FIFTEEN
FIFTEEN
Maxine kept on texting me. Nagtipa lang ako ng mensahe noong nakasakay na ako sa aming sasakyan pauwi. Alam kong magagalit sya sa akin dahil hindi ako nagpaalam ng personal sa kanya but it's too hard for me to go back to our table.
Seconds after replying to her message, she immediately gave me a call. ("Just what the hell? You didn't tell me you're leaving.") she sounded pissed. Isinandal ko ang aking ulo sa likuran ng sasakyan at pumikit habang hawak ang aking cellphone sa kanan kong tainga.
"I'm sorry, Max. I don't feel really good kaya hindi na ako nakapag-paalam pa." pangangatwiran ko.
("Dapat ay sinabi mo sa akin nang sa gayon ay naihatid kita palabas.") bulalas nya sa kabilang linya. Medyo maingay ang paligid. Marahil ay nandoon pa sya sa loob at marami pa ring tao ang naiwan doon. ("And Kei's searching for you, kanina pa actually. I'll just tell him that you're already driving home.")
"Thanks, Max." ayoko na gaanong magtanong kung anong nangyari matapos kong umalis. Most probably, Kei and that girl Eclaire danced. Hindi ako pwedeng magkamali roon. "Sorry, Max but I need to hang up. Masama talaga ang pakiramdam ko. Babalik ako sa dorm Linggo ng gabi."
("Okay. Text me when you get home.") iyon ang huli naming pag-uusap nang maibaba ko ang tawag. Mabilis kaming nakauwi sa mansyon. Hindi gaanong traffic dahil masyado nang malalim ang gabi. Pagbaba ko ng sasakyan ay nagmadali akong makapunta sa aking kwarto. Sa kama ko ibinagsak ang aking sarili.
I looked back at the things that happened tonight. Memorable indeed. May maganda, mayroon din namang hindi. At the end of the day, something in me kinda feel lost. Malabo ang mga pangyayari, ang isip ko, ang bawat galaw na ginagawa ko. Why am I so affected with the things around me?
Magiging mahina ako kung patuloy akong magpapa-apekto sa mga taong nakapaligid sa akin. Their judgements would matter, their insights and their words could stab me in pain. We're hurting because we let their words matter.
Natulala ako habang nag-iisip hanggang sa may marinig akong katok mula sa aking pintuan. Tumayo ako at umayos ng kaunti para pagbuksan ang kumakatok.
"Miss? May naghahanap po sa inyo sa labas." bungad ng aming kasam-bahay. Is it Maxine? Hindi ba't nai-text ko na sya kanina na nakauwi na ako?
"Sige, saglit at baba na ako. Papuntahin mo si Max sa living room. Mag-aayos muna ako." napabuka saglit ang bibig ng babaeng kasam-bahay na parang hindi naintindihan ang sinabi ko. "Sabihin mong sa living room sya maghintay. Susunod ako." ulit ko.
"Ah opo." mabilis syang tumango at umalis na. Ano bang problema noon? Muli kong sinarado ang pinto at dumungaw saglit sa aking salamin. I still got the same hairstyle, hindi sumabog. Naging light ng kaunti ang make-up ko dahil na rin siguro sa tagal.
Nagpalit muna ako ng saplot sa paa. Iyon lang ang ginawa ko bago pumunta sa aming living room. "Andyan na ba si Maxine sa loob?" tanong ko roon sa katiwalang nakabantay sa labas ng pinto.
"Miss?" isa pa itong parang bingi rin. Mahihina ba ang pandinig ng mga tao rito sa mansyon?
"Wala. Paki dalhan kami ng pagkain." yumuko ito sa akin bago ako pinagbuksan ng pinto.
Nakaka-dalawang hakbang palang ako ng mamukhaan kong hindi si Maxine ang nakaupo sa pula naming upuan. Mabilis nyang iniangat ang kanyang ulo ng pumasok ako. Napahinto ako saglit bago nagpatuloy sa paglalakad.
Seeing him again tonight kinda sting. Hindi ko alam kung saang parte ng aking katawan ko iyon naramdaman ngunit alam kong may kung anong gumihit na sakit sa loob ko. Pinuno ko ng hangin ang aking baga at ibunga iyon ng mahina nang tuluyan akong makaupo sa kanyang harap.
"Anong ginagawa mo rito?" matalas ang mga mata kong nakatingin sa kanya while his eyes looked exhausted. Hindi ko madepina kung anong klaseng pagod ang mayroon sa mga mata'ng iyon.
"Bakit ka nawala?" tanong nya, magkahawak ang parehong mga kamay. He's leaning towards my direction. Nakapatong ang dalawang siko sa magkabilang tuhod. The light from the chandelier above helped me find the sadness in his face. I can see vividly his emotions. Kung dati ay hirap akong basahin sya ay ibang iba sa ngayon.
"Hindi ba't ikaw ang nawala sa ating dalawa? I'm with Maxine and Rey." may kung anong pait akong nalasahan ng bitawan ko ang mga salitang sinabi ko sa kanya. Be calm, Chloris. Hindi ba dapat ay huwag kang magpa-apekto sa iba? I'm just stating a fact.
"Inaya lang ako saglit ng mga kaklase ko, binalikan ko kayo ni Maxine ngunit hindi ka na nya kasama." napatingin ako sa ibang direksyon. Gusto kong matawa. Ilang minuto ba bago nya kami binalikan? Hindi ba nya napansin ang oras dahil masyado syang busy sa pakikipagtawanan kay Eclaire?
"Hindi mo naman ako responsibilidad, Kei. Kaya ko ang sarili ko. Uuwi rin ako kung anong oras ko man naisin. Bat ba hindi ka nalang magpaiwan sa mga kaklase mo? Hindi ba't mas masaya ka namang kasama sila?" nakipagtitigan ako sa kanya. Kahit inis ako ay nagawa ko pa ring hinaan ang boses ko.
"Kung mas masaya ako sa kanila ay sana hindi na kita inaya ngayong gabi." tugon nya na mas lalo kong kinainis.
"Stop playing with me, Kei. Alam nating dalawa na wala ka lang magawa kaya't lagi kang sumusunod sa akin. Natutuwa kang pinaglalaruan ako, hindi ba?" nakangiti kong sambit habang sya ay unti onti nang nagdidilim ang mukha. Napahinga ako ng marahas.
"Hindi ako aabot ng ganito katagal para lang maglaro dahil kahit kailan ay hindi kita tinignan bilang pampalipas oras lang para masiyahan ako na hindi ko naman natatamo."
Tatlong magkakasunod na katok ang nanggaling mula sa pinto bago iyon bumukas. Dumating ang ipinahanda kong pagkain. Maingat na ibinaba sa aming harap ang juice at tig-iisang slice ng pie. Hindi na ako makapag-salita pang muli. Parang may kung anong pumipigil sa akin para mailabas ko ang nararamdaman ko.
"Kung hindi ka na pala nasisiyahan ay tumigil ka na. There's no point in engaging yourself in a situation where all you could feel is sorrow."
And that is to let me go, right? He should let me go. Naikuyom ko ang aking mga kamay. Naging tahimik ang paligid hanggang sa maka-alis ang naghatid ng aming pagkain. Nabingi ako sa sariling sinabi. This is what I want, right? To be all alone?
"I don't see love as all happiness, Chloris. Tinignan ko iyon kapantay ang sakit. Kapantay ang lahat ng pagsa-sakripisyo at pag-intindi. I don't blame you for giving me sorrow, you're not even liable for this. But I just want you to let me... Atleast love you. Masakit na sa akin na hindi mo ako mahal pero hindi ko lubos kinakaya tuwing ipinagtatabuyan mo ako ng ganito dahil kahit nasasaktan ako sayo ay ikaw lang din ang kaligayahan ko."
Pumatak ang luha sa mga mata ko. Maagap ko iyong pinalis. Wala akong maisatinig na kahit anong salita. Ang alam ko lang ay nakikita ko sa aking harap si Kei na umiiyak.
"We're too young to be inlove, Kei. Lilipas ang panahon at mapapalitan ako r'yan sa puso mo. Don't invest in too much love on me dahil wala akong maibabalik sa iyo na kahit ano." pinunasan nya ang luha sa kanyang mukha.
"No one's too young for love, Chloris, that's what I believe. I've loved you enough today and I will love you more tomorrow and God knows, if there will be someone new in the future, I will still choose to love you 'til I die."
Umiling iling ako. He's not getting my point. Bata pa kami, maraming mangyayari sa hinaharap. I can't love today nor tomorrow. I don't even know how to love. Paano ako makapagbibigay ng pagmamahal sa ibang tao gayong ako mismo ay kahos din sa pagmamahal ng iba.
"I'm done, Kei. Huwag na tayong pumasok sa komplikadong bagay. Umuwi ka na at magpahinga." tumayo na ako. Masyadong mabigat ang pag-uusap na ito para magpatuloy pa.
"Hayaan mo akong mapagod. Pero hangga't kaya ko pa, sana pagbigyan mo muna ako. I can't let you go. Not yet." huli nyang saad habang lumalayo ako sa kanya.
Dumating ang araw kung saan kinailangan ko na namang bumalik ng dorm. Nakikita ko palang ang mataas na bakod ng aming paaralan ay nawawalan na ako ng gana. I must stay strong. Patapos na ang Junior Year namin, isang taon nalang at tutuntong na ako sa kolehiyo.
"Ano, nagkita ba kayo? Umalis agad iyon nung sinabi kong umuwi ka, eh. Sumunod ba sya sayo?" paulit ulit na tanong ni Maxine, Lunes nang magkita kaming muli.
"Pumunta sya sa amin. Nagka-usap kami, saglit lang at pinauwi ko rin agad." nawalan ng sigla ang mukha ni Maxine ng sabihin ko iyon sa kanya. Binuksan ko na ang textbook namin para makapag-basa basa ng kaunti since hindi pa naman pumapasok ang guro namin.
"Alam mo ba ang nangyari noong naging King of the Night sya?" wika nito.
"Wala akong balak malaman." pagtingin ko kay Maxine ay syang pagpasok ng guro sa aming silid. Isa isa na kaming nag-ayusan ng upo hanggang sa magsimula na ang klase. Nakinig nalang ako, ipinagpatuloy ang araw araw kong ginagawa tuwing may pasok.
"Bakit ang extra sungit mo ngayon?" tinusok ko ang maliit na bilog na kamatis sa aking salad ng tanungin sa akin iyon ni Maxine.
"Pagod lang." wika ko sa kanya. Tumingin ako sa mga estudyante sa loob ng aming cafeteria. My eyes stopped when I saw Eclaire holding a trey nearby. May kasama pa syang dalawang babae. Marahil ay hinihintay nya iyon makakuha ng kanilang makakain. "Max, you know Eclaire Vasseur?"
Out of nowhere na tanong ko. Hindi naman siguro masamang magtanong tungkol sa babaeng iyon diba? "Yung Queen of the Night?" tumango ako. Bukod sa sya ang Queen, ano pang mayroon sa kanya. Yes, it's given na maganda sya and all. Pero may kakaiba ba sa kanya? Hindi naman sya sikat sa school. Maraming maganda rito kaya hindi gaanong pinagtutuunan ng mga estudyante kung maganda ka ba o hindi para sumikat ka.
The only thing that Kei has is the billion dollar wealth from his family and the God like face that's why he's famous. "She's pretty. No wonder why she's been crowned as the Queen and Kei as the King."
Humagikgik si Maxine habang nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko. Anong tinatawa tawa nito? "Wala ka talagang ideya sa nangyari noong gabi?"
"May makabuluhan ba akong dapat na malaman?" tumango si Maxine sa akin at ngumuso. Uminom sya sa kanyang baso bago nagsalita.
"Si Kei ang King pero noong isasayaw na nya si Eclaire, imbis na dumiretso sa kanyang Queen para isayaw ito ay pumunta sya roon sa lalakeng kapartner ni Eclaire. Kei gave his crown to that guy and walked out. That's why I kept on texting you kung nasaan ka na dahil nababaliw na ang lalakeng iyon kakahanap sayo." Max giggled when she finished her story.
Hindi ako nakapagsalita. He did that?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top