FOURTEEN
FOURTEEN
On that very night, I wasn't able to dance any guy except Kei. He would stared dagger on every man who's asking me for a minute of dance. And I didn't mind that at all.
"You can ask your classmates for some dance, Kei. Okay lang naman sa akin." kung ayaw nya akong makipagsayaw sa iba ay okay lang sa akin.
Thinking I would be awkward if anyone dances me made me agreed to his selfishness.
But I don't want to proclaim him mine. He can ask any girl he wishes to dance to, wala akong problema roon.
"I told you I'm only yours kaya huwag mo akong ipagtabuyan sa iba dahil ikaw lang ang gusto kong makasayaw."
I was stoned for a second. Tumahimik kaming dalawa. Inabala ko ang sarili sa mga taong nagsasayaw. My right foot's already in pain pero hindi ko pinansin iyon kanina. Kei and I danced just like what everybody else does. There's nothing special from that aside from that was my first ever dance. Hindi naman siguro iyon alam ni Kei kaya hindi ko iisiping big deal iyon sa kanya.
Nakangiti ako habang pinapakinggan at pinapanood ang ibang nagsasayaw. Everyone looked so happy. Kahit ako ay masaya rin.
"You know, I'm thinking, bakit sa dinami rami ng babae ngayon dito ay sa akin pa rin nakapako ang mata mo?" bigla kong sabi ng mapansin ko kanina pa na nakatitig sya sa akin.
Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong kanina pa sya nakamasid na parang tigre. Masyado naman ata nya akong binabantayan.
"Bakit sa dinami rami ng lalake rito ay ako lang din ang napili mong samahan ngayong gabi?" pinagsingkitan ko sya ng mata.
Ngumiti sya ng kaunti at itinuwid ang likod para lumapat ito sa sandalan ng kanyang silya.
"Dahil ikaw lang ang kilala ko simula pa noong mga bata tayo. It would be awkward if I choose a new face." ngumuso sya ng kaunti bago itinaas ang dalawa nyang kilay. "Ikaw, bakit ba kanina ka pa titig ng titig d'yan?" tinarayan ko na ang aking boses.
Why would he answer me with another question? Kung hindi lang ako nako-conscious sa kanya ay hahayaan ko sya sa kanyang ginagawa.
"Is it bad to stare at you?" muli nyang tanong.
Wala akong ideya kung anong isasagot doon. Is it bad? Oo? Ay, hindi ko alam!
"It's creepy." maiksi kong sagot bago nag-iwas sa kanya ng tingin.
Ihiniwalay na nya ang tingin sa akin. We both looked at the crowd. Para akong nakahinga ng dahil doon.
Ang malamyos na kanta ay napalitan ng masaya. Everyone cheered up. Ang magkakaibigan ay nagsitayuan sa kanilang mga upuan para humalo sa dami ng mga tao.
Max ran to me and grabbed my hand. "Tara, sayaw tayo!" masigla nyang saad.
Aangal pa sana ako nang bigla na nya akong hilain papunta sa gitna. Tumatawa lang ako habang nagsisimula na syang sumayaw. I can't dance, really. Kahit anong klaseng sayaw ay hindi ko kaya. I'm afraid I would look like an idiot if I tried.
"C'mon, Chlo! Don't be that stiff!"
Pinakitaan ako ni Maxine ng kanyang sayaw. I just swayed my body katulad ng ginagawa nya. She held both my hands. Umikot kaming dalawa. I almost lose my balance nang maghiwalay ang mga kamay namin nang may humawak sa balikat ko para saluhin ako sa pagkakatumba.
"Okay ka lang, Chlo?" tumatawang sigaw ni Maxine. Sira ulo talaga ang babaeng ito.
"Nahilo ako sayo, baliw ka!" tumawa rin ako bago tinignan ang taong tumulong sa akin. "Sasayaw ka?" tanong ko ng makita ang mukha nya.
"Yeah." maikli nyang tugon. Tumalikod na ako sa kanya. If he wanted to, then...
Nagsimula na ulit kaming sumayaw ni Maxine. Tawa lang sya ng tawa dahil sa akin. Well, I'm trying my very best here to dance.
"Tara, Kei! Sama ka sa amin!" narinig ko mula sa aking likod.
Boses iyon ng isang babae. Sumimple ako ng tingin at nakita kong hawak na ng babae si Kei sa kanyang braso. Are they that close? Kailangan may hawakang kasama?
Nakita ko ang seryosong mukha ni Kei habang nakaharap sa babae ngunit nakangiting tinitingala naman sya ng kausap.
Hindi ko gaanong marinig ang boses ni Kei. He has a low and soft voice. At kung minsan ay talagang mahina ang kanyang boses na tanging ang kausap nya lang ang makakakarinig noon. I find it hard to eavesdrop with their conversation.
Nagtatangis ang boses ng babae kahit maingay ang tugtog sa lugar. Maybe because her voice is too high? And she's overly excited to ask Kei to come with her kaya rinig ko ang kanyang boses.
Nakita kong hinila ng babae ang braso ni Kei at kumaway sa ilang kumpol ng magkakaibigan di kalayuan sa amin.
I stopped dancing for a second and starred intently at them. Is he leaving?
"Hoy, tara! Doon tayo kina Rey. Mukhang masaya sila." aya sa akin ni Max.
"Ikaw na lang. Dito lang ako." Max raised her brow at me.
Ngumiti lang ako na parang walang nangyari at nagsimula na namang sumayaw.
"Bakit ka magpapaiwan dito?" hindi ko sya binigyan ng sagot.
Nagkunwari ako na hindi narinig ang kanyang sinabi at bumaling sa iba. I looked at Kei again. Wala na sya sa aking likod. Mabilis ang mata kong nagpunta sa grupo ng magkakaibigan. Nakita ko sya roon habang nakikipag-ngitian sa ibang lalake.
Marami ring babae ang kasama nila. Ang babaeng nag-aya sa kanya rito ay nasa kanyang tabi.
"Tara na." umirap ako sa hangin at hinila na ang kamay ni Maxine papunta sa grupo nila Rey.
Kahit marami sila ay hindi pa rin ako makapag-saya ng husto. Lumipas ang ilang minuto. Napagod ako at nagpasyang humanap ng maiinom sa hilera ng mga pagkain sa gilid. Puro dessert at inumin lang ang naririto. Ang iba ay nakatayo malapit sa mahabang table habang kumakain.
Kumukha ako ng ice tea at mabilis iyong inubos. Pagkatapos kong uminom ay pumunta naman ako sa comfort room. Gusto kong maghilamos para mahimasmasan ngunit hindi naman maaring tanggalin itong make up ko.
Kaunting retouch lang ang ginawa ko. Pinasadahan ko ng ilang lagay ng lipstick ang aking labi. Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko habang nakaharap sa salamin.
Biglang nanumbalik ang mukha ng babaeng kausap ni Kei kanina. Are they really close? Classmates? Seatmates? Friends? What? Anong mayroon? Hindi ko magawang isipin na sya ang ka-text ni Kei kanina pa.
Her dark long hair compliments her white skin. Para syang si Snow White sa puti. And her red ball gown, ayoko mang sabihin ngunit talagang maganda ang kanyang damit. Tama lang ang kanyang tangkad at petite ng katawan. Halos matandaan ko ang detalye ng kanyang mukha kahit ilang segundo ko palang syang nakikita.
"Oh, look who's here?" boses iyon ng kaklase kong si Divine.
Simula ng araw ng pananakit nila sa akin ay naging mainit na ang mga mata nila sa bawat galaw ko. Tumunog ang takong ng kanyang sapatos nang magsimula itong maglakad at lagpasan ako.
She looked at the mirror. Ipinatong nya ang silver nyang bag sa sink at binuksan ito. Iniwas ko ang tingin sa kanya at maglalakad na sana palabas ng magsalita sya.
"Huwag mong masyadong tignan ng mataas ang sarili mo dahil lang naging partner mo si Kei ngayon." mahina nyang sabi.
Nang lingunin ko sya ay nakangiti sya sa akin habang iniikot ang kanyang lipstick.
"Pribilehiyo ba ang maging kasama nya ngayong gabi para isipin ko iyang sinasabi mo?" nagtaas ang kanyang kilay at kita ko ang pagti-tiim ng kanyang bagang.
Wala akong panahong makipag-ayaw. Nagsisimula nang sumama ang aking gabi kaya kung mamarapatin lang sana ay ayoko nang patulan pa itong si Divine.
We're in the same class. Hindi ko hiniling kahit na kailan ang maging kaibigan ang lahat ng aking magiging kaklase but I didn't want either na may maka-away ako ni isa sa kanila.
"Yes it is. Kung makikita mo lang ngayon kung paano pagtinginan ng mga tao si Eclaire dahil kasama nya si Kei ay baka bawiin mo iyang sinasabi mo."
Nagtangis ang ngipin ko. Eclaire? Naguluhan na ang isip ko.
"Huwag mo akong isama sa mga taong gusto ng atensyon, Divine. Hindi ko ginustong mapabilang sa mga katulad niyo." bumilis ang kanyang paghinga sa aking sinabi at naging matalim ang mga titig nya sa akin.
Tumalikod na ako at naglakad ng mabilis paalis doon. Bumigat ang aking dibdib. Para itong nadag-anan ng kung ano. Eclaire? Sino sya? Nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad.
Madilim ang paligid. Natigil na ang masayang kanta. Imbis na dumiretso ako sa aking upuan ay roon ako sa sulok tumayo. Isinandal ko ang aking likod sa malamig na pader habang nakikinig sa nagsasalitang guro sa aming harap.
"...And The King of the Night goes to Mr. Kei Hendricks." nagpalakpakan ang lahat.
Niyakap ko nalang ang aking sarili. Tumunog ang cellphone ko mula sa aking pouch.
From: Maxine
Chlo, san ka? King of the Night si Kei!
Hindi na ako nag-abalang mag-reply roon. Nakita ko. Tinitigan ko si Kei habang naglalakad sya papunta sa harap. He looks so fine. More than handsome than I expect him to be. Kung tatanda pa kami ng ilang taon, ano na kayang magiging itsura nya?
"The King will take the Queen for a dance." wika ng guro nang magawaran na si Kei bilang King. Napabuntong hininga nalang ako.
"Siguro ay Senior ang magiging Queen ngayong gabi." usapan ng lalake sa aking harap.
"Sa tingin ko ay Junior dahil marami ang magaganda ngayon sa mga Juniors. Nakita mo ba ang ilan sa kanila? Junior pa rin iyan sigurado." sagot ng kanyang kausap.
"And the Queen is Eclaire Vasseur!" tinapatan ng ilaw ang babaeng nagngangalang Eclaire.
Lahat kami ay napatingin doon. Tumayo mula sa kanyang silya ang babaeng kumausap kay Kei kanina. Kahit malayo ay nakita ko ang pagkagulat sa kanya. Niyuyogyog pa sya ng kanyang katabi para tumayo habang si Kei ay papalapit sa kanila.
I felt a little pain in my chest habang lumiliit ang distansya nilang dalawa. Sinabi ko kaninang makipag-sayaw sya sa iba, hindi ba? But why is it that it's too hard for me to watch it?
At bago pa man makalapit si Kei kay Eclaire ay umalis na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top