THIRTY NINE
THIRTY NINE
"Divine, huwag mo akong simulan. Hindi ako nagpunta rito para makipag-away and I hope you'll also do the same." matiim kong sabi kahit ang kamay ko'y nangangatog na sa inis.
Ngayon pa talaga. Ngayon pa talaga sumabay ang isang 'to? The nerve! Nakakapagtimpi ako noong High School kami ngunit ngayon ay hindi ko na sya pagbibigyan.
Kahit alam kong dinig nang lahat ng dati naming kaklase sa table nya ang sinasabi ko ay hindi pa rin ako magpapa-urong sa mga salita.
"Oh yeah? So anong ipinunta mo rito? Para ipaglandakan sa amin kung gaano ka kalandi? Well, news flash Chloris, hindi na iyon bago sa akin at ngayon ay mas lalo mong ipinapakita sa lahat ang tunay mong kulay."
Naikuyom ko ang aking kamay. She even crossed her arms like she's the Queen of all. That she's telling the truth and I'm the one here who's at fault. Parang lalo akong nang-galaiti dahil sa kanyang inakto.
She stared at me with so much disgust. She's standing so proud infront of me gayong hindi ko naman alam kung anong natarok nya sa buhay. And I don't even care about her. Bakit ko papakealaman ang buhay nya?
"It's funny that you're putting your efforts to put my name in shame, Divine. Pero siguro ay pagbutihin mo naman sa susunod para tama na ang ipaparatang mo sa akin. Natatawa nalang ako sa kahibangan mo."
Nag-apoy ang mga mata nya. Parang ako ang dahilan ng pagsisindi sa mga alab na iyon. Kung alam nya lang na kanina pa natupok ng malaking apoy ang mata ko ay sana hindi na sya lumapit pa sa akin at nagsalita ng kung anu-ano.
I don't get mad all the time. Alam ko kung saan ilulugar ang galit ko at kung saan ako tatahimik nalang kahit inaapi nila but the thing is, wala naman silang pruweba sa mga ipnararatang nila sa akin.
It's all false accusations! Walang ebidensya at tanging sa mga bibig lang ng mga chismosa iyon galing.
"I'm not putting you in shame, Chloris. Alam mong ikaw ang naglalagay sa sarili mo sa kahihiyan dahil sa pagpunta mo rito. Mind to explain how you get Kei even though he hasn't untied yet his relationship with Eclaire?"
Lalo kong naikuyom ang aking mga kamao. Damn this girl! Naiinis na talaga ako. I don't owe her an explanation kaya't bakit ako mag-eexplain sa kanya?
"Why not ask Eclaire for the truth, Divine? At least spare yourself some shame. Hindi mo alam kung anong sinasabi mo."
Parang naubos lang ang oras ko sa pakikipagtalo rito. Alam ko nang dati pa ay sarado na ang utak nya sa mga sinasabi ko. We already fought before and even if Max already explains everything, sya pa itong kuda ng kuda at hindi pinaniniwalaan ang sinasabi ng iba.
Tama nga naman na kung sino ang walang alam ay sila pa iyong madada.
"Now, you're avoiding the question. Bakit hindi mo nalang sagutin, Chloris kung talagang inosente ka nga?" pinagtaasan nya ako ng kilay.
Nakita kong napapatingin sa amin ang ilang dumaraan. Lumingat ako sa aming table at nakitang nakatalikod sa akin sina Maxine at Kei. Sa kanilang harap ay nandoon si Eclaire, she looked confused at matama akong tinititigan.
"Ano, nag-iisip ka pa ng palusot? See, guys? That's what I'm telling you! Hindi na sya makapagsalita because she's guilty! Mang-aagaw ang babaeng ito!" sabi nya sa kanyang mga kaibigan.
Umiling ako. I can't argue with a stupid. I'll never gonna win.
Tumalikod na ako para sana umalis nang hinigit nya ang braso ko para muling humarap. Doon na muling nag-alab ang galit sa dibdib ko.
"Divine, I'm warning you. Titigilan mo ako o sasampalin na kita?" nangangatog na ang palad ko. Onting kibot nalang nito ay matatamaan na talaga sya sa akin.
"Talaga? Sasampalin mo ako? Then go ahead. Ipakita mo sa lahat kung sino kang talaga!"
Ilang malalalim na paghinga ang ginawa ko. This shouldn't be happening. I'm a public figure and I don't want to disappoint every one of my reckless action. Kahit nangangatog ay kinalma ko ang aking sarili.
"Hindi ko iyon gagawin dahil baka sa lakas ng sampal ko sa iyo'y lumabas ang utak mo sa tainga." muling nanlisik ang mga mata nito sa akin. Tatalikod na sana ako nang muli akong pumihit. "Oh, wait. You don't have one right?"
I pulled the trigger. Nakita ko syang sumabog dahil sa sinabi at sa inis nito'y mabilis nya akong nilapitan at hinigit ang buhok ko. Hindi ako dumaing at pilit na hinahawakan lang ang kamay nya sa aking buhok kahit sobrang sakit na noon.
"Hey, Divine! Stop that!" naramdaman kong may humawak sa aking balikat. I don't know who that was but that keeps me somewhat calm.
I did not fight back. At least I know I didn't fight back. Hindi ako nanabunot o nanampal. Masaya na ako roon.
"Eclaire, she provoked me! Ahas sya sa inyo ni Kei! Kung hindi dahil sa kanya ay sana kayong dalawa pa rin!"
Divine's still holding my hair. Ang sakit na ng anit ko at gusto ko na talagang tadyakan ito makaganti lang ng isa ngunit maagap na nagsalitang muli si Eclaire.
"You don't know anything, Divine! Bitawan mo ang buhok ni Chloris!" sa sigaw na iyon ay dahan dahan nitong nilubayan ang buhok ko.
Pagkatayo ko ng tuwid ay nakita kong hawak ni Eclaire ang balikat ko. Maxine immediately positioned herself infront of me. Si Kei naman ay sinalo ako mula kay Eclaire.
"I'm fine." mahina kong sambit sa kanila.
"Just what the hell is your problem, Divine?!" singhal ni Maxine sa aking harap at parang manunugod na kay Divine.
Inabot ko ang kanyang kamay at hinila sya papunta sa akin. "Huwag na, Max."
Hinarap ako ni Maxine na nagngingitngit sa galit. "Anong huwag na? You already said that to me years ago at hanggang ngayon ay iyan pa rin ang linya mo? Kaya hindi nagtatanda ang isang ito dahil hindi nakakatikim ng sampal, eh!"
Naramdaman kong bahagyang humigpit ang hawak sa akin ni Kei. Instead of answering Max ay lumipad kay Kei ang mga tingin ko.
"C'mon, Chloris. Let's get out from here." he said almost whispering those words to me.
I feel calm. Ang mararahas na paghinga ko kanina ay bumalik sa normal nitong bilis. "Yes, please, Kei. Umalis nalang tayo."
Hinayaan ko si Maxine doon na haraping muli Divine. I feel exhausted. Naubusan ata ako ng lakas sa pag-kontrol ng aking galit. I don't want anyone to see how badly I act when I'm mad.
"Are you going now?" humawak si Eclaire sa kamay ni Kei bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko.
There's something in her eyes that's... Almost... Close to getting hurt. Pakiramdam ko'y kapag umalis kami rito ni Kei ay mayroong mababasag sa kanyang loob. Something precious and something she's hiding away from everyone.
"Iuuwi ko na si Chloris, Eclaire." nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Eclaire bago sya napatingin sa akin at ngumiti.
"Sure. Ako nang bahala rito. I'll explain everything to them. I'm sorry Chloris for this." paos nyang saad.
Hindi na ako nakasagot pa sa kanya dahil inanod na ako ng mga hakbang ni Kei. I was silent when I get in the car. Kahit ang sakit sa anit na iniinda ko kanina ay parang lumipat sa aking puso.
I was guilty for something I couldn't understand. May hindi pa ata ako nalalaman. May kailangan pa akong malaman.
"Are you okay now, Chloris?" hinaplos ni Kei ang aking buhok.
Nang lingunin ko sya ay tumango lang ako ng wala sa sarili at inayos ang coat na ipinasuot nya sa akin kanina.
"I'm sorry for being late. Dapat ay sinamahan nalang kita noong umalis ka." he added with a soft voice.
"No, it's okay. Hindi naman dapat ay lagi kang nasa tabi ko. I should also know how to protect myself."
He gave me a kiss on my head bago pinaandar ang sasakyan. The first thing I did when I got home is to sleep. I'm physically and emotionally tired. Maraming bagay ang pumasok sa aking isip ngunit isinantabi ko muna iyon para pansamantalang pakalmahin ang sarili ko sa pagtulog.
My phone woke me up. Hindi pa gaanong gising ang araw ay kinuha ko na ang cellphone ko para sagutin ang tawag.
"Hello?" antok kong bungad.
("Anak...") my Dad's voice made me stood up from my bed. Tinignan ko ang katabing si Maxine na mahimbing pa ang tulog.
Hindi ko na namalayan pa ang pagdating nya kagabi. Maybe I was in deep sleep that I haven't noticed her or she's just too careful to not wake me up.
"Yes, Dad?" dumiretso ako ng labas sa kwarto para hindi magising si Maxine sa aking boses. Sa couch ako umupo at nakapikit na isinandal doon ang ulo ko.
("Did I wake you up?") mahina nitong saad.
"No, Dad. It's okay. Umaga na naman. Bakit po kayo napatawag?" hinilot ko ang aking noo habang naghihintay sa kanyang sagot.
("I heard about the news Chloris. Is that true?")
"What news, Dad?" napadilat ako.
Hinagilap ko ang remote sa babasaging lamesa at binuksan ang tv. It's the morning news. Wala naman ako nakitang kung anong kakaiba sa mga balita ngayon.
They're just talking about the weather for today and traffic to different areas in Manila.
"Dad, saan ba rito?" nilipat ko pa ng ibang estasyon ang tv. Wala naman akong nakitang kakaiba. Magugunaw na ba ang mundo? I don't know either.
("You caused break up to one of their celebrities, Chloris Riyal.") seryoso nitong saad. Napatigil ako. Never did I heard my Dad call me with my full name.
He's been good to me for the past years simula bata ako hanggang ngayon and he hasn't even called me once with my second ugly name.
"Dad, it's not true. Saan mo nakita iyan?"
And as if on cue, I saw my name written on the lower side of the tv screen. Dumaan doon ang balitang mabilis kong binasa saying I caused the breakup of Actress Eclaire Vasseur and Engr. Kei Hendricks.
"They don't understand anything. Hindi totoo iyan!" singhal ko at napatakip sa aking bibig.
Damn it, kumalat na agad ang balita. Kabang kaba ako sa maaaring sabihin sa akin ng ibang tao. Ito ang unang pagkakataon sa tanan ng aking career na na-eskandalo ako sa ganitong klaseng bagay.
("Give them a statement to clean your name. I will fly my way there tomorrow, Chloris. Hindi matutuwa ang Mommy mo sa nangyayari ngayon kung buhay pa sya.")
Napalunok ako ng mariin. Mom surely won't be happy with the news but I know deep inside, she's watching me from above and she knows I have nothing to do with that scandal. I'm innocent.
"I'm sorry, Dad. I'll release a statement, don't worry."
Matapos maibaba ang tawag ay nanatili akong tulala sa aking kinauupuan. All those accusations weren't real but I don't know how to defend myself.
"Sa showbiz talk..." my eyes automatically glued to the news. "Ang sikat na aktres na si Eclaire Vasseur o mas sikat sa role nito na si Samantha sa kanyang pang-gabi na palabas ay break na sa kanyang long-term boyfriend and fiance na isang sikat na Engineer. Tunghayan natin ang ulat sa---"
"Damn you all!" madiin ang pagkakapindot ko roon sa remote. Pakiramdam ko'y lumubog ang pindutan noon at hindi na muling babalik pa sa dati nitong ayos.
Parahas akong tumayo at nagpabalik balik ng lakad sa loob ng living room. This can't be happening, right? Ayos na ang lahat, hindi ba? Bakit kung kailan maayos na kaming dalawa ni Kei ay tsaka pa magkakaroon ng ganitong pangyayari?
Can't I live peacefully with my life? Can't I have my own private life without people judging at me?
"Hindi ako papasok ngayon sa trabaho. I'll stay beside you, Chlo!" seryosong saad ni Maxine nang magising sa balita. "This is Divine's fault! Kumalat na sa internet ang nangyari noong gabi sa reunion and now, media's twisting again the story to make you look like the villain!"
May mga fans si Eclaire sa labas ng condo na naghihintay sa paglabas ko. The securities are on alert in case something bad will happen. Natatakot akong lumabas dahil baka kung anong gawin nilang masama sa akin.
"Is everyone mad at me now?" mahina kong tanong.
Alam kong hindi ko na dapat iyon tinatanong pa kay Maxine but the last time I opened my social media accounts, hundreds of hate messages were sent on my mail.
Some of them are even making fun of me. Saying how flirt I am to ruin a long term relationship. Maraming nagsasabi na ang mga katulad kong babae ang dahilan kung bakit maraming relasyon ang nasisira. Na dapat ay hindi nalang ako nag-exist pa sa mundo.
"Chlo, hayaan mo na ang sinasabi ng iba. Even if you did the right thing, they would still bash you."
Ilang malalakas na katok ang nagpa-pitlag sa aking puso. Max hurriedly went to the door. Nang mag-angat ako ng tingin at nakita ko si Kei na kaunti pang hinihingal.
Mabagal ang lakad nya patungo sa akin. He kneeled in front of me and held my hand. "Maxine, I'll just take Chloris to my room." he said without taking his eyes away from me.
"Kei, it could worsen your situation. I think you should not let them see you together. Puntahan mo si Eclaire at kayong dalawa ang lumutas dito." payo sa kanya ni Maxine.
Napatiim ang bagang ni Kei sa narinig. I can feel how cold his stares are ngunit kaya ata iyong pantayan ng mga mata ko ngayon. He doubled the coldness in just a snap kaya't napaiwas na ako.
I know he's mad at the situation right now. I was confused. I love him so much but I couldn't voice it out to the whole world because they all see it as a mistake.
"Chloris needs me. I need to stay by her side." he softly whispered.
May kung anong kumurot sa aking dibdib. Nanlabo nalang bigla ang mga mata ko and he carefully wiped my tears away.
"Protect her, Kei." saad ni Maxine bago kami lumabas ng kanyang condo.
She smiled at me. Kahit papaano ay gumaan ang dibdib ko. I'm still lucky I have my bestfriend with me.
Mahigpit ang mga kamay ni Kei na nakahawak sa akin. Two body guards are following us. Siguro ay para sa seguridad nya.
Nang makapasok sa kanyang condo ay inupo nya agad ako sa sofa at kinuha ang kanyang cellphone para may tawagan dito.
Tahimik lang akong nakamasid. Patuloy akong bumabalik sa pagiging balisa dahil sa mga taong patuloy na sumisira sa akin.
"Mr. Zhang, I want to ask for some time to talk to the press." hindi ko alam kung sino iyong kausap nya ngunit niyakap ko nalang ang sarili habang nakaupo sa sofa habang sya ay nakatayo sa aking harap. "Yes, I'll attend tomorrow... Thank you."
Ibinaba na nya ang tawag tsaka tumingin sa akin. He gave me deep sigh and sat beside me.
"Are you okay?" hinimas ko ang kanyang likod habang sya ay nakahilamos sa sariling mga kamay.
He then looked at me. Kinuha nya ang kamay ko't hinalikan ito. Sinusubok lang kami ng panahon. I know we can find our way out. Malulutasan namin ito ng magkasama. Ayokong dumating sa puntong kailangan naming maghiwalay para pansalamantalang pahupain ang balita.
Because, damn it! Katangahan na ang pinairal ko dati noong iniwan ko sya at hinding hindi ko na muli iyong gagawin pa. We need each other to solve this not to quit because they just seem to hate us.
"I'm okay, Chloris. I can let the world judge me but I can't let go of the woman I've been aiming for my whole life." he said while his breath's caressing my hand. "Kaya't hangga't nandito ka sa tabi ko ay magiging okay lang ako."
I looked at him with a weak smile. Masyado akong nagpapa-apekto sa sinasabi ng lahat habang sya ay nagiging matatag para sa akin. I need to stay strong.
"Anong balak mo? Magbibigay ako ng statement sa media tungkol sa nangyari. May tumawag na sa aking tatlong estasyon kanina para tanungin ako tungkol sa isyu."
"I talked to Eclaire. Bukas ay may live interview sya ng hapon. Let's just wait for her." tumango ako. Ipinatong nya ang noo sa aking balikat habang hawak pa rin ang mga kamay ko. "Tomorrow, come with me. May pupuntahan tayo."
Tumango ako ng marahan. I hope this problem wouldn't last for so long. I believe in Kei. I will always believe in him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top