TWENTY THREE

TWENTY THREE

"Chloris, sasabay ka ba sa aming kumain?" kumatok si Maxine sa labas ng aking kwarto. Kanina pa ako nagkukulong dito simula nang malaman kong pangalawa ako sa Rankings. I don't know if I didn't study hard or Kei's just too smart for me.

"Busog pa ako." tugon ko pabalik.

"Okay... Call me if you need anything." mahina nyang sambit. Nagtalukbong ulit ako ng aking kumot at doon umiyak. Wala na akong ginawa buong magdamag kundi ang sisihin ang sarili ko. If only I studied hard. Kung sana ay napansin ko na habang maaga na umaangat ang mga scores ni Kei sa exams ay pinagbutihan ko na ang akin.

But I was too late. It only hits me when I didn't saw my name on top. Parang unti-onting gumuguho ang pangarap ko. Thinking I couldn't achieve my dream really breaks my heart. Iyon lang ang gusto kong makamit sa buhay ko.

I would be very happy if I become a designer. Bata palang ako ay planado ko na iyon. And now, I can feel that it's slowly crashing down. Kasabay noon ang walang humpay na pag-agos ng luha sa mga mata ko.

I shouldn't blame anyone except for myself. Ngunit sa loob ko ay gusto kong sisihin si Kei. He knows how much I needed that spot and he's taking it away from me! Anong gusto nyang iparating?!

"Namamaga yung mata mo." puna sa akin ni Max nang makita nya ako sa classroom kinabukasan. Inayos ko ang mga gamit ko at mabagal syang sinulyapan.

"Ah wala 'to. Nagpuyat lang ako kagabi kaka-review."

Of course I lied. Sinong hibang ang maniniwala sa akin? Daig ko pa ang kinagatan ng ipis sa mata. Ni hindi ako nakakain ng hapunan dahil sa kakaiyak at tuluyan nalang na nakatulog nang ganon ang sitwasyon.

Nang pumasok si Kei sa classroom ay agad akong nanahimik at binuksan ang aking libro para makapag-basa. Hindi ko mabilang ang araw simula ng huli naming pag-uusap. Not because of our ranks but because he sneakily studied hard to beat me.

Pinaniwala nya akong dahil sa soccer kaya naging mailap sya sa amin nitong mga nakaraang linggo. Iyon pala ay palihim na akong tinatalo nang hindi ko nalalaman. I feel like he's been planning something na hindi ko alam.

Kapag nalaman kong ginagawa nya lang ito para pag-trip'an ako o kung anong walang kawenta kwentang bagay ay hindi ko sya mapapatawad. I can compete with him.

There's no reason to blame him after all. Wala lang talaga akong mapaglabasan ng sama ng loob kaya nang makita ko ang resulta ay gusto ko syang sisihin. But that's senseless. Isinaisip kong may gusto lang syang patunayan sa kanyang mga magulang kaya nagpupursigi sya ngayon sa pag-aaral.

I don't want to think that I'm involved in every little thing he do. Kakaibang kirot ang naramdaman ko sa aking dibdib habang pinapagaan ko ang aking sarili. The heavy emotion inside me wants to burst out. Hindi na noon kinakaya ang iba't ibang klase ng emosyon.

Tumayo ako bago pa man may makakita sa pagtulo ng mga luha sa mata ko. I was running down the stairs. Hindi ko ata kayang pumasok ngayon. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa dinala ako ng sarili kong mga paa sa likod ng gym.

Doon ko nilabas ang lahat ng natitirang sakit sa akin. Everytime someone asks me if I'm okay, I always... Always end up crying again. Mahirap magpanggap na okay. Mahirap maging matatag.

"Chloris..." naikuyom ko ang aking kamay. Sinundan na naman nya ako. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi at tumingin muna sa langit bago ito hinarap.

"What now, Kei? You want me to congratulate you?" puno ng pait kong singhal sa kanya. Mainit na umagos ang bagong luha sa mga mata ko. Damn, tears! Kailan ba kayo mauubos?! "Well, congratulations! Natalo mo ko. Happy now?"

Halos hindi ko makilala ang sariling boses dahil sa paghikbi. The taste of the bitter words I said lingers on my tongue. May parteng nagsasabihing hindi ko dapat iyon sinabi. That I'm the one who's at fault.

Napayuko sya sa aking sinabi. Kinagat ko ang aking labi at inilag ang tingin sa kanya. Guilt devoured me. Hindi ko kayang titigan sya ng ganito.

"I'm sorry, Chloris. Pero..." humakbang sya papalapit sa akin. Bawat segundong dumaraan ay mas lalong bumibigat ang nararadaman ko.

Gusto kong ibuhos sa kanya ang galit ko ngunit alam kong maling mali iyon.

"Kei please. Iwan mo nalang ako. Hangga't nakakapag-isip pa ako ng matino ay lumayo ka na." pagmamakaawa ko rito. I looked hopeless. I don't even want Max to see in this state. Alam kong kaka-awaan nya ako at ayokong mangyari iyon.

"...I don't want you to leave." mahina at halos pagmamakaawa nitong amin sa akin. Napahikbi muli ako. Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang aking mukha.

"But that's my dream, Kei! Hindi mo ako naiintindihan! Iyon lang ang gusto ko. Iyon lang ang kasiyahan ko. And if getting on top could make that dream come true then I'll study hard to achieve that!"

Napaupo ako dahil sa sobrang inis. Hindi ko na alam kung kanino ibubunton ito. "Pero huwag mo sana akong pigilan dahil lang sa gusto mo ako. Beat me because you want that spot. Beat me fair enough so I could take all the blame for this! Huwag mo akong ipagdamot sa sarili kong pangarap." humagulgol na ako.

Tanging ang iyak ko lang ang maririnig sa lugar. I was resisting myself not to cry out loud. Ngayon ay para na akong batang umiiyak sa kanyang harap.

Nagtago ako sa aking mga tuhod. Gusto kong ilabas ang lahat ng luhang natitira sa mata ko. All these pain and anger are flowing out like I'm some broken glass of water.

Naramdaman kong ipinatong nya ang kanyang kamay sa aking ulo. "I'm sorry, Chloris." unti-onti kong naramdaman ang pagbalot ng kanyang yakap sa akin. "I badly want you to stay. Please don't cry." pinadaan nya ang mga daliri sa buhok ko.

"Set me free if you really love me. Hindi ganito ang pagmamahal, Kei. Love shouldn't be this selfish!" I looked up to him. Ngumiti sya sa akin ng banayad at hinaplos muli ang aking buhok. He stared at it for a second bago ko napansin ang butil ng mga luha na gustong kumawala sa kanyang mata.

"I'm sorry for loving you too much." he smiled at me bago ito yumuko. Pumatak sa lupa ang pinipigilan nyang luha. "Siguro nga ay masyado na kitang mahal kaya ako nagkakaganito..."

I can vividly see how hurt he was, how each words strike him like a knife, how painful it is to him. But he must know how important this is to me. Nakasalalay rito ang kinabukasan ko. Tatanggapin ko ng buo ang pagkatalo ko kung lalaban sya ng patas sa akin. But not because he just want me to stay!

"...Babalik ka sa itaas, Chloris. Iaangat kita hanggang sa maabot mo ang pangarap mo. Pero huwag mo sana akong kamuhian dahil pansamantala kitang pinigilan dahil alam ko, simula palang ay permanente ka nang mawawala sa akin pagkatapos ng lahat na ito."

Parang may kung anong bukol sa aking lalamunan na pumipigil sa akin para magsalita. Humikbi ako ng ilang beses. Ipinakalma ang sarili bago sumagot. "Just let me go. Iyon lang, parang awa mo na."

Ikinalas nya ang hawak sa akin. Nakita ko ang panginginig ng kanyang kamay at tumayo na ito sa harap ko. "You don't need to beg. I will now let you go." iniwan na nya ako roong umiiyak.

Buong magdamag akong natulala. Nagawa kong pumasok sa aming klase ngunit wala naman sa akin ang isip ko. Kei didn't attend class today. Hinahanap sya sa akin ni Maxine. Wala naman akong maisagot sa kanya kung nasaan ito.

Ginugulo ako ng huling mga salita nya sa akin. Kakaibang sakit ang naramdaman ko sa aking dibdib. Parang may tumusok doon na kung ano. Everytime I heard someone mentioning his name, kaagad bumabalik ang sakit na parang sunod sunod sumasaksak sa akin.

"Are you okay? Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo." puna sa akin ni Eclaire ilang araw na ang nakakalipas.

"Okay lang ako." I searched for Kei around. Hindi na sya sumasama sa amin kumain. Kahit ang paghatid sa amin sa dorm ay hindi na rin nya ginagawa. Lahat ng nakagawian naming gawin dati ay wala na.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain nang hindi sya nahagilap. Araw araw akong wala sa aking sarili gayonpaman ay hindi ko naman napapabayaan ang aking pag-aaral. Mas nagkaroon ako ng oras para aralin ang mga lessons namin ngunit parang may mali.

"Congrats Chloris!" bati noong isa kong kaklase nang makasalubong namin sya ni Maxine sa dorm.

"Anong mayroon?" tanong ni Max dito. Kahit ako ay nahihiwagaan sa kanyang sinabi.

"Valedictorian ka. Naka-post na sa bulletin board." wika nito. Mabilis na kumalabog ang dibdib ko. Agad kong tinakbo ang bulletin board para kumpirmahin, hindi ang posisyon kung nasaan ako ngunit ang posisyon na ibinaba ni Kei.

I didn't bother looking at my name, ipinadusdos ko ang daliri sa list ng mga estudyante. Walang pangalan nya ang nakapasok sa Top 10 at hindi na nila inilagay pa ang pangalan ng mga sumunod na estudyante.

Sobrang bigat ng dibdib ko. Kahit alam kong nakamit ko ang pinaka-aasam ko ay hindi ako makapag diwang para roon. It seems like I lost something while reaching for my dream.

"Ano? Valedictorian ka?!" sumunod sa akin si Maxine at tingnan ang nasa board habang hinahabol pa ang kanyang hininga. "Hinakot mo rin halos lahat ng Best, ah! Anong subject ang hindi mo pinatawad?" tumatawang saad nito sa akin. Humarap ako sa kanya para umalis na roon. "Oh, bat ganyan yang mukha mo? Hindi ka ba masaya?"

Huminto ako sa paglalakad. Bakit nga ba hindi ako masaya? Bakit hindi ko magawang matuwa para sa pinaghirapan ko ng ilang buwan?

"Max, saan mag-aaral si Kei?" walang buhay kong tanong dito. Hindi agad ito sumagot na parang hindi makapaniwala sa itinanong ko.

"Binanggit sa akin ni Eclaire na pareho raw silang mag-aaral sa University of Willfred. Baka roon din ako pumasok, ewan ko lang."

"Bakit daw dito lang sya sa Pilipinas mag-aaral? Why not go abroad?"

Ang sabi nya sa akin noong bakasyon ay susundan nya ako kahit saan. Bakit hindi nya ako sundan ngayon? Bakit magpapaiwan sya rito sa Pilipinas.

"Family problem ata, Chlo. I don't know the details. Ask Eclaire, marami syang alam tungkol kay Kei." napansin ko nitong mga nakaraang linggo ay palagi silang magkausap. Habang nasa classroom ay kinukulit nya si Kei.

Kahit anong ilag ko ay naa-apektuhan ako sa pagiging malapit nilang dalawa. When Kei became distant to me, that's when I feel the jealousy between them.

"Hahanapin ko si Kei. Kita nalang tayo maya, Max." tumango ito sa akin na parang naguguluhan sa mga nangyayari. I want to talk to him. Ask him every little questions in my head. Kahit walang kwentang tanong ay itatanong ko sa kanya magkaroon lang ng dahilan para lapitan ko sya.

And I would like to say sorry dahil nasaktan ko sya. Sorry dahil sa loob ng ilang taong panunuyo nya sa akin ay iiwan ko rin sya. Pero babalik ako. Kapag pwede na ay babalikan ko sya rito.

Tutuparin ko lang ang pangarap ko at babalik ako sa kanya.

"Excuse me, I'm looking for Kei Hendricks." wika ko roon sa nagbabantay sa kanilang dorm.

"Paki-hintay nalang po sa waiting area. Ko-contact'kin lang namin. Paki-lagay nalang ng pangalan dito." isinulat ko ang pangalan ko sa ibinigay nyang papel at umupo sa kanilang waiting area. Hindi na mapakali ang mga paa ko. Kung pwede lang takbuhin ang kwarto nya para makausap na agad ito ay ginawa ko na.

"Miss Chloris!" tawag sa akin at mabilis ko itong nilapitan. "Wala pong tao sa kwarto nya ngayon. Better text the person para mapuntahan nalang kayo rito."

Halos masipa ko iyong kalapit na upuan sa inis. Nasaan ang lalakeng iyon?!

Dinala ako ng mga paa ko sa soccer field. Sumilong ako sa isang puno at pinanood ang paggalaw ng mga tao.

I will leave this school. Lahat ng ala-ala na nangyari sa akin sa paaralang ito ay nagsilbing gabay sa akin sa loob ng ilang taon. Saya, lungkot, paghihirap at pagmamahal. Lahat nang iyan ay naranasan ko sa ilang taon ko rito.

Inalala ko ang panahon kung saan pinapanood palang namin si Kei na bago sa soccer team. Napangiti ako. Parang kahapon lang noong nanalo kami sa kabilang school.

Naglakad lakad ako, hindi alintana ang init ng araw na dumadapo sa balat ko. Pinuntahan ko ang locker room nila. Baka sakaling makita ko sya rito ngayon. Kung hindi naman ay ipagtatanong ko nalang sa mga kaibigan nya kung nakita ba nila si Kei.

"Kung magaling lang din ako katulad mo ay Engineering nalang ang kukunin ko para magkasama tayo." rinig kong saad ng pamilyar na boses. Kung hindi ako nagkakamali ay kay Eclaire iyon.

Sinilip ko ang gilid ng locker room. Nakatalikod sa akin si Eclaire habang kaharap nya ang isang lalake na umiinom sa drinking fountain sa labas. Maingat akong nagtago para pakinggan sila.

"You don't need to do that, Eclaire. Kuhain mo ang kursong gusto mo." sagot sa kanya ng kausap. He talk that long to Eclaire? Sa iba ay hindi humahaba ng ilang salita ang binibitawan nya.

They're so close to each other. Nakakainggit.

"Don't worry." tumawa ito ng mahina. "Tourism ang kukunin ko. Pero andito pa rin ako. Hindi kita iiwan katulad ng ginawa ni Chlori---"

"Eclaire..." may pagbabantang banggit ni Kei sa kanyang pangalan.

"Okay, sorry. But forget about her, Kei. Masyadong abala si Chloris sa kinabukasan nya at hindi ka nya nakikita roon. It's time for you to wake up and move on. Kung bumalik man sya pagkatapos nyang mag-aral sa ibang bansa ay hindi naman iyon para sayo. Chloris doesn't love you."

"It's not important for me if Chloris love me or not..." may idinugtong pa syang hindi na narinig ng aking tainga.

"Move on, Kei. Tutulungan kita." huling sinabi ni Eclaire bago ako umalis doon.

Another kind of pain was inflicted on me. Puro sakit nalang ang nararamdaman ko. Dapat ay masaya ako dahil sa balita pero hindi! Lalo lang akong nasasaktan. Mas masakit pa ito kaysa noong nalaman kong pangalawa lang ako.

Sari saring ala-ala noong nagdaang bakasyon ang dumalaw sa aking isipan.

Ang magkahawak naming kamay habang tumatakbo, ang kanyang mukha habang tinatamaan ng sinag galing sa papalubog na araw, ang mga ngiting pinagsaluhan namin hanggang sa huling gabi roon sa Hawaii.

Tumulo ang luha sa aking mata. Hindi ko na sya papaasahing muli sa pagbabalik ko. It's better if he'll just end up with someone else than to wait for me to come back.

And that could only mean, I'll be leaving him without saying I like him too.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction