SEVENTEEN
SEVENTEEN
Halos hindi ko mahawakan ng mabuti ang aking kutsara habang kumakain. I still can't believe Kei's here. I mean of all the countries, of all the tourist spots in the world, why here? Alam ba nyang andito ako kaya sumunod sya sa akin? But that's ridiculous. He wouldn't go that far to chase me.
"It's good that you're both in the same age." saad ni Slade ng magpabalik balik ang tingin nito kay Kei at sa akin. Maybe he doesn't know that we knew each other very well. Sino ba naman ang mag-iisip na isa lang itong coincidence? That's not possible, right?
"They're studying in the same school and..." wika ng katabi ni Slade. Lumingon sa kanya si Kei na parang nagbabanta ang mga tingin.
"Knight..." tawag ni Kei roon sa lalake. Ngumisi si Knight sa kanya. Yes, I know him. Knight Hendricks. Bakit ko nga iyon kinalimutan? Sikat sya ngunit hindi ako masyadong pamilyar sa kanyang mukha. But I'm always hearing his name everywhere.
"You know each other?" tanong sa akin ni Slade. Tumango nalang ako. Bakit ba ako ang dinadaldal ng mga ito? Hindi ba pwedeng tahimik nalang kaming kumain? It would be better kung hindi nalang ako isinama rito ni Jewel. I may not look like I'm third wheeling but hell, I look so lost.
"And they're childhood friends." dugtong pa ni Knight. How come he know so much about us? Kinukwento kaya ni Kei sa kanyang Kuya ang tungkol sa pagkakagusto nya sa akin?
Panay pa ang tanong nila sa akin. Hirap na hirap na akong sumagot. Si Kei ay tahimik lang. Si Slade ang maraming itinatanong sa akin samantalang si Knight ang nagdadagdag ng ilang mga detalye na hindi ko alam kung saan nya nahanap.
"Jewel, balik na tayo sa room." bulong ko sa kanya matapos ko syang sikuhin para makuha ang kanyang atensyon. She's all smile while talking to Ryou. Animo'y walang tao sa kanilang paligid knowing they just met each other. Akala mo nama'y ilang buwan na silang magkakilala.
"Saglit nalang." ngumiti sya sa akin at binalingan na naman ang kanyang kausap. Sa inis ay tumayo ako para pumunta sa wash room. Naghugas ako ng kamay roon at inayos kaunti ang natuyo ko nang buhok.
Pagkalabas ko ay nakita ko roon si Kei. Halos atakihin ako sa pagkagulat. Dapat talaga ay masanay na ako sa pabigla biglang pagsulpot nito sa aking harap.
"Do you want to walk?" aya nya. Napabalik ang mata ko sa aming lamesa. Kahit tapos nang kumain ang mga tao roon ay hindi pa rin sila umaalis. And it's so awkward talking to Slade and Knight. Para akong bata na ini-interrogate nila.
"Sure." nauna akong maglakad. Nakasunod sya sa aking likod hanggang sa makalabas kami sa restaurant. Lumalakas ang ihip ng hangin habang naglalakad kami papunta sa tabing dagat. Nagtanggal ako ng saplot sa paa at pinanood ang bawat yapak ng aking paa sa buhanginan. "Ano nga palang ginagawa mo rito?" pauna kong tanong.
"Sinusundan kita." wika nya sa aking likod. Mabilis itong naglakad papantay sa akin at sinabayan ang paglalakad ko. Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa likod at sinipa ang mga buhangin habang naglalakad.
"Hindi mo naman ako kailangang sundan. Wala ka bang ibang mapaba-bakasyunan? Your family? Why not go with them?" sunod sunod kong sabi. Sumaglit ako ng tingin sa kanya. Nakalagay ang dalawa nyang kamay sa magkabilang bulsa habang diretso ang tingin sa aming nilalakaran.
Ang maliwanag na ilaw galing sa mga kainan di kalayuan sa amin ang nagsisilbing ilaw na tanging nakakapagpalinaw ng kanyang imahe sa aking mata. His weary eyes looks so cute. Kinusot nya ang kanyang mata kaya napangiti ako at mabilis nag-iwas ng tingin.
"Gusto ko lang makasama ka ngayong bakasyon." he said innocently bago humikab.
Nagpasya akong maupo muna sa kaharap ang dagat. Ganoon din ang ginawa nya. Hindi gaanong malayo ngunit hindi rin naman sobrang lapit ng pagitan namin. "Iniisip ko na baka ininbitahan ka ng Kuya mo para magbakasyon dito. But I don't believe either that it's a coincidence na nandito rin kayo."
Niyakap ko ang dalawang paa ko at inihiga ang ulo sa aking tuhod para matignan ng maayos si Kei. Ang dalawang kamay nya ay naka-tungkod sa kanyang likod. "Alam ko kung saan ka lagi pumupunta. At aabutin ng ilang araw bago kita makita kung hindi kita susundan papunta rito. I can't let that happen." mahina nyang bigkas.
Napahinga ako ng malalim. Hindi ko talaga alam ang sasabihin kapag ganitong na ang sinasagot nya sa akin. Pinanood ko nalang ang alon sa dagat. Malamig ang hangin na galing doon papunta sa amin kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa aking sarili.
"Umurong ka rito." hinawakan ni Kei ang braso ko at hinila ako papunta sa kanya.
"Para saan?" tanong ko ngunit sumunod din naman sa kanya.
"Malalamigan ka. Bakit hindi ka nagdala ng jacket?" umayos sya ng kanyang upo. Naramdaman ko ang isang kamay nya na nakasuporta sa aking likod. Halos magdikit ang katawan naming dalawa dahil sa sobrang lapit.
"Akala ko kasi saglit lang yung dinner. And I didn't expect that you're also here." sino ba namang mag-aakala hindi ba? Like I should have expected that he'll always follow me but not to this extent.
Hindi na sya sumagot pang muli. Natahimik kaming dalawa. And when I'm silent, I always reminisce the things I did in the past. Isa isang bumabalik sa ala-ala ko na nangyari noong Grand Ball hanggang sa malaman kong hinanap ako ni Kei noong gabing iyon.
Kasabay ng pagyakap sa akin ng lamig ang pagbalot ng kakaibang guilt sa aking puso. Hindi pa pala ako nakakahingi ng pasensya sa kanya dahil sa nangyari. I speculated something without any proof and that's unacceptable.
Paano ko nga ba ito sisimulan? Hinigpitan ko ang yakap sa aking tuhod. "Uhm, hey, I wanna say sorry for leaving you that night." mahina kong umpisa. Halos ako lang ata ang nakarinig sa aking sinabi. Hindi ko mapihit ang aking ulo para lingunin sya dahil sa sobrang hiya at kaba. "And I'm sorry dahil kung sinabi ko lang sa iyo na aalis ako ay sana hindi ka na umabot pa sa bahay namin. Hindi na sana kita nasabihan ng masasamang salita. I'm really sorry for that."
Kinagat ko ang aking labi. Ano na? I already admitted my mistakes. Bat ang tahimik? Hinintay ko pa ang ilang segundo para pakinggan ang kanyang sagot ng tanging ang agos lang ng tubig sa dagat ang sumasagot sa akin.
His head fell on my shoulder the exact time I turned my head to him. Tinignan ko ang kanyang mukha. Nakapikit na ang pareho nyang mata at mukhang mahimbing na ang tulog. Hindi ako makapaniwala. Gustong kong itulak sya sa buhanginan para magising. Did he even heard what I said? Nag-sorry ako sa kanya! Ngayon ko lang iyon ginawa.
"Bakit mo ko tinulugan?" mahina kong sabi. I know he wouldn't answer. Napatitig ako ng husto sa kanya. Damn, he's very good-looking! Sa dagat ko agad idiniretso ang mata ko. His hair is brushing my neck. Nakikiliti ako kada hinahangin iyon ng kaunti.
"Why can't you just stop loving me? Hindi ba't tama ako na masyado pa tayong bata para magmahal? And how would you know if you're inlove?"
People are mistaking love from attraction. Not because you're attracted to someone, you should consider that as love. That's very wrong in so many areas. At naniniwala pa rin ako hanggang ngayon na hindi pagmamahal ang nararamdaman sa akin ni Kei.
Sa sobrang inis ko kakaisip sa pagmamahal na iyan ay pinitik ko ng malakas ang tainga ni Kei. Naiinis na ako! Ang bata bata ko pa, hindi dapat iyan ang pinoproblema ko. Ito kasing lalakeng ito ay napaka-harot! Masyado mong ginugulo ang isip ko!
"Gumising ka na r'yan. Papasok na ko sa kwarto ko." umayos sya ng kanyang upo. Humikab ng kaunti habang ako naman ay pinapagpag ang ilang buhangin na kumapit sa aking damit.
"I'm sorry, I fell asleep." tumayo na rin sya. Ngumuso lang ako. I'm sorry ka r'yan? Hindi mo narinig ang sinabi ko kanina dahil tinulugan mo ako.
"Babalik ka ba sa loob ng restaurant? Hindi na ako sasama sa iyo. Pakisabihan nalang ang pinsan ko na nauna na akong bumalik sa kwarto." tumingin sya sa akin at tumango na parang bata. I'm not sure kung pumasok iyon sa ulo nya. He looked like half-asleep.
"Ihahatid muna kita." naglakad na kami papunta sa kwarto ko. Nang bubuksan ko na ang pinto ay muli akong tumingin sa kanya.
"Dito na ko." tumango lang sya sa aking sinabi. Pagpasok ko ay agad ko nang isinarado ang pinto. Napatulala lang ako sa kawalan at pagkatapos ay marahas na nagbuga ng hangin. Muli kong binuksan ang pinto at hahabulin sana sya ng makita kong nakasandal lang sya sa tabi ng aming pinto. I was taken aback. Ganito ba talaga ang trabaho ng stalker? "Bakit hindi ka pa umaalis?"
"Bakit ka pa lumabas?" tanong nya rin. Napahawak ako ng mahigpit sa door knob ng pinto at mabilis na humalukipkip doon. Pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko sa sobrang hiya.
"M-magpapasalamat lang ako sa paghahatid mo sa akin." hindi makatinging saad ko.
"You're welcome." ramdam kong tumititig sya sa akin at naghihintay pa ng susunod kong sasabihin.
Nilakasan ko ang loob ko para matignan sya ng pagalit. "Umalis ka na nga. Shoo! Shoo!" ikinumpas ko pa ang kamay ko na parang nagpapaalis ng aso. Nang makita kong hindi sya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan ay mas nabwisit ako. "Alis na nga. Ang creepy mo tignan d'yan."
Ngumisi sya sa akin at humakbang papalit sa kinatatayuan ko. Napaatras ako at halos mauntog na sa pinto. His right hand is on his pocket and the other is just resting on his side. Para syang modelo nang naglakad patungo sa akin. "You stay away from me, Kei!" mahina kong sambit.
He then slowly buried his face on my neck. Nagtayuan ang mga balahibo ko. "Bakit ang cute mo, Chloris?"
Kinabukasan ay agad kong hinawakan ang aking noo. My face is too hot last night. Akala ko ay lalagnatin na naman ako bago matulog. Kapag naaalala ko ang pang-asar na sinabi ni Kei sa akin bago sya umalis ay nag-iinit ng husto ang mukha ko. Dahil siguro sa sobrang inis kaya ako nagkakaganito.
Bumangon na ako at nakita kong tulog pa si Jewel sa kabilang kama. Sinuot ko na agad ang aking slippers at dumiretso ng punta sa banyo.
Pagkatapos ko roon ay saglit akong nagpatuyo ng buhok at nagbihis na para makakain ng breakfast.
"Goodmorning, Chloris." bati ni Jewel habang may nakapatong na tuwalya sa kanyang balikat.
"Jewel..." tawag ko sa kanya. Lumingon sya sa akin na halos pikit pa ang dalawang mata. "Why didn't you tell me that Kei will be going to that dinner last night?"
"Would you come if I told you?" tumalikod na sya sa akin at naglakad na papunta sa banyo. "Masaya sya nung bumalik sa table kagabi ah. Magkasama kayo?" lumingon sya at nginisian ako.
"Shut up!" inis kong singhal at nagpatuloy na sa pagsusuklay sa aking buhok.
"Sama ulit tayo sa kanila mamaya. Magpaganda ka." kumindat sya sa akin bago pumasok sa bathroom. Not again!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top