CHAPTER 1

KILLING ME

Min's POV.

Waking up early in the morning and washing my bare faced with cold water on the sink, while the water from the faucet is running is the worst thing I could dream of. I despise mornings; I prefer dawn or utter darkness. Not to mock someone who is blind; I simply like being in the dark since it is more quiet than being in the spotlight.

Talking about spotlight, I avoid attention from other people so I stay incognito. I hate socializing because aside from the fact that it is a waste of time, people are just pretending: they have different personalities in every person they are conversing and I cannot stand that.

It is much peaceful plugging my ears with my noise cancelling earphones, and being drawn in the other world that I created. Away from the gossips and critiques of other people. How I wish I can control everything.

On the other hand, it is becoming a little bit clearer to me, who I am really. I can categorize myself as a stone-hearted person, not cold because, aside from I don't give a duck on everyone, I am highly independent and doesn't crumble that easily.

They say I changed a lot. I mean who wouldn't, when they made me change like this. They are the one who made me feel this way, and they will comment how wicked I become, when in the first place they are the ones who made me this way.

"Min, do you have the workbook I borrowed last time?" From my peripheral vision, a boy with his 2 block cut hairstyle, a classmate of mine, leaning on the door frame, looking at my direction. I can sense my classmates staring at us and minding their own business after that.

I turned my head to face his intense brown eyes, filled with so much expectations and I wonder how many seconds it would last, when I will break his heart. He has cute little dimples at the corner of his cheeks. And before I could indulge to the fantasy that men with beautiful smiles are really beautiful inside and out, I broke the eye contact and shook my head.

"Sorry. I didn't bring it." I yelled out as I also forced myself to show my apologetic smile. I did bother to get a glimpse of his reaction but I am sure he turned away after I responded.

Tumalikod ako upang buksan ang backpack ko nang magtama ang mga mata namin ng kaklase kong nakaupo sa likuran ko. She was minding her own business awhile ago because her friends left for a snack, and she's here busy scrolling on her phone but then I must have gotten her attention because of that guy.

I saw how her eyelashes flaps like wings when she blinked. She got a flawless and smooth skin because she knows how to use those makeups and other beauty products. She always put on her signatured forced smile "a fake smile" for what I call it. She covers her mouth too when she laugh, and she got braces just few months ago. 

Hindi ko na lang siya pinansin nang hindi siya magsalita at umiwas ng tingin. Ganoon na lang din ang ginawa ko. Nagpatay malisya na lang din ako at pagbukas ko sa bag ko ay sumalubong kaagad sa akin ang kulay yellow na cover page ng pamilyar na workbook namin sa MMW o Mathematics in the Modern World. 

Naalala ko pa nga noon na kung saan first day of school at bilang freshman ay kinakabahan pa ako makihalubilo at makisabay sa mga kaklase ko. I was distant and I wanted to make friends, however I find it hard to find the perfect timing. Lahat kasi sila may mamahaling bags, nagme-make up, mababango, maaarte at higit sa lahat may boyfriend. 

They always brag to anyone or offend someone if you don't have a boyfriend or a girlfriend. Para bang requirement na na magkaroon ka ng jowa para lang makasabay ka sa kanila at hindi ka maging outdated sa mundo ngayon. Kahit mga elementary students pa lang may jowa na. 

As a first year college student, I don't have any problem if my friends have boyfriends because we are already in the legal age to find someone, to confess to someone we like, to commit in a relationship; but what I doesn't like is when a guy was showing you the signs, the mixed signals, sending you words of affirmations, when in the first place he doesn't like you at all. 

Not to that extent of marrying you, of committing to you of having in mind to have a future with you... to have kids. No. He's not like that. 

Yes, he takes good care of you, he laugh with you, he's a gentleman—

"Min!" 

Napakurap ako nang makita ko na lang ang sarili kong nakaupo kaharap ang cellphone ko at nakasalampak naman sa tainga ko ang aking earpods. Pinindot ko kaagad ang pause button at nabalik kaagad ako sa kasalukuyan na kung saan mas maingay pa sa palengke ang ingay ng mga kaklase ko rito sa aming silid-aralan.

Pagtingala ko ay nag-aalalang mala-anghel na mukha ni Fiona ang nasilayan ko. May maputi siyang balat dahil alagang-alaga niya ito. Sobrang kinis din ng mukha niya na para bang hindi pa siya nagkatigyawat man lang. Hindi ko nga lubos maisip na mapapansin niya ang isang tulad ko.

"Kanina pa kita tinatawag, akala ko nagtatampo ka na," sabi niya. Sinabayan niya ito ng munting tawa at sa kaniyang likuran ay ang mga kaklase namin na kaibigan niya rin.

"Sorry. May pinapanuod lang ako," naisagot ko. Nakatitig pa rin ako sa mukha niya dahil sobrang ganda niya talaga at isa pa, parati siyang nakangiti at marami pa siyang kaibigan.

Kahit nga naging palakaibigan na ako ngayon ay unti pa rin ang kumakausap sa akin pero sa kaniya ay lagi siyang napapansin kahit pareho naman kaming freshy o freshman.

Bumaba ang tingin niya sa cellphone ko saka hinila ang arm chair na nasa tapat ko para umupo. Nabigla pa ako ng unti nang kunin niya ang phone ko at tinignan ang screen nito. Nakalimutan ko pa lang e-off.

Hindi rin naman gaanong kamahalan ang cellphone ko at isa pa android lang ito hindi kagaya sa kaniya at sa mga kaibigan niya na iPhone at yung latest ngayon na iPhone 14.

"K-drama? Nanunuod din ako ng ganito. Alam mo yung Love Alarm?" Kitang-kita ko kung paano kuminang ang mga mata niya nang mapagtantong nanunuod din ako ng korean dramas.

Tumango-tango ako at saka naman lumawak ang kaniyang ngiti, kitang-kita ang kaniyang mapuputing ngipin na parang mga perlas.

"I really love the story! Napanuod mo na rin ba yun?" tanong niya.

Binawi ko muna mula sa kamay niya ang cellphone ko saka tinago sa bulsa dahil baka magtanong siya kung magkano at anong brand ng cellphone ko ay wala akong masagot. Hindi naman kasi ito sikat at nagla-lag pa nga dahil marami akong dinawload na series.

"Hindi kasi ako nanunuod ng Romance pero depende na rin sa plot. Pero I watched the trailer at kilala ko na naman si Kim So-hyun dahil sa Who Are You 2015 niya. You should try that as well," mahabang lintaya ko.

Kapag talaga usapang k-drama na ay dire-diretso yung salita ko pero kapag sa oral recitation na ay nangangapa pa ng sagot.

Ngumiti ako sa kaniya at siya namang pagtango-tango niya.

Itinukod ni Fiona ang kaniyang mga siko sa table ko at pinagsalikop ang kaniyang mga kamay saka naman siya ngumuso sa akin na tila nagpapa-cute.

Ngunit bago pa siua makapagsalita ay may tumawag na naman sa pangalan ko at ito si Mari, isa sa mga kaklase kong mahilig magsuot ng mga mini skirt kahit bawal sa campus. Katulad niya rin si Fiona na maarte pero naiiba lang siya dahil may pagka-maangas siya.

"My Minnie, do you have a correction tape? Look, nagkamali ako ng solve dito I need—"

"Mari, just start all over again. Marami ka namang papel." pagpuputol ni Fiona sa kaklase namin na may halong sungit.

I can't blame her, pwede naman kasing magsulat na lang siyang muli pero dahil may correction tape naman ako ay pinahiram ko na lang si Mari kahit marami siyang lalapatan ng tape sa papel niya.

I don't really mind as long as I can help her.

"Min, do you have the sci cal I borrowed last time? Sorry, can I borrow it again? I'll treat you lunch tomorrow." May sumingit na malalim na boses sa aming tatlo at paglingon ko rito ay yung kaklase namin na matalino sa math pero walang pambiling scientific calculator.

"Dude, just buy your own," komento ni Mari na hindi pa pala umaalis.

Inirapan siya ng lalaki at napatawa kaming dalawa ni Fiona. Napalingon tuloy ako sa kaniya pero nakatitig lang siya sa dalawang kaklase namin. Kahit ang ilong niya rin ay binayayaan ng Diyos, halatang-halata ang matangos niyang ilong gayong naka side view siya.

"Stop meddling with other people's business, Mari. Go get a life, girl. Kaya siguro hindi ka pa nagkaka-jowa dahil diyan sa bunganga mo."

Oopsie. I think be crossed the line.

Our smiles faded when he blurted that out.

Tila nag-itim ang aura ni Mari sa kaklase namin. Masama ang titig nito sa kaniya saka siya pinasadahan ng tingin. Parang may ideya na rin ako sa sasabihin niya kaya pumagitna na lang ako bago pa may magsabunutan dito.

"N–nandito, Dae. Of course y–you can borrow anytime." Nanginginig pa ang boses ko kahit wala naman akong ginawang masama.

His attention averted to mine and uttered thanks before getting back to his seat and Mari did the same. And now I can breath again.

"You're so kind pala no. I haven't met a person like you."

My heart pounded in nervousness when I heard Fiona complimented me. Coming from an angelic person like her, who can fit the beauty standards noticed my existence?

I mean we are not that close yet because I only lend her my eraser and we were group mates in the past activities, and now she spoke to me out of the blue.

I am still mesmerized of her beauty.

"Ah–t–thank you," was all I could say. My whole body went numb for Pete's sake! I don't know what to say!

Hindi ko siya matignan sa mga mata dahil kapag gagawin ko iyon ay baka mahalata niya na kinakabahan ako at baka ma-wirdohan siya sa akin. I don't want her to think that I am some kind of a creep.

I just admire her—that's all.

"I think you're cute. I would also love to invite you to my friend's birthday party if you don't mind. He's good. He doesn't drink but we do and you do, right?"

Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang yayain niya ako. Dahan-dahan akong napatingala sa maamo niyang mukha. Nais kong magpasalamat pero baka sabihin niyang ang liit lang ng kaligayahan ko at pagtawanan pa, pero gusto ko rin sumangayon kaagad sa kaniya. 

But on the other hand, I cannot find my voice. There are a lot of things that I wanted to say. 

Tila nawala rin ang ingay ng mga kaklase ko kanina at si Fiona lang ang nakikita ko sa harapan ko. Nakangiti pa rin siya sa akin na about sa tainga niya. Ibang-iba ang pagliwanang ng mukha niya kapag kaharap ako at pakiramdam ko ay nais niya akong maging kaibigan. 

"Min, ayos ka lang?"  Nabalik ako sa reyalidad dahil sa kamay ni Fiona na tumapik sa balikat ko. Amoy na amoy ko ang kaniyang matamis na pabango na nanatili pa sa aking ilong ng ilang oras at tila hindi ito mawala sa aking pangamoy.

Napatulon ako ng laway dahil hindi ko na namalayan ang sariling nakabukas ang aking bibig habang nakatitig sa kaniya. Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko at pansin ko rin ang mga mata ng mga kaklase ko sa akin na kahit wala silang sinasabi ay hinuhusgahan na nila ako. Sinundan pa nito ang paglakas ng tibok ng puso ko na tila hinahabol ako ng milyong-milyong kabayo at magiging katapusan ko na.

Gusto ko na lang kainin ng lupa sa mga oras na ito!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top