TWENTY SIX
TWENTY SIX
Nang malaman nina Daddy na naglayas si Chlerie matapos ang araw na iyon ay agad nila itong pinahanap. Mom was crying all day. Questioning herself why Chlerie chose her boyfriend instead of her family. Asking what went wrong.
Ako ay ilang araw nang tulala. Itinago ko iyong perlas sa maliit na box. Gusto ko sanang literal na ibaon iyon sa ilalim ng lupa iyon nga lang ay hindi naman ako makahanap ng paglilibingan noon.
"Everyday mas lumalala ang mukha mo." naputol ang pagtitig ko sa pader nang marinig ang sinabing iyon ni Herritt.
"Naglayas ang kapatid ko." mahina kong sambit at walang buhay na pinanood ang mga tao habang pumapasok sa aming classroom.
"True?!" gulat na sigaw nito. Napatingin ang iba sa amin dahil sa lakas ng kanyang boses. Bumuntong hininga ako bago tumango.
Araw araw ko nalang nakikitang umiiyak si Mommy. Dad seems to be lost since then. Parang hindi na malaman ang gagawin ngayon. Lahat kami sa bahay ay parang nawalan na ng landas sa buhay.
Pumasok ako ngayon dito sa unibersidad nang hindi nakapaglagay kahit pulbo sa aking mukha. Habang ang mga kaklase ko ay halos mga mukhang modelo sa kanilang ayos, ako naman ay kabaligtaran ng kanila.
"Mag-iisang linggo na ata. I don't know. Sumama sa boyfriend nya." pinilit akong magpakwento ni Herritt hanggang sa dumating ang professor namin. Buong break ay iyon lang din ang pinag-kwentuhan namin.
"That's true love! Your Mom should accept the truth. Hindi tumatanda ng paurong ang mga tao. Eventually, people will find love from the others. Bubuo ng pamilya at aalis sa puder ng kanyang magulang."
Umupo kami sa mga benches sa gilid katulad ng ibang estudyante. "Mom is very protective. Hindi maiiwasan na may ganoong klase ng magulang. Maybe she's just afraid that Chlerie will leave her. At hindi naman inaasahan na aalis nga si Chlerie."
"Nasasakal na siguro iyong Ate mo." tumahimik na ako. I don't know if I would feel jealous to those kids who don't have strict parents like mine. Malas nga ba ako o sobra lang ang magulang ko?
"Chloris, let us know immediately if ever your sister contacts you." tumango ako sa sinabi ni Daddy bago uminom sa aking tubig.
Pinakatitigan ko sya habang hawak ang kanyang cellphone. Kalahati ng kanyang pagkain ay hindi pa nagagalaw. Siguro ay may kinocontact iyon na taga-hanap kay Chlerie.
"May balita na po ba kay Chlerie?" saglit akong nilingon ni Daddy. Ibinaba nya ang cellphone sa gilid ng kanyang plato at hinilot ang kanyang sentido. I reached for his hand at ngumiti rito.
"I don't know, Chloris. Wala sa kanyang tinitirhan iyong lalake." nakita ko ang panlulumo sa mukha ng aking Ama. It pains me how this family is slowly breaking apart.
Sumama ako kay Daddy para mahatiran ng pagkain si Mommy sa kanilang kwarto. Hindi na ako pumasok sa loob ng kwarto at nanatili nalang sa hamba ng pinto.
"Samuel, where's my daughter?" tanong ni Mommy, hindi pinapansin ang pagbibigay sa kanya ni Daddy ng pagkain.
Naka-upo lang ito sa kama. Nakatakip ng kumot ang kalahati ng kanyang katawan at mukhang kulang sa tulog ang kanyang mukha.
She looks so lifeless. Habang tinitignan nya si Daddy ay nakikita ko ang kakulangan ng pagmamahal sa kanyang mga mata. Nasasaktan ako para kay Daddy dahil nakikita ko kung paano nya gustong ayusin ang pamilyang ito.
I want to help ngunit wala akong alam na paraan para tulungan sila. "Pinapahanap ko na. Kumain ka na muna." puno ng hanging tugon nya rito.
Naging mabangis ang ekspresyon sa mukha ni Mommy at mabilis na tinabig ang trey na nasa kama. Napatakip ako sa aking tainga dahil sa mga nabasag na kubyertos.
"Ilang araw mo nang sinasabi iyan sa akin, Samuel! You can't still find my daughter!" umiyak na naman ito. Lumapit ako kay Daddy na nakatulala lang sa aking Ina.
"Dad, magpahinga ka na. Ako nang maglilinis dito." mahina kong saad sa kanya. I touched his shoulder. Hinawakan nya ang kamay kong napakapatong doon at pilit na ngumiti.
"It's okay, Chloris. Pumasok ka na sa kwarto mo." hinaplos nya ang kamay ni Mommy at pilit itong pinapatahan. Paulit ulit nitong sinasabi na hahanapin nya si Chlerie, paulit ulit, araw araw simula nang mawala ito.
I went out of the room. Humanap ako ng katulong upang tulungang linisin ang mga basag sa kwarto.
"Tinatapos mo pa rin iyang damit ng Ate mo?" tanong sa akin ni Herritt nang makita ang isa kong mannequin na suot ang ginagawa kong damit para kay Chlerie.
It's been weeks. Hindi ko na nabilang kung ilan. Ngayon ay pareho kaming tumatrabaho ni Herritt para sa aming proyekto na malapit na ring matapos. Ang kapatid kong si Chlerie ay hindi pa rin nahahanap. Mom was hospitalized and is now under medication.
"Baka bumalik si Chlerie kaya tinatapos ko na." pinasadahan ko ang ginawa kong damit para sa kanya. Kaunti nalang at maaayos na iyon. Kailangan nalang nyang isukat para malaman kung tama ba iyon sa kanyang katawan o kailangan pa ng ilang adjustments.
"What if mahanap nyo nga iyong kapatid mo pero ayaw namang bumalik dito?" napatigil ako sa pagtatahi. Nakita ko kung gaano ka-stressed si Dad nitong mga nakaraang araw.
Kung hindi babalik dito si Chlerie ay mas mabuti kung ipaalam nalang nya kung saan sila nakatira nang sa gayon ay umayos na kahit papaano ang lagay ni Mommy.
"She should atleast consider Mom's feelings. At lahat ng paghihirap na ginawa ni Daddy mahanap lang sya. The country is so big. It takes so much time and effort to find her tapos ay hindi sya babalik dito kahit ilang araw lang?"
"Sa bagay. But if I were Chlerie, hindi ako babalik unless tatanggapin nila ang relationship namin ng jowa ko."
Sa araw ng competition ni Chlerie ay nag-skip pa ako ng klase para mapuntahan sya, hoping that she'll show up or at least have a word with her.
Hindi ko iyon ipinaalam kina Daddy dahil baka kapag nakita nya ito ay lalo lamang syang magtago at matakot nang lumabas.
Nakatayo lamang ako sa labas ng teatro kung saan gaganapin ang competition bitbit ang damit na ginawa ko para sa kanya. I don't have the ticket to go inside.
Pumunta ako rito na hindi naman alam na kailangan pa pala ng ganoon para makapasok.
Pinanood ko ang ilang mga kalahok na papasok sa entrance kasama ang ilan sa mga audience. Nagtagal ako roon ng ilang oras hanggang sa makita kong bumaba lulan ng isang pulang kotse si Chlerie.
Pagkalabas ng driver ay roon ko mas matitigang mabuti ang kanyang nobyo. Matangos ang ilong nito at medyo may katangkaran.
Bago pa man sila makapasok sa loob ay mabilis ko nang natungo ang kanilang pwesto. Chlerie was shocked when she saw me. Ang kanyang boyfriend naman ay tahimik na nakamasid sa kanyang likod.
"Dinala ko itong damit mo." inilahad ko iyon sa kanya kahit pa kita kong nakasuot na sya ng ibang ballet dress sa ilalim ng kanyang jacket.
Uminit ang aking puso ng kunin nya iyon sa akin. "May kasama ka bang iba?" tanong nya at mabilis akong umiling.
"Mom and Dad didn't know you have this competition. Ako lang ang nakakaalam at hindi ko iyon sinabi sa kanila." mariin kong pinakatitigan ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Iniwas nito ang tingin sa akin. "Salamat dito." ilang segundong nagtama ang tingin namin bago ito naglakad.
"Chlerie!" tawag ko. Nang lumingon sya ay mabilis ko itong sinampal. I was so angry at her. Hindi lang dahil sa ginawa nya sa magulang namin kundi dahil sa rin sa pagsira sa kwintas ko. "Mom was hospitalized because of you. Si Dad ay pinapahanap ka pa rin hanggang ngayon." napalunok ako.
His boyfriend stiffened at animo'y papatulan ako kaya't isang beses akong humakbang palayo sa kanila.
"Kung may onting awa ka pa para sa magulang natin ay magpakita ka naman kahit isang beses lang." matapos kong sabihin iyon ay pinukulan ko ng masamang tingin ang boyfriend nya bago ako umalis.
Ilang linggo matapos ng araw na iyon ay ibinalita sa akin ni Daddy na tumawag si Chlerie sa kanya. Hindi na ito muling nagpakita sa amin. Mom knows nothing about it.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi iyon binabanggit ni Daddy sa kanya. Wala rin namang naikwento si Daddy sa akin kung anong napag-usapan nilang dalawa.
But since that day, Dad looks fine than he was before. Si Mommy ay may kaunting recovery at ngayon ay pansamantala nalang na nakaratay sa aming kwarto.
"Buenafuerte and Brooke?" inayos ng aming professor ang kanyang salamin matapos basahin ang pangalan naming dalawa ni Herritt sa isang papel.
"Oh my God, what's happening?!" mahinang bulong ni Herritt at pasimpleng itinago ang kanyang lipgloss sa ilalim ng lamesa.
Nagtaas ako ng kamay. Ganoon din si Herritt. Parehas kaming walang ideya kung anong nangyayari. Kahit ako ay kinakabahan sa hindi malaman na dahilan.
"Your work will be part of the runaway next week." napalaki ang mata ko. Herrit stood up and jumped from his chair. Tuwang tuwa ito habang nakatingin at pinapalakpakan kami ng ibang kaklase.
"Really?!" paulit ulit na tanong ni Herritt. Humarap ito sa akin at hinigit ako patayo. "She's the one who designed that!" tinuro nya ako at tumawa ang mga kaklase namin.
"I still couldn't believe it!" nakangiting saad ko rito nang matapos ang aming klase.
"Mabuti nalang at ikaw ang partner ko!" humahalaklak na sabi nito sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Sa dami naming magka-kaklase roon ay iyong gawa pa namin ang napili para isama sa run away.
This is our first time kaya hindi mapaglagyan ang kasiyahan ko. Nang araw rin na iyon ay ibinalita ko kay Daddy ang nangyari. He's so happy for me. Kahit hindi ko nakakausap si Mommy ay binanggit ko pa rin sa kanya iyong magandang balita.
She didn't congratulate me pero okay lang sa akin iyon. Mas napansin ko ang malaking bawas sa kanyang katawan. Namayat ang kanyang pisngi at mga braso.
"Mom, everything will be fine. I will be successful for you. Hintay nalang. Malapit na akong makapagtapos."
Matapos kong halikan ang kanyang noo ay umalis na ako. The following week was hell. Kasama kami ni Herritt habang nagpa-practice ang mga modelo sa runaway.
Ang proyektong iyon ay nilalahukan ng pinaka-magagaling na estudyante ng aming professor. Malaking bagay rin iyon para maipamalas namin ang angkin naming talento.
Kasama ang ibang propesor sa Arts ay pinanood namin ang runaway na naganap sa school. Sa huli ay isa isa kaming umakyat sa entablado para ipresinta ang mga damit na ginawa namin.
We were so proud at that time. Mabilis lumipas ang panahon. Ang unang runaway na ginanap sa aming unibersidad noong estudyante pa ako ay nasundan pa ng nasundan.
One of Hollywood artist bought our work kaya naman maraming natuwa sa amin at mabilis nakakuha nang trabaho ng gumraduate sa kolehiyo.
Simula noon ay unti ontikaming nagkapangalan ni Herritt, nagtrabaho sa isang kilalang kompanya bilangdesigner sa isang magazine at kinalaunan ay gumawa ng sarili naming fashionline dahil na rin sa tulong at gabay ng aking Daddy.
"No, this won't do!" mariing saad ni Herritt habang tinitignan ang mga damit sa isang rack. "Bukas na ang fashion show at ang babagal nyo pa rin kumilos!" sigaw nya sa mga tauhan.
"Can you calm down?" natatawang wika ko sa kanya. Inayos ko ng kaunti ang aking buhok. "Hindi ka naman naiintindihan ng mga iyan. Kausapin mo ng ingles."
Umiling ito sa akin na parang nahihirapan na sa kanyang trabaho. Ngumiti ako at tinignan ang mga modelo na naglalakad sa aming runaway. Kasalukuyan pang inaayos ang ilang mga upuan at nakakalat pa ang mga rack sa gilid.
Sa sobrang dami ng tao ay hindi ko na maintindihan ang nangyayari. "First launching ng ating brand sa Pilipinas. What's your plan?" tanong sa akin ni Herritt habang nakapalumbaba at pinapanood ang mga modelo sa harap.
"We should invite big artists to be our guests." napag-planuhan naming magpagawa roon ng isang fashion show. Sa isang cruise iyon gaganapin at kasalukuyan na iyong inaayos.
"Sasama ka sa akin pabalik doon?" napahinga ako ng malalim sa tanong na iyon.
"Kaya mo na naman siguro iyon, Herritt. Aayusin ko nalang muna iyong nasa Paris." tumayo ako at hindi na pinagpatuloy ang panonood. Sumunod ng lakad sa akin si Herritt and mentioned the staffs that we will now leave.
"You need to come. It's a must. Isa ka sa may pinaka-maraming dinesign sa mga gawa natin."
It is indeed true. Sa dami ng aming ginawa ay halos iilan lang doon ang dinesign ni Herritt. He's more focused on jewelries while I'm on clothes. Ang mga kolorete naman ang hindi ko gaanong nabibigyan ng pansin.
"I'll think about it." pagkalabas namin sa building ay mabilis ko nang isinuot ang aking shades. Dagsang paparazzi ang sumalubong sa amin ni Herritt at agad nila kaming pinalibutan.
"Anak..." tawag sa akin ni Daddy nang umuwi ako sa aming bahay isang gabi matapos ang isang party celebration na ipinagawa ni Herritt para sa kanyang birthday at para na rin sa success ng aming runaway.
We've also moved to a bigger house. Kaming dalawa nalang ang nakatira rito but it's still better than before. Or that's what I want to believe.
"Dad." lumapit ako sa kanya at hinalikan ito sa pisngi.
"I heard you're visiting the Philippines." tinulungan ko syang maglakad at pareho naming tinungo ang hagdan.
"I won't kung gusto mong may mag-alaga sa iyo rito. Herritt can do that alone. And I don't think I want to go there and leave you here." pinadaan nya ang kamay sa aking likod at mahina akong hinaplos doon.
"Hindi ako hahadlang sa pangarap mo. If only your Mom could see how successful you are today..." pinutol nya ang kanyang sinasabi. Bumigat ang dibdib ko habang inaalala si Mommy.
I know she will be proud of me. Hindi iyon nawawala sa isip ko. Hindi ako makakapunta sa kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil sa kanya.
"Mom is happy, I'm sure of that, Dad." ngumiti ito sa akin. Kahit anong pagpapagaan ng dibdib ang sabihin ko ay alam kong hindi iyon sasapat para punuan ang pagkawala ni Mommy.
She's been overdosed with drugs two years ago and died in her sleep. Dad rushed her to the nearest hospital. Iyon ay kasagsagan noong nagtatrabaho palang ako.
Chlerie immediately showed in the hospital. We're all crying and that's the first time I saw Dad broke down. Gusto kong isisi ang lahat sa kapatid ko ngunit alam kong hindi na noon mababalik pa ang buhay ni Mommy.
I saw her beg for forgiveness at doon lumambot ang puso ko. No one wants Mom to die and that memory is still fresh to me like it just happened weeks ago.
Kada maaalala ko iyon ay may kung anong paulit ulit na sumusuntok sa aking puso. But that's also the time I promised myself to be strong. Dad easily forgives Chlerie and blessed their wedding.
Sa sumunod ding taon ay nabalitaan namin na nagdadalang tao ito. Muling nabuhayan ng loob si Daddy nang dahil sa balita. I'm silently happy for my sister. Isang blessing para sa amin ang pagkakaroon nya ng anak.
"I'm going back there soon." wika ko kay Maxine habang magkausap kami sa telepono.
"It's been eight years, Chlo. Eight long years. We're both turning 25 this year at ngayon mo lang naisipang umuwi." mabagsik na singhal nya sa akin.
Eight years, huh? Not bad to forget my first true love and mend my own family and self.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top