TWENTY FOUR

TWENTY FOUR

"I'm so proud of you, Chloris." mahigpit akong niyakap ni Mommy pagkatapos kong makababa sa stage para maibigay ang aking speech.

"Thanks, Mom." mahina kong sambit.

Nginitian ako nito ng matamis bago nilingon ang Daddy sa kanyang tabi.

Dad welcomed me in his arms. Mahigpit kong dinaluhan ang kanyang yakap.

"We're so proud of you, anak." bulong nito sa akin.

"Anything for you, Dad." ilang mga liwanag ang nakapagpahiwalay sa yakapan namin galing sa mga camera'ng kanina pa nakatutok sa amin.

Mom gave her smile to every flash of the camera. Sa tabi nya ay pumwesto na rin ako para makuhaan ng litrato. She looks so proud of me. Nakakagaan ng loob.

I was so overwhelmed that I cried while giving my Valedictory Speech. Nakakahiya man umiyak sa harap ng maraming tao ay hindi ko na napigilan. Sa bungad palang ng pagpapasalamat ko sa lahat ng taong nakasama ko rito sa school ay naluha na ako.

And thinking we'll go separate ways from now on actually make me sad. Iba't ibang daan patungo sa mga pangarap namin ang kanya kanya na naming tatahakin and who knows, after so many years, may ilan na sa amin ang magiging kilala sa larangan na pinili namin.

Some could stumble while they chase for their dreams but that doesn't mean they're behind from the others.

"Congrats ulit, Chloris!" hinawakan ni Maxine ang kamay ko.

Nakangiti kong hinawakan ng mahigpit ang mga kamay nya.

"Thank you for everything, Max. Tatawagan kita palagi pag-alis ko." hindi ko na napigilan ang emosyon ko.

I hugged her tight. She's my only bestfriend here.

Alam ng lahat na si Maxine lang ang nag-iisang kaibigan ko simula ng tumuntong ako sa High School. At ngayon ay maghihiwalay na kami. Hindi maipaliwanag na paghihinagpis ang bumalot sa puso ko.

"I will miss you, Chlo! Huwag ka ngang umiyak kasi naiiyak din ako!" saway nito sa akin.

Pagkahiwalay namin ay pinunasan ko ang luha sa kanyang mukha.

"Ngayon palang ay nami-miss na kita!" I then wiped my own tears.

Kung sana ay magkasama nalang kami ni Max hanggang kolehiyo ay magiging masaya ako.

We've been bestfriends for years now. Balikat ng isa't isa ang nasandalan namin sa mga oras na nangungulila kami sa sariling mga magulang. Studying here is not easy. Malayo sa magulang, malayo sa kabihasnan. But we survived. Iyon ang mahalaga.

"I'll try to visit you at kung hindi man ay babalitaan nalang kita."

We bid our goodbyes. Kahit sa mga kaklase ko ay nagpaalam din ako. The only person whom I still haven't talked to is Kei.

Tinanaw ko sya sa malayo. His family is here. They're screaming elegance, power and wealth in everything they do. The aura there is too much for me to take. Hindi ako lalapit doon para maramdaman kung gaano ako kaliit sa kanila.

Hindi sasapat ang ilang artikulo para ipakalat na ang pinaka-bata sa mga Hendricks ay sa wakas tutuntong na sa kolehiyo. Sigurado akong pati sa telebisyon ay ibabalita rin iyon.

Photographers love them. They're getting the attention they want. Nakita kong lumapit sa kanila si Eclaire. Kei's Mom smiled at her at nakangiting hinalikan ni Eclaire ang pisngi nito.

Nakaramdam ako na parang may tumutusok sa aking loob. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at humalukipkip sa gilid. Nakakainggit.

Tumulak na kami paalis ng school. Sa sasakyan ay tahimik akong nakatanaw sa bintana. I haven't talk to him. Kahit isang segundo ay wala. Ganito ba ako aalis?

Kahit isang paalam ay hindi ko nasabi. Eclaire can talk to him casually. Ako ay nahihirapan pang gawin iyon. She can even kiss his Mom's cheeks. Ako ay nasa gilid lang at tahimik silang tinatanaw.

It kinda pains how it all ended. Sa mga susunod kaya na taon ay mahuhulog na ang loob nya kay Eclaire? Sumasakit ang dibdib ko ngayong naiisip ko palang iyon. How much more if that actually happens?

I don't think I want to witness how they're going to fall with each other. Hindi naman ako ganoon katanga para panoorin kung paano mawalan ng interes sa akin si Kei.

"We'll leave the Philippines for good. Kung sa ibang bansa rin gugustuhing mag-aral ni Chloris ay roon nalang tayo tumira, Samuel." I heard my Mom said. Naputol ang pag-iisip ko ng dahil doon.

She's talking to Dad. Nakita nilang lumingon ako. Tinignan ako ng matiim ni Daddy habang ako ay blangko pa rin ang ekspresyon.

"Is that what you want, Chloris?" tanong nito sa akin.

I looked at Mom. Tinaasan ako nito ng kilay kaya muli akong bumaling kay Daddy.

"Opo, sa ibang bansa ko gustong mag-aral."

"See?" wika ni Mommy kay Daddy. Napabuga ng malalim na hininga si Daddy bago tumango. "There's no reason to stay here in the Philippines. If it's about the business then we can always pay a visit para maayos iyon."

Natusok ako sa isang pin na inilalagay ko sa aking tela. Agad kong sinipsip ang dugo noon para humupa ang dugo.

"Damn! Magtatahi pa ako!" inis kong bulyaw sa sarili.

Tumingin ako sa oras at pasado alas singko na ng madaling araw. Sinulyapan ko ang mannequin sa aking gilid na tanging pira-piraso palang ng tela ang nakadikit sa kanyang katawan.

Napabuga ako ng hininga at pilit na iwinawaksi sa aking isip ang pag-aalala sa nangyari ilang taon na ang nakakalipas.

I was young at that time. Malamang ay tanga pa ako at pa-demure masyado pagdating sa pag-ibig kaya hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko pa rin ang hindi ko pag-amin sa totoong nararamdaman ko sa kanya.

"Chloris!" katok mula sa pinto ko.

Inis na inilapag ko ang mga pins sa lamesa at tinungo ang pinto.

"What?!" singhal ko rito.

She raised her brows on me at tinignang mabuti ang mukha ko. Mukhang na-asiwa ito sa aking itsura kaya mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Aalis na ako."

Chlerie is all dressed up. Sumisilip ang kulay puti'ng palda ng kanyang tutu sa ilalim ng kanyang jacket.

Maayos ang pagkaka-bun ng kanyang buhok at halos maningkit na ang mga mata dahil sa higpit ng ipit noon.

"Okay... Sorry, hindi pa ako natutulog." tumango ito bago tumalikod sa akin.

When was the last time I looked myself at the mirror? Hindi ko na nga alam kung may suklay ba ako rito sa kwarto. Ganito pala kahirap itong pinili kong kurso. I wasn't informed that this is the course to become a zombie.

While Chlerie's all cute and classy, I was the one who looked like a walking hell. Fashion Designing pa naman ang kurso ko pero hindi ko na naalagaan ng maayos ang sarili ko.

Isasarado ko na sana ang pinto nang muling lumingon si Chlerie.

"Don't forget my tutu, Chloris. I need that next month. May sasalihan akong competition. Malaki iyon kaya kailangan ay gandahan mo ang gawa."

Another work. Tumango lang ako ng walang angal. I've been making her ballet dresses every time she joins competitions. Ayos lang naman sa akin iyon dahil nag-eenjoy rin ako sa paggawa ng mga damit nya.

Umaga ng araw din na iyon ay pumasok ako sa eskwela nang walang tulog. Nahulog pa ako sa hagdan dahil sa dami ng dala dala kong gamit.

"Wow!" Herritt scanned me from head to toe. Umikot sya sa aking likod habang sinasaksak ako ng tingin ng kanyang mga mata. "Ganda simula leeg hanggang paa."

Umupo ito sa tabi ko at tumawa ng malakas. Hinampas ko ang braso nito at inusog kaunti ang upuan palapit sa kanya.

"Tinapos ko yung lining ng project natin! You're not helping me!"

"Inday, yung ibang grupo nga wala pa kahit ruler, eh! Ikaw tapos na agad yung lining! Bravo!" nilabas nito ang salamin sa kanyang bag at ngumuso rito.

Napailing nalang ako at inayos ang laman ng bag ko.

"I only need some good cloth for the jacket. Mamaya ay samahan mo akong maghanap ng tela para may pakinabang ka!"

Ngumisi ito sa akin. "Lagyan nalang kitang concealer sa mata." pag-iiba nya sa usapan.

Herritt is my gay friend. Hindi nga lang halata minsan na bakla sya dahil ang features ng kanyang mukha ay maihahalintulad sa isang gwapong lalake. We're both Filipino at kaming dalawa lang ang may ganoong lahi rito sa batch namin.

I think, that's one of the reasons why we became close to each other. Minsan ay nagtatawanan kami habang nagsasalita ng tagalog nang hindi naiintindihan ng iba. Some would say we're crazy but they just can't understand us.

Their humor is different from us. May ibang hindi nila naiintindihan dahil iba ang kulturang kinagisnan namin.

"I don't like that one." maarte nitong sabi habang tinuturo iyong nakita kong tela.

"I think this is fine. Let's try this wool fabric." umiling ito ng ilang beses sa aking sinabi and cringe his face.

"Nah! Huwag iyan dahil mukhang hindi maganda ang pagkakagawa!" tila nahintakutang sabi nito bago ko binitawan iyon.

But I really like that one! Kung ako lang ang masusunod ay iyon nalang ang kukuhain ko.

But I should also consider his side. Kung ayaw nya ay wala na akong magagawa. Sa huli ay nakakita kami ng medyo makapal at maganda ang pagkakagawa na wool. May paka-mahal nga lang ng kaunti ang presyo kumpara roon sa tinignan namin noong una.

Doon kami sa bahay gumawa ng project. It is an all winter outfit. Gusto kong matapos ito ng maaga para magawa ko na iyong tutu ni Chlerie.

"I'll be doing the 3D design. Ngayong katapusan ng linggo ito ipapasa, hindi ba?" umupo sya sa tapat ng laptop ko at binuksan iyon.

"I had the sketch. Kopyahin mo nalang." ibinigay ko sa kanya ang unang sketch na ginawa namin noong nakaraan sa classroom.

May check na iyon ng professor at isang pasa lang namin ay na-approve agad.

Ako naman ay inilatag na ang nabiling tela sa aking lamesa. Tinignan ang ilang sukat na inilagay ko sa iba pang papel at tinantya kung tama ang mga haba'ng sinulat ko roon.

Tahimik kami habang nagta-trabaho ng bigla itong magsalita.

"You looked so young in this pic." sinulyapan ko ang sinabi nya at nakita ng mga mata kong binuksan nya ang ilang folders sa loob ng laptop ko.

"Hoy, pakelamero!" ngumuso ito sa akin bago inilipat lipat ang mga litrato.

"Bakit ang ganda mo noong High School ka tapos ngayon..." hindi nya ipinagpatuloy ang sinasabi at muli na namang tinignan ang kabuuan ko.

He then gazed at my picture bago humalagakpak ng tawa.

"I was young, of course! Lahat naman ay maganda noong bata pa." nilapitan ko sya at tinignan din ang mukha ko noon.

Karampot na ngiti ang ibinigay ko sa camera. Maayos ang aking buhok na namumula mula pa ang pisngi.

Ngayon ay namumutla na ako. Tanging daliri ko nalang ngayon ang dumadaan sa aking buhok para pansamantala iyong maayos ng kaunti.

"Well, I'm not! Ang itim itim ko dati tapos mukha akong... You know, isang ubo nalang! But now, look at me! Flawless! Slay!" tumawa ako ng kaunti at pinagkunutan ito ng noo.

"Tapusin mo nalang iyang trabaho mo!" bumalik na ako sa aking pwesto at nagsimula nang mag-sukat.

Muli na naman kaming nanahimik hanggang sa bigla syang sumigaw.

"My God! Who's this?!" bagot ko itong nilingon at ganoon nalang ang pagkagat ko sa aking labi nang makita ang larawan namin ni Kei noong bakasyon sa Hawaii.

Saglit akong naparalisa. Nakalimutan kong nag'e-exist pala ang litratong iyan.

"Ah, kaklase ko lang dati." napatuwid ako ng likod at iniwas ang tingin ko roon.

Ang bata pa namin doon sa litrato! I was so silent, serious and stupid back then.

Iyan yung sinayang ko?! Gusto kong iumpog ang ulo ko sa lamesa. Ano na ako ngayon? I'm a mess. No, maybe worse than that. I'm a trash. Ni wala akong balita kung anong nang nangyayari sa kanya ngayon.

Is he successful now? Maayos ba ang mga grado nya? Engineering nga ba talaga ang kinuha nyang kurso? I don't know. Marami akong gustong itanong kay Maxine tuwing magkaka-chat kami ngunit palagi namang umuurong ang dila ko sa kaba.

"Crush mo 'to no?" pang-aasar ni Herritt.

"Shut up!" inis na singhal ko sa kanya.

Naiwala ko ang dapat na gagawin ko. Mag-gugupit na ba ako? Ilang inches nga ulit iyon? Aish! This is so frustrating!

"Ipakilala mo ako sa kanya." hawak ko ang gunting nang inikot ang upuan para maharap si Herritt.

"We're not close." mahina kong sabi.

Tinaasan ako nito ng kilay na halatang hindi naniniwala sa narinig.

"May picture tas di close? Don't fool me, Chloris. Just look at your smiles." ginaya nito ang ngiti ko sa litrato.

Itinapat ko sa kanya iyong gunting na hawak ko. "Lilipad ito sa'yo 'pag hindi ka tumigil." banta ko sa kanya at muli itong tinalikuran.

Humagikhik ito ng mahina. "But seriously, ano ngang pangalan?" malandi nyang saad. Matagal bago ako nakapagsalita.

"Kei Hendricks." mahina kong saad.

Pagkatapos kong masabi ang pangalan ay tumahimik na ito. Parang may punyal sa aking lalamunan nang muli kong naisatinig ang kanyang pangalan.

Chloris, it's just his name! Ilang taon na rin ang lumipas at siguradong burado ka na sa kanyang puso. I bet he has a new girlfriend now.

"Nagpa-picture ka lang dito no. Aminin mo na Chloris, he's your high school crush!" tukso ulit nito sa akin.

Ngayon ay nakikita ko nang nakabukas ang facebook nito at tinatype ang pangalan doon ni Kei.

Hindi ko maibaling sa iba ang mata ko. Wala na nga pala akong facebook. Pati twitter ay hindi ko na binubuksan.

"Is this him?" he scrolled down the feed. Naghurumentado ang sistema ko habang tumigil iyon sa kanyang profile picture. "Ang pogi na nya ngayon! Papa!" tili ng tili si Herritt.

Mabuti at walang tao ngayon dito sa bahay kundi ay nasita na kami sa ingay nya.

Pinakatitigan nya iyong litrato. Kahit naka-side view sya roon ay kitang kita ko na ang pinagbago sa kanyang mukha. Halos mapatulala ako roon.

Napangiti ako ng wala sa sarili. Ang gwapo na nga nya ngayon. Mas lalong tumapang ang kanyang mukha dahil naging mas pulido ang hugis noon.

Napatulala nalang ako sa pader habang nag-aalala na naman ng nakaraan.

"Taken na sya?" biglang sambit ni Herritt sa mababang boses.

Napatayo ako at mabilis syang nilapitan. "Sino raw?"

Tinignan ko ang pangalan kung saan nakatitig si Herritt. He's in a relationship with Eclaire Vasseur. Napangiti ako ng mapait at mabilis nilubayan iyon ng tingin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction