Clue
"It is better to pretend that you know nothing. Pretending wouldn't hurt as long as you take control. "
- Killer
~~•*•~~
Pinaghalohalo ni John ang baraha pagkatapos nilagay nya ito sa gitna.
"Now you pick one. " seryosong sabi nya. "Wag nyong ipakita kahit kanino ang baraha nyo." Sabi pa nya matapos naming kumuha ng baraha. "Dahil anyone could be the killer. At baka katabi mo lang, at ikaw ang uunahin." Pagpapatuloy nya matapos nyang kunin ang pang huling baraha.
Dahil sa sinabi nya, nagkatinginan kaming lahat. Pareparehong kinakabahan.
Ewan ko ba pero bigla talaga akong kinabahan. This is just a game. No biggie.
Makalipas ang limang minuto wala pa ring namamatay. Lahat kami naiinip na. Itong katabi kong si Summer hindi na maitsura ang mukha.
"Nakakainis na ha? Bakit ang tagal kumilos nung killer! Ano? Naduduwag na ba sya?" Malakas nyang sigaw dahilan para maagaw nito ang atensyon ng lahat.
Lahat kasi sa amin ay parehong nagmamasid sa isa't isa. At kung sino man ang nakakuha ng Jack, panigurado mas doble ang pagbigay nya ng atensyon dito dahil bawat isa sa amin pwede maging killer. At syempre hindi nya palalampasin ang pagkakataong iyon. Ikaw ba naman ang maatasang manghuli ng kriminal.
"Chill. Wag kang atat dyan. Baka naman nag-isip pa ng stratehiya iyong killer. Alam mo na." Napangiti ako sa sinabi ni Jade. Ang lalaking palaging tahimik. Inirapan lang sya ni Summer.
"Alright, pag hindi pa rin lumabas ang killer, balik umpisa tayo." Naiinis na ding tugon ni Dylan. Ang lalaking chixboy. Napasimangot ako.
Hindi ba nila alam na baka nagmamasid lang sa kanilang lahat ang killer? At panigurado, sa oras na 'to alam na ng killer kung sino ang pulis. Makakahinga na sya ng maluwag dahil hindi na nya kailangan manghula pa kung sino ang pulis.
"I'm dead." Sabay lahad ni Bernadette ng card nya sa gitna. Nakasimangot ito at akmang mag angat sana ng tingin ng biglang magsalita si John. "Wag mo syang tingnan. Mahahalata sya ng pulis." Sabi nito sabay kuha ng baraha sa likod nya at nilagay sa gitna. "I'm dead."
Seriously, Queen has something to do in this game. Dapat may role din sya, manggagamot. Pero mas mapapatagal ang laro kung muling mabuhay ang mga patay. Dapat kapag patay na, patay na talaga.
"I'm dead." Ani Summer. "Jeez! I didn't see that coming. Ikaw lang pala." Dagdag nya sabay ngumiti ng nakakaloko.
"Ugrh! I'm dead." Medyo gigil na sabi ni Belen na may kasama pang irap. Parehas lang silang maarte nitong katabi ko.
"Haha! I know who the killer is." Natatawang sabi ni Cindy na nakatingin lang sa amin.
Napatingin kami sa kanya. "Sshh. You're ruining the mood Dy." Natatawang sabi ko sa kanya. "Yeah right. Shut up ka nalang girl." Segunda din ni Summer.
"Fine. Fine. Pero nakakatawa talaga kayo. Ang seseryoso nyo. Para namang totoong papatayin kayo." Parehas namin syang sinamaan ng tingin. Nag peace sign sya at tumikhim. "Aw, sorry na. Geh, ituloy nyo na yan."
Minsan talaga nakakaasar ang pagiging madaldal nya. Wala sa lugar e kung tutuusin mahinhin syang babae.
"Gosh. Patay na ako!" Sambit ni Alexa na may kasama pang panginginig ng kamay habang dahan dahan nitong binaba ang card nya sa gitna. Napangisi ako. Masyado naman syang seryoso.
"I'm dead, jeez! Ang tagal mong kumilos, alam mo yun?." Ani Dylan. Ang mainipin talaga nito.
"You've got to be kidding me. I'm dead." Ani Lays sabay hagis ng baraha nya sa gitna. Ang bakla talaga ng pangalan nya. Kabaliktaran sa katauhan nya. Isa syang athlete. At ang galing nyang athlete. He can also do extreme adventure. Grabe sya. Edi sya na.
"I'm dead." Sabi ko sabay labas ng baraha ko. Six of diamonds. My favourite card. Nilagay ko ito sa gitna.
"Damn! I thought? Uggh, now who the fvck is the killer?" Mahina lang pero narinig kong sabi ni Jade. Tinaasan ko sya ng kilay. I'm sure hindi ito narinig ng iba dahil busy na din ito sa pagbubulung bulungan at may kung ano anong sinisenyas.
Lima nalang ang natira. At sa limang iyon kilala ko na kung sino ang killer. Nagtagpo ang mga mata namin, naramdaman nya sigurong nakatitig ako sa kanya. Ngumiti sya. Nasa harapan nya lang ang baraha nya. Nakataob ito.
Mula dito sa pwesto ko, napapansin ko na may pinagkaiba ang baraha nya sa mga barahang nasa gitna. Medyo faded ang kulay nito. Ewan ko lang kung napansin ba iyon ng iba.
"I'm dead." Walang ganang sabi ni Ara. Ang weird nya talaga. Kanina pa sya hindi umimik at parang wala dito ang isipan. Ngayon balik tulala na naman sya sa mga barahang nasa gitna. Makakausap naman ng iba pero nanatili lang ang tingin nya doon sa baraha.
"Ayos! Apat nalang! That means, dalawang civilians nalang ang natira." Ani Trina.
"I'm dead." Nakangising sabi ni Dexter. Ang palaging nakangiti na akala mo e may topak.
Pero napatitig talaga ako doon sa baraha nya. Hinagis nya ito papunta sa gitna at tila parang slow motion itong papabagsak.
Tumahimik ang paligid at tanging ang buhos lang ng ulan ang nag-iingay. Lahat kami nakatingin sa barahang nasa ere pa rin.
Kasabay ng pagbagsak nito ang pagkulog ng malakas na may kasamang kidlat. Sumarado ang pinto pati na rin ang mga bintana.
Sabay sabay kaming napatingin doon ng marinig namin ang magkasunod na pabalang na pagsarado nito.
"Sh!t!"
Madilim na ang boung silid. Pero nanatili pa rin kaming lahat sa lapag.
"Ako na." Rinig kong sabi ni Cindy kasabay may napansin akong isang silhouette na naglakad patungo sa pinto.
"That was epic!" Rinig kong mahinang bulong ng katabi ko. Tinampal ko ang balikat nya. "What?" Pansin kong nilingon nya ako. "Don't act as if nagustuhan mo yun." Dahil kahit ako hindi ko nagustuhan iyon. Kakaiba ang nararamdaman ko.
"Tss. You're over thinking again. Tama na kasing pagbabasa ng mga mystery/thriller na mga stories. " naimagine ko pa ang pag-irap nya.
"I am not. Ayaw ko lang na-" pinutol nya ako. "Jeez! Seriously Kira, you really are weird. Why don't you enjoy what's happening?" Kung may mas weird man dito, ikaw iyon. Gusto ko sanang sabihin pero ayaw ko ng makipagtalo pa.
Sino naman kasing matinong tao ang mag enjoy kung may nangyaring ganito? Di ba?
"Tsk. Nasubrahan ka na talaga sa pagbabasa. Kung ano ano na ang imahinasyon mo e." Rinig ko pang sabi nya.
"Guys?" Hindi ko alam kung sino ang nagsalita dahil madilim pa rin.
"What?" Boses ni Jade iyon.
"Ang tagal naman ata ni Cindy." Sabi ulit nung boses kanina.
"Cindy!" Boses ni Dylan. Psh!
Ngunit wala kaming narinig na sumagot. May biglang gumalaw. Nasa bandang harapan ko iyon. Di ko kilala.
"I'll go check her." Si Bernadette pala. "Buti nga, baka nadulas na iyon." Rinig kong sabi din ni Alexa.
Muling kumulog ng malakas na may kasamang kidlat. Kasabay nun ang pagbukas ng pinto at pumasok ang napakalakas at malamig na hangin.
Muling kumidlat at saglit kong natanaw si Bernadette na papalapit na sa pintuan. Wala atang Cindy doon?
"Aahhh!!"
"Shit! Bernadette!"
Lahat kami napatayo dahil sa biglaang sigaw ng dalaga. Natataranta kaming lumapit sa pintuan.
Medyo madilim pa rin dahil na rin brownout at malakas pa ang ulan. At ang klasrom namin ay may katapat din na bakanteng klasrom.
"Oh my God! Cindy!" Sigaw ni Alexa.
"Jesus! Bernadette!" Sigaw din ni Jade.
Sabay silang sumigaw pero isa lang ang ibig sabihin nito.
"They're dead." Bulong ni Summer.
Kumidlat ng tatlong beses sakto lang na masilayan namin ang dalawang taong hindi na gumalaw.
Si Bernadette na nakahiga sa lapag na nakatirik ang dalawang mata. May nakasaksak na kutsilyo sa noo nya. Nakaipit doon ang isang baraha na may nakasulat gamit ang kulay pulang marker.
I'm dead.
Sa bandang bintana naman nakaupo si Cindy sa isang upuan na malapit lang sa bintana habang nakanganga at nanlaki ang mga mata. May tumulong dugo sa bibig nito.
May naglabas ng cellphone at inilawan ang dalaga.
Tumitili ang ibang babae nang makita ang kabuuang itsura nya. Hindi ko rin mapigilang mapasinghap sa nakita ko.
Nakasandal sya sa upuan. Ang dalawang dibdib nya ay may tumagos doong matulis na dalawang spear. Sa pagkakaalam ko ang spear ito na laging naka display sa first floor ng building na ito.
Sa hita nya nakalagay ang barahang natutuluan ng dugo mula sa bibig nya.
I'm dead.
Yun ang nakasulat. Katulad din kay Bernadette ang ginamit nito sa pagsusulat.
Kinuha ko iyon at tiningnan ang harapan. Six of diamonds.
I hate your guts. It annoys me.
Ang sabi doon sa sulat. Kumunot ang noo ko sa nabasa. Mabilis naman itong hinablot ni Summer.
Nilapitan ko rin iyong kay Bernadette. Sa lower portion ng baraha kung saan may konting space may nakasulat ulit doon.
You should only pretend you know nothing. But you're so stubborn.
"Pfft."
Napatingin ako sa likuran ko. Sinamaan ko ng tingin si Summer na nagpipigil ng tawa.
"Ano na naman?" Inosenteng tanong nya sa akin. "Aren't you happy? Mararanasan natin ang mga nararanasan ng mga karakter sa storyang nabasa mo." Nababaliw na ba ang babaeng ito? "Isn't it fun? Ito ang gusto ko, thrill." Binulong nya lang ang huling pahayag nya.
"You're too obvious Summer." Tanging sabi ko nalang saka tumayo.
Para kasing sa aming dalawa sya itong mas nasisiyahan sa mga nangyayari ngayon.
"Now, sino ang pumapatay?" Rinig kong tanong ni Jade.
"You're the cop. Why don't you find it yourself? " hindi ko mapigilang mainis dahil sa mga pinagsasabi ni Summer. Kaya naman medyo maldita ang pagkakasabi ko nun sa kanya.
Minsan talaga nakakainis na ang pagiging happy-go-lucky nya. Lahat nalang ng bagay ginagawang katuwaan.
Well, this isn't fun actually. It involves death. Dalawang kaklase namin ang namatay at wala kaming alam kung papaano nangyari iyon.
"Sa laro, oo. Pero dito hindi." Sagot ni Jade sa tanong ko.
"Kung totoo nga ito, sino ang pumapatay?" Sabi ni Nichole na kanina pa tahimik. Lahat kami napatingin sa kanya. Maliban nalang kay Jade at kay Geof.
"Ikaw." Sabay pa naming sabi. Napangiti ako.
"Sa game, oo. Pero dito hindi." Parehas lang nilang sabi ni Jade.
"Tss. Ikaw pala yun. Anyway, let's find a clue." Ani Jade?
"For what?" Ani Alexa.
"For this incident. I know this isn't just an accident. " pretending to be a cop huh?
"It is Jade. Tsk. Umuwi na nga tayo." Ani Bret.
"Yeah. At kung gusto mo talaga Jade, you go find it yourself. " ani Trina.
"Teka teka! Why don't you help me? Classmates natin sila. Ano ba kayo?" Medyo tumaas na ang boses nitong sabi.
"Nah. We don't want to get involve any of this." Ani John.
"B-but-" pinutol sya ni Dylan. "Dude, madali namang sabihin sa mga pulisya bukas kapag pinapatawag tayo na umuwi na tayo bago pa mangyari ito. And how would you fvcking explain this na hindi pag-isipan na suspect, huh?"
"Oo nga, tsaka wala naman talaga tayong kasalanan. Buti nga sa kanila." Ani Summer. Binulong nya ang panghuling pahayag nito kaya napatingin ako sa kanya. "What?" Hindi ako kumibo at umiling nalang.
"U-uhm guys. The gate is lock." Ani Ara na bigla bigla nalang lumitaw sa hamba ng pintuan.
"Paano mo naman nalaman?"
"Lumabas ako kanina para magcr sana kaso sarado na sa floor natin kaya bumaba nalang ako." Huminga muna sya ng malalim at muling nagsalita. "Wala ng tao sa baba. Sarado na lahat. Tayo nalang ang nandidito."
So baka pinauwi na ang mga estudyante dahil sa pangit na panahon nang hindi namin namamalayan dahil naglalaro kami.
"Alright, mag oovernight tayo dito?" Ani Alexa.
"Sounds good." Ani Summer.
"Yeah, but scary." Ani Trina habang tinitingnan ang kabuuan ng hallway mula sa bintana.
"We better find ways para makaalis dito. And Jade, stop insisting that clue thing. We need to get out of here before sunrise." Seryosong saad ni Lays.
I wonder kung sa anong paraan kami makakalabas dito nang hindi namamatay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top