THIRTY

THIRTY

"I can take care of myself, Kei. You don't need to accompany me." mahina kong bigkas sa kanya. Ni hindi ko malingon ang lamesang pinanggalingan namin dahil sa hiya. He shouldn't be here. I mean, with me.

Maliit na paso lang ito at hindi naman ganoon kalala. Kung iisipin ay kanina pa ang kape'ng iyon at hindi naman namula ang daliri ko. They're just over reacting. Ako nga itong na-aksidente ay hindi man lang dumaing sa sakit.

"You were careless." matiim nitong sabi. Napahinto ako ilang hakbang patungong rest room. "Balisa ka simula nang pumasok kami rito and you expect me to let you handle this alone?" nagtangis ang mga ngipin ko sa narinig.

I was, okay, careless. Pero malaki na ako at alam ko ang mga ginagawa ko. That look in Eclaire's eyes are telling me I shouldn't be with his fiance. That we shouldn't even talk in the first place.

Hindi na ako nakipag-away kahit unti onting nilalamon ng galit ang isip ko. I'm again, over thinking things. "Dito ka nalang." hindi nakatinging utos ko at pumasok na sa loob ng restroom.

Doon ko nilinis ang lagkit ng natapong kape sa akin. It actually feels nothing. Mabilis ko lang iyong nagawa bago kumuha ng tissue para matuyo ang aking kamay. Napatingin ako sa kanyang panyo at inayos iyon ng tupi.

Bago ako lumabas sa rest room ay saglit akong nagtipa ng mensahe para kay Maxine na magkita kami ngayon. I will tell her everything that happened awhile ago. Hindi ito maaari. If Max is just here, she wouldn't let this happen.

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Inayos ang kaunting buhok na gumulo sa pagkakaayos at pinasadahan na ang pinto palabas.

Agad nagtama ang mga mata namin. Mula sa blangkong ekspresyon ay naging madilim na naman ito ng tumungo ang mata sa aking kamay. "Is your hand okay?" inilahad nya ang kamay sa akin asking me to show my hand ngunit hindi ko iyon pinaunlakan.

"Ayos na ako. Wala namang paso." sambit ko at kinunutan ito ng noo.

"Let me see." he said using a soft voice. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at agarang nakipagtalo sa aking puso. Don't beat for that guy! Hindi sya tamang mahalin, can't you see? Bakit ba ang bulag bulag ng puso?! Nakakainis.

Before I even got drunk with his voice ay mabilis ko nalang ibinalik sa kanya ang panyo at naglakad na paalis. It's mind over heart. Hindi purke't nagpapakita sya ng pagmamagandang loob ay magmamalabis na ako para pansamantalang sundin ang puso ko.

Maling mali. He's with his fiance. Iyon ang lubos kong iniisip.

Matapos kong makabalik sa aming upuan ay agaran kong naramdaman ang lamig ng mga titig sa akin ni Eclaire. This is something I do not want to happen. Pero ngayon ay nangyayari na ito kahit anong iwas ang gawin ko.

Buong pag-uusap ay tahimik lang ako. Hindi na rin naman iyon gaano nagtagal at mabilis na nilang nilisan ang lugar. Doon lang ako napahinga ng maluwang.

Mag-gagabi nang magkita kami ni Maxine sa kanyang opisina. She's busy working though saglit nya iyong ipinagpaliban dahil dumating ako. 

"What's with the sudden text? At akala ko ba ay aalis---"

"Pinigilan ako ni Herritt." putol ko na sa kanyang sasabihin. I roam my eyes around her office. Malinis at balot ng kulay khaki ang buong lugar. The aquarium at the rightmost part of her office caught my attention.

Pinagmasdan ko ang paglangoy ng nag-iisang isda roon. Like how it can freely move without anyone bothering it but it seems so lonely... empty and alone.

"Tapos?" pukaw sa akin ni Maxine. Pinutol ko ang pagiging tulala at binalingan ito.

"Anong tapos?" wala sa sariling tanong ko. Where was I again?

"Sabi ko, tapos ano nang nangyari noong pinigilan ka nya?" iginilid nya ang mga papel na kanina'y pinipirmahan nito. Pumalumbaba ako sa kanyang lamesa at tumungo.

"Isinama nya ako para makausap si Eclaire tungkol sa kontrata." ngayon ay nasa akin na ang lahat ng kanyang atensyon. Pinakatitigan nya lang ako na parang hinihintay na dugtungan ang naunang sinabi. "And she was with Kei." paliit ng paliit ang aking boses.

"May kakaiba bang nangyari?" 

Tinignan ko sa mata si Maxine at mabagal na tumango. "Natapon kasi iyong kape ko tapos tinulungan nya akong takpan ng panyo---"

"Si Kei?!" halos hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango akong muli at ipagpapatuloy pa sana ang pagkukwento ng bigla itong tumayo sa kanyang silya para lapitan ako. "I knew it! Dapat ay hindi talaga kayo nagkikita ng lalakeng iyon!" singhal nya.

Nagpalakad lakad sya sa aking harap na parang may kung anong malalim na iniisip.

"Max, ayoko ng gulo. Ayokong... pumunta roon sa photo shoot bukas. Ayokong makita si Eclaire!" tumigil sya sa paglalakad at tinignan ako ng matiim.

Sumama sya sa akin kinabukasan ng umaga para sa photo shoot. Herritt kept on reminding me last night that I need to make at least an appearance on the said photo shoot. Mabuti at naisipan ni Maxine na ipagpaliban muna ang trabaho para masamahan ako.

Mabibigat ang bawat yapak ng aking mga paa ng papasok sa kwarto. Ang ingay galing sa mga tauhan sa likod nito ay rinig mula sa bukana ng pinto. They're busy preparing for the camera's and lightings. 

"Where's Herritt?" tanong ko roon sa sumalubong sa aking assistant.

"Nasa dressing room po kasama si Miss Eclaire." hinila na ako ni Maxine patungong dressing room. Kapit na kapit ako sa kanyang braso habang naglalakad kami. My heart's been pounding really fast. Daig ko pa iyong hinabol ng toro.

"Do I look good?" bulong ko kay Max at mabilis akong sinipatan ng masamang tingin.

"Bakit mo pa tinatanong? Nagpapa-ganda ka?" ngumuso lang ako. I woke up early in the morning, siguro ay galing lang ako sa isang oras na tulog. Pagkatapos non ay nagpaayos na agad ako para matago ang nagbabadyang pangingitim sa ilalim ng aking mata.

Ilang oras din ang ginugol ko makahanap lang ng magandang damit. Of course I wouldn't want to look awful infront of Eclaire. Baka sabihing ako itong designer ay hindi naman pala marunong mag-ayos ng kanyang sarili.

Nakapasok kami sa dressing room at doon nakaupo si Herritt sa upuan malapit lang sa likod ni Eclaire. Agad syang tumayo nang makita kami at mabilis humalik sa aming pisngi. Pinasadahan ko ng isang tingin ang salamin para matignan si Eclaire.

The make up artist did well on her job. Nakasuot pa ito ng puting roba habang iniaayos ang ilang detalye sa kanyang buhok.

She stood up seconds later at humarap na sa amin. So he's not here? 

"Tayo na?" tumango si Herritt at inalalayan pa ito para makalabas. Sumunod lang kami sa kanya. Pagkarating sa gitna ay agad nyang inihubad ang roba at ibinigay iyon sa isang assistant. 

Nagkatinginan kami ni Maxine nang lumabas ang hubog ng kanyang katawan. She has small waist. Hindi mo iyon makikitaan ng kahit anong taba. Balingkinitan ang kanyang katawan at maihahalintulad sa isang runaway model ang haba ng kanyang binti.

She also has small boobs though you wouldn't demand for a bigger one dahil perpekto iyong sumakto sa payat nitong katawan.

She's a model material. A perfect girl for a guy like Kei.

Natuliro ako sa sariling mga puri sa aking isip. She's just a girl you dream to have. Swerte ang makakakuha sa ganitong klase ng babae, may maamong mukha at perpektong katawan. Ano pa ba ang hihilingin mo na wala sya?

"Okay start!" sigaw ng photographer. Agad sumunod si Eclaire at ipinuwesto ang kanyang sarili ayon sa gusto ng photographer.

Malawak ang ngiti sa labi ni Herritt habang pinapanood ang photo shoot. Ako naman ay nilalamon ng aking insecurities at tahimik na nakatingin sa sahig.

"Fabulous!" rinig kong puri ng photographer. Eclaire strikes different poses. Bawat galaw nito ay syang pag-ilaw ng camera. Halos magningning ang mga mata ng mga nanonood. I gritted my teeth at saglit na tumayo sa aking silya para makalanghap ng hangin sa labas.

"Labas lang ako." paalam ko kay Maxine.

"Saan ka? Sasama na ako." pinigilan ko sya.

"Babalik din ako agad." ngumiti ako sa kanya para hayaan na nya akong maalis nang mag-isa. Mabilis nalang siguro itong photoshoot. Ilang damit nalang ang kanyang susuotin at saglit na aayusin ang make up at buhok.

Bumaba ako ng building para puntahan ang isang cafe roon at tumambay saglit para makapahinga. "Cinnamon bread and Java Chips, Grande." matapos kong maka-order ay humanap ako ng mauupuan malapit sa gilid.

Tinanaw ko ang dumaraang mga sasakyan habang naghihintay sa pagdating ng order ko.

That's when reality strikes again like a wild lightning. Na unang kita ko palang kay Eclaire noong mga High School kami ay inggit agad ang naramdaman ko. That I envy everything about her because she's so perfect without even trying.

O baka naman sadyang naiinggit lang ako dahil nasa kanya si Kei?

Dumating ang aking order at agad akong sumipsip sa aking frappe. Halos mabilaukan ako nang matanaw ko sa parking area ang paglabas ni Kei sa isang itim na sasakyan.

He's here?! Bakit? Kung nasan ang fiance nya ay naroon din dapat sya? Ganito ba sya kahigpit  kay Eclaire na kailangan ay kasa-kasama sya nito kahit saang lakad?

Yumuko ako ng mabuti para hindi magtagpo ang mata namin. Kinagatan ko ng maliit ang biniling tinapay at saglit itong sinulyapan.

He's walking straight to the elevator. Kahit iyong babae sa front desk ay patulo na ang laway dahil sa kanyang presensya. Mamaya ka lang sa aking babae ka at ipapatanggal kita sa trabaho!

Unti onting lumuwag ang dibdib ko nang makita na itong nakapila sa elevator. Hindi nya ako nakita. Parang gusto kong magpasalamat sa lahat ng santo at masyadong focused ang mga mata nito sa kayang harap.

Uminom akong muli sa aking frappe nang maramdaman ang biglaang panunuyo ng aking lalamunan. Bumukas ang elevator at tinamaan ng lintek! Nahuli nya ang mga mata ko! Muntik akong mabulunan sa sariling ininom nang gumilid ito upang makapasok ang mga tao sa kanyang likod.

Nag-iba na ako ng tingin. I get my phone and scanned it. Wala ni isang text o kung anong balita. I just went to my own photos, acting like I was busy with something not so important.

Pinakiramdaman ko ang pagbukas ng babasaging pinto. His brown shoes got my attention ngunit pinalis ko agad ang mata ko roon. Dumiretso ang kanyang lakad sa counter at ilang sandali pa ay umurong na ang silya sa aking harap.

"Bakit mag-isa ka rito?" usisa nyang tanong. 

Hindi ko ibinaba ang aking cellphone at sinagot ito nang hindi tinitignan. "I got bored. Babalik na rin ako roon." tinignan ko ang tinapay na may maliit na kagat. Agad ko iyong kinuha para maubos na't makataas na ako.

"Sabay na tayong tumaas." paanyaya nya. Ikinuyakoy ko ang aking paa habang pasalit salit ang tingin sa aking tinapay at mga sasakyan sa labas.

Nasilayan kong sa labas din ito nakatanaw. I want to talk. Marahil ay ito na ang tamang panahon para magkausap na kami. I'm not flirting with him, okay?! Self, act normal please and be civil.

"Susunduin mo sya?" bukas ko sa usapan. Bumilis ang pagkuyakoy ko sa aking paa, indikasyon na hindi na ako mapakali't masyado nang kinakabahan. Rinig na rinig ko ang kabog sa aking dibdib na sana'y hindi nya napapansin.

"Yeah." maiksi nyang tugon. May kumurot sa aking puso.

Hindi na ako makaisip ng iba pang idudugtong kaya napili ko nalang na manahimik. I want to ask so many questions ngunit parang bula na nawala ang mga iyon ngayon. "Hanggang kailan ka rito sa Pilipinas?"

Napa-angat ang tingin ko. "Uhm, hanggang sa matapos ang photoshoot, siguro. It depends on Herritt."

Gusto ko pa sanang magtanong kung bakit nya iyon itinatanong ngunit tumunog na ang cellphone ko at lumabas doon ang mensahe ni Maxine na hinahanap ako. Agad kong inubos ang tinapay at tumayo na sa aking upuan.

"Aalis na ako." doon lang inabot sa kanya ang inorder na inumin at tumayo rin para sundan ako ng lakad. Dala dala ko pa rin ang nangangalahating frappe nang pumasok kami sa elevator.

Magkasabay kaming pumasok sa kwarto at mabilis sumalubong sa akin si Maxine. "Saan ka ba galing?" tanong nya at dumirekta ang mata sa aking iniinom pagkatapos ay sa taong nasa likod ko.

He innocently sipped on his drink bago sya tinaasan ng kilay ni Maxine. "Bumili lang ako sa baba."

"Magkasama kayo?" tinuro pa nya ako at si Kei.

"Ah, hindi. Nagkasabay lang." pagdadahilan ko. Hinila ko na ang braso ni Maxine para malayo kami sa mga tao. Si Kei ay dumiretso sa dressing room na hula ko'y lugar kung nasaan ngayon si Eclaire.

"Ano iyon?" angil nito at inismiran ako na parang pinplano ko ang mga nangyari.

"Nakita nya ako sa baba kaya lumapit sya sa akin. Iyon lang. Wala naman kami gaanong pinag-usapan at nagsabay nalang sa elevator nang sabihin kong tataas na ako dahil sa text mo."

I gave her assurance that nothing happened. Detalyado rin ang pagkwento ko tungkol sa pinag-usapan namin. Nang huminahon si Max ay dumiretso na kami ng dressing room. Eclaire is now on her casual dress.

"May pupuntahan pa akong shooting." hingi nya ng paumanhin kay Herritt nang ayain sya nitong mag-dinner mamayang gabi.

Kasama ang babaeng manager ay naglakad na kami pababa ng building habang pinag-uusapan ang detalye kung kailan ang labas ng mga litrato. Herritt and Eclaire's manager talked about some business things.

Si Eclaire ay nakakapit sa braso ng kanyang fiance samantalang ako naman ay mahinang pinagsasabihan ni Maxine na lumayo kay Kei. From the glass sides of the elevator ay pansin ko ang mga tingin sa akin ni Eclaire.

Marahil ay napansin din iyon ni Maxine kaya mabilis nya itong kinausap para maiba ang atensyon. "Kita tayo sa reunion. Sasama ba kayo?" tanong ni Max.

"Syempre naman at sasama ako. Ipinalinis ko talaga ang schedule ko para roon." masayang wika ni Eclaire. "Ikaw ba, Chloris, babalik ka na sa bansa mo?" naramdaman ko ang kakaibang iritasyon gawa ng tono ng kanyang pananalita.

"Maybe..." umismid ako at humalukipkip sa isang tabi.

"Marami rin naman atang hindi makakapunta. It's okay." wika ni Max at sinulyapan ako. "Ikaw ba, Kei, pupunta ka?" hinintay ko ang sagot ni Kei. Matagal bago ito nagsalita.

"I don't know." maiksing tugon nito.

Umalingawngaw sa buong elevator ang pangontra ni Eclaire. "Huh? You should be there. We should be!"

Bumukas ang elevator at iyon ang pinagtaluhan nilang dalawa. Kei doesn't want to go but Eclaire is too persistent. Hanggang sa makalabas kami ng building ay iyon ang pinag-aawayan nila.

"Magta-taxi ako. Iniwan ko kasi roon sa restaurant yung sasakyan ko." paalam sa amin ni Max.

"Sabay ka na sa sasakyan namin." umiling lang ito dahil mapapalayo pa raw at iba ang ruta ng kanyang pupuntahan.

"Kung gayon ay sasama nalang muna ako sayo."

Si Herritt ang sumakay roon sa aming pick up. Si Eclaire naman ay kinailangang sumakay sa van kasama ang kanyang manager at hindi na nagpahatid pa kay Kei dahil somewhere in Tagaytay pa ang kanilang shooting.

"Sumakay na kayo rito!" aya sa amin ni Herritt ngunit nagmatigas si Max na magta-taxi nalang sya dahil ilang oras ang itatagal sa sasakyan kung dadaanan pa ang kanyang restaurant sa BGC.

"It's not safe to ride a taxi." alala sa amin ni Herritt. Max just smiled. Sanay na siguro ang isang ito sa pagta-taxi.

"Ihahatid ko na sila." lahat kami ay napalingon kay Kei. Tumango naman agad si Maxine. Aangal pa sana ako ngunit nakikitaan ko rin ng kasiguraduhan kung sasakay nga kami sa kanyang sasakyan.

"Oh, iyon at isasakay naman pala kayo." Herritt said. Nagpaalam na rin ito at umalis na ang pick up.

"Saan ba ang punta mo?" pinagbuksan ni Kei ang pinto sa kanyang passenger seat. Itinulak ko si Maxine para roon na sya maupo. Hindi naman ito umangal kaya roon na ako dumiretso sa likod.

"I'm heading to Makati. May ginagawang construction doon na daraanan ko saglit." sumakay sya sa driver's seat at bago pinaandar ang sasakyan ay inayos muna ang rear mirror upang makita ako ng malinaw sa likod.

"May project na naman kayong bago? Last time was in Quezon City, ah." nag-usap silang dalawa tungkol sa mga naging proyekto ni Kei. Hindi naman ako makasali dahil wala akong alam sa kanilang pinag-uusapan.

Sumandal nalang ako sa upuan at tumingin sa bintana. Ilang oras lang ay tumunog ang cellphone ko. Inaasahan kong si Herritt iyon ngunit ibang pangalan ang nakita ko.

"Yes, Dad?!" masigla kong bati. Hinahanap na siguro ako nito dahil akala nya'y babalik na ako sa amin pagkatapos ng tatlong araw.

("How was you day, anak?") abot sa akin ang ngiti sa kanyang mga salita.

"Maganda naman. I'll be back soon, Dad. Sorry for not telling you. Masyado lang busy." ilang mga bagay ang pinagkwentuhan namin hanggang sa sabihin nitong kasama nya sina Chlerie ngayon sa bahay.

"Is Samuel there?" tukoy ko roon sa baby boy ni Chlerie.

("The man's here.") tumatawang wika ni Daddy. Ilang sandali pa'y narinig ko na ang cute na tawa ni Samuel sa kabilang linya.

"Hi, Samuel, I missed you!" ngiting ngiting bati ko sa kanya. Mas lalo itong hamagikhik.

("Samuel, say I love you to Tita Chloris.") boses iyon ni Chlerie. Puro tawa ang naririnig kong isinagot ni Samuel. Hindi mapaglagayan ang ngiti ko habang pinapakinggan ang maliit nyang boses. ("Awavyu.")

Narinig ko ang tawa nina Daddy at Chlerie. Halos mapaluha ako. "I love you too, Samuel." pagkasabi ko noon ay mabilis na nag-break ang sasakyan. Muntik nang sumubsob ang mukha ko sa upuan sa aking harap. "What happened?!" tanong ko kay Maxine.

Nagkibit lang ito ng balikat sa akin at pumalumbabang lumingon kay Kei. Nilipat ko ang tingin sa rear mirror ng sasakyan at nakita ko ang matalas nyang mata sa akin na mukhang papatay ng tao.

Just what the hell is his problem?! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction