KABANATA 4
AMELIA EARHART
"Palabasin n'yo ko rito! Hoy! Mga unggoy na nasunod sa pinuno ninyong unggoy, wala akong kasalanan!"
Tagaktak na ang pawis ko at nakakaramdam na ko ng gutom dahil hindi pa ko kumakain simula nang makulong ako sa palasyo, pero patuloy ko pa ring kinakalampag ang pinto ng kuwarto na pinagdalhan sa akin ng mga kawal. Ewan ko nga e. Kuwarto? Tss. Kulungan ang tamang termino rito.
Nang makaramdam na ko ng lubhang pagkapagod ay umupo na lang muna ako sa kama na med'yo maliit at matigas dahil kahoy lamang ang tanging papag nito.
Hindi pa rin humuhupa ang inis at galit na nararamdaman ko dahil sa hari ng Tiro. Hindi ko nga alam kung anong klaseng utak mayroon sa hari ng aming lugar at naisipan niya kong ikulong dito dahil lamang hindi ko siya nakilala. Hindi ko naman siya binastos ng sadya. Tss.
Ewan ko ba kung anu-anong kamalasan na ang dumapo sa akin at ang pinaka malaking kamalasan sa lahat ay nagtagpo pa ang landas namin ng hari na 'yon.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko kasabay ang muling pagtunog ng kumakalam kong tiyan. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.
Napatango na lamang ako ng aking ulo dahil kahit papaano ay sa malinis na silid naman nila ko dinala. Kaya lang, sa sobrang gutom ko ngayon ay parang nanaisin ko na lang makakita ng ipis at daga para kainin ito.
Napangiwi ako bigla dahil sa aking naisip. Teka lang. Kadiri pala 'yon. Hindi pa naman siguro ako aabot sa gano'n.
Lumipas ang kalahating minuto ay bigla na lamang bumukas ang pinto ng silid na kinalalagyan ko ngayon.
Napatayo ako agad dahil baka kung ano na naman ang gawin sa akin ng mga kawal. Mas mabuti nang maghanda agad para hindi ako agad mamatay sa palas'yong ito.
Pero, mabilis din akong natigilan nang mapansin ang isang tao na nasa harapan ko ngayon. Humakbang ako ng ilang hakbang pabalik. Hindi ko na napansin ang paghawak ko ng mahigpit sa kama.
Napakunot ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka.
"S-Sino ka?"
Halos mabingi na ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Napatingin ako sa wand na hawak niya. Tiyak na hindi isang ordinaryong tao o kawal ang kaharap ko ngayon.
"Hi!"
Mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko sa pagtataka dahil sa naging tugon niya sa 'kin.
Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay ngumiti lang siya ng malawak sa 'kin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
Nawiwirduhan talaga ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Pinadala ba siya ng hari rito para gawin akong baliw katulad ng kaharap ko?
"Hindi ah!"
"Huh?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Hindi ako baliw." Nakangiti pa rin siya sa 'kin.
Lumapit siya sa 'kin palapit habang ako ay nanatili lang sa kinatatayuan ko dahil wala na rin naman akong aatrasan. Pader na nasa likod ko.
"Nakakabasa ka ng isipan?" gulat kong tanong sa kanya.
Iilan lang ang mga taong nakakagawa no'n at depende pa kung isa ka sa biniyayaan na makatanggap ng napaka lakas ng kapangyarihan. Sa kaso ko, huwag na na 'ting pag-usapan. Malas din ako pagdating doon. Tss.
Pagkalipas ng ilang segundo ay bigla siyang humagalpak ng tawa. Nanliit tuloy ang mata ko sa kanya.
Hindi raw siya baliw, pero umaasta siyang baliw. Tss.
"Hindi ko binasa ang isipan mo. Ang dali kasing basahin 'yang sinasabi ng mukha mo."
Natigilan ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Balak yata nitong palitan 'yong mukha ko ng mukha niya e. Hindi ako papayag, s'yempre. Mas maganda pa rin ako sa kanya.
Haba kaya ng baba niya. Para nga siyang mangkukulam e.
"Ikaw pala 'yon."
Naiinis na talaga ko sa taong 'to ha. Kanina pa siya sa sinasabi niya na hindi ko naman maintindihan. Onti na lang masusuntok ko na rin ito e.
"Anong ako na 'yon? Ako na ba ang bibitayin, gano'n?" inis kong tanong sa kanya.
Marahan siyang umiling at ngumiti ulit sa 'kin.
"Hindi. Hindi 'yon. Ikaw ang kailangan ng palas'yong ito kaya hindi ka dapat nananatili sa kuwartong ito. Magkakaroon ng isang kakaibang exam para sa mga kababaihan. Sumali ka roon at ipakita mo ang natatangi mong lakas at tapang. Okay?"
Natawa ako sa sinabi ng kaharap ko.
"Imposible 'yang sinasabi mo. Hindi nga ko makalabas sa-"
Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla na lamang niyang kinumpas ang wand na hawak niya at nagkaroon ng isang nakakasilaw na liwanag sa paligid. Mainit din ito sa balat.
Pakiramdam ko tuloy ay nakatayo ako sa liwanag ng araw ngayon.
Napapikit na lang ako dahil sa sobrang liwanag at nang maramdaman kong wala na init ng liwanag ay agad kong minulat ang aking dalawang mata.
"Waaaaah!"
Napahiyaw agad ako dahil sa gulat sa aking nakita.
Lumingon sa akin ang walang saplot na hari at ako naman ay napatakip agad sa aking dalawang mata.
"Paano ka nakatakas at anong ginagawa mo sa aking silid?"
Hindi ko pa nakikita itsura niya, pero dama ko na agad ang galit ng hari.
Hindi naman 'yon ang importante ngayon e.
"H-Hindi. . . Ano- Magbihis ka nga muna!"
Ang dalawang kamay ko ay agad na napatakip sa bibig ko dahil hindi ko rin inaasahan ang aking sinabi.
Sh*t! Nakalimutan ko na hari nga pala ang kaharap ko ngayon. Madaliang pagpapakamatay yata 'tong ginawa ko.
Nanlaki ang mata ko nang matitigan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Waaaaah!"
"Kamahalan, ayos lang po ba kayo d'yan?"
Napalingon ako sa pinto at nang muli kong binalik ang paningin ko sa hari ay bigla naman niyang tinakpan ang bibig ko. Niyakap niya ko mula sa likod at kinaladkad niya ko sa likod ng pinto.
"Huwag ka maingay kung ayaw mong tuluyan kita sa kuwartong ito." Bumulong siya sa mismong tainga ko.
Hindi ako sumagot sa kanya dahil nasa ibang direksiyon kasi nakatuon ang atensyon ko ngayon.
Sh*t na malagkit! Nararamdaman ko 'yong 'ano' niya sa likod ko. Damang-dama ko ang katawan niya dahil nakayakap pa rin siya sa 'kin.
Totoo ba 'to? Totoo bang hari itong nasa likod ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top