Darkness
"People who don't have a heart are unworthy to live. They need to vanish at any cost."
- Killer
~~^*^~~
"Nakakatuwa talaga 'tong si Harry, panay kampanya na bata pa talaga sya. Isa pa, itong si Kyll, ang torpe."
Pinagmasdan ko lang si Summer na panay ngiti sa harap ng cellphone nya at nagsasalita pa ito.
Mayamaya pa tatawa na naman ito. Napapailing ako at nilipat ang tingin sa iba ko pang mga kaklase.
Tahimik ang mga lalaki, samantalang ang mga babae ay natutulog habang nakaupo.
Napansin kong kanina pa palakadlakad si Ara. Hindi ito mapakali. Lalapitan ko sana ngunit natigil ako at napatingin kay Summer. "Bwahahaha! Walang hiya itong si Lynne, porket creator e." Napataas ang kilay ko. Malala na ang kaibigan ko. "Isa pa 'tong si Grace e, hindi pinost yung nanalo sa GUESSING GAME namin. Isa syang malaking PAASA." Nakasimangot naman syang nagtytype sa phone nya.
Nilapitan ko sya at tinapik ang balikat. Gulat naman syang nag angat ng tingin sa akin. Nanlaki pa ang mga mata. May pahawak hawak pa sya sa ibabaw ng dibdib nya. "Jusko Kira! Kailangan talaga manggulat?" Tinaasan ko sya ng kilay, "Hindi kita ginulat. Hindi mo lang siguro ako namalayang lumapit sa'yo." Umupo ako sa tabi nya.
"Ang tahimik mo kayang lumapit." Sabay irap nya sa akin. "Anyway, anong kailangan mo?" Sabay baba ng phone nya. Napatingin ako doon. "I just want to check if you're still mentally well." She frowned that made me smile. "Ano bang pinagkaabalahan mo dyan?" Sabay turo ko dun sa phone nya. Inangat nya iyon at winagayway.
"Ah! Group chat. Nasali kasi ako sa group na University of Elements. Tapos may pa activity si Lynne, war game." Napataas ang kilay ko. War game? Sa group? Paano yun?
Mukhang nakuha nya naman ang nais kong itanong sa kanya kaya hindi pa lang ako nakapagtanong, nagsalita na sya.
"May away kasi between sa Dark Section, which is my section, at sa iba pang mga section. Yun ang activity na ginawa ng creator."
"Corny pala nyan."
Umirap sya, "Mas corny yung killer game kanina. Ang pangit ng ending." Nagtataka talaga ako kung bakit gustong gusto ng babaeng 'to ang suspense.
"You're weird." Yun lang ang sinabi ko at bumalik na sa upuan. Rinig ko pang sinabi nya na kalahati nalang daw ng battery life ang meron sa phone nya. Tapos nagkalkal na ito ng bag nya. Siguro naghahanap ng power bank.
"Kira." Mahinang sabi ni Ara habang papalapit ito sa akin. Hindi ito mapakali at parang kinakabahan pa.
Tumigil ako at hinayaan syang makalapit. "Kira." Nanginginig ang mga kamay nyang humawak sa balikat ko. Matagal syang nakatitig lang sa mukha ko. Hindi pa sana ito magsasalita hanggang sa magsalita ako. "Ano?"
Dahan dahang bumaba ang mga kamay nya at nanlumong napaupo sa upuan. Nilagay nito ang dalawang palad sa mukha. Nababaliw na ba ang isang 'to?
Muli nya ako tiningnan. Matinding emosyon ang nakikita ko sa mga mata nya. "Nababahala ako sa dalawa nating kaklase sa baba. Iniwan lang natin sya." Nag-aalalang sabi nito.
Lumipat kami dito sa 4th floor ng building. Napagdisisyunan ito ng lahat. Saktong may bukas pang klasrom dito. Siguro hindi ito nalock pa ng mga guards dahil hanggang ngayon umuulan pa rin. Mas lumakas nga na sinamahan pa ng malakas na hangin. Hindi rin papaawat ang malalaking tunog ng kulog. Para itong isang alulong ng mabangis na lion. Galit na galit.
"Kira. Hindi ko ata kayang magmukmok lamang dito." May luhang tumulo sa mga mata nya. "At ayaw kong may mangyari ulit sa iba pang mga kaklase namin." Muling sinubsob nito ang mukha sa mga palad nya.
Ang kilalang kong weirdong kaklase ay sya rin mismo ang may malawak na puso. Ramdam kong may paki-alam sya sa lahat ng nandidito. Hindi nga lang halata dahil palagi itong wala sa sarili at minsan lang ding nagsasalita. Makakausap naman ng matino. Napansin ko rin sa kanya na ang hilig nyang magmasid. Kaya siguro ito palaging tahimik.
"What now? Tatawag ka ng pulis?" Rinig kong boses ni Lays. Nilingon ko sya. Nakahilig sya sa hamba ng pintuan. "Saan ka galing?" Boses ni Alexa mula sa likuran ko. Tiningnan sya saglit ni Lays, "Sa labas lang." at muli itong tumingin kay Ara.
"Tatawag ka ba ng pulis?" Pag-uulit nya.
"Sinong tatawag ng pulis?" Lumapit si Bret sa pwesto namin. Nakatingin ito kay Lays tapos sa akin at bumaba ito kay Ara. "Ikaw Ara ang tatawag ng pulis?"
"Wala naman akong sinabing ganun." Mahinang sabi nito. Ako lang ba? Or talagang napansin kong nagpipigil sya. "Mabuti naman. Ayaw kong madamay dito. Aksidente lang iyong nangyari." Sabi nito sabay tumalikod.
"Tama. Kaya yan ang tandaan mo Ara, aksidente lang naman iyon. Wala tayong kinalaman dun. It's just, it happened, no one's at fault." Kibit balikat na sabi ni Alexa. Hindi man nito pinakita ang tunay nyang nararamdaman pero alam kong sinabi nya lang iyon para kumbinsihin ang dalaga na huwag ng ituloy ang iniisip nito.
Napahinga ako ng malalim.
No one's at fault.
Indeed. Walang may kasalanan.
Nakaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan. "Cr lang." Paalam ko sa kanila. Kinuha ko muna yung bag ko at lumabas.
Malamig na hangin ang sumalubong sa akin paglabas. Napayakap ako sa sarili ko. Naghanap ako ng malapit na cr. May bukas pa naman dito sa 4th floor. Kaya bakit sabi ni Ara kanina na sarado na lahat?
Pumasok ako sa isa sa mga cubicle doon at nagmunimuni. Hinayaan kong pasadahan ng tingin ang boung paligid. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti. Naalala ko kasi ang narinig ko kaninang sinabi ni Summer.
"Darkness may not always win but it can out shine the light. Even the brightest light."
Yun ang sinabi nya habang ngiting ngiti itong nakatingin sa phone nya.
Kung ano ano lang talaga ang mga pinagsasabi ng kaibigan kong iyon. Minsan nga di ko na makilala iyon.
Darkness..
Darkness..
Masarap pakinggan.
Kahit gaano kabait ng tao, may pagkakataon pa rin itong lamunin sya ng kadiliman.
Pagbalik ko sa klasrom ay nagkakagulo ang lahat. "Anong meron?" Tanong ko kay Summer dahil sya agad ang nakita ko.
"Nawawala sina Bernadette at Cindy."
"Ngunit paano?"
Nagkibit sya ng balikat. Paanong nawawala ang katawan nila? May gumalaw sa kanila at kinuha sila? Or buhay pa sila? Shit!
Hindi maganda 'to.
"Aaahhhhhh!!"
Lahat kami natahimik dahil sa matinis na sigaw ng babae mula sa labas.
**
Ehem, SHOUTOUT SA TAGA DARK SECTION ng taga University of Elements! HIHI.. :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top