SIX
SIX
Napatingin ako kay Maxine na abala sa pagbabasa sa hawak nitong libro. Hindi ito nangungulit ngayon at tahimik lang itong nakadapa sa aking kama.
"What's that book?" tumayo ako mula sa aking upuan at nag-unat.
Halos magta-tatlong oras na rin kasi akong walang tigil sa pagre-review. May long quiz kami next week sa Asian Literature at World History. Hindi ko alam kung anong pinagkaka-abalahan nitong si Maxine at hindi pa nagre-review.
"Huh?" lumingon ito sa akin na halatang hindi nakuha ang sinabi ko.
Tumabi ako ng upo sa kanya at tinignan ang cover ng librong hawak nito.
"Anong story 'yan?" hindi ako pamilyar sa pangalan ng story pati na rin sa author.
Wala namang hilig itong si Max sa pagbabasa kaya nakakapagtaka lang na ang tahimik nya ngayon at may hawak na libro.
"Published book galing sa wattpad. Kinikilig ako!" ngiting ngiting sabi nito at umayos ng upo. "Ibabalik ko na kasi ito mamaya kay Gab kaya kailangan ko nang tapusin ngayon."
Hindi ko na ito muling ginambala pa. Humiga nalang ako sa kanyang tabi at ipinikit na ang aking mata.
Nagising ako sa malakas ng sigaw ni Maxine. Muntikan pa akong mahulog sa kama!
"Shit! Ayoko na! Bakit walang book two?! Bitin!" nagsisisigaw nitong sabi habang hinahampas ang kama ko.
"Akala ko naman kung ano nang nangyayari sayo r'yan! Low down your voice! Baka may makarinig sa ating nagro-roam na professor at mapagalitan pa tayo!" saway ko rito.
Naiiyak ito ng tumingin sa akin. "Read this Chloris! I swear, worth reading for ito!" hinawakan pa nito ang dalawa kong kamay at pinagsalikop para mapag-isa.
"Wala akong time." bumangon na ako sa kama. Inayos ang mga gamit sa table ko.
I'll be studying again later. Mga bago matulog at bukas habang nagbe-breakfast.
Last time ay isa lang ang mali ko sa quiz namin sa World History. Though I got the highest point, still it's not enough for me to be contented. Kailangan kong maka-perfect to make me feel at ease.
"Corny naman nito!" padabog na umupo sa kama ko si Maxine at sinuot ang kanyang slippers sa gilid. "Sabagay, may lovelife ka naman para magpakilig sayo. Hindi katulad ko na umaasa lang sa mga fictional characters para kiligin." napailing ako habang nangingiti.
"Wala akong lovelife." simple kong saad.
"Samahan mo akong ibalik ito kay Gab." itinaas nito ang hawak na libro. Pumeywang ako at pinagtaasan ito ng kilay.
"Gabriella? Yung taga-lower section?" wala naman kasi kaming classmate na pangalan ay Gab.
"No, Gab Martin. Yung bakla sa section nila Kei. Ibabalik ko ito sa Poseidon."
Narinig ko na naman ang pangalan na iyon. Why is everyone around me related to Kei? Hindi ba pwedeng lumipas ang isang araw na hindi ko naririnig ang pangalan nya?
"Tinatamad ako. Ikaw nalang." tumalikod na ako pero malakas ang pagkakahila sa akin ni Max paharap sa kanya.
Namalayan ko nalang ang sarili ko na hatak hatak na nito palabas sa dorm. Muntikan na akong matalisod kakahigit nito sa akin.
Ilang beses kong sinubukang tanggalin ang kamay nya sa siko ko pero sadyang mas malakas talaga ang babaeng ito kaysa sa akin.
"Max, sabing ayaw ko eh!" pagalit kong utas rito.
Hindi pa ako nakakapag-palit ng damit. Lahat tuloy halos ng nakakasalubong namin ay napapatingin sa akin. Simpleng t-shirt lang at shorts na maong ang suot ko.
"Ayaw mo eh nandito na tayo. Arte! Tara sa visitor's area." hindi na ako nakapalag pa.
Kadalasan ng mga tao sa visitor's area ay puro mga babae. Ganon din naman sa dorm namin, halos lalake naman ang naroroon kaya nakakainis pumunta roon.
Hindi naman ako masyadong nagagawi roon dahil wala namang bumibisita sa akin not unless it matters about acads.
Most of the visitors there are couples na nagkakamustahan. But they won't dare to hold each others hands or kiss anywhere in the face dahil alam nilang papagalitan sila ng nagbabantay rito.
Naupo ako sa single couch doon at ganoon din si Max. Nagsimula na itong magtingin sa kanyang cellphone at luminga linga sa paligid.
"Pababa na raw sya."
Pumalumbaba ako. Pinanood ang isang couple hindi kalayuan sa amin na pasimpleng naglalandian. Your parents didn't send you to school to flirt! Napapaso ang mata ko sa mga nakapaligid sa amin.
"Wonder if Kei's here. Sana ay makasalubong natin sya rito para hindi ka na mabadtrip." nagsimula na namang mang-asar si Maxine.
Inirapan ko ito. Mas lalong naging mala-demonyo ang ngiti nito sa akin.
"Na-push kaya yung date nila nung babaeng nag-aya sa kanya kahapon?" mahinang tanong ni Max.
Not to me but more like to herself. Nakatingin na kasi ito sa kanyang cellphone.
Doon ko lang napagtanto. Is Kei still waiting for me at clock tower? Kanina pang umaga 'yon.
Agad akong napatingin sa relo'ng suot ko. Almost 3:00pm. Hindi na naman siguro iyon maghihintay doon ng ganito katagal. Sigurado akong nakauwi na 'yon dito sa Poseidon.
"Maxie!" narinig ko ang malanding boses ng isang lalakeng palapit sa amin. Napatigil ito ng makita ako sa tabi.
"Hi." bati ko.
Lumapit ito ng kaunti at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon at nginitian ito.
"So, the perfect Chloris Buenafuerte is here." ngumuso ito at tumingin kay Maxine. Nagpalitan sila ng tingin.
"Sinama ko lang." tinapik ni Max ang balikat ni Gab. Nauna itong umupo kaya tahimik ko nalang silang tinignan. "Tapos ko nang basahin itong libro mo. Pahiramin mo naman ako ulit ng iba. Ngayon lang ako sinipag magbasa sa tanang buhay ko."
Tumawa si Gab sa kanya pero sa akin na naman ito huling tumingin.
"Sure, Maxie. Marami pa akong books sa kwarto ko." inilibot ko nalang ang tingin ko sa paligid. "Ikaw ba, Chloris. Hindi ka mahilig magbasa?" bumalik ang tingin ko sa kanila.
Itinaas ko ang dalawa kong kilay at ngumiti ng bahagya. "I'm more on mysteries or thriller than love stories." maiksi kong sagot. Hindi ito kumurap. Parang may hinihintay pang idugtong ko. "Uhm, and I'm a fan of James Patterson and Sir Conan Doyle." napangiti na ito. "Sorry, I'm a boring person."
Tumawa si Gab. "No, you're not. Tama lang siguro para magustuhan ni Kei." imbis na ako ang pamulahan ng pisngi ay silang dalawa ni Maxine ang kinilig.
"Mag-jowa na ba kayo?"
"Hindi." sagot ko nang natatawa. Pang ilang tao na ba itong si Gab na nagtanong sa akin kung boyfriend ko ba si Kei o hindi?
Ilang sandali pa kaming nagtagal doon bago namin naisipang umuwi. Nakahiram ulit si Maxine ng ilan pang libro. Pinagsabihan ko ito na unahing basahin ang lecture namin bago ang ganitong mga klaseng kwento.
"Chlo, stock knowledge will do." dahilan nito. Gusto lang talagang pagtakpan ang katamaram nya sa pag-aaral. "Oh, wait! Bakit nasa akin pa rin itong librong 'to?" napahinto kami sa paglalakad. Hawak nito 'yung librong isasaoli nya sana kanina.
"Ibalik mo nalang next time." sabi ko. Maulap ang langit. Medyo malamig rin ang simoy ng hangin. Ngayon lang ako natuwang maglakad dito sa loob ng school. Ngayon ko lang din napansin na maganda palang lumabas ng kwarto minsan.
I'll try to study outside our dorm. Siguro ay mas matatahimik ang utak ko kapag ginawa ko iyon.
"No! May manghihiram pa sa kanya nitong taga-ibang section. Ibabalik ko lang!" tumakbo si Maxine pabalik sa Poseidon. "You go ahead, Chlo! I'm sorryyy~" kumaway pa ito habang tumatakbo.
Wala na akong nagawa kundi ang maglakad nalang ulit papuntang Athena. Mabagal ang bawat hakbang ko. Mariin kong pinagmamasdan ang bawat nadaraan ko ng aking tingin.
Ang mataas na building ng Bridgeforth ay tanaw na tanaw ko rito. Maganda ang istraktura ng gusaling iyon.
Sa hindi kalayuan nandoon nakatayo ang clock tower. Napahinto ako at tinitigan ito. Kei popped out from my head again.
Hindi naman siguro masama kung umikot muna ako sa clock tower saglit.
Habang papalapit ako roon ay nakakaramdam ako ng kaba. There's a little guilt in my heart. Alam kong pumunta rito si Kei pero hindi man lang ako nagpakita.
Kaunting tao lang ang natanaw ko roon pero gamon nalang ang paninigas ang paa ko ng makita ko si Kei sa hindi kalayuan. He's leaning on the wall. Nakatingin ito sa sahig at naka-pamulsa. Katulad ng lagi nyang ginagawa kapag hinihintay nyang matapos ang klase namin.
Nakasuot lang ito ng simpleng pantalon at grey na jacket pero halatang panagtitinginan talaga ng ilang babeng dumaraan. Who wouldn't know Kei Hendricks? Isa kang mang mang kundi ko mo ito kilala o kahit man lang ang kanilang apelyido.
I stood there for awhile. Don't tell me kanina pa syang umaga r'yan?!
Unti onti akong lumapit. Tama lang para mapansin nya ang presensya ko. Sumandal din ako sa pader at dumiretso ng tingin sa mga taong dumaraan.
"Why are you still here?" mahina kong tanong. Lumingon ito sa akin. Napansin ko ang pagtitig nito sa aking tabi.
"I'm waiting for you." natural nitong sabi na para bang sanay na itong hinihintay ako palagi.
Malambing ang boses ni Kei. Mahina iyon at masarap sa tainga pakinggan. Pero ngayon ay dapat may bakas na ng paninisi o galit sa kanyang boses dahil ngayon lang ako nagpakita.
Nakagat ko ang aking labi. "Alam mo ba kung anong oras na, Kei? Quater to four na ng hapon! Dapat ay umuwi ka nalang sa Poseidon! Paano pala kung hindi ako pumunta rito?!" iritado kong sermon.
Nilingon ko ito ng nakakunot ang noo. Wala itong ekspresyon sa mukha. It seems like he's not listening to me. Para bang mas abala pa itong pagmasdan ang mukha ko kaysa ang pakinggan ang panenermon ko sa kanya.
"But you came." nalaglag ang panga ko. I don't know that Kei can be this stupid. "Pinuntahan mo pa rin ako. Ang importante ay hindi pa rin nasayang ang paghihintay ko."
Napayuko ito at sumilay sa kanya ang maliit na ngiti. Parang tumakbo ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Naikuyom ko nalang ang aking kamay.
Sa inis ko ay hinila ko ang kamay nito. "Fine! Let's go on a date!"
Ngayon lang ito dahil nakokonsensya ako ng sobra sa paghihintay nya sa akin. I can be cold to him tomorrow at sa mga susunod pa na araw. I'll give him this day. Just this day. Hindi na dapat ito masusundan pang muli.
"Have you eaten your lunch?!" galit kong tanong rito habang hila hila ang kanyang kamay.
"Not yet." lalo ko itong gustong murahin. Napahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay sa inis.
"I can't go outside the school. Wala akong permiso sa parents ko kaya pupunta tayo sa town para kumain."
Mabuti naman at hindi ako pwedeng lumabas ng school. No movies, mall or arcades. Papakainin ko lang ang isang ito para lubayan na ako ng konsensya ko.
"Chloris..." tawag nito sa aking pangalan. Bakit ba mukhang nagpapahila pa ang isang 'to?
"What?!" irita kong tanong at huminto saglit para lingunin sya.
"Let me hold your hand properly." napatingin ako sa nakahawak kong kamay sa kanya. Bigla ko itong binitawan at nag-iwas ng tingin.
Tumikhim ako bago nagsalita. "No. Bilisan mo nalang maglakad para hindi tayo abutan ng dilim. Magrereview pa ako." sumimangot ako at naglakad nang muli.
Naramdaman ko naman itong sumunod sa akin at tumabi na sa paglalakad. "Just until we reach the town, please bear with my hand." mabilis nitong kinuha ang kamay ko at ikulong sa kanya.
Napatigil ako sa gulat. Sya naman ngayon ang humila sa akin. "Walk faster, Chloris. Nagugutom na ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top