngaw ang nanggagalaiti kong sigaw sa maliit niyang opisina.

Pinandidilatan ko siya ng mga mata, pero wala siyang imik. Pakiramdam ko ay puputok na rin ang ugat sa leeg ko dahil sa pagsigaw ko, pero balewala lang iyon sa kanya. Nakabuka pa rin ang mga labi niya, parang pinapanood lang akong ibuhos ang galit ko sa kaniya.

"Then you sent me this text!" I shouted furiously as I shoved my phone in front of him. Napakurap siya dahil sa gulat. Itinikom niya ang bibig niya ngunit hindi pa rin siya kumikibo.

"And then this?!" Tinabig ko ang kahon sa lamesa niya. "Rotten fruits?! How mature, Lance?"

Nakakapagod magalit, pero mas nakakapagod ang madismaya. I vented my anger about his threats and got nothing from him. He was just as shocked as me... how could that be? Siya ang may pakana ng lahat ng ito, tapos ganito ang reaksyon niya?

Para akong halamang nabuwal na unti-unti na lang napaupo sa silya sa tapat ng lamesa niya. Hinapo ako sa kasisigaw sa kaniya.

"Gail, I don't know what you're talking about... hindi sa akin galing ang pictures na sinasabi mo, that text, and this package." He looked down at the box and then he gently closed it. His voice is calm. It sounded so sincere and I hated it.

"Lance... nasa Sta. Isabel pa lang tayo, hindi ka na naniniwalang inosente ako," malumanay kong tugon. Itinapon ko ang tingin ko sa painting na nakadikit sa konkretong pader sa tapat ko.

"You... you even insulted me, back then. Ako... ang pagkatao ko... ang pagkababae ko. Tapos ngayon, itatanggi mo ang mga palabas mong 'to?!"

Wala sa sariling napatingala ako. Bumibigat na ang mga mata ko. Anytime now, I might break down in front of him and cry. Ayokong umiyak pa sa harapan niya. Hindi siya karapat-dapat iyakan.

I heard him take his seat and heaved out a deep sigh. "Gail, I don't have anything to do with your... accusations."

Pagak akong natawa sa sagot niya. Humarap ako sa kaniya at itinaas ko ang kilay ko. "Talaga lang Lance? That's the best reasoning you have?"

"Why would I send those?" he asked, challenging me.

"To threaten me!"

"Why?" he asked calmly. Hindi man lang siya nasindak sa pagtaas ng boses ko.

"Because you want me to suffer! Kasi pinatay ko si Landon 'di ba? Pinatay ko 'yong kuya mo!" Nanginginig ang sulok ng mga labi ko habang sinisigaw ko 'yon sa kaniya.

I smiled wryly as he looked down. Finally... Finally, I know that he felt something. Yumuko siya at umilig-iling na para bang hindi niya nagustuhan ang narinig niya galing sa akin.

"Stop that... s-stop incriminating yourself. Someone might hear you a-and use it against you," he stammered.

I laughed mockingly. My shoulders were shaking as I was so amused by what he said. Natatakot siyang may makarinig sa akin, pero hindi siya naniniwalang inosente ako.

"Hindi ba 'yon naman ang gusto mo? 'Yon naman ang pinaglalaban mo 'di ba? Hindi ko nga alam why it took you seven years to come back and ruin my life again?" sarkastiko kong tanong.

Inangat niya ang ulo niya at nagtama ang mga paningin namin. "Gail... hindi nga ako ang nagpadala niyan." Ibinaling niya ang tingin niya sa kahon sa lamesa.

"Okay, fine! Itanggi mo hangga't gusto mo. I don't care! Just stay away from me and my family, Lance!"

I stood up and I was ready to leave, but then I was halted by his question.

"Family? Huh? Y-You mean her?"

Tumayo rin si Lance. Noong una, hindi ako makapaniwala sa picture na hawak niya at pinapakita niya sa akin. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagkatotoo na ang bangungot ko—wala. Wala akong maramdaman. Parang namanhid ang buong katawan ko. Blanko ang isip ko at tinititigan ko lang ang picture ni Zoe na mariing hawak ni Lance. Naubos na yata ang boses ko sa kasisigaw kanina, dahil hindi ako makapagsalita.

I've rehearsed my lines every night before I go to bed. I know perfectly what to say when this moment comes. But I was wrong. Akala ko, okay na ako. Akala ko, kaya ko. Akala ko lang pala talaga.

"Cordelia Zoe Ortiz, six years old, blue eyes... which she probably got from her—"

"Stop it, Lance!" I lashed out. Natauhan ako dahil sa mga mainit kong luha na bigla na lang dumulas sa pisngi ko.

Ibinaba niya ang kamay niya at maingat niyang nilapag ang picture ni Zoe sa lamesa.

"She... she's not yours. A-Anak namin siya ni Greg, my ex." I sobbed, making my lies sound even more like a lie.

"So, stop it, please. Hindi mo siya anak..." I clutched my chest as I cried in front of him. I fixed my gaze on Zoe's picture, nakapatong pa rin doon ang kanang kamay ni Lance. He was silent, making me more uncomfortable. Wala akong ibang naririnig kundi ang paghikbi ko.

"Stop threatening me, Lance. Stop stalking me. Huwag ka nang pupunta sa Café Amor. Stop digging details about my family, especially about my daughter," I said as I caught my breath in between sobs.

I sniffled and I closed my eyes. I inhaled through my nose and exhaled through my mouth. I repeated it until I successfully stopped myself from crying even more.

Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. His left hand hovered in the air, as if reaching for something. Inaabot niya na ba ang pisngi ko?

Binaba niya ang braso niya nang magsalubong ang mga mata namin.

"Don't dwell too much on the past, Lance. What we had was just a fling, remember?" I said coldly.

Hinablot ko ang picture ni Zoe na mariing tinatakpan ng malapad niyang palad. Napapikit ako nang mapunit iyon dahil sa lakas ng paghatak ko.

"S-Stay away from us... or else I'll take legal actions, Attorney." My voice was full of warning. I never thought I still had the strength in me to threaten him.

His eyes softened as he gently took my hand—iyong kamay kong hawak-hawak ang punit na picture ng anak namin.

"Maggie... " Ibinulong niya ang pangalan ko kagaya ng kung paano niya iyon paulit-ulit na ibinubulong noon sa kubo malapit sa dagat sa Sta. Isabel.

Marahas kong binawi ang kamay ko. "Hindi ako si Maggie. Wala na si Maggie, Lance. You killed her!" matapang kong sagot sa kaniya.

Pero mabilis ding naubos ang tapang na iyon, nang kinulong niya ang mga labi ko sa mga labi niya.

***

MsLynLuna

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top