THIRTY ONE

THIRTY ONE

"Tila sira ang isang iyon! Reckless driver! Dapat doon ay hindi binibigyan ng lisensya, eh!" angil ko nang makababa kami ni Maxine sa kanyang sasakyan.

Mabuti at wala na ang lalakeng iyon dahil naiinis talaga ako sa kanya.

Mantakin mo ba namang ipreno iyong sasakyan nya ng walang pasabi! Muntikan nang mayupi ang mukha ko sa ginawa nya!

"Hayaan mo na, tara pasok." pumasok kami sa tahimik na restaurant. May pinto sa loob noon kung saan patungo sa kanyang opisina.

There's another one outside, iyon nga lang ay umorder pa si Maxine para rito na kami maghapunang dalawa.

Pagkapasok sa kanyang opisina ay parahas akong umupo sa harap ng kanyang mesa at doon ipinag-krus ang aking mga kamay.

"Sana talaga ay hindi na tayo sumabay roon." patuloy kong reklamo. Kung makatingin pa kanina ay akala mo may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya.

"Chill ka lang." umupo si Maxine sa kanyang swivel chair at inayos ang kaunting papel doon. Ang ibang kalat sa kanyang mesa ay dumiretso ng tapos sa basurahan. "Tulog ka sa condo ko."

Aya nga matapos malinis ang mesa. Medyo nabawasan ang galit na kanina ko pa inilalabas at ngumiti sa kanya.

"Sige, bata pa tayo noong last tayong nag-overnight nang magkasama."

Pinag-usapan namin ang gaganaping pagtulog sa kanyang condo. We're at the same age ngunit hindi pa rin ito nakakahanap ng kanyang nobyo.

Hindi ko mawari kung pihikan, may hinihintay o dahil kaka-hiwalay lang nila noong huli nya.

"Nood nalang tayo ng movie. Baka ito na ang huli dahil babalik na kayo ni Herritt sa ibang bansa." kita ko ang lungkot sa kanyang mukha kahit pa pilit ako nitong nginingitian.

"Babalik naman ako rito." saad ko.

"Kelan pa? After eight years ulit?" tumawa sya at inayos ang laman ng kanyang bag. Ngumuso ako dahil sa narinig.

I won't wait another eight years for that. "Hoy, grabe ka. Maybe next year or next next year?"

Tumawa lang muli ito at umiling. "Mabuti pa kung babalik ka rito sa reunion ng batch natin. That would be nice. Don't let me miss you again like what you did before!"

Ako naman ngayon ang tumawa sa kanyang reaksyon. "Okay, I won't!"

Pinag-isipan kong mabuti iyong tungkol sa reunion hanggang sa tawagin na kami ng isa nyang empleyado dahil handa na raw ang pina-order ni Maxine.

"Have you watched the news? Nandoon iyong balita tungkol sa inyo." aniya habang kumakain kami. Haven't tried opening my tv. Anong mayroon?

"Hindi, eh. Why? Ano raw sabi?" usyoso kong tanong.

"I watched this morning, ibinalita lang kung sinu sinong malalaking personalidad ang kasama. At ngayon nga ay inaabangan na ang opening nyo dahil kumalat na si Eclaire nga ang kinuha nyong modelo."

Ngumuya ako sa aking pagkain. "Ganoon ba?" hindi naman pala masyadong interesting ang balita.

Pagkatapos naming kumain ay sumakay na kami sa sasakyan ni Maxine para makapunta sa kanyang condo ilang minuto lang ang layo sa kanyang restaurant. Habang nasa sasakyan ay ipinaalam ko na kay Herritt na hindi muna ako babalik ng hotel ngayong gabi.

"Max, are you kidding me?" tinignan ko ang pangalan ng condo. Isang letra ng H ang nakalagay sa pinaka-gitna noon at may nakalagay na maliit na korona.

Alam ng lahat kung sino ang nagmamay-ari ng simbolong iyon.

"Dito ang maganda kaya ito ang kinuha ko."

Nagdalawang isip akong pumasok. The condominium is very much alike with his personality. Itim ang babasaging dingding na parang nakakatakot pasukin. Kahit iyong personal nilang kompanya ay ganito rin halos ang itsura. Maganda at glamoroso sa entrance pa lamang.

Ano pa kaya kung papasok na kami sa loob? The structure of the whole building is a work of creative design.

Wala akong alam sa pagdidisenyo ng mga istraktura katulad nito ngunit talagang kamamgha mangha ang arkitekto ng gusali.

"Is he also living here or..." binitin ko ang aking tanong.

"Yeah. Akala ko nga kanina ay dito sya didiretso kaya pumayag ako agad na magpahatid." hinawakan nya ang kamay ko. "Tara na, ano pang hinihintay mo r'yan?"

Nagpatianod ako sa kanyang hila. Pagpasok namin ay halos mangintab ang lugar dahil sa materyales na gawa sa salamin, ginto at pilak.

Ang mga victorian style na upuan sa waiting area ay nakahakot sa aking tingin. Kahit ang mga lamesa ay tiyak kong gawa sa marmol.

"Isulat mo ang pangalan mo rito." lumapit kami sa front desk at sinunod ko ang utos ni Max.

Iniwan ko roon ang pasaporte ko para payagan nila akong maka-akyat sa itaas. Mabuti nalang at lagi ko iyong dala.

Pagdating sa kanyang kwarto ay mabilis nyang pinadaan ang isang card sa gilid at awtomatikong bumukas ang pinto. Hinagilap nya ang bukasan ng ilaw at doon ko natanaw ang loob ng kanyang condo.

"So this is the whole place."  iginala ko ang aking mata. Familiar sides made me smile. Iyong mga parte na nagiging background ni Maxine tuwing magkikita kami sa skype ay nakikilala ko. Pagbukas palang ng pinto ay kaharap mo na agad ang maliit na kusina. Sa kanan ay ang living room at may isang pinto pa roon na sa tingin ko ay bedroom.

"Hindi pa ito yung pinaka-malaki nila. Ako lang naman kasi mag-isa ang nakatira kaya't maliit nalang ang kinuha ko." saad nya at isinarado na ang pinto.

Lumakad pa ako para tuluyang makita ang buong lugar. "You mean Kei's maybe having a larger room than this?"

"Oo naman. Magulang nya ang may ari nito, eh! Saglit at magpapalit lang ako ng damit. Hanap ka roon sa cabinet ko at iyon ang isuot mo." aniya at dumiretso sa loob ng kanyang kwarto.

Ako naman ay pumunta sa kanyang kusina at kumuha ng maiinom. Sa maliit na living room ko hinintay si Maxine. Matapos nyang makapagbihis ay ako naman ang pumasok doon para makahanap ng maisusuot.

I just wore an oversized shirt and a pajama. May mukha pa ni Hello Kitty roon na kulay pink.

"I'm done, Max." sigaw ko sa kanya. Nakita ko sya sa kusina na may inihahandang tacos. Kinuha ko ang isang lettuce at kinain iyon.

"Hoy, huwag mo ngang kainin iyan!" saway nya sa akin at hinampas ang kamay ko. Tumawa lang ako at pinanood ang pag-aayos nya sa mga tacos.

"Kulang ng cheese." ipinakita nya sa akin ang kakarampot na cheese na natira sa kanyang fridge. "I'll just buy outside."

"Let me do it." presinta ko ngunit umiling ito dahil bisita nya raw ako.

"Huwag mong kakainin yan, ha?!" banta nya. Tumango ako habang tumatawa at pinagmasdan syang lumabas ng condo.

Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng pagtatakam at pupuslit sana kahit isang lettuce lang nang bumukas ang kanyang pinto.

"May overnight nga kami, bat ba ayaw mong maniwala?" galit na boses ni Maxine ang una kong narinig. Kasunod noon ay ang pagpasok nya sa loob kasabay ng pagsilip ng isang lalake.

Again?!

Napatuwid ako sa aking tayo. He's still wearing the same outfit he wore earlier. Magulo ang kaunti ng kanyang buhok at bukas na ang dalawang butones sa bandang dibdib.

Ginapangan ako ng kaba at parang nag-init ang buo kong mukha. He look so damn... Err! No!

Pangit sya! Pangit!

"See, I told you. Andito nga sya. Manonood kaming movie." dumiretso ng lakad si Maxine sa akin at inilapag ang nakasupot na keso.

Humawak sa hamba ng pinto si Kei at pinadausdos ang mga daliri sa kanyang buhok. "C-can I join?"

Mahina nyang tanong, dapat ay kay Maxine ngunit sa akin nakapako ang mga mata nya. Lumingon sa kanya si Max at sumagot. "Bahala ka. Gusto mo bang sumama?"

Tumango si Kei na parang bata. Inabala ko ang aking sarili sa paglabas ng keso sa supot. "I'll be back. Magbibihis lang ako."

Sinarado nya ang pinto at inayos na ni Maxine ang mga kakailanganin para mabuhat patungong kwarto.

"Max, why did you let him join?! Akala ko ba ay dapat hindi kami magkikita?"

Sumunod ako sa kanya bitbit ang ilang mangkok na maliliit. "Oo nga. Kaso nagkasalubong kami tapos nabanggit kong may overnight ngayon at gumagawa ako ng tacos."

Ibinaba nya ang mga dala sa kama at kinuha ang remote sa gilid para mabuksan ang malaking flatscreen tv.

"And then?"

"Tinanong nya kung sinong kasama. Sinabi kong ikaw kaya ayon, sumunod sa akin hanggang dito kasi ayaw maniwala." ngumisi sya nang bumaling sa akin.

Hindi ko alam kung nang-iinis o ano. Parang kahapon lang ay sinabi nyang dapat ay hindi ko na makita si Kei tapos ngayon...

"Kainis ka naman." umupo ako sa kanyang kama at inilapit sa akin ang mga tacos para makagawa na ako ng akin at makakain na.

Ilang mga movies ang pinagpilian namin nang iniluwa ng pinto ang isang Kei Hendricks na nakasuot ng puting v-neck shirt at abong sweat pants. May dala rin itong malaking puting unan at isang sa tingin ko ay comforter o kumot.

Tinago ko ang aking mukha sa yakap na unan. Don't tell me I'm blushing! Nakakahiya iyong pambaba ko na Hello Kitty!

God, help me! Hindi ako magkandamayaw kung ano ang gagawin. Kinuha ko iyong ginawa kong pagkain at isang kagat ko sa tacos ay tumunog iyon at nabasag katulad ng emosyong pilit kong itinatago. Isinupil ko ang mga atensyon sa kanya nang maupo ito sa tabi ni Maxine.

"Dyan ka mamaya sa lapag, ha? Dalawa lang ang kasya rito sa kama." saad ni Max. Inilagay ni Kei ang dalang unan sa kanyang likod at doon sumandal. Ako naman ay abala sa pagpili ng mga movies kung ano ba ang panonoorin namin.

"We seem like High School students." saad ko. Bakit ba kasi nandito itong isang 'to? Dapat ay hindi na talaga ito isinama, eh.

"It's fun! Ang isang sikat na fashion designer at isang tanyag na engineer sa bansa ay katabi ko." ngumiti si Max na parang nababaliw. Umiling lang ako.

"Pumili ka nalang r'yan ng papanoorin." natahimik kaming muli habang naghahanap ng mga movies sa internet. Ilang mga pagpipilian ang inayawan ko dahil ayoko ng love story. Si Maxine naman ay iyon ang gusto samantalang si Kei ay kahit ano.

"Ito nalang Train to Busan. May English Subtitle naman ito kaya kahit korean ay maiintindihan natin. Ano?" lumingon sya sa akin at mabilis akong tumango.

"Is that an action movie?" tanong ko nang mapansin ang cover na parang tumatakbo ang mga bida palayo sa train sa kanilang likod. Baka barilan ang movie na ito.

Nagkibit ng balikat sa akin si Max at tahimik nalang naming pinanood ang movie.

I prepared one taco for Max. Ibinigay ko iyon sa kanya dahil masyado syang tutok sa panonood at mukhang ako nalang ang kumakain ng kanyang handa.

Nakaupo si Maxine sa gitna namin ni Kei ngunit medyo nakaurong palapit sa tv. Ako naman ay sakto lang ang layo at si Kei ay nakasandal sa headboard ng kama.

"Can I have one?" Kei asked. Napatingin ako sa kanya at iniabot ang mga mangkok. Bahala ka r'yang mag-ayos ng kakainin mo.

Saglit akong tumigil sa pagkain at pinanood ng tahimik ang movie. "Sira ulo itong lalakeng 'to! Ipakain nyo na iyan sa zombie! Walang hiya!"

Sigaw ni Maxine na akala mo'y maririnig sya ng mga tao sa palabas. Tungkol pala iyon sa zombie. Akala ko aksyon. Pero maganda kaya pati ako ay tumututok na rin doon.

Hinagilap ng kamay ko ang mangkok at kukuha sana roon ng pagkain nang maramdaman ang kamay ni Kei. "Ay sorry." ilang kong sabi at hinayaan muna syang kumuha ng kanya.

Pinanood ko ang paglagay nya ng lettuce sa taco shell, kaunting onions, tomatoes at iba pang sangkap. Matapos mapuno ang shell ay ibinigay nya iyon sa akin.

"Hindi na. Gagawa ako ng akin." tanggi ko ngunit kinuha nya ang kamay ko at inilapag doon ang ginawa. "Thanks." mahina kong sambit.

Sumandal din ako sa headboard at tahimik na bumalik sa palabas.

"Kausap mo ba ang boyfriend mo kanina?" halos mabilaukan ako sa tanong na iyon ni Kei. Boyfriend? Sino? At kailan ako nakipag-usap sa ibang lalake? Parang wala naman akong ibang nilalapitan bukod sa kanila.

"I don't have one." mula sa diretsong tingin sa tv ay nilingon nya ako.

"Really?" mahina at malamya nitong tanong.

"Sino ang tinutukoy mo?" napakunot ang noo ko at inalala ang mga bagay na hirap alalahanin.

"Iyong kausap mo kanina sa sasakyan. You even exchanged I love you's to each other." parang may pait nitong saad. Hindi ako sigurado kung nang-aasar sya dahil saglit itong ngumisi but I was sure enough he's invading my privacy.

"Hindi ko iyon boyfriend!" 

Is he talking about Samuel Florence Degracias? Chlerie's son? Iyong apo ng aking amang si Samuelito Matias Buenafuerte? Pinapatawa ba nya ako? Pero hindi ko sasabihin sa kanya kung ilang taong gulang na ang kausap ko kanina.

Like hell, mag-alburoto ka r'yan kakaisip kung sino iyon.

"Sino nga?" magsasalita sana ako ng lumingon si Maxine sa amin.

"Ingay! Shhh! Malapit nang matapos, eh!" 

Naputol ang pag-uusap namin. Nagpatuloy ako sa pagkain na sa tingin ko'y panglima ko nang taco. Nakaramdam ako ng pagkauhaw at saglit na tumayo upang kumuha ng tubig sa labas.

Isang babasaging pitsel ang inilabas ko. Kumuha muna ako ng kaunti roon at ininom nang magulat ako sa isang baritonong boses. "Sino nga iyong kausap mo kanina?" pangungulit nya.

"Bakit ka narito?!" galit na singhal ko. Itong lalakeng ito talaga ay ang hilig manggulat. "Bakit ba interesado ka? Anong mapapala mo kapag nalaman mo kung sino iyon?!" ngumuso ito at isuot ang kamay sa bulsa ng kanyang sweat pants.

"Sigurado ka bang mahal ka noon?" seryoso nyang kulit. I almost laugh because of that question. Kung pag-tripan ko kaya ang isang ito?

"You mean, Samuel? Of course he loved me. Bakit naman hindi nya ako mamahalin kung mahal na mahal ko naman sya?" pinilit kong huwag ngumiti nang sabihin iyon. I am enjoying this. Bakit kasi ganito ang pinapakita nyang ekspresyon?

He shouldn't care about me anymore. O baka naman pakiramdam nya ay magkaibigan pa rin kami katulad ng kay Maxine na dapat ay alam nya ang lahat ng nangyayari sa akin?

"You love him?" nagtangis ang kanyang bagang at kita ng mga mata ko ang pagkuyom ng kanyang palad. Kinuha ko ang pitsel at dinala iyon sa kwarto.

"I love him so much." mahina kong sambit habang papasok sa kwarto.

"Ang ganda, Chlo!" paiyak na saad ni Maxine habang itinuturo ang tv. Ipinagsalin ko sya ng tubig at ibinigay ang baso sa kanya. Wala na akong naitindihan sa movie. Damn this monster beside me!

Ilang minuto nalang siguro ay matatapos na ang movie. Sumandal akong muli sa headboard at hawak ang aking baso ay paunti onti ko iyong inuubos habang nakatingin sa tv.

Ubos na ang taco shell sa isang mangkok kaya naman inilagay ko nalang ang mga sangkap at ibinalot iyon sa lettuce. "Max, do you want to eat?" umiling ito nang hindi ako nililingon sa kanyang likod. "Eh, ikaw?" tanong ko kay Kei na halos katabi ko na.

"Hindi na." ngumuso ako at sinimot ang lahat ng laman sa mga mangkok. Ipinagpatong patong ko iyon para hindi makasakop ng malaking espasyo at baka matamaan ni Maxine sakaling umusod ito patungong headboard.

I licked the sides of my lips. Sarap na sarap ako sa kinain nang bumungad ilang layo sa aking bibig ang mabangong hiniga ni Kei. "If you really have one then push me back."

I wasn't able to move. Mabilis na lumapat ang labi nya sa akin tasting my bottom lip like a piece of candy. Nang lumayo ang kanyang mukha sa akin ay ilang beses akong napapikit at parang nanigas ang buong katawan.

My heart's been pumping so loud and burst the feeling of euphoria. Alam kong mali at dapat ay pinigilan ko ngunit nabingi na ang aking utak sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Bago pa man ako makasalita ay muli na naman nyang inatake ang aking labi.

It lasted for a second or two. Parang tinikman lang iyon at biniro ng kaunti. "Don't lie to me ever again, Chloris. You don't have a boyfriend."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction