KABANATA 6

AMELIA EARHART

Sa sobrang bilis ng pangyayari, namalayan ko na lang ang lahat nang bigla akong tinulak ng hari.

Sa sobrang lakas pa ng pagkakatulak niya ay mukhang nabali pa ang braso ko dahil sa ito ang pinangtukod ko nang bumagsak ako kanina.

Tumayo ako agad habang hawak-hawak ang kanang braso ko. Nilingon ko agad ang pintuan para alamin kung sino ang pumasok sa loob ng silid ng hari ng walang pasabi o pahintulot nito.

Siguro ay isang importanteng tao ito para pumasok na lang siya basta-basta sa loob.

"Kamahalan?"

Unang tumingin 'yong matandang babae sa 'kin pagkatapos ay binaling naman niya ang kanyang paningin sa direksyon ng hari.

Hindi naman siya tumingin ng direkta rito. Parang pinasadahan lang niya.

Teka nga, sandali. Bakit ba may tao pa na pumasok dito. Umalis na mga 'to kanina e.

Shet. Nabalian pa yata ako ng buto dahil sa pagtulak sa akin ng mapagmataas na hari ng mga Tiro.

"Kamahalan-"

"Hindi."

Napataas ang isang kilay ko at napalingon sa direksyon ng hari.

Hindi saan? May sinabi na ba 'yong matandang babae?

Pero, nagtataka talaga ko kung sino ang babaeng 'to. Kung madalas lang sana sila nagpapakita sa mga katulad kong lumaki na sa lansangan ay baka nakilala ko na agad sila.

"Ang ibig kong sabihin ay wala akong panahon para sa mga kababaihan na wala namang ambag sa palasyo. Isang bayarang babae na bigla na pumasok sa aking silid."

Naglakad palayo sa 'kin ang hari at pagkatapos ay saka siya muling lumingon sa direksiyon ko.

Ano raw? Mukha ba kong bayarang babae sa paningin niya?

Hindi ko tuloy mapigilan na maikuyom ang dalawang kamao ko dahil sa inis.

Tsk. Kung hindi lang hari ang isang 'to ay matagal ko na talaga 'tong nasuntok.

Mabuti na nga lang at wala sa 'kin ang isang espada na pinamana pa sa akin ng isang taong nakita ko lang sa daan.

Nasaan na nga pala 'yon?

Ay, shet! Baka isa 'yon sa mga bagay na natalo ko sa sugal nang nakaraan!

"Kamahalan, nais ko lamang ipaalam sa 'yo na naisagawa na ang pag-anunsyo tungkol sa magaganap na paligsahan." Yumuko 'yong matandang babae sa harapan ng hari habang nagsasalita.

"G-Gano'n ba? Maaari kanang lumabas."

Umupo sa kanyang higaan ang hari habang ako naman ay nakatayo lang sa gilid at pinagmamasdan sila.

Sa totoo lang, kanina pa talaga ko nagpipigil ng tawa.

Pfft! Ang haba ng rason ng hari tapos wala naman pa lang pakialam itong babae. Hahaha.

"Masusunod, kamahalaan."

Bago pa umalis 'yong babae ay tumingin pa ulit siya sa direksyon ko. Tinitigan pa niya ko ng masama kaya nakipagtitigan din ako ng masama sa kanya.

Ano akala niya sa 'kin? Hindi naman siya hari para hindi ko siya patulan kahit na matanda na siya. Hinuhusgaan niya ko agad e. Tsk!

Pag-alis ng babae ay saka ko binaling ang paningin ko sa direksyon ng hari.

Nakakagigil ka alam mo 'yon? Kahit kailan hindi ako naging bayarang babae. May nangyari nang mali, oo pero hindi ako bayaran! Kung hindi ka lang hari ay nakipagsuntukan na ko sa 'yo. Nakakainis!

Pero, s'yempre hindi ko talaga sinabi 'yan sa hari. Hindi na nga ko makalabas sa palasyo. Baka mas lalo akong hindi makalabas ng buhay kung gagalitin ko pa lalo 'to. Tss.

Tingnan mo nga naman. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balak magbihis.

"Tama. Ikaw, babae." Binalingan ako ng tingin ng hari.

Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya. Baka magalit na naman e. Tss.

"Amelia Earhart ho ang ngalan ko, kamahalan. A-Ano 'yon, kamahalan?" Napapairap ako ng mata habang nakatingin sa ibang direksyon.

Ano na naman kayang naisipan na ipagawa sa 'kin ng hari?

"Sasali ka sa magaganap na paligsahan."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa aking narinig.

"Paligsahan? Paligsahan saan?"

Nakalimutan ko na tuloy na hari ang kausap ko at napalakas na ang boses ko.

"Paligsahan kung nararapat ka bilang isa sa magiging kawal ko."

Teka. Mali yata 'yong narinig ko. P'wede ko pa kaya ipaulit sa kanya?

"K-Kamahalan, isa akong magandang dilag. Ang ibig kong sabihin ay isa akong binibini. Kawal? As in kawal, kamahalan?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Oo. Sumama ka roon at ipakita mo sa 'kin kung nararapat ka nga katulad ng nais ng royal magician."

Nararapat ba saan? Tsk! Hindi ko naman maintindihan e.

"Kamahalan, ano ba dapat kong patunayan? Kailangan kong patunayan na nararapat akong makawala sa palasyo na 'to? Gano'n ba? Isa pa, puro lalaki ang makakalaban ko. Paano ako sasali sa mga 'yan? Hindi ako gano'ng kalakas. Med'yo lang."

"Sinabi ko bang iniimbita kita?"

Napaiwas ako agad ng tingin nang titigan ako ng masama ng hari. Gag* ba siya? Kakasabi lang niya na sumama ako tapos ngayon ay ganyan ang tanong niya.

Napailing na lang ako ng aking ulo dahil mas magulo pa siya kausap kaysa sa babaeng nagpapunta sa akin dito sa silid niya.

"Kung gano'n pala, kamahalan. Ano pala gusto mong mangyari?"

Kalmado pa ko niyan. Kapag hindi na ko nakapagtimpi nito ay talagang kakalimutan ko nang mamamatay ako dahil sa pananakit ko sa isang hari.

"Hindi kita iniimbita sapagkat inuutusan kitang sumali at sa oras na salungatin mo ang aking mga salita ay hindi na ko magdadalawang isip na hatulan ka ng isang kamatayan."

Napasimangot na lang ako ng aking mukha.

Wow ha. Nagdalawang isip pa siya niyan na hatulan ako. Parang gano'n din naman dahil hindi rin ako makaalis sa palasyo na ito.

"May sinasabi ka?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ng hari. Panay ang naging pag-iling ko dahil sa tanong niya.

Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Akala ko ay naririnig na rin niya pati ang isipan ko.

O, sige. Kung gusto talaga niya kong sumali sa sinasabi niya ay sasali na ko.

Isang ngiti ang sumilay sa aking labi.

Sa tingin ko naman ay kaya kong makipagsabayan sa mga lalaking makakalaban ko.

Katulad nga ng sinabi ko kanina. Hindi naman talaga ko mas'yadong mahina. Kahit papaano, ang lakas ko ay hindi mahahalintulad sa kahit na kaninong babae ng Tiro.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top