TWENTY EIGHT
TWENTY EIGHT
I was sure he wasn't like this when we last saw each other. Alam kong nagsusumigaw sa pagiging perpekto ang lahi ng kanyang pamilya but I didn't expect he would turn out to be this fine man.
His hair was fresh and clean from the sides up to the thick brushed up hair to the middle.
Hindi ko gustong pansinin ang kanyang mukha ngunit may kung anong hipnotismo rito na nakakapagpa-akit sa aking mga mata.
"Chloris!" tawag sa akin ni Eclaire. Doon lang naputol ang tinginan namin ni Kei.
Mabilis kong hinabol ang aking hininga ng lumipat ang tingin ko kay Eclaire. Damn, you're lucky.
"Hi, how are you? It's been so long." pormal kong bati sa kanya. She reached for my hand. Gusto ko sana iyong iiwas at palisin sa kanyang hawak ngunit baka magulat ito at kung ano pa ang isipin sa akin.
"Nothing much has changed. Congrats on this." nilingon nya ang buong lugar. Saglit kong nasilayan ang singsing sa kanyang daliri bago ko tinagpo ang tingin nyang bumalik sa akin ng nakangiti.
Napalunok ako ng makitang binitawan ni Kei ang hawak sa baywang ni Eclaire. Gusto ko syang lingunin ngunit may pumipigil sa akin.
I composed myself to answer Eclaire. "Thank you. Nalaman kong sikat ka na rin pala rito. Masaya akong pinaunlakan mo ang imbitasyon ko." puno nang hangin kong saad.
Sa gilid ng aking mata ay natatanaw ko ang pag-uusap ni Maxine at Kei. May kung anong sinabi si Maxine na nakapagpatawa kay Kei.
His laugh is intoxicating. Nanghihina ang aking mga tuhod nang marinig iyon. I want to hear him talk. Kahit isang salita lang sana ngunit takot akong kausapin ito.
I sneakily looked at him. Mula sa pagkaka-ngiti ay sumeryoso ang mukha nito nang muling magtama ang mga tingin namin.
Agad akong nag-iwas ng tingin habang pinapakinggan si Eclaire. "I was actually shocked to heard about the news. Mas naging masaya ako na naalala mo akong imbitahin...." ngumiti ito. "I mean us."
Nilingon nya ang nobyo at nakangiting hinawakan ang braso nito. Millions of curses shouted inside my head.
Kinagat ko ang aking labi at mabilis hinarap si Maxine. So much for acting tonight.
I'm a designer for God's sake! Hindi ako aktres para patuloy na pekein ang mga kilos ko ngayon.
Yeah, it still hurts. Damn, I don't even know it would still hurt this bad.
"You're all my friends so..." halos mangilid ang luha ko. "Excuse me, pasimula na ang show."
Agad akong tumalikod sa kanila stopping myself for showing too much emotion. Hindi pa nagsisimula ay para na akong mahihimatay.
Is this the effect of Kei Hendricks? Eight long years and this unrequited love is still alive?
Nang maupo ako sa aking silya ay doon ko lang napagtanto na ang mga tuhod ko ay kanina pa nanlalambot.
"The show is starting." saad ni Herritt at umupo sa gilid ko. The lights on the audience become dark. Only the spotlight on the model's runaway is glowing.
Unti onti nang naglabasan ang mga modelo. Katulad sa rehearsal na naganap kanina ay isa isa na silang naglakad, hihinto saglit sa gitna at ipapagpatuloy ang paglalakad patungo sa kaliwang parte ng ramp.
Itinuon ko ang pansin sa mga modelong naglalakad. Some guests were taking their pictures. Ang iba naman ay tahimik na inaabala ang sarili sa panonood.
Habang seryoso kong pinagmamasdan ang mga modelo ay paulit ulit ko ring pinapa-alalahanan ang aking sarili na umakto ng normal.
That I shouldn't let them see what I've been feeling right now. Panigurado akong kahit si Maxine ay pagtatawanan ako kapag nalamang malaki pa rin ang epekto ni Kei sa akin.
I was taken aback when she said he's now engaged with Eclaire. Ilang beses kong sinabi sa aking sarili na okay lang, I've already moved on.
Pero ngayong nakita ko kung paano sila magkadikit ay parang sinasaksak ang puso ko.
"Are you listening to me?" pukaw sa akin ng isang boses. Saglit akong natuliro at tinignan ang aking harap.
"Sorry, I'm lost." I said, halos pabulong dahil sa kahihiyan.
"Obviously. The next batch is out."
Binalot ng panibagong tugtog ang buong lugar. Kung kanina ay kulay ginto ang mga damit na suot ng mga modelo, ngayon ay halos itim na ang mga iyon.
Their make up become intense. Ilang ilaw rin ang naiba ng ayos at ngayon ay mas maraming guest ang kumukuha ng litrato sa mga damit.
I composed myself. Matiim na pinanood ang mga modelo. Sa di kalayuan ay nasilayan ko ang pwesto nilang dalawa. Second row, hindi kalayuan sa aking harap.
Eclaire's busy taking those photos. Kei's hand is on her knees animo'y pinoprotektahan ito sa kung saan. Na parang ipinapakita na pag-aari nya ang katabing babae at walang sinuman ang pangahas na magtangkang umagaw rito.
Jealousy covered my insides. May kakaibang emosyon ang pilit nagpapabagal sa aking hininga habang pinapanood sila.
It's the dim light that's causing them to be somewhat blurry in my sight.
Kei's just watching the models bago ito lumingon sa hindi nakatinging si Eclaire. He then stared at her for a minute bago nito muling ibinalik ang tingin sa harap.
Mas lalong bumigat ang paghinga ko. It's not the light that's causing them to be all blurry. It's my tears trying to escape from my eyes.
You used to look at me like that. We used to be like that. You were sitting next to me while I look at the things around us.
Kapag nahuhuli kitang nakatingin sa akin ay sinasabihan kitang tumigil. Ngayon ay hindi ko aakalaing mami-miss ko iyon at hindi na makakamtan pang muli.
It's just painful how I'm able to reach my dreams yet I still can't be fully happy.
Masyado na nga ba akong selfish kung pati sya ay papangarapin ko na rin ngayon?
Napangiti ako ng mapait. I'm now on the side of a fruitless love. Ganito pala ang pakiramdam.
Mabilis kong pinalis ang nagbabadyang luha sa aking mata. Napansin ata iyon ni Herritt at mabilis akong binalingan.
"Are you alright?" nag-aalala nitong tanong.
"Yes. Masakit lang sa mata iyong tumamang ilaw sakin." pagdadahilan ko. He lend me his handkerchief. Tinanggap ko naman iyon dahil wala naman akong dala.
Ipinamunas ko iyon sa gilid ng aking mata at hinayaang dumaloy roon sa panyo ang mga butil ng luha.
Nang luminaw ang aking paningin ay agad nagtama ang mga mata namin. He raised his brow. Medyo nagulat pa ako ngunit pinagkunutan ko nalang ito ng noo sa huli.
What is he looking at?!
Natapos ang fashion show na lutang ang isip ko. I feel so tired kahit wala naman akong gaanong ginagawa. I was just sitting there, resisting myself not look at them. Hirap na hirap ako. Gusto kong tabunan silang dalawa upang hindi ko makita ngunit hindi naman iyon pwede.
Nagkaroon ng maliit na salu-salo. Iyon ang plano pagkatapos ng show. We need to treat ourselves a good cruise experience. Lahat ng nasa likod ng tagumpay na ito ay kasama. Of course Maxine is automatically invited.
"Don't go yet. Sumama kayo sa amin." paanyaya ni Herritt matapos nyang makita si Kei.
I know how Herritt is interested in Kei. Kahit pa kasama nito si Eclaire na alam nyang fiance nito ay hindi pa rin sya magpapa-awat.
Hindi ko na hinintay ang sinagot nila at mabilis nang umalis sa grupo. Breathing in the same place as them is suffocating. Parang ang hirap ihinga ng hanging bumabalot sa amin ngayon.
"One drink please." utos ko roon sa waiter na my dalang trey. Kakaubos lang noong dala nyang mga alak at sa isang tabi ay hinintay ko syang dalhan ako noon.
Tumingin lang ako sa aking cellphone, keeping myself busy with what's happening outside this cruise. Our fashion show is still trending on twitter. Pinindot ko iyon at kung anu-ano na agad balita at articles ang lumabas.
Some journalist even applaud our show. Saying how enormous it is because of the big names of attendees tonight. I kept myself busy reading those articles hanggang sa iniabot na sa akin ng waiter ang hinihingi kong alak.
I sipped on it while my eyes are still glued on my phone. A baritone voice woke my senses from a minute of slumber. "You drink now?" he smirked. Like he's finding it funny that I now drink alcoholic beverages.
Tumikhim muna ako. Still tasting the bitterness in my throat. "M-matagal na." nakakabinging tambol ang narinig ko sa aking dibdib. The butterflies that died awhile ago rose again and is now on chaos.
"Really? Since when?" he looked amused. Are we seriously going to talk about the first time I drink?
"Why are you even interested? Matagal na iyon at hindi ko na matandaan." tinaasan ko ito ng kilay. Muli akong naliyo nang magtagpo ang mga tingin namin kaya mabilis akong tumagilid at tinago ang cellphone ko. "Can you please leave me alone?" naglakad ako dalawang hakbang palayo sa kanya at isinandal ang likod sa pader.
He's still on the same position staring at me. Nang ilang segundo ang lumipas ay nakita ko syang sumandal din doon. Keeping his both hands on his pocket.
Pinanood ko ang mga tao. Doon bumalik ang mga ala ala noong mga bata pa kami. Ganitong ganito ang pwesto namin tuwing magkikita kami sa iisang party.
I would ask him to leave but he'll just stay a few steps away from me. Ngayong malalaki na kami ay ganoon pa rin. Ngunit iba na ang tinatanaw namin. I'm looking at my dreams while he's looking at the girl in her dreams.
Pinagmasdan ko ang pagngiti ni Eclaire habang nakikipagtawanan kina Maxine. Saglit syang lumingon sa gawi ni Kei at kumaway rito ng tipid. Kei waved back that made her cheeks blushed.
I can feel the shooting inside my stomach. Leaving no butterflies alive from what I've seen. Pumikit ako ng mariin at inubos ang alak sa aking baso.
"Are you happy now, Chloris?" his tender voice asked. Bumagsak ang dalawang balikat ko knowing how unhappy I am today. How everything is still unbearable and praying it's all just a dream.
Masakit isipin na kailangang may bitawan sa buhay para may makamit na isa. Na hindi pwedeng lahat ay makuha mo. Na hindi pwedeng lahat ay nasa iyo.
World indeed is unfair. You get what you want but you still feel empty and wishes to add more in it. If I am selfish enough to achieve both, hindi ako magdadalawang isip ngayong umamin kay Kei na mahal ko sya not minding if he's soon be married or not.
But I'm not like that. I don't want to be like that. Hindi ko kakayaning tanggalan ng kasiyahan ang iba para sa pansarili kong kagustuhan.
"I'm more than happy." halos pabulong na saad ko. Gusto kong ngumiti para paniwalain syang masaya ako ngunit nagbabadya na naman ang mga walang hiyang luha sa pagtulo. "And I'm happy for you. Congratulations. Y-you're engage with Eclaire." my voice cracked. Damn it!
Nilingon ko sya. Tinaas ko ang sulok ng aking labi para makagawa ako ng isang pekeng ngiti.
Tumitig sya sa akin na parang hindi nagugustuhan ang nakikita. Am I too easy to read now? Talaga bang hindi ako pwedeng umarte na hindi nasasaktan? Iniyuko ko ang aking ulo at ngumiti.
"Thank you. Hope you find yourself one." naglakad na ito at tinungo si Eclaire. He snaked his hands around her waist at may saglit na ibinulong doon.
Iginugol ko ang sarili sa pag-ubos ng mga alak. Hinintuan ko lang iyon ilang sandali ng makaramdam ng hilo at pagsusuka. I went outside the venue at doon inilabas ang kanina pang nangangasim sa aking sikmura.
I feel sorry for the fishes, the water and the sea creatures because of my horrible vomit. Sa kanila ko pa nailabas ang sama ng loob ko. Umupo ako sa isang benches doon at ipinahinga saglit ang aking ulo.
Damn, I look pathetic than those leading ladies in movies. O baka pantay lang. Pero bakit ako naging nakakaawa katulad nila? I thought it would only be in movies at hindi magiging totoo sa realidad ng buhay.
"There you are!" halos mahulog ako sa aking kinauupuan nang dahil sa lakas ng boses na iyon.
"Huwag ka ngang nanggugulat!" ngumuso ako at muling ipinikit ang mga mata ko. I'm not a hard drinker. Ngayon lang ata ang unang beses na lagpas sa limang baso ang nainom ko.
"Bakit nandito ka sa labas?" tumabi sya sa akin. "Eww, you smell awful! Grabe iyong amoy ng alak sayo!" maarteng wika ni Maxine. Idinilat ko ang aking mata at tinignan sya ng masama.
Kung alam ko lang na hindi pala mawawala iyong problema ko kahit uminom ako ng maraming alak edi sana ay hindi nalang ako nagpakalasing. I can't even walk properly. Gusto ko nalang tumalon sa dagat at magpakalunod baka sakaling pansamantala akong mawalan na ng malay at makalimutan ang lahat.
"Nasobrahan ako sa inom." lumunok ako dahil sa nagbabadyang muling pagsusuka. This taste again! "Wait!" maagap kong sabi at lumapit doon sa dagat para maisuka na naman ang natitirang alak sa aking tyan.
Sorry fishes, I just can't walk to the restroom.
"Goodness! Are you okay? I'll leave you here, hahanap akong tulong!" hinawakan ko ang kamay nya. No! I can't let someone see me in this situation. Nakakahiya at baka kung anong isipin nila.
I'm a successful person, I shouldn't let them see this side of me. Kailangan iyong mga magaganda lang.
"Nakainom ako pero alam ko pa rin ang ginagawa ko, Maxine. Hirap lang akong maglakad. Iyon lang. I can still think straight." hinilot ko ang aking noo at humilig saglit sa railings ng barko.
Hinayaan kong tumama ang malamig na hangin sa aking mukha. It feels good. Ilang sandali lang ay magiging maayos din ako. Kaya kong maglakad mag-isa pauwi o hindi naman kaya ay sa isang kwarto rito sa cruise.
"Chlo, kahit si Herritt lang. Tatawagin ko lang sya. O gusto mong ako nalang ang tumulong sayo?" nag-aalala nyang tanong. Pilit hinahagilap ang mga tingin ko. But I still want to feel the cold breeze from the sea.
"No. Uupo lang ako rito." tinulungan ako ni Maxine para muling makaupo sa bench na inupuan namin kanina. Tahimik nyang pinagmasdan ang kawalan habang ako ay muling pumikit at sumandal sa kanyang balikat.
"Chloris, tell me the truth." basag nya sa malamig na katahimikan. "Do you still have feelings for Kei?" naihulog ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Just what kind of question is that?! Sa tingin nya ba ay lasing na lasing ako para magsabi ng totoo?
Of course I would deny! Hilo lang ako hindi hibang! "I told you, wala na iyon sa akin." mahina kong sambit at ibinalik ang ulo sa kanyang balikat. Inayos nya ang ulo ko pati ang buhok sa tumatabon sa aking mukha. "My God, Maxine! High School pa iyon! At may iba na sya."
Tumawa ako ng malakas. Sa gitna ng aking tawa ay mabilis din iyong napalitan ng hagulgol. I just couldn't take it anymore. Masakit talaga. Literal. Parang may napupunit sa aking dibdib kada maiisip ko sya, si Eclaire at ang nakaraan.
"May iba na sya, Max! Hindi na ako. He even told me he'll chase me kahit sa dulo pa ng mundo! Eh hindi naman lagpas sa dulo ng mundo yung pinuntahan ko ah! Sinabi pa nyang kahit malumpo sya ay susundan nya pa rin ako. Pero bakit pa sya nakakalakad ng diretso ngayon?!"
Hinagod ni Maxine ang buhok ko. Iyak lang ako ng iyak. Marami akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko naman magawa.
"Chlo... You didn't give him the assurance that you'll come back. Wala syang pinanghahawakan. You're not committed with each other when you left. And if I'm not mistaken, his parents didn't allow him to study abroad."
I conceded my defeat. I really don't know how to love. It's not for me. Hindi ko kailanman maiintindihan ang formula ng perpektong pag-ibig.
"You stay here, tatawag ako ng tutulong sa atin para makapag-pahinga ka na."
I silently cried when Max left. Humiga ako sa bench at doon pinagpatuloy ang pamamahinga ko. I just woke up when I feel myself being lifted. Ang pamilyar na bangong iyon ay lumagi sa aking ilong.
"Saan sya dadalhin?" tanong ng baritonong boses. Hindi ko na inabalang idilat pa ang aking mata. I want this dream to last. I don't wake me up anymore.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top