TWENTY NINE

TWENTY NINE

"Anong nangyayari?" tanong ko nang marinig ang malakas na boses ni Maxine. Umupo ako sa aking kama at mabilis naramdaman ang sakit sa aking ulo. "Ouch!"

Muli akong humiga at tinabunan ang aking mukha. That rays from the sun woke me up. Isama mo pa iyong boses ni Maxine.

"I said, Good Morning, Chloris! Bangon na!" hinigit nya ang kumot ko. Hinawakan ko iyong mabuti para hindi mahila.

"Later! My head still hurts." angil ko at lalong ibinaon ang mukha sa malaking unan. Parang may pumupukpok sa ulo kong kung ano. I wasn't like this before. It's the first time. Nagsuka na ako dati iyon nga lang ay hindi naman gaanong sumakit ng ganito ang ulo ko kinabukasan.

"I asked for a cup of coffee. Mag-agahan ka muna bago ka magbabad sa shower. Matatanggal ang hangover mo non." she sat beside my bed trying to get the pillow off my face.

Hilong hilo pa rin ako. Ano bang nangyari kagabi? Is everything a success? The fashion show. Meeting of Eclaire and Kei. Her ring. We talked. I got drunk. I broke. Then cried. That's it! Uminom ako!

Mabilis akong bumangon at pinakatitigan si Maxine. "Who carried me to bed?" naliliyong tanong ko rito.

"Just someone." masyadong malabo ang huling mga pangyayari. Ang huling natandaan ko lang ay iyong humiga ako sa bench at ipinikit na ang mata ko. I fell asleep if I'm not mistaken. Pagkatapos noon ay nasundan ng paggising ko ngayon. "C'mon."

Inalalayan ako ni Maxine para saglit na makapasok sa restroom at maihilamos ang mukha ko. I brushed my teeth still thinking who carried me when I'm asleep.

Matapos kong gawin iyon ay saglit akong nagpalit ng silk robe. Pagkatapos ko mag-almusal ay tsaka nalang ako maliligo katulad ng payo ni Max.

"Good Morning!" bati ko kay Herritt. May inilapag ang waiter na pagkain sa harap ko. I want to order from the buffet but I was too tired and lazy to get up so I just ate the food they served me.

"How was your sleep?" sumimsim ito sa kanyang inumin. Naka-suot ito ng shades at ayos na ayos ang suot nyang bohemian style white polo at vest na may iba't ibang kulay ng sinulid ang ginamit. He's also wearing this maong shorts with a brown belt.

"May lakad ka?" imbis na sagutin ay tinanong ko ito nang dahil sa napansing suot. I'm on my pink silky robe while he's looking so fashionista early in this morning.

"Kikitain ko iyong mga modelo para sa photoshoot na gaganapin. I will personally evaluate them." napatango nalang ako habang kinakain ang tinapay sa aking plato. "Okay na ba ang pakiramdam mo?"

"A little bit." sagot ko at ginawang busy ang sarili sa pagnguya ng pagkain. Matapos noon ay tumahimik na ako. Inubos ko iyong kape habang pinapakinggan ang usapan nina Maxine at Herritt.

"Sa Paris ang susunod na pupuntahan namin. We'll stay there for a week or more." tumingin ako kay Herritt at pagkatapos ay pinanood ang reaksyon ni Max.

"Kailan ba iyon? Can't you two stay here for a longer time? Ilang taon na kaming hindi nagkikita ni Chlo." sumandal si Herritt at nagkibit balikat.

"I can stay here iyon nga lang ay wala naman akong gagawin dito. I'll be back in our country at saglit na ima-manage ang business naming dalawa. We're still new to it kaya kailangang alagaan ng mabuti." sumaglit ng tingin sa akin si Herritt.

Ganoon din naman ang gagawin ko. Thank God, my Dad helped us boost this business. Isa sya sa may malaking naitulong sa amin. He invested a lot of money just so we can produce our own products.

"Is that so? If only I could visit you there. Iyon nga lang ay bago rin iyong tinatayo kong restaurant kaya maraming dapat na asikasuhin. I can't leave the country even if I want to." bumuntong hininga ito.

Nang maubos ko na ang aking kape ay saglit akong lumingon sa dagat. The air is strong yet kinda hot. Ang halamang disenyo sa gitna ng aming table ay sumasayaw sa ihip ng hangin. Ipinusod ko ang aking buhok at sumandal sa upuan.

Matapos ng ilang minutong pananahimik ay saglit kong pinutol ang kanilang usapan para makapag-paalam. "I'll just take a bath. Dito na rin ako maghahapunan kasama ng ibang staffs. Are you going now?" tanong ko kay Herritt habang tinatanggal ang posibleng dumi sa gilid ng aking labi.

"Yes, I'll be back maybe before dinner. Are you staying here o sa hotel?" tumingin ako kay Maxine para kunin ang sagot nya kung sakali. Blangko lang ang mukha nito.

"Ah, sa hotel nalang. Tsaka susunod kami sayo sa photoshoot. We'll just have our lunch here first bago kami tutulak." saad ko kay Herritt bago binalingan si Max. "Dito ka muna." tumango lang ito bago ako tumayo sa aking silya.

I went to my own room at doon ako nagbabad sa aking bathtub. I reminisce his face. His voice. Lahat ng malinaw sa nangyari kagabi ay pilit kong ibinabalik ngayon.

Not that I want to hurt myself more. Gusto ko lang talagang maalala sya. Masama ba iyon? Kahit may iba na syang mahal? Hindi ko naman ipapaalam, eh. Is it bad to still like someone who's already committed?

Wala naman sigurong mali roon diba? It's not that I'm planning on getting him back. Hindi naman ako mang-aagaw o ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya. It's just a silent love. Wala dapat makaalam bukod sa akin.

...At kay Maxine dahil nawala ako sa aking sarili at wala sa lugar na naamin ang nararamdaman ko.

Tumayo na ako sa aking bathtub bago ko pa man maiuntog ang sarili dahil sa mga pinag-iisip. Simpleng malaking crop top na puti lang ang isinuot ko at fitted na pencil cut na abot sa aking tuhod ang haba. May slit iyon sa kanan na halos kalahati ng sukat ng palda ang gupit.

Pagkalabas ko sa aking kwarto ay agad kong hinanap si Maxine. Natagpuan ko sya sa isang counter na umiinom ng juice at may kung ano na namang kinakain.

Tumabi ako ng upo at humingi ng maiinom. "Uuwi na kami ni Herritt bukas ng umaga." saad ko kay Maxine. Inikot nya ang upuan at diretsong tinanaw ang dagat.

"Is that so? Napa-aga ata? Is it because of Kei?" seryoso nitong bukas sa taong iyon.

"Max, huwag na nating pag-usapan iyon. I live eight years without him. Four years knowing he's in a relationship with Eclaire and you think I can't do another eight years to forget about him?"

Mahirap may ay makakaya ko naman siguro iyon. May darating para sa akin at hindi iyon si Kei. I should just wait. Marahil ang taong iyon ang magiging dahilan ng muling pagkabuhay ng puso ko.

"Ipangako mo sa aking kakalimutan mo na sya." wala sa sariling tumango ako. Hindi ako nangangako pero gagawin ko. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging masaya nalang para sa kanila.

Hapon nang sabay kaming mag-lunch ni Maxine kausap ang ilang mga kakilala. Pansamantala kong nakalimutan ang problema nang dahil sa iilang maliliit na tawanan.

Pagkatapos noon ay tumulak na kami ni Max papunta sa sinasabing photoshoot ni Herritt. Tirik ang araw nang lumabas ako ng sasakyan. Sa isang matayog na abong building kami pumasok. The red marble was shinning. Maririnig ang tunog ng aking takong habang inilalakad ang paa ko roon.

Ibinaba ko ang aking shades at ibinigay iyon sa body guard na nakasunod sa aming likod. "What floor?" tanong ko. May gumabay sa amin para makarating sa floor na pinagdadausan ng photoshoot.

"Goodness, goodness! GOODNESS! SHE'S SO STIFF! Kawayan ba iyang modelo nyo?!" sa bungad palang ay rinig ko na ang sigaw ni Herritt. Mukhang galit na naman ito kaya maagap kong hinatak si Maxine para makarating sa kanyang tabi.

He's sitting in a chair while watching the photoshoot. Inihakbang ko ang paa sa ilang mga wires na naka-kalat sa sahig. Naputol ang photoshoot nang lahat ng mata ay dumako sa amin.

"Kasing init ng hapon ang ulo mo, ah." tuya ni Maxine sa kanya. May naglagay ng dalawang upuan sa tabi ni Herritt at doon kami naupo.

"Mademoiselle." lumapit ang nakangiting photographer at kinuha ang kamay ko para mahalikan.

"Kamusta ang photoshoot?" tanong ko sa kanya. Lumingon ito sa nakayukong modelo sa gitna at umiling.

"She's not what we wanted, you know?" amin ng aking kausap. I feel pity for the model ngunit kung hindi sya marunong ay kailangan syang alisin.

"Why do you even hire models like these? Sino ang namimili ng mga modelo?" galit na tanong ni Herritt. Kaunti nalang at magbubuga na ng apoy ang kanyang bibig. "Eclaire will be fitted for this, hindi ba, Chloris?"

"Huh?" saglit akong napasulyap sa kanya. Nagkatinginan kami ni Maxine at mabilis nitong nilingon si Herritt.

"You know what, marami pa namang iba r'yan na mas maganda. We can find another model." tumahimik ako habang muli akong sinulyapan ni Max. Thank God she's here. At salamat dahil umamin ako sa kanya dahil kung hindi ay pati sya ay sasang-ayon sa sinabing iyon ni Herritt.

"You mean, Eclaire Vasseur? Iyong magandang artista?" ngumisi ang photographer na mabilis tinangunan ni Herritt.

"Yes, she's perfect! If we'll find another model, kakailanganin pa ng screening noon. It takes so much time, effort and money while Eclaire's just there waiting for a contract to be signed."

Mabilis umiling si Maxine. Nakita kong may idudugtong pa sana si Herritt ngunit umapila na agad ang kaibigan ko. "I can recommend you artist kung iyon ang gusto nyo. May kasabayan si Eclaire na sikat na rin ngayon sa isang estasyon."

"Hindi ba't kaibigan mo si Eclaire?" nakakunot ang noo'ng tanong nya kay Maxine. Awtomatikong napatikom ang bibig ni Max bago tumingin sa akin ng makahulugan. Kahit ako ay hindi makapagsalita. Gusto kong magprotesta ngunit tila putol ang dila ko sa pagsasalita.

"Then the problem is solved! Tanggalin nyo na iyang modelo!" tinuro ng photographer ang modelo at agad iyong sinuotan ng jacket para matakpan ang katawan at mabihisan nang muli.

"Sa isang araw ay babalik ako rito. I'm hoping to see her." tumayo na si Herritt. Asking everyone to contact Eclaire and make her sign the contract.

Ilang mga butil ng takot ang nabuo sa sistema ko. Ito na naman. Kung kailan paalis na ay tsaka pa kami magkikitang muli. Pagkatapos ng paghihirap ko kagabi ay masusundan pa pala ng isa?

"Chlo, pano na iyan?" puno ng pag-aalala ang mukha ni Maxine. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumiti rito.

"It's okay. Kung magpapaiwan si Herritt dito para sa photoshoot na iyon ay mag-isa akong babalik ng bansa bukas."

Just thinking of seeing her again makes me feel jealous again. Ilang beses ko pa bang gagawing punching bag ang sarili ko sa sakit. I can feel the pain, the heart ache, unending remorse and all.

May nararamdaman ako at sabay sabay iyong pumapana sa akin kapag nakikita ko sya. Let Eclaire alone is too much for me. Kapag kasama pa si Kei ay wasak na wasak na ako.

"You're not going anywhere, Chloris Buenafuerte." umaga ng makita ako ni Herritt bitbit ang mga bag ko. Ilang oras nalang ay flight ko na. Tutal malapit lang naman ang airport dito ay pupwede pa akong magkape sa labas.

"Dad needs me." pangangatwiran ko. Pagkauwi ay bibisitahin ko ang puntod ni Mommy at ikukwento ang mga nangyari ngayon. Lahat. Kahit iyong hindi masasaya at ang pag-iyak ko. I know she'll listen to me.

"How about the photoshoot? I personally contacted Eclaire at magkikita kami ngayon para pag-usapan ang pagmomodelo nya para sa atin. And you're not going with me?" histerical nitong singhal.

"You can do that, Herritt. I have flight to attend. Sayang iyong ticket." isinuot ko ang aking shades at ipinahila na ang bag sa aking body guard.

"No, stop!" humarang sya sa aking harap at pumaywang. "Nasasayangan ka sa ticket? You can even buy an airplane at isang ticket lang na barya sa iyo ay nasasayangan ka?" pagtataray nito.

Napailag ako ng tingin. Maxine, where are you when I can't defend myself? Ano namang gagawin ko kung hindi ako aalis ngayon? Watch Eclaire pose for our brand? Tapos ano? Makikita ko na naman iyong fiance nya at patuloy na magsisisi?

"Herritt..." huminga ako ng malalim, thinking on what to add. "Please, kaya mo na iyan." sunod sunod na iling ang iginawad nya sa akin. Hindi talaga ako makaka-alis dito ng buhay.

"Ouch!" mahina kong daig nang lumapat sa aking labi ang init galing sa kape'ng iniinom. Herritt turned to me and shook his head.

"She will be here soon." wika nya habang tinitignan ang relo. Ibinaba ko ang tasa at nilagyan iyon ng kaunting asukal bago hinalo. "And there!" tumayo si Herritt kaya nabitawan ko ang kutsarita.

Kabog nang kabog ang dibdib ko. Hindi alam kung lilingunin ba ang dumating o pupunasan ng tissue ang kaunting tapon ng kape sa lamesa.

"Nice to see you again." humalik si Herritt sa pisngi ni Eclaire. Hindi na ako tumayo pa at hinintay nalang ang paglapit sa akin ni Eclaire para mahalikan din ito sa pisngi.

Ngumiti ako ng magtagpo ang tingin namin. Ganoon din ang ginawad ko sa kanyang kasama ngunit mabilis ding umiwas. He's all serious. Akala mo ay laging may kaaway. Ipinaghila nya ng upuan si Eclaire bago umupo sa silya sa tabi ni Herritt.

"This is the contract. I'm glad to be one of your model. Pasensya na at wala ang manager ko rito. But we talked about this already." humilig si Herritt para makausap ng mabuti si Eclaire.

Sumandal naman ako at naasiwa dahil sa aming pwesto. Eclaire's sitting beside me while Kei's just looking at me face to face. Ang maliit na lamesang bilog ay napaka-sarap basagin dahil hindi ako makatingin ng diretso sa ayos na ito.

"We would like to thank you for this. Ikaw ang una kong naisip noong mag-iiba kami ng modelo." kwento sa kanya ni Herritt. He even said what happened yesterday. Tumawa lang si Eclaire dahil sa mga papuri ni Herritt sa kanya.

Sumimsim ako sa aking inumin habang tahimik na nakikinig. My back hurts. Masyado ko atang pinilit ang likod kong tumuwid dahil sa kaba.

And who would be comfortable if you know he's eyeing you ever since he sat on that chair? Ano bang problema ng lalakeng ito at tuwing mahahanap namin ang tingin ng isa't isa ay tinataasan nya ako ng kilay?!

"Kaibigan ko si Chloris and you're also good to me. Bakit hindi ko tatanggapin ito?" mahinang tumawa si Eclaire at tinignan ako. Right! We're friends. "Manonood kayong dalawa sa photo shoot bukas?" tanong nya sa akin.

Saglit bago ako nakapagsalita. "Yeah. Aalis na sana ako ngayon pero pinigilan ako ni Herritt."

She smiled. "Dapat pala ay galingan ko kung ganoon?" hindi na ako sumagot at kukuhain na sana ang aking kape para ibaling sa iba ang atensyon nang sumagi iyon sa dulo ng platito at kaunting natapon ang laman sa aking kamay.

Bago ko pa iyon mapunasan ng tissue ay maagap nang nakuha ni Kei ang kamay ko at ibinalot sa kanyang panyo.

"N-no, it's okay." bawi ko sa aking kamay ngunit parang bingi ito na tumawag ng assistance para magamot ang paso.

Kaunting hilig nya lang ay halos kaharap ko na sya. Hindi nya binitawan ang kamay ko habang pinupunasan ang kape roon. "You want ice?" seryoso nyang tanong. Kinilabutan ako sa ginamit nitong tono at saglit na hindi nakagalaw.

It's not that hot. Mas ramdam ko pa ang paghaplos ng pamilyar nyang balat sa aking kamay kaysa sa init na gawa ng kape. "No need. Ibababad ko nalang ito sa tubig."

Doon ko lang napagtanto ang pagiging tahimik ni Eclaire. Herritt's busy talking to a waiter for some extra tissue.

Mabilis kong hinablot ang kamay ko at iniurong ang upuan para makatayo. Kei was shocked because of my sudden act ngunit agad din namang dumiretso ng tumayo at matiim akong pinakatitigan.

"I'll just wash my hand." paalam ko sa kanila.

Nakita kong hinawakan ni Eclaire ang kamay ni Kei ngunit abala ito sa pagtitig sa akin ng masama. His crystal clear eyes went dark as the night. Nagtiim bagang ito bago nagsalita. "Sasamahan na kita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction