SIXTEEN

SIXTEEN

"Bye, Kei! Salamat sa paghatid!" kumaway si Maxine kay Kei nang makarating kami sa dorm. Saglit ko lang syang tinignan. Ngumiti sya ng kaunti kay Maxine pagkatapos ay tumingin sa akin. Tumalikod na ako para pumasok sa loob. "Bat parang hindi ata kayo nagkausap ngayon?" tanong ni Max habang papunta kami sa sariling kwarto.

"Wala kaming pag-uusapan." kanina ko pa iniisip ang sinabi ni Maxine noong break time namin. I can't believe Kei actually did that. I felt guilty. Pinag-isipan ko sya ng kung anu-ano while all he did was to find me.

"Pero humingi ka na ba ng tawad sa kanya? Pinag-alala mo talaga sya ng sobra." wala akong isinagot doon. Parang gusto ko pang magpasalamat dahil malapit na ako sa aking kwarto.

"Maya nalang Max." nagpaalam na ako sa kanya. She tapped my shoulders at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa sariling silid.

Pagkasara ko ng pinto ay napatigil agad ako. Isinandal ko ang likod ko roon at ibinagsak ang bag sa sahig. What am I doing with my life? Kalahati ng nangyari ngayong taon na ito ay parang naging kakaiba.

My life before was so simple and quiet. How come it became this complicated? Kung dati ay sumasabay lang ako sa agos ng mga nangyayari sa akin, ngayon ay napaka-halaga na ng desisyon at sasabihin ko para sa ibang tao. It is really true, the more you aged, the more you experience hardships in life.

Ibinuga ko ng marahas ang aking hininga hoping all these things could come out with that sigh.

Buong magdamag ay ginawa kong busy ang sarili ko sa pag-aaral. Minsan ay ginuguhitan ko ng kung anu-anong mga drawings ang likod ng aking notebook kapag nagpapahinga. Minsan ay binubuksan ang ilang social media accounts ko.

Nakataas ang dalawang paa ko sa aking silya ng dumako ang atensyon ko sa twitter account ni Maxine. I just read her previous tweets. Wala talaga akong magawa hanggang sa maisipan ko nalang ayain si Maxine para makapag-dinner na kami.

Days went and I've found out that Kei joined the soccer team before the school year ends. Hindi ko lubos natandaan na ako nga pala ang humingi sa kanya ng pabor para sumali sa team.

"Kailan ang balik mo?" hawak ko ang aking cellphone habang naglalakad sa airport. Magba-bakasyon ako sa Hawaii ngayong summer. Kung nalaman ko lang ng mas maaga na pupunta palang Maldives si Maxine kasama ang pamilya nya ay sana ipinagpaliban ko nalang ang pagha-Hawaii at sumama sa kanila.

("One week lang. Ikaw? Are you sure you're okay to be alone?") tanong nya. Ngumuso lang ako. Sana ay may family trip din kami, but I won't demand for that. Kaya nga ako itinapon sa Bridgeforth dahil hindi ako kayang bigyan ng oras ng pamilya ko.

"Don't worry, Max. Kasama ko ang pinsan ko. Parating na siguro iyon." hindi agad sumagot si Maxine sa kabilang linya.

("Okay, just enjoy your summer, ha?") her voice sounded so sad. I know she feel sorry for me pero ganon talaga ang buhay. Hindi lahat kayang ibigay ng pamilya mo. Dapat nga ay magpasalamat pa ako dahil ganito ang estado ng buhay ko.

Ilang saglit akong nag-antay sa loob ng eroplano nang dumating ang pinsan kong babae. Umiksi ang dating mahaba nyang buhok. Her short hair is bronze and curly. Tinatakpan ng puting summer hat ang itaas ng ulo. She's also wearing a white dress, hanggang itaas ang kanyang tuhod ang haba nito.

Ngumiti sya sa akin ng malapitan ako. Behind her is her bodyguard. Tumayo ako para salubingin sya ng yakap. "You're over an hour late, Jewel." wika ko sa kanya. She's a little bit shorter than me.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko nang magkahiwalay kami. "Sorry! Si Papa kasi eh, madami pang sermon bago ako pinaalis." she giggled and pinched my cheeks.

"Jewel!" saway ko sa kanya. Humalaklak lang ito at lumingon sa kanyang bodyguard para utusan itong ayusin na ang kanyang bagahe. Muli akong umupo at inayos ang aking sarili.

Sila ang mag-ari ng eroplanong sasakyan namin. Jewel Hang is my half-chinese cousin. May pagka-isip bata pa sya kumpara sa kanyang edad na nineteen. Nakakapagkita lang kami kapag inaaya ko syang magbakasyon sa ibang bansa. She's always ready to go.

Marami kaming pinagkwentuhan habang lumilipad ang eroplano. I summarize my Junior High life but of course I didn't Kei in it though kilala ni Jewel si Kei ng kaunti dahil sa kanyang pamilya.

Kapag naman nananahimik ako ay nanonood naman sya ng movie. Halos kalahating araw rin ang nilagi namin doon bago kami nakarating sa Hawaii. Nagpalipas kami ng gabi sa isang hotel sa Honolulu.

Kinabukasan ay dumiresto na kami sa resort napagtutuluyan namin. Pagod na pagod ako. I'm physically exhausted kaya naman nang makarating kami roon ay imbis na tanawin ko ang magandang dagat ay nagpasya nalang ako mag-stay sa sariling kwarto para makapaghinga pang muli.

"Iikot lang ako sa lugar. You sure you're okay here, Chloris?" tanong sa akin ni Jewel habang kinakalikot ang hawak na camera. Nakasabit iyon sa kanyang leeg na parang kwintas.

"Yup, I'm okay here. Iidlip lang ako saglit at lalabas din. Mamaya bago tuluyang mag-gabi ay lalangoy ako sa dagat para hindi gaanong marami ang tao." wika ko sa kanya. Sumilip sya sa kanyang camera at itinutok iyon sa akin. Nakita kong pumindot sya sa itaas bago tinignan ang kuha.

"You look great here!" nagtabon nalang ako ng kumot habang naririnig ko syang tumutawa. "Sana maraming boylet sa labas!" malakas nyang sambit kasunod ng pagsara ng aming pinto. Mabilis akong nakatulog dahil sa sobrang pagod and before the stars could finally show up ay nagising na ako.

Mabagal akong naglakad patungo sa maliit na balkonahe ng kwarto. I can clearly see the ocean. Naghahalo ang puting ulap at ang madilim na asul. Ang kaunting liwanag na sumisilay rito ay unti onting natatabunan ng madilim na langit.

Binilisan ko ang aking kilos para makapagpalit ng damit. Nagsuot ako ng simpleng swimsuit, tama lang para hindi gaanong makita ang ibang parte ng aking katawan. Pinatungan ko iyon ng puting damit at maiksing short.

Lumabas ako ng kwarto na ganoon ang suot, diretso tabing dagat ang punta ko. Kaunti ang tao roon, may mga bata na naglalaro sa buhanginan at ilan pang mga foreigner na nakahiga sa beach loungers sa tabi.

Maraming bakante dahil marami ang nag-aalisan. Umupo ako sa isang lounger doon at pinanood saglit ang pagdilim ng langit. Masyado atang napasarap ang tulog ko. Hinubad ko na ang t-shirt ko at ang shorts. Iniwan ko iyon sa lounger tsaka pumunta sa mababang parte ng dagat.

Malamig na ang tubig sinabayan pa ng pag-ihip ng hangin. Mabilis tumaas ang balahibo ko sa magkabilang braso kaya naman inilubog ko na ang sarili sa dagat. Lumangoy ako kung saan lang ang abot ng aking katawan. Nagpalutang lutang lang ako sa tubig habang nakatingin ng diretso sa langit. Maganda talaga mag-swimming kapag gabi. It's more peaceful and quiet.

Sigurado ako mamaya ay paaalisin na kami rito dahil masyado nang madilim. Muli akong sumuong sa ilalim ng dagat. I enjoyed myself there. Gumagaan ang pakiramdam ko kada nararamdam ko ang banayag na paghampas ng dagat sa akin.

Matapos kong magpakasarap doon ay umahon na ako. Inisa ko ng ayos ang aking buhok para pigain ang ilang tubig doon. Naglakad ako papunta sa lounger kung saan ko iniwan ang damit ko at saglit na humiga roon.

"Chloris!" malakas na tawag sa pangalan ko. Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Jewel na tumatakbo papunta sa akin. Napaupo ako habang hinihintay ang paglapit nya. "May nahanap akong ka-date mamaya. Inaya nya akong mag-dinner. Thank goodness I found you here!" umupo sya sa aking tabi at binuksan na naman ang camera'ng hawak. Napasilip ako roon at tinignan ang ilang mga kuha nya.

"Are you sure he's okay? Mamaya ay kung saan ka dalhin ng lalakeng iyan." wika ko sa kanya na may pag-aalala.

"He's a part of a band. Ilang taon pa lang ang banda kaya hindi pa gaanong sikat but I know, he's telling the truth dahil nakita ko na ang iba nyang kasama. And don't worry about me, I can take care of myself." lumingon sya sa akin at kinindatan ako. I can't argue with her about that, sa tingin ko ay palihim nalang akong mag-mamatyag kung mapagkakatiwalaan nga ba ang lalakeng iyon o hindi. Muli nyang ibinalik ang tingin sa camera at tila nagliwanag ang mukha ng may makita roon at mabilis na ipinakita sa akin. "It's him!"

Napataas ang kilay ko. Singkit din ang pinakita nya. Maputi at mukhang hmm... Hindi mapagkakatiwalaan? I may sound rude but he really looks like a playboy not a part of a band. "Is he from here?"

"No, bakasyonista rin. And you won't believe it! He's half Japanese and Filipino! Isn't it great?!" kinikilig na sabi nya sa akin. Tinitigan kong mabuti ang itsura ng lalake. I'm still not sure with it. "Sinabi ko sa kanya na isasama kita sa dinner namin kaya tara na! Magbihis na tayo!"

Ibinalik ko na ang camera sa kanya at muling isinuot ang damit ko. Pagkarating sa kwarto ay mabilis lang akong nag-shower. Simpleng t-shirt lang ulit ang isinuot ko at itim na shorts. Hindi naman kailangan bonggahan ang suot dito dahil kahit ang ibang lahi ay simple lang din manamit.

Jewel wore another dress again. Light pink iyon na maiksi ang palda. Ipinagwalang bahala ko nalang ng makalabas kami. Kumapit sya sa aking braso habang naglalakad kami palabas. "Third wheel ba ako? Hindi ba mas maganda kung kayong dalawa nalang ang magde-date?" I told her habang papunta kami sa malaking restaurant malapit sa tabing dagat.

"Hindi, ah! Kasama natin ang mga kaibigan nya. Kaya nga kita sinama dahil nahihiya akong mag-isa roon." inayos ayos nya ang kanyang buhok samantalang ako ay basa pa rin ang buhok hanggang ngayon. Hinawakan ko ang ilang hibla noon para hindi magdikit dikit.

Panay ang kwento sa akin ni Jewel kung paano sya nilapitan noong lalake kanina. Ako naman ay tahimik na nakikinig habang tinitignan ang paligid. It's so good to have a break from school. Hindi hawak ang ano mang libro at walang iniisip na ipapasang exam.

Nang makarating kami sa restaurant ay agad inikot ni Jewel ang tingin sa paligid. Masyadong maraming tao kung susumahin at malaki ang lugar. Puro banyaga ang nakikita kong mukha. Hinila ako bigla ni Jewel. "Ayon sila!" mabilis syang kumaway.

Tinanaw ko ang lalakeng nakataas din ang kamay at nasa amin ang tingin. Tumayo ito mula sa kanyang kinauupuan. Sya ang lalake sa litratong ipinakita sa akin kanina. Just not my type of guy. Gwapo lang but nah. Sabagay ay sigurado akong matanda na iyan kumpara sa akin.

Maraming tao sa kanilang table. Pahaba ang lamesang kinuha nila, karamihan ng nandoon ay lalake at sa tingin ko ay lagpas sampo silang lahat.

"Hi!" bati ni Jewel sa lalake. Mabilis pumadausdos ang kamay nito sa baywang ng aking pinsan. Napataas agad ang kilay ko at napatingin sa kanya. "Ryou, this is my cousin, Chloris." inilahad ng lalake ang kamay nya sa akin. Ryou?

"Nice to meet you, Chloris." ngumiti ako ng pilit sa kanya at hinawakan ang nakalahad nyang kamay. Magaan ang pagkakahawak nya sa kamay ko. May biglang sumipol sa kanyang tabi na isang lalake at nasundan ng ilang tawanan.

"Shut up, Cliffe!" saway ni Ryou sa sumipol na kaibigan. "By the way, I reserved two seats for you." lumipat ang tingin nya kay Jewel ng magbitaw ang kamay namin. Ako naman ay napunta sa bakanteng upuan ang mata ko.

Nang maupo si Jewel sa tabi ni Ryou ay umupo na rin ako sa kabilang tabi nya. Nagtawag ng waiter si Ryou para madagdagan ang nakahain sa lamesa.

Hindi naman ako makagalaw ng maayos dahil pakiramdam ko ay nakatingin sa akin ang ilan nilang kasama. "Hi, I'm Slade!" bati ng isa ng magtama ang mata namin.

"Hi." tugon ko nalang din sa kanya. Nakaupo sya sa aking harap. Mukhang maamo ang kanyang mukha kumpara sa iba. And if I'm not mistaken, isa rin itong foreigner.

"Feel free to order anything." nakangiti nyang sabi sa akin. Tumango lang ako.

Nang kukuhain ko na ang isang putahe sa lamesa ay may nag-abot na isa noon sa akin. Napatingin agad ako sa taong iyon at mahinang nagpasalamat.

"Chloris, right?" tanong nya. Katabi sya ni Slade. Nang ngumiti sya sa akin ay biglang nagtayuan ang mga balahibo ko. It feels like he's nowhere near innocent. Parang may nakatago sa likod ng nakangiti nitong mukha.

Napalingon ako kay Jewel but she's too busy flirting with Ryou. Hindi nya napapansin kung may kumakausap ba sa akin o ano. Ang iba naman ay busy sa kanilang pagkain.

"I think I heard your name somewhere?" muli nitong dugtong. Hindi ako nagsalita. Patuloy lang ang pagtitig ko sa kanya. He reminds me of... Ugh! Shut up, Chloris! Bakit naman magiging kamukha nya si Kei?

Yes, he reminds me so much of Kei. Pakiramdam ko rin ay nakita ko na sya dati. I can't just remember it. Saan nga ba? Napatulala ako sa kanyang mukha.

"Maybe she looks like your ex lover?" wika ni Slade sa lalakeng katabi kaya naputol ang pagtitig ko roon. What am I doing? He's too old for me. Maybe early twenties? I don't know but his charsima is just too much. Parang napapaso ang mata ko sa kanya. Mabilis nag-init ang mukha ko.

"No." ngumisi ito at pinakatitigan pa ako lalo.

"I'm just fifteen." singhal ko kay Slade. Napalaki ang mata nito at napatigil sa pag-nguya sa kanyang kinakain.

"Fifteen?!" ulit nito sa mas malakas na boses sabay tumawa.

"I remember!" biglang sambit ng kanyang katabi. Palipat lipat ang tignin ko sa kanilang dalawa. I just don't know who to look at. Pareho silang nakakabighani. There's no denying that. "You're Chloris Buenafuerte, Kei's---"

"My what?" sali ng panibagong boses. Hinila nya ang isang upuan sa tabi noong lalake at umupo sa tabi non. Tumingin sya saglit sa akin bago bagot na nagbaba ng tingin para ayusin ang kanyang plato.

Napalaki ng husto ang mata ko. What is he doing here?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction