NINE

NINE

Natapos ang ilan pang linggo. Everyone's busy with studying dahil na rin sa dagsa dagsang exams na binibigay sa amin ng ilang mga teacher. Hindi na rin gaanong pumupunta si Maxine sa kwarto dahil pati sya ay nag-aaral din para makapasa. Though I wanted to help her with studying, I need to focus on getting the highest grade possible.

"I am so damn tired! Sinong matinong teacher ang magbibigay ng 100 items na exam?" pumalumbaba si Maxine sa aking table. Hawak ko ang test paper nya at tinitignan ko ang mga mali roon. Pasado naman ang grade nya ngunit hindi ito ganoon kataas.

"Madali lang naman itong matching type. Nakalagay na sa libro ang lahat ng nakasulat dito." tinignan ko ang dami ng mga binilugang numero roon ng teacher namin at napangiwi.

"Madali para sayo. Mabilis kang magkabisado but not all people are like you. Natatandaan kong nabasa ko iyan pero medyo malabo pa rin ng kaunti sa isip ko." pagdadahilan nito sa akin. Binalik ko na sa kanya ang test paper. Nilukot nya iyon at nilagay nalang basta sa kanyang bag.

"I promise to help you next time." wika ko sa kanya. Umayos na ito ng kanyang upo ngunit bakas pa rin ang pagkadigusto sa kanyang mukha.

"Grand Ball lang ang hinihintay ko! Ang tagal!" sigaw nya. Nagtinginan ang ilan naming katabi sa kanya. Ngumiti ako.

"Are you excited for the Grand Ball? Wala pa pala akong isusuot doon." napaisip ako. Ngayong tapos na ang ilang exams namin ay usapan na agad ang darating na grand ball next week sa school. Ngayon ang unang beses naming pupunta ni Maxine at hindi ko maikakalang pati ako ay nae-excite na para roon.

"Of course! Kailangang paghandaan ang Grand Ball! Fairy tale ang theme ng school year ngayon at saktong sakto iyon sa gusto kong mangyari!" ngiting ngiti ito habang nagkukwento sa akin. Pinag-usapan pa namin saglit kung anong balak naming mangyari sa araw na iyon.

Uwian ng mapag-usapan muli namin ang isusuot para sa darating na Grand Ball. Mukhang hindi talaga maka-move on itong si Maxine kaya natatawa nalang ako habang pinakinggan ang mga sinasabi nya. Gusto nyang ihalintulad ang isusuot nyang gown sa mga Disney Princess samantalang ako simple lang ang gusto.

"Kei, aren't you going to ask Chloris to be your date?" tuya sa amin ni Maxine nang nilingunan nito si Kei na nakasunod sa amin pauwi.

Parang pinamulahan ako ng mukha. Ni hindi ko magawang lumingon para tignan ang mukha nya dahil ako ang nahihiya para sa tanong ni Maxine para sa akin. Kahit pa ganon ay nanahimik nalang ako at hinintay ang isasagot nya.

"We'll talk about that later." sagot nito. Siniko ako ni Maxine at kumindat sa akin. Napailing nalang ako para itago ang kahihiyan ko at nakitawa nalang.

"Excuse me." tanong ng isang lalakeng humarang sa amin. Naputol ang tawanan namin at pare-pareho kaming napahinto sa paglalakad ng tumayo ito ng tuwid sa aking harap. I can saw the bouquet of pink roses from his back. Kahit itago nya iyon ay sumisilip pa rin iyon sa kanyang likod dahil sa kalakihan non.

My eyes turned to his. Diretso ang mukha ko ng harapin ko ito. "May kailangan ka?" simple kong tanong. Nag-tunog mataray iyon kahit iyon naman talaga ang natural kong boses kapag nakikipag-usap. The reason why some people are so distant to me. Pakiramdam nila ay mataray ako. Na ayokong kumausap ng ibang tao.

"Uhm, can I ask you to be my prom date?" inilahad nya sa akin ang bulaklak na hawak nya. Tinignan ko iyon ng may panghihinayang. I love flowers more than anything at hindi ko nakikitaan ng katarungan ang pagpuputol dito para lang maipamigay sa ibang tao. I would be happy kung nakalagay iyon sa isang paso. Pero sino namang sira ulo ang magbibigay ng bulaklak na nakalagay pa sa paso?

Lumingon ako sa aking tabi para hanapin si Maxine ngunit nakatayo na pala ito di kalayuan sa amin habang pinapanood lang ako. May ibang estudyante na napapalingon sa amin at ibang nakikisali sa panonood. Ang mukha ng iba ay nakangiti.

I immediately searched for Kei. Iginala ko ang aking paningin ngunit wala na sya sa paligid. Bigla akong nakaramdam ng pagbigat ng dibdib. As if I was expecting him to interrupt us but that didn't happen.

Wala sa sariling ibinalik ko ang tingin sa lalakeng nasa harap ko. "I'm sorr---"

"Paging, Chloris Buenfuerte from Athena." boses iyon na lumabas sa speaker na nakapalibot sa buong school. Kanya kanyang lingunan ang mga tao. Napatigil ang ilang naglalakad para hintayin ang susunod na sasabihin ng babaeng nagsalita sa speaker.

Tumingin ako kay Maxine at pareho kaming walang alam sa nangyayari. Nagkibit balikat ito sa akin.

"Someone wants to pass a message for you." sunod na sinabi noong babae sa speaker. Ang sumunod na nangyari ay talagang ikinalaglag ng panga ko.

"Hi, Chloris." boses iyon ng isang lalake. Hindi ko kilala ang tinig na iyon at hindi iyon pamilyar sa akin. "I'm Jake Chua from Poseidon, will you be my prom date? Please?" naghiyawan ang ibang tao sa grounds. Lahat sila ay lumingon sa akin.

Ang lalakeng nasa harap ko ay nabitawan ang bitbit nyang bulaklak. Ako naman ay parang nanigas sa aking kinatatayuan. Nang hindi ko mahagilap ang tamang salita para sumagot ay may isang kamay ang humila sa akin paalis doon.

"K-kei..." mahina kong banggit sa kanyang pangalan. Mabilis ang bawat hakbang nya at halos patakbo na ako habang hinihila nya ako. "Why..."

"You're not going with them." matigas nitong sabi. Napatahimik ako at napalingon sa mga estudyanteng iniwan namin. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila samantalang si Maxine doon ay tumatalon pa sa tuwa.

Nakarating kami sa garden ng school. Malaki ang garden na iyon kaya maraming pwesto roon na hindi gaanong pinupuntahan ng tao. Katabi noon ay isang malaking labyrinth. Pinaupo ako ni Kei sa isang puting bench habang nakatanaw kami sa iba't ibang uri ng bulaklak sa paligid.

"Tell me you're not going with them, Chloris." nilingon ko si Kei sa aking tabi. Diretso ang tingin nito sa harap. Parang hirap ang tono ng kanyang boses. Alam kong wala dapat karapatan si Kei sa akin pero tulad nang sinabi nya ay para akong isang aso na sumagot sa kanya.

"I'm not. Wala akong balak na sumama sa kanila." lumingon ito sa akin at parang napaso ako sa mga tinging iyon. But instead of looking away, I savor every second of his stare. I let myself enjoy every moment of it. Ilang beses ko nang iniwasan ang mga tinging ito and now, I almost cursed myself for doing that.

"I'm sorry for being territorial but can you... accept me to be your date instead? I wanted to give you space and time but I can't be calm knowing there's so much invitations that were given to you." napalunok ako. Paano ko ba sasagutin ang ganitong paanyaya? "May pag-asa ba ako, Chloris?"

Lumundag ang puso ko. Gusto kong itapat ang aking kamay sa sarili kong dibdib para kumpirmahin na gusto na talaga kumawala ng puso ko rito. He doesn't have this much effect on me before. Dati ay wala akong pake kung masaktan ko sya o hindi.

"I don't kn--- Uhm..." I can't even answer him straight. My words are in panic. Parang tumatakbo ang mga salita sa akin at ang natitira nalang doon ay ang salitang 'Oo'.

"It's okay, Chloris. I know it's too early. Ayos lang sa akin. I can always guard you from afar." ngumiti ito sa akin. Ramdam ko ang sakit sa mga sinabi nya. Stupid, Chloris! Just answer him! Ano ba talagang gusto mo?!

"I accept you to be my prom date but that doesn't mean I like you more than the others." walang preno kong sabi. Hindi na mapakali ang mga daliri ko. I didn't sound like I want his offer right? Baka isipin nyang lamang sya sa iba at ayokong mangyari 'yon. Sya lang ang nakasama ko ng matagal kaya sya ang pinayagan ko. That's what he should believe!

Natahimik kami. Talk, Kei! Alam kong hindi ka madaldal pero magsalita ka kasi hindi ako mapakali rito! What are you thinking? Iniisip mo bang gusto kita kaya ikaw ang pinayagan ko? Because no! I shouldn't like boys! Iyon ang paulit ulit na bilin sa akin ni Mommy. Tapusin ko raw muna ang pag-aaral ko because a real man and a true love can wait.

"What? Wala kang sasabihin?" tinaasan ko sya ng kilay ngunit parang nagmukha lang itong pilit dahil pati ang mukha ko ay nababato na sa kaba.

Umiwas ng tingin si Kei na parang nahihiya at lumingon sa kabilang gawi. Nakita ko ang pag-ngiti nito. Nagtaasan ang dugo ko sa aking mukha. He's smiling again! Hindi dapat ako natutuwa dahil lang sa ngumiti sya pero tinalo ako ng sarili kong mga labi. I can't help but to smile. Tinakpan ko ang aking bibig para maitago ang pag-ngiti ko.

"I understand, Chloris. Babantayan at aalagaan pa rin kita buong gabi. Expect me to be more vigilant because I won't allow you to dance with anybody. Akin ka lang at asahan mong sayo lang din ako." umikot ang aking tiyan. Parang may kung anong pagdiriwang na nagaganap doon. That's more like it. Ganito ang gusto kong paanyaya. Natural, walang pakulo pero puno ng totoong emosyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction