TWENTY TWO

TWENTY TWO

Nakaupo kami ngayon ni Maxine sa damuhan katapat ang soccer field ng aming school. May practice ngayon ang mga bagong sali ng soccer team, isa na roon si Kei. Kung hindi lang ako pinilit ni Maxine na manood ngayon ay hindi naman ako pupunta.

"Ang cute ni Kei sa suot nya!" humalakhak si Maxine. Kahit ayokong ngumiti ay napapangiti pa rin ako. Kei wearing the team shirt is indeed cute. Naka-shorts pa sya at mahaba ang kanya medyas.

May kumausap sa kanyang matatagal na sa team. Si Kei naman ay pinapakinggan ang mga iyon habang nilalaro ang bola gamit ang kanyang mga paa. He really knows how to kick that white ball. Kung ako siguro ang gumawa noon ay kung saan saan na iyon tumama.

"Maxine! Andito rin pala kayo!" sumilip si Eclaire sa amin. May dala syang mga pagkain at malaking inumin ng tubig. "Paupo ako. Manonood ako kay Kei. Kanina pa ba sila nag-umpisa?" tumabi sya kay Maxine. Nangunot na naman ang noo ko.

For the past weeks ay palagi syang sumama sa amin. I don't really talk to her. Kapag naman may itinatanong sya sa akin ay sinasagot ko na iyon ng maayos ngunit kung kwentuhan ay hindi ako nagshe-share sa kanya ng kahit ano.

"Hindi naman, medyo kakalabas palang nila. Ang dami rin palang freshmen na gustong sumali sa team." sagot ni Maxine sa kanya.

Inilabas ko ang libro sa aking bag. May quiz kami sa isang araw. Magre-review nalang ako.

"You want?" nakita kong binigyan ni Eclaire si Maxine ng pagkain. Kinuha naman iyon ni Max bago ako inalok sa ibinigay sa kanya. Tumanggi ako at muling binasa ang nasa libro.

"Start na!" napatingin ako sa field. Nagsimula na silang mag-stretching kanina pagkarating namin. Ngayon ay tinatakbo nila ang halos kalahati ng field. Napatulala ako kay Kei, pinanood ko sya habang tumatakbo.

I thought he's physically weak. Iniisip ko nga na isang pitik lang sa kanya ay tutumba na sya. And now, look at him, ang ganda ng bawat kilos nya. Seems like he's been trained before to play this game.

"Go Kei!" tumayo si Eclaire at kinawayan si Kei sa field. Ngumuso ako. Kei looked at us because of Eclaire's voice. Ilang segundo lang ay sa akin na dumiretso ang mga tingin nya.

Panay ang sigaw ni Eclaire para i-cheer si Kei. Akala mo naman ay may laban kung maka-sigaw ang isang 'to. I closed my book. Wala na ring silbi ang pag-aaral kung ganito ka ingay. I just watched them kahit wala akong naiintindihan sa ginagawa nila.

I want to look at other players too. May mga lalake rin naman doon na may itsura ngunit talagang nasasapawan sila ni Kei. His charisma was just all over the place. Siguro ay kasalanan nya rin kung bakit maraming nanonood na babae ngayon dito.

Ilang oras din ang nilagi namin doon bago tuluyang tumirik ang araw. Naghanap kami ng masisilungan sa ilalim ng isang puno. Saglit ding huminto ang training nila at nakita ko si Kei na mabagal na tumatakbo papunta sa amin.

He's all sweat. Pagkarating sa harap ko ay pinunasan nya ang sariling pawis at tumingin sa akin. "May tubig ka?" he said directing his question to me. Napatango ako at mabilis na kinuha ang aking bag.

I bought a bottle of water ealier. Alam ko ay kalahati pa ang laman noon. "Saglit, titignan ko." mahina kong sabi habang hinahalungkat ang bag ko.

"Kei, I bought you water. Ito oh." nilahad ni Eclaire ang malaking bote ng tubig na dala nya kanina. Napatigil ako sa aking ginagawa at dahan dahang isinarado ang bag ko.

"Wala pala akong tubig." wika ko kay Kei. If Eclaire bought that just for Kei then he should at least drink it. Hindi na kailangan ng tubig ko.

Nakataas ang kilay na tinignan ko si Kei. He stepped back and rubbed his towel on his nape. "It's okay, Eclaire. I have mine on my bag, babalikan ko lang." he jogged his way out. Pasimple akong napangiti.

Take that Eclaire. He doesn't want your water!

"Ako nalang, painom." saad ni Maxine. Eclaire willingly gave her water to Maxine. Kita ko ang lungkot sa mga mata nya ngunit napalitan iyon ng ngiti nang mahuli nya akong tinitignan sya.

Mabilis lumipas ang mga araw, I haven't counted the days, marahil ay busy ako masyado sa pag-aaral kaya ganoon. First Grading Period and Second Grading ay ako ang consistent na Top 1 sa klase. Ramdam ko ang excitement dahil na rin sa kakatapos na announcement ng Top Students sa bulletin board.

"Congrats Chlo! I know you got this one!" nasa may field kami, hinihintay si Kei dahil kakatapos lang ng kanilang training. Sa nalalapit na linggo ay lalaban sila sa kalapit na school. Isa sya sa tinataguriang star player ng aming school.

Of course I'm very happy for him. Ako ang nag-udyok sa kanyang sumali sa soccer team at masaya akong mas nakikilala sya sa buong school ng dahil doon.

"Sana nga ay magtuloy-tuloy." wika ko ng nakangiti. I immediately messaged my Mom telling her I am the first honor. Nakapag-reply naman sya na masaya sya para sa akin and Dad even called to say how overwhelmed he was with the news.

Para siguro sa anak ay mas achievement na matatawag kapag napasaya mo ang magulang mo kaya hindi mapantayang saya ang nararamdaman ko ngayon.

Natigil ang usapan ng dumating si Kei. Out of 30 students from our class ay pang 22 sya. He's more focused on his sports. Kadalasan ay tulog sya sa klase. Minsan ay mangangalabit sa akin at magtatanong kung anong nangyari.

"Daan muna tayo sa town. Let's celebrate for Chloris!" saad ni Eclaire. She's been tagging with us for the past months. Napagod akong magtaray sa kanya kaya hinahayaan ko nalang syang sumama sa amin. I mean, she's not that bad after all but we don't talk that much. We're civil and Max is friends with her so...

Katulad ng sinabi ni Eclaire ay pumunta kami sa isang kainan. We ordered pizza and some other foods. "Ah, so you want fashion designing?" tanong sa akin ni Eclaire.

"Yah, that's what I'm aiming for kaya kailangan kong maka-graduate na Valedictorian ng class." tumango si Eclaire habang kumakagat sa pizza.

"And you know what, kapag hindi naka-Graduate si Chloris na Valedictorian, she will be forced to pursue Commerce and run their business whether she like it or not."

Napalaki ang mata ni Eclaire dahil sa sinabing iyon ni Maxine. "Really?!" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Ngumiti lang ako. That's the bitter truth that I'm avoiding. "Saan mo ba gustong mag-aral ng fashion designing kung sakali?"

"Sa ibang bansa, pinag-iisipan ko pa kung sa Europa o sa States. Kung Commerce naman ay dito lang sa Pilipinas." napatigil sa pagkain si Kei. Madilim ang mga tingin nya sa akin. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin noon o ano. Matapos naming kumain ay sabay sabay na kaming bumalik ng dorm.

Naramdaman kong may tumutusok sa aking likuran habang nagdo-drawing ako sa aking papel. Nilingon ko iyon at nakitang tinutusok ako ni Kei gamit ang kanyang ballpen. Nakapalum-baba pa ito ng harapin ko. "Anong kailangan mo?" mahina kong sambit.

"Why can't you just study here instead of going abroad?" pinihit ko ang aking katawan para makaharap sya ng maayos.

Kasalukuyan kaming iniwan ng aming teacher dahil pinatawag sya sa Principal's Office. Iniwanan lang kami ng seat work na kanina ko pa tapos at ngayon ay kinokopya ni Maxine.

"Mas maganda ang mga courses nila at mga professor. Kung kakayanin ay gusto kong pumasok sa eksklusibong kolehiyo para sa Arts." pinaikot nya ang ballpen sa kanyang mga daliri. Tinitigan nya ako at nakipagtalasan naman ako ng tingin sa kanya. "Ikaw ba, anong kukuhain mong kurso?"

"Engineering. Pinag-iisipan ko pa kung anong klase." pagkatapos kong makuha ang sagot nya ay tatalikod na sana ako nang muli syang magsalita. "How can I make you stay here?"

Napalingon muli ako sa tanong na iyon. "I don't want to stay here." maikli kong sagot sa kanya.

Dumating ang match kung saan magta-tapat tapat ang ilang sports sa aming school kalaban ang ilang mga kilala ring eskwelahan sa karatig lugar. Sa paaralan namin gaganapin ang ilang nasabing sports. Mabuti nga iyon dahil kumpleto naman kami sa equipments pati na rin sa lugar.

"Doon tayo sa pinakaunahan!" sigaw ni Eclaire. Hatak nya si Maxine at ako naman ang nasa pinaka-dulo nila. "Excuse me, magparaan nga kayo!" tinabig nito ang mga taong nakaharang sa daan.

"Harap tayo para mapanood natin si Kei ng malapitan." lumingon sa akin si Maxine at nag-ngising aso.

"Kahit ano. Just make it fast. Ang sikip!" angil ko habang nakikipagsiksikan kami sa mga tao. The other school is yellow. Kumpleto pa sila mula cheerdancers hanggang sa mga drummers. They also wear this matching yellow shirt kung saan nakasulat ang pangalan ng kanilang school sa harap.

Maingay ang parte nila samantalang sa amin ay puro naka-uniporme pang estudyante. We don't have a shirt where we could represent our school. Kakagaling pa nga namin sa aming klase kanina.

"May pogi ba sa kabilang school?" ngumingising sambit ni Maxine habang nakalingon sa crowd ng kalabang paaralan.

"Bilisan mo nalang kaya maglakad?" singhal ko sa kanya. Tumawa ito hanggang sa makahanap kami ng magandang pwesto. We're all standing. Tinanaw ko ang field kung saan naglabasan ang mga players ng kabilang school.

"Oh my gosh! Hottie nung kuyang nahuhuli." nakitili si Maxine kahit hindi naman namin iyon players. Sumasabay pa sya sa ingay sa kabila.

"Mas maraming gwapo sa players natin!" wika sa kanya ni Eclaire.

Hinintay ko lang na makalabas ang players namin bago ako nakisigaw. I was hyped by the crowd. Kahit ako ay hindi ini-expect na magchi-cheer ako ng ganito. Last year was boring dahil tumambay lang naman ako kwarto noon para mag-aral.

We're not even required to watch the match. Kung gusto mo lang manood ay pwede, kung ayaw ay okay lang din.

"GO KEI!" magkasabay na sigaw ni Eclaire at Maxine. Kei was covered with his jacket. Suot nya ang kanyang hood kaya mahirap makita ang kanyang mukha. May naka-lagay rin na earphones sa kanyang tainga kaya hindi ko alam kung rinig ba nyang sobrang daming sumisigaw sa kanyang pangalan.

Maingay ang mga tao bago palang magsimula ang laro. Kanya kanyang kantyaw sa kalaban na school. Ako naman ay nakikitawa lang kada may sumisigaw na papogian nalang daw ng players.

I admit there's this one guy na gwapo sa kabilang team. Pero kung sa amin ay marami. Nagsimula ang laro na ang kalaban ang naka-kuha ng unang goal. Natahimik kami ng dahil doon ngunit mas uminit ang laban ng mabilis iyong nabawi ni Kei.

Magaling ang goalkeeper ng kalaban dahil dalawang tira na ang nasangga nya na dapat ay pasok. They're just losing because they can't block the players while running.

"GO BRIDGEFORTH!" sabay sabay na sigaw ng mga estudyante sa amin. Ilang oras pang nagtagal ang laro ng sa huli ay kami rin ang nanalo.

"Mr. Hendricks! You're sleeping again in my class!" sigaw ng teacher namin isang araw nang mahuli si Kei na natutulog sa likuran ko. Lahat kami ay napatingin sa kanya. His hair is kinda messy at medyo nangingitim na ang ilalim ng kanyang mata.

Is he tired because of the practice? May laban na naman ba ang team nila? Ilang araw na rin pala ang lumipas noong nanalo sila. Some of the teachers exempt them in some quizzes. Ang iba naman ay nagbigay ng additional grades.

I'm not into sports. Tanging puhunan ko lang para tumaas ang grado ko ay ang mag-aral ng mabuti at makakuha ng perfect sa exams.

"Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" usisa sa kanya ni Eclaire habang papauwi kami.

"Isang oras lang." kinusot nya ang kanyang mata at tumingin sa aming nilalakaran.

Nang makarating sa dorm ay pinauna ko nang pumasok sina Eclaire at Maxine. Gusto kong kausapin saglit si Kei. He looked tired. Mukha na ring napapabayaan nya ang kanyang sarili.

"You should sleep more. Magpahinga ka muna sa pagpa-practice ng soccer." hahawakan ko sana ang mukha nya. He looked so pale ngunit bago pa man dumapo ang kamay ko sa kanya ay mabilis na nya iyong nahawakan.

"I quit." he plainly said.

"Quit what?" medyo naguluhan sa kanyang sinabi.

"I quit soccer." ibinaba nya ang kamay ko at pinisil iyon. Is he down because he quit the team? Dinibdib ba nya ang pag-alis kaya ganito sya ngayon?

"Sigurado ka ba r'yan sa desisyon mo? Are you sure you're not going to regret it?" tumango sya sa akin. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay pumanhik na ako sa aking kwarto. Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin sya.

Though he's now good at hiding, wala pa namang nakakasita ulit sa kanyang teacher. "These were the results of your Third Grading Examination. Only five students passed the exam and one got the perfect score."

"Bagsak na naman!" narinig kong singhal ni Maxine sa kanyang upuan. She then covered her face with a book.

I'm absolutely sure that I'm one of those five students. Isa isang tinawag ang limang estudyante. Nang ako na ay umupo muna ako sa aking silya bago binuksan ang aking papel. I got 98%, hindi na rin masama.

"Kei Hendricks got the perfect score." anunsyo ng aming teacher. Ibinigay nya ang papel kay Kei ng may ngiti sa labi. Hinanap ko ang nag-iisang numerong nakabilog sa aking papel. I should study this later nang sa gayon ay maka-perfect din ako next time.

"Congrats, Kei!" narinig kong bati ni Eclaire sa kanya. Hindi na ako lumingon. Pagkarating ng uwian ay nagpaalam ako sa kanila para makapunta sa library. Hinayaan naman nila akong mapag-isa roon.

"100 ka na naman?!" malakas na tanong sa kanya ni Maxine. Sinilip ko ang papel ko. 91% ang nakuha ko sa Math samantalang si Kei naman ay 100%.

"Turuan mo ako next time para tumaas din ang grades ko." wika ni Eclaire sa kanya. Tinitigan kong mabuti si Kei. He looked at me with the same intensity bago ako tumalikod sa kanya.

Ilang mga exams pa ang ganoong nangyari. Minsan ay magkaparehas kami at kadalasan ay natataasan nya ako. "Tara sa bulletin board!" magkahawak kamay kami ni Maxine habang tinatakbo ang bulletin board para makita ang rankings ngayong Third Grading.

Kabang kaba ako. Parang nanghihina ang mga tuhod ko. I was so confident last Grading Period but now, hindi ko na alam. Kei was such a big threat to me. Sa lahat ay nalalamangan na nya ako.

Hingal kami ng makarating sa bulletin board. "I'm still on Top 10. Pang-pito ako." bungad sa amin ni Eclaire.

"Talaga? Saan kaya ako?" lumapit na si Maxine. Eclaire looked at me at mabilis ding nag-iwas ng tingin. Sinundan ko nalang si Max.

"Top 13 ako." wika ni Max. "Ikaw Chloris..." matagal bago nagsalita muli si Max. Tumabi na ako sa kanya para personal na tignan ang listahan.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. I saw my name on the second spot and Kei's on the first.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction