ELEVEN

ELEVEN

Isang linggo ang lumipas. The students and even the teachers were excited for the Grand Ball. Nahahawaan na rin ako ni Maxine ng pagiging mainipin nya but good thing that one week went very smoothly.

I'm always keeping my eye on my gown. Ipinapakita sa akin ng designer through pictures on internet ang natapos nyang damit. Nagpa-request ako kay Mommy na gawan ako ng letter para makalabas ng school to look personally for my gown.

"I love how blue and black compliments each other. Ang ganda ng gown mo, Chlo. Sa akin naman ay light pink." wika ni Maxine ng hapon habang nag-aayos ako ng sarili sa aking kwarto.

Nakatingin sya sa picture na ipinakita ko sa kanya. The finished gown is amazing! Hindi na ako makapag-hintay na isukat iyon.

"I know yours is beautiful too kahit hindi ko pa iyon nakikita." komento ko sa kanya. Kinuha ko ang maliit na bagpack ko at isinukbit iyon sa aking balikat. "I'll be going, Max. Na-riyan na ata ang sasakyan namin sa ibaba."

Hinatid nya ako hanggang sa bukana ng aming dorm. Nasa baba na nga ang itim naming Hummer. Hinalikan ko na ang pisngi ni Maxine.

"Taas na ako." paalam nya.

Kumaway nalang ako at sinabing magte-text ako mamaya kapag nakauwi na ako. Tumango naman sya at umakyat na sa kanyang kwarto.

Lumapit na ako sa sasakyan at naghintay ng magbubukas sa akin rito ng lumapit sa kung saan si Kei.

Napalaki ang mata ko ng tignan sya. He opened the door for me bago nya inilipat ang tingin sa aking mukha. It seems like he's waiting for me to get in. Napakunot ako ng noo at nanatiling nakatayo roon.

"What are you doing here?"

Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso dahil sa pagsulpot nya rito ngayon. Kanina lang ay magkasama pa kami noong inihatid nya kami pauwi rito ni Max. Nagbihis lang ako saglit at pagbaba ko ay nandito na sya? How the hell did he do that?

"Get in. I saw your car over there. Nasiraan kayo ng gulong." may itinuro sya sa kung saan.

Hindi muna ako sumagot sa kanya at tinawagan ang driver namin. Ilang segundo lang ay sumagot na ito.

"Hello? Where's the car?" tanong ko sa mababang boses.

Sinamantala ko iyon para tanawin saglit si Kei. Malayo ang tingin nya habang nakapamulsa. Napakagat ako sa aking labi.

("Miss Chloris, nasiraan po kasi. Saglit lang po at aayusin namin. Pati ang extra'ng gulong ay butas din.") aniya.

"Gaano ho ba katagal iyan? Kailangan ay alas singko nandoon na ako para maisukat iyon at nang makauwi na bago mas alas siyete." hindi ko gustong magtaray.

Ang akin lang ay ayokong makisakay sa sasakyan ni Kei. Nahihiya ako.

There's something about him that makes me uncomfortable still. Kahit araw araw ay hinahatid nya kami ni Maxine sa dorm papauwi ay hindi rin naman ito gaanong nagsasalita kung hindi kakausapin ni Max. And as if kakausapin ko sya, no!

("Sorry Miss Chloris, bibilisan nalang po namin. Ipinadala na rin po namin ang limousine. Kalahating minuto siguro ang dating noon dito.")

"Limousine?!" hindi ako pupunta sa kung anong party para kailanganin ng gaanong kalaking sasakyan. Napahilot ako sa aking sentido. Bakit panay aberya ang nangyayari ngayon? "Paki-bilisan ang ayos sa Hummer. D'yan ako sasakay."

Ibinaba ko na ang tawag. Lumingon si Kei sa akin habang nakabukas pa rin ang pinto. Ako na ang nagsara sa kanilang sasakyan dahil sa tumatakas na lamig mula roon.

"Maaayos naman ata ang sasakyan namin. No need for a free ride."

Ngumiti ako sa kanya ng tipid. Tanging blangkong mukha lang ang iginawad nya sa akin. Bahala ka r'yan.

Gumilid ako saglit para hintayin ang sasakyan. Nagkunwari akong nagce-cellphone para mapunta sa iba ang pansin ko ngunit ang lalakeng ito ay tumabi rin sa akin. Anong gusto nya?

Binalewala ko ang presensya nya. I scrolled my newsfeed on twitter. Iba't ibang post ng mga ka-schoolmates ko ang nabasa ko roon. Karamihan ay tungkol sa Grand Ball.

Lumipas ang ilang minuto ng wala ni isang tawag ang dumating sa akin. Lagpas kalahating oras na at kahit anino ng Limo namin ay hindi ko rin nakita. Tatawagan ko na sana ang driver namin dahil sumasakit na ang paa ko kakatayo ng isang tawag ang dumating sa akin.

Tila lumiwanag ang mundo ko ng sinagot iyon. ("Hello, Miss Chloris?")

"Yes? Nasaan na ang sasakyan?" tanong ko.

("Mukhang matatagalan pa po dahil may traffic dito sa rutang dinaanan namin. Yung Hummer naman po ay walang makuhaan ng gulong. Pasensya na po Miss.")

Tinignan ko ang oras. Nakakainis naman! Bakit ngayon pa?

"Sige ho, huwag nyo na akong sunduin. Ako na hong bahala."

("Sigurado po ba kayo, Miss?")

"Yes. Bumalik nalang kayo sa mansyon. Ipahila nyo rin ang Hummer dito. Sabihin nyong sa susunod ay magdala ng maraming gulong." ibinaba ko na ang tawag. Huminga ako ng malalim at sunod sunod. You can do this, Chloris. "Kei, pahatid." para akong nasamid sa sariling sinabi.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Am I really asking him a favor? Pero willing naman syang magpasakay sa sasakyan nya diba?

"Sure. Anything for you." naglakad na kami patungo sa kanilang Hummer.

Binuksan nya ang pinto at inilahad ang kamay nya para maalalayan ako pasakay sa loob. Nagdalawang isip pa akong hawakan ang kamay nya pero dahil ayokong ipakitang apektado ako sa paglalapit ng balat namin ay pinaunlakan ko ang pagma-magandang loob nya.

Napahinga ulit ako ng malalim pagkapasok sa loob. He sat beside me. May dalawang naka-itim na body guard sa harap. Ang driver at isang katabi nito.

"Tara na, Martin." wika ni Kei at umandar na ang sasakyan.

We had the same car but the scent inside is really different from ours. May pagka-minty ang amoy ng loob ng sasakyan nila samantalang sa amin naman ay fruity.

"Akala ko ay sasakyan namin ito kaya lumapit ako rito. I didn't know that you also had a Hummer. Hindi ko kasi nakita ang plate number, I'm sorry." I said habang pinapanatiling kalmado ang sarili ko sa loob.

He looked at me. His right brow flicked. Napansin ko tuloy kung gaano kalalim ang mga mata nya. His foreign feature is very evident. Makinis ang maputi nyang mukha. Not the pale one. Iyong namumula kada naa-arawan ng husto.

"It's okay." pumalumbaba sya at tumingin na sa bintana.

Kei is a very serious person. Hindi naman nakakatakot lapitan sya. Ang nakakatakot lang ay iyong kapag nilapitan mo sya ay baka hindi ka nya kausapin.

Sometimes, it make me think twice kung talaga bang may gusto sya sa akin. It feels like when he's triggered, tsaka ko lang napapansin na may gusto nga sya. That he's serious with me.

Pumalumbaba na lang din ako at tumingin sa labas. If only I could handle both relationship and studies at the same time, may pag-asa kayang maging kami ni Kei ngayon?

Napailing ako sa aking iniisip. Ano ba itong pumapasok sa utak ko? Why would I even consider him as my boyfriend? Masyado pa akong bata. I mean, us. Bata pa kami! We shouldn't think about love for opposite gender at this age. Hindi iyon pinoproblema ng mga batang katulad namin.

"Andito na tayo." aniya.

Naputol ang pananaway ko sa aking sarili ng makita ang boutique ng aming designer sa labas. Lumabas ang isang body guard na nakaupo sa front seat at pinagbuksan kami ng pinto.

Naunang bumaba si Kei at sumunod ako. I checked the time, it's 5:42. Hindi gaanong masama. Bibilisan ko nalang ang pagsusukat para makaalis na kami agad.

Pagpasok ko sa shop ay bumungad agad sa akin ang assistant doon.

"Miss Chloris! Akala namin ay hindi ka na darating." wika nya at sinalubong ako. Itinabi nya saglit ang hawak na papel at inayos ang kanyang sarili. "Maupo ka rito. Hahanapin ko ang gown mo."

"Salamat po." naupo ako roon. Tinignan ko si Kei na nasa tabi ko lang. Bakit kasi pati sya ay lumabas? Hindi na tuloy surprise ang gown ko. "Doon ka nalang maghintay sa sasakyan. I don't want you to see my gown."

Tumingin ito at hindi nakatakas sa akin ang pag-nguso nya. "Titignan ko lang kung pasado ba ang isusuot mo."

"Hindi pwede! Hindi mo dapat iyon makita." pagra-rason ko.

"What if---"

"Stop with the what if's. Siguradong maayos ang isusuot ko. Ako mismo ang nag-design non at hindi ko naman pagmu-mukhaing kabastos bastos ang sarili ko." seryoso kong saad.

It's true. Tama lang ang pagkaka-cut ng damit na iyon. Kahit sa picture ko unang nakita ang gown ay sigurado akong natatakpan naman noon ang mga parte sa akin na dapat takpan ng mabuti.

"I'll just make sure."

"Kei!" saway ko sa kanya.

Napataas ng kaunti ang boses ko kaya wala nang sabi sabi syang tumayo at lumabas ng boutique. Napahinga ako at sakto ang paglabas ng assistant para ipakita sa akin ang natapos kong gown. Napangiti ako at lumapit na sa kanya para isukat iyon.

Tahimik kami ni Kei sa buong biyahe. Alam kong mali na napagtaasan ko sya ng boses pero kung hindi ko iyon ginawa ay magpupumilit pa rin syang tignan ang gown ko.

"I'm sorry, Kei." hingi ko ng paumanhin habang nakahinto ang sasakyan sa stop light. "And thank you sa pag-hatid sa akin doon." dugtong ko ng hindi ito kumikibo. "Hey..." hinawakan ko ang siko nya at hinila ito ng kaunti papunta sa akin. Bakit ayaw nya akong tignan? Is he that mad? "I said I'm sorry. Galit ka ba?"

Pinalis nya ang kamay ko sa kanyang siko. Nagulat ako sa ginawa nyang iyon. Pero bago pa ako makapagsalitang muli ay lumingon sya sa akin at mabilis na kinuha ang kamay ko.

Kumalabog ang puso ko at gulat na napatingin ako sa magkahawak naming kamay.

"I'm not mad at you, Chloris. Galit ako sa sarili ko dahil nagalit kita." napatigagal ako sa aking narinig.

Parang hindi ko iyon lubos na naintindihan agad.

"H-ha?" pakiramdam ko ay nag-iinit na naman ang mukha ko.

Nalilito rin ako kung anong dapat kong sabihin. Kahit hindi ko gustong pansinin ang paghawak nya sa kamay ko ay lubos ko iyong napapansin dahil sa lambot ng kanyang kamay.

He's not holding it firmly. Tama lang para kayanin kong makawala roon pero hindi ko ginawa.

Bakit hindi ko magawa?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction