TWENTY FIVE
TWENTY FIVE
Gabi ng sumunod na araw ay magka-skype kaming muli ni Maxine. Pula na ang maiksi nyang buhok. Mas lalo syang gumanda dahil nahubog din ng panahon ang kanyang katawan.
Ngayon ay abala sya sa kanyang internship sa isang kilalang hotel dahil huling sem na nya ngayon sa kolehiyo.
Suot pa ang uniporme ng bumukas ang kanyang screen at mabilis na ngumiti sa akin. "Nakikita mo ako?" una nyang tanong at kumaway sa akin.
"Oo, malinaw." wika ko.
Bumuntong hininga ito at pumalumbaba sa harap ng camera. May kinuha itong pagkain sa tabi at sinubo iyon bago nya ako pinagmasdan.
"Kakagaling ko lang sa hotel. Sumakit ang likod ko. Wala naman ako masyadong ginawa roon."
Ngumiti ako. Lagi kaming nagsasabihan kung anong nangyayari samin. We make sure that we tell everything we do para ma-update namin ang isa't isa.
Nakilala na rin ni Maxine si Herritt. Kilala ko na rin ang ibang naging kaibigan ni Maxine ngayong kolehiyo at ganoon din naman sila sa akin.
"You should rest your back. Kahapon ay galing kami ni Herritt sa bilihan ng mga tela." ipinakita ko sa kanya iyong wool fabric na nabili namin pati iyong mga natapos kong gupitin.
"Magpahinga ka rin, Chlo. Hanggang ngayon ba naman ay masyado mo pa ring pinipilit ang sarili mo."
Malungkot nyang sambit ng makita ang mga natapos ko sa loob lang ng ilang araw.
"It's okay. Gagawan ko pa ng damit si Chlerie." tumango ito at masama akong tinignan.
I know she doesn't want me to overwork myself. Kung wala naman akong gagawin ay mabilis akong mabo-bore at maaalala ko kung anong katangahang ginawa ko dati.
"Anyway, nagkita pala kami ni Eclaire kanina. Kakatapos lang ng internship nya sa ibang bansa."
Ngumiti ako. Wala na akong balita kay Eclaire. Hindi kami nagkakausap at ayokong may nababalitaang kung ano sa kanya. Ngayon pang nalaman ko na sila na ni Kei.
No wonder why she's not reaching for me. Iyon pala ay may boyfriend na. At ang lalakeng iyon ay si Kei pa. Yung taong alam nyang may gusto sa akin noong High School pa kami.
But past is past. Siguro ay nabaon na nilang lahat iyon sa limot katulad ng pagkawala ng pagmamahal sa akin ni Kei.
I'm the only one who's living here in the past. Lahat ay malinaw pa sa aking ala-ala na parang kahapon lang nangyari. The pain is still there. Mas lalo pa nga atang lumala dahil sa nalaman ko kahapon.
"Ganoon ba?" sabi ko nalang. "Kamusta na pala si... la. Sila?"
"Sinong sila?" naguguluhang tanong nito. Ngayon lang ako nagtanong tungkol sa ibang tao. Binanggit ko rin kay Maxine dati na huwag akong babalitaan tungkol sa ibang tao dahil mas lalo kong nami-miss ang Pilipinas kapag ganoon.
She knows how much I missed being there. Na gustong gusto ko na talagang umuwi roon. Kaya hangga't maaari ay inilalayo ko sa tentasyon ang aking sarili dahil alam kong wala na naman akong babalikan doon kundi ang sakit at panghihinayang.
"Si Eclaire... Si... Kei." napalunok ako ng mariin. Napatigil sa pagnguya si Maxine sa kanyang kinakain at matiim akong pinukulan ng tingin.
"Seryoso kang tinatanong mo iyan?" tinitigan nya ako. Ramdam ko ang pagwawala ng aking puso bago ako tumango. Isa isang nanumbalik ang mga oras kung saan una kaming nagka-chat ni Maxine.
"Anong sabi mo?!" angil nya. "Kung gayon ay bakit hindi mo sinabi agad?! You're so stupid, Chlo! Andyan na, pinakawalan mo pa." wika nya nang aminin kong may gusto ako kay Kei.
Ilang buwan kaming hindi nagkausap nang dumating ako rito. Ngayon ang una naming pagcha-chat at ganito pa ang usapan namin. I feel like I needed someone else's advice.
Sumasabog na ang loob ko habang nagtatalo ang aking isip kung ipagpapatuloy ba ang pag-aaral dito o hindi. I'm not yet enrolled in any University kaya may dahilan pa ako para bumalik sa Pilipinas.
"Hindi ko na kaya rito, Maxine. Gusto ko nang umuwi r'yan." naiiyak na amin ko sa kanya. Noong nakaraang linggo lang ay nagkasakit ako. I was so lonely I jailed myself inside my room.
Iyon ang mga panahong alam ko sa sarili kong mali ang napili kong desisyon. That I didn't want to be here and I don't belong to this place.
"Chlo, you're with your family now. If you miss me then we can chat at least twice or thrice a week but if you want to come back because of Kei then don't do it. Kung sana ay dati mo pa inamin..."
Tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Niyakap ko ng mahigpit ang hawak kong unan at doon tumulo ang mga luhang kanina pa nagpapalabo sa aking mata.
"Huwag kang magdesisyon habang nasasaktan ka dahil walang magandang maitutulong iyan kundi ang pagiging desperada."
After that talk, napag-desisyunan namin ni Maxine na huwag magbanggit ng kahit anong nangyayari sa Pilipinas. May posibilidad kasi na baka mag-breakdown na naman ako at maisipang bumalik roon.
Kapag inaalala ko iyon ngayon ay natatawa nalang ako sa aking sarili. Naturingang Valedictorian noong High School ngunit hindi naman marunong magdesisyon para sa kanyang buhay.
Muling bumalik sa realidad ang isip ko nang magsalita si Maxine.
"Okay naman. Si Eclaire katulad nga ng sinabi ko ay kakauwi lang ng Pinas. Si Kei naman ay isang taon pa sa college dahil limang taon ang kurso nya."
Pinisil ko ang aking mga daliri. Ano pa nga bang pwedeng malaman? Itatanong ko ba iyong nakita namin ni Herritt kahapon? Gusto kong malaman kung totoo ba iyon o hindi.
"Ano pa bang gusto mong malaman? Nagbago sa ugali, physical features o lovelife?" dugtong nito.
I don't think I wanna hear all of that but I'll try not to get hurt. Kung masasaktan pa rin ako sa kung anong lalabas sa bibig ni Maxine ay isa lang ang ibig sabihin noon. I still need to stay here until time heals all wounds.
"Mayroon na ba?" nangangatal ang labing tanong ko. Tinaasan ako ng kilay ni Maxine. "I mean girlfriend si Kei? Max! Don't look at me like that!" saway ko sa kanya. Kinakabahan ako sa mga tingin nya sa akin.
Matagal bago sya sumagot bago umiwas ng tingin sa akin. "Wala pa." sagot nya.
Ngumiti ako. Hindi dahil sa natutuwa ako sa sinabi ni Maxine kundi dahil alam kong nagsisinungaling sya para pagtakpan si Kei at Eclaire.
"Iyong 3D ay malapit nang matapos at ipapasa nalang." saglit kong sinulyapan si Herritt.
Ngayon ay nasa kwarto kami at gumagawa na naman noong project.
"Malapit na rin matapos iyong jacket. Madali lang naman gawin iyong pambaba kaya siguro ay masisimulan na rin natin mamaya iyong damit panloob."
Tahimik kami habang tinatapos ang kanya kanyang gawain ng bumukas ang aking pinto at sumilip doon si Chlerie.
"Chloris, nagawa mo na iyong design para sa damit ko?" saglit kong ibinaba iyong pansulat na hawak ko at hinanap ang ginawa kong sketch para sa kanya.
Nang makita iyon ay agad ko syang nilapitan at binigay sa kanya iyong mga designs ko.
"Pipili muna ako rito. Balik ko mamaya." wika nya at sinarado na ang pinto. Pagkabalik ko sa aking silya ay lumingon sa akin si Herritt.
"Ginagawa kang muchacha ng Ate mo." sinipatan ko ito na manahimik dahil baka marinig sya sa labas ng kwarto. "It's true! Why not hire a professional designer?! Mayaman kayo tas di nyo afford yon? Unbelievable!" umiiling pa na sabi nito.
"Baka naman kasi gusto talaga nya iyong mga gawa ko." pagtatanggol ko.
"You mean, gusto ka nyang pinapahirapan?" hindi na ako sumagot. Inabot kami ng gabi hanggang sa matapos nya iyong ginagawang 3D. Saglit kaming kumain sa labas at naglibot libot bago ko sya inihatid sa sakayan ng bus.
Pag-uwi ko ay sinalubong agad ako ni Chlerie. She was holding my designs when she approached me. "I like the third one. Ibahin mo lang ng kaunti sa palda. Gusto ko ay may halong kaunting silver sa banda rito."
Agad kong nakuha ang ibig nyang sabihin at tumango sa kanyang sinabi. "Sure, I'll try to add some details here. Ibabalik ko sa iyo para makita mo kung okay na."
Nilagpasan nya na ako at dumiretso sa labas ng bahay. Ako naman ay umakyat sa aking kwarto para ayusin agad iyong design.
Inilapag ko ang papel sa aking lamesa nang makita ang flashdrive ni Herritt na naiwan malapit sa aking laptop.
Mabilis ko iyong dinampot at kinuha ang jacket ko para maihabol ko ito sa kanya.
Tinignan ko ang aking relo habang pababa ng hagdan. Ano nga bang oras ang dating doon ng bus? 10 mins? Makakaabot pa kaya ako?
Binilisan ko ang aking takbo hanggang sa makarating ako sa bus stop. Sakto ang pag-alis ng bus. Pinilit ko pa iyong habulin ngunit hindi ko na nagawa.
Hingal na hingal ako nang huminto. Pinagtinginan pa ako ng ilang naiwan na pasahero. Damn, Herritt! Bakit mo kinalimutan itong flashdrive mo?!
Yakap ang aking sarili nang naglakad ako pabalik sa bahay. The weather is getting cold. Malamig na ang mga kamay ko lalong lalo na ang aking mukha dahil sa paghampas ng hangin kaninang tumatakbo ako.
Nang malapit na ako sa amin ay natanaw ko sa di kalayuan ang pamilyar na mukha. Mabilis na halik sa labi ang iginawad nila sa isa't isa. I stopped walking and stared at them.
May boyfriend si Chlerie?! But we're not allowed to have one. Napalingon ang aking kapatid sa gawi ko. Saglit na na-estatwa si Chlerie bago ko nakita ang pagbuka ng kanyang labi para kausapin iyong lalake.
Lumingon ang lalake sa akin bago mabilis na naglakad palayo. Para akong natauhan sa aking nakita at mabilis na naglakad pauwi ng bahay. Tumakbo ako patungo sa aking kwarto at isinarado ang pinto.
What was that? Alam kaya nina Mommy at Daddy ang tungkol doon? Kinuha ko ang design na dapat ay aayusin ko ngunit masyadong okupado ng nalaman ko kanina ang isip ko.
Ilang oras ko munang ipinahinga ang aking sarili bago ko iyon tinapos at tinungo ang kwarto nya. Kinakabahan pa ako habang hinihintay ang pagbukas nya matapos ang tatlong mahihinang katok.
"Ito na iyong design. Sabihin mo kung may idadagdag pa o ibabawa---"
"What did you saw earlier? Hanggang saan ang nakita mo, Chloris?" hinila ni Chlerie ang aking siko papasok sa kanyang kwarto.
"I... saw nothing." mabagal kong sagot. Halos mahintakutan ako sa lamig ng kanyang tingin sa akin.
So they're hiding their relationship? Bakit hindi nalang nya iyon sabihin kina Mommy? Alam ko namang pagbibigyan sya dahil sya ang paboritong anak ng mga ito. And she's old enough to have a boyfriend.
But I don't think Mom can handle is she knows her favorite daughter is sneaking behind her back.
"You saw us!" she stated. Halos mangilid ang mga luha sa kanyang mata at nanginginig ang mga kamay ng hawakan ako sa magkabilang balikat. "Don't tell Mom, Chloris! I beg you! Paghihiwalayin nila kami."
Hindi ko alam kung aaluin ko sya o ano. We're not close. Ni hindi kami nagsasabihan ng kahit anong problema at hindi gaanong nag-uusap. I can't even remember the last time I call her 'Ate'. And now she's crying in front of me, begging for their relationship.
Nang dahil sa isang lalake ay umiiyak ang Ate ko sa akin para magmakaawa. Nang dahil lang sa lalake.
"I won't. Wala akong mapapala kung sasabihin ko ang tungkol d'yan kina Mommy." inilapag ko iyong papel sa kalapit na lamesa. "Ibalik mo nalang sa akin kapag natignan mo na." muli ko syang nilingon bago lumabas.
Humihikbi ito at namumula ang ilong. Dumiretso ako sa aking kwarto na parang may kumukurot sa aking puso. Humiga ako sa kama at malinaw na pumasok sa aking isip ang nakita kanina.
Ilang linggo ang lumipas, halos makalimutan ko na ang tungkol doon nang isang araw ay umuwi ako galing unibersidad at narinig ang malakas na sigaw ni Chlerie galing sa aming living room.
Mabilis kong ibinaba ang aking bag sa bukana ng pinto at dinaluhan ang pangyayari. "But Mom, I love him! Hindi ko sya hihiwalayan nang dahil lang sa inyo!"
Puno ng luha ang mukha ni Chlerie habang galit ang mga mata ni Mommy na nakatingin dito. "You're still young, Chlerie! You don't know what you're saying!" lumapit ako kay Mommy at hinawakan ito sa balikat.
She's so mad. Wala rito si Daddy para makalma si Mommy. "I'm old enough to know what I'm saying! Ako ang hindi mo maintindihan! How can you be so selfish?! Mahal namin ang isa't isa, Mom! Ano bang hindi nyo maintindihan doon?!"
Nakita ko ang malalim na pag-hinga ni Mommy ng sunod sunod. "Mom, hayaan nyo na si Chlerie." mahina kong sambit dito.
"Nang dahil sa lalakeng iyan ay nagawa mong pagsalitaan ng ganito ang magulang mo! Look at you, Chlerie. Iyan ang naging impluwensya sa iyo ng lalakeng iyon!" singhal sa kanya ni Mommy.
Galit na galit si Chlerie habang umaagos pa rin ang luha sa kanyang pisngi. I don't know what to do. Wala akong alam na paraan para pigilan sila. "Why can't you just let me love him? Hindi ko kayang mawala sya."
Humagulgol na ng iyak si Chlerie. I can hear my heart's been shattering to pieces. Nanahimik si Mommy at hinawakan ang aking kamay. Naramdaman ko ang pagbigat ng hawak nya roon na para bang matutumba ito.
"Leave this house or break up with him!" nakita ko ang panlulumo sa mga mata ni Chlerie. Mabigat ang bawat hiningang pinakakawalan nya. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha sa mga nangyayari.
"Why are you doing this, Mom? Mahal ko kayo pero mahal ko rin sya." tumayo si Chlerie mula sa kanyang kinauupuan at hinarap si Mommy. "Simula bata ako ay sinusunod ko ang lahat ng gusto nyo. I've been a perfect daughter to you. Lahat ng ginagawa ko ay para sa ikasasaya nyo. Ngayon lang ako nagmakaawa."
Hinawakan ni Chlerie ang kamay ni Mommy at lumuhod sa harap nito. "I'm begging you. Huwag nyo kaming paghiwalayin." nilapitan ko si Chlerie at hinawakan ang braso nito para tumayo.
"Please, Chlerie, stand up." pinalis nito ang kamay ko at humagulgol sa harap ni Mommy. "Mom, please. Hayaan nyo na si Chlerie." pati ako ay nagmamakaawa na kay Mommy.
Tumingin ito sa akin. I saw sadness in her eyes bago tumulo ang luha sa kanyang mata. Maagap itong tumalikod sa amin at dumiretso ng lakad patungo sa itaas.
"It's all your fault!" nabigla ako ng tulakin ako ni Chlerie. "Nagsumbong ka kaya nahuli kaming dalawa. Inggitera ka! Gusto mo mapunta ang atensyon sayo nila Mommy kaya mo iyon ginawa!"
Sinabunutan nya ako kaya napahawak ako sa aking buhok. Gulat ako sa mga paratang nya. "Wala akong alam sa ibinibintang mo!" galit na galit sa akin si Chlerie samantalang ako ay naliligaw pa sa kanyang sinasabi.
"Ikaw lang ang may alam ng relasyon namin!" pinilit kong hinahawakan ang mga kamay nya. Sa sakit ng higit nya sa aking buhok ay halos mapadaing ako.
"Hindi ako ang nagsumbong!" pilit ko sa kanya. Gumapang ako papalayo at humawak sa pader para tulungan ako nitong makatayo. Halos mapaiyak ako. This is what I got after all this time? Isisisi pa sa akin ang bagay na hindi ko naman ginawa?
"Kung hindi ikaw ay sino?! Pinagkatiwalaan kita, Chloris! Nagmakaawa ako sa iyo nang gabing iyon." humagos na naman ang luha sa kanyang mukha. Kahit ako ay umiiyak na. Gustuhin ko mang linisin ang pangalan ko ay hindi ko naman magawa dahil kinain na ng galit si Chlerie.
"Believe me, Chlerie, wala talaga akong alam sa nangyari." lumapit ako rito para pakalmahin sya ngunit masama nitong tinitigan ang kwintas sa aking leeg.
Bago pa man ako maka-hakbang papalayo ay mabilis na nya iyong hinugot at sinira. Nilingon ko ang pinaghulugan ng perlas. Halos manlamig ang buo kong katawan habang kitang kita ko ang sirang kwintas na hawak nya.
"Bakit lagi mo ito laging suot? Is this given to you by your boyfriend?! Akala mo ba ay hindi ko alam na naka-boyfriend ka noong High School?! Magpasalamat ka pa sa akin dahil hindi nalaman nina Mommy ang---"
Mabilis dumapo ang kamay ko sa kanyang pisngi. Napatigil sya sa pag-iyak ng dahil doon. Nanginginig ang mga kamay ko ng pulutin ang perlas sa sahig at mabagal na tumalikod.
Every step feels so heavy. Parang may kung anong dumag'an sa aking dibdib. Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang pagkawala ng aking hikbi.
Mabilis na nanlabo ang aking mata at tuloy tuloy iyong tumulo sa aking pisngi. This is the only thing that I have from him. Ngayong sira na ay parang gumuho na rin ang mundo ko. Parang kasabay ng pagsira nito ang pagkawasak ng magandang ala-alang naiwan nya sa akin.
Tahimik akong umiyak habang papa-akyat ako sa aking kwarto. Siguro ay sampal na rin sa akin ito na kailangan ko nang ibaon ang lahat sa nakaraan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top