Chapter 9: Trial Phase 2
Chapter 9: Trial Phase 2
Tomy
Noong ibinalitang wala na si April ay bigla kaming nanlumong lahat. Kahit na nasasanay na kami sa kalakaran dito sa park,hindi pa rin maiiwasan na makaramdam ng lungkot.
Sa ngayon ay na-distinguish ko na ang identity ng assasin. Isa itong lalaki, para sa’kin. Walang matinong killer na huhubaran muna ang biktima bago ito patayin.
Masyadong brutal ang ginawang pagpatay kay April at Evan. Masyadong sineseryoso ng mga killers ang laro. Hindi ko rin sila masisisi dahil ang pagpatay ang bubuhay sa kanila.
"Pagbibintangan mo pa ba 'ko?" Tanong ko kay Stacy ngunit inirapan niya lamang ako.
Umirap lang sa akin si Stacy, nag-benefit kaming dalawa kagabi dahil napatunayan niya na hindi ako ang killer at napatunayan ko rin na hindi siya ang killer.
Pagkapasok ko sa restaurant ay agad kong tinungo ang kusina. Mabuti na lamang ay nasusuportahan ng park na 'to ang mga daily needs naming, Pagkain, tubig, damit, at matutulugan. Kung tutuusin nga ay mas komportable pa rito ke'sa sa normal naming mga buhay. Kaso nga lang, ang lugar na ito ay isang impyerno at hindi mo alam kung kailan ka papatayin ng mga demonyo.
Pagkatingin ko sa kusina ay may tao na agad akong nakita rito. Si Terrence, "Oh Terrence good morning sa'yo." Pagbati ko sa kanya.
"Oh ikaw pala Tomy," Sabi niya at muling ibinalik ang atensyon sa kusina at parang may bagay siyang hinahanap.
"Anong hinahanap mo?"
“Hindi ko kasi makita yung mga kitchen knife rito, kahapon lang ginamit ko pa tapos ngayon wala na" Tumulong na ako sa paghahanap ngunit bigo nga kaming makita ito.
"Hayaan mo na lang 'yon mukhang hindi na na'tin makikita," Sabi ko sa kanya bilang pagsuko. "Pumunta na lang tayo mamaya sa mga shop dito. Panigurado namang may mga kutsilyo roon." Suhestiyon ko.
Nagtimpla lang ako ng chocolate drink sa umaga at kumuha ako ng dalawang pirasong sandwich.
Ilang minuto lang ay nagsidatingan na rin ang iba naming kasamahan dahil na rin magsisimula na ang trial phase. Ngayon ay isa na ito sa kinatatakutan kong oras dahil batid kong malaki ang tiyansa na ako ang iboto nila bilang isa sa mga killer dahil na rin sa mga pinagsasabi ni Stacy no'ng nakaraan.
"Nag-almusal ka na?" Pagtatanong sa akin ni Coby na kakapasok pa lamang ng restaurant. Matipid naman akong tumango sa kanya.
"Sana naman sa susunod na trial ay mahanap na natin kung sino ang killer, gusto ko nang umalis sa lugar na ito," Narinig kong sabi ni Jenny sa kabilang silya habang kausap nito ang mga kasamahan na sina Terrence, Jenny, Kim, at Nick.
"Mahuhulaan na'tin 'yan! Tiwala lang." Nakangiting sabi ni Terrence sa kanya.
Gusto kong sabihin na hangga't hindi kami nagkakaroon ng pagkakaisa, imposible ang bagay na gusto nila. Hindi makakalipad ang isang ibon kung isang pakpak lamang nito ang gagamitin. Hangga't may mga taong mapanlinlang sa aming grupo, mahihirapan kaming malaman ang killer.
Narinig namin ang pagtunog ng announcement at lahat ay napatigil sa aming ginagawa.
"Players please proceed to Trial court! Once again, please proceed to the trial court"
Umaasa ako na magiging matalino ang aking mga kasamahan sa pagkakataong ito. H'wag sana puro tenga ang paganahin nila at bibig na wala namang kalaman-laman ang sinasabi. Sana buksan nila ang mga utak nila.
***
Sa pagpasok ko sa trial court ay muli kong naramdaman ang kaba. Hindi naman maiiwasan sa aming lahat 'yon pero iba ang kaba na nararamdaman ko ngayon dahil maaaring this time, ako naman ang pagbintangan nila na pumatay kay April.
Feeling ko ay nanghuhula lang ang doctor sa kanyang ililigtas at nanghuhula lang din ang silencer sa kung sino ang kanyang patatahimikin. It's just a random guest, I think, pero sana ay gamitin nila sa maayos ang kanilang mga kakayahan dahil kung ako ang may ganoong kakayahan sa larong ito... Ililigtas ko ang mga karapat-dapat at hahayaang mamatay ang mga kahina-hinala.
“Day 2 trial start!”
"Guys tapusin na natin agad 'to. Ba't hindi nalang si Tomy ang piliin na'tin ngayong araw tutal naman isa rin naman siya sa mga kahina-hinala ang mga kinilos kahapon,” Sabi ni Bryan.
Hindi ako papayag na ma-agrabyado rito, Isang advantage ko sa larong ito ay ang paggamit ng utak ko bago ako magsalita.
"As you stated KAHAPON. Ibig sabihin tapos na and kaya kong patunayan na inosente ako, baka naman IKAW ang pumatay?" Sabi ko sa kanya at matalim siyang tinignan "Ako kahapon kahina-hinala ang aking kinilos. Ikaw sa ngayon, kahina-hinala rin," Tinapos ko ang sentence ko na may ngiti sa labi.
Masyadong mataas ang confidence level ko to the point na kaya kong baligtarin ang sitwasyon. Humans are easy to read when they show too much emotion, iyon ang nagiging dahilan upang mag-breakdown sila agad-agad.
Nabaling ang atensyon ng lahat kay Bryan. "Oo nga Bryan, kakasimula pa lang ng trial pero itinuro mo na ang iyong mga daliri kay Tomy," sabi ni Owen dahilan upang mas lalong pagpawisan si Bryan.
"Kasi kung ako ang magsisimula ng trial, sisimulan ko muna ito sa maliliit na details bago magturo. Sa trial na 'to, hindi puwede yung may masabi ka lang na killer. Kailangan ng valid reason bago ka magturo." Sabi ni Owen. Pansin ko na palabiro si Owen pero may utak naman pala 'to. Ina-analyze niya sa lahat ng anggulo ang bawat statement na parang isang Detective— Baka naman, nope! Naging O.A. lang ako sa pagre-react.
"Teka! Ang gusto ko lang naman ay matapos na agad 'to!" Pagtatanggol ni Bryan sa kanyang sarili. It's too late to hear that words dahil paniguradong sa mga oras na ito, nasa kanya na ang mga mata ng lahat.
Kung ako ang tatanungin ng mga taong umaangat ngayon sa laro— Iyon ay si Stacy, Ako, Phil, Owen, at si Raven na rin. Pero hindi ako sigurado kung isa sa kanila ay killer. But the way they analyze the situation... We’re on the same level.
"Stop kidding around guys, simulan na'tin sa killing weapon," Sabi ni Terrence. “ Hula ko lang ‘to, hindi kaya ang mga kitchen knife sa may restaurant ang ginamit para patayin si April? 'Diba kitchen knife ang nakita na'ting nakasaksak sa kanyang dibdib at ulo?" Tuloy-tuloy niyang sabi at napatango na lamang ako.
"Bale iikot lang sa tanong na SINO ang mga nakita niyong pumasok sa kitchen bago mag-gabi," Pagsasalita ni Stacy. "Mario, nakita kita na pumasok ka sa kitchen 'diba?"
Huminga ng malalim si Mario upang hindi siya mag-panic. "Oo pero nakita mo rin na sinundan ako ni Raven sa loob. Tsaka noong pumunta ako kagabi roon ay wala na talaga ang kitchen knife." Pagtatanggol ni Mario sa kanyang sarili.
Naging pasa-pasa lamang ang tanong sa kung sino-sino dahil karamihan sa amin ay pumasok sa kitchen upang kumuha ng makakain o kaya naman ay maghapunan.
Halos isang oras at labing limang minuto na ang lumilipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kaming lead sa kung sino ang pumatay kay April. Biglang tumunog ang speaker muli.
"Mukhang nahihirapan kayo this time, paano pa kaya sa mga susunod na araw? Here's the clue for you... One of the killer is a left hander."
Isang malaking clue ang ibinigay ni Amanda para sa amin. Ngayon ay mababawasan ang mga taong paghihinalaan namin. "Si Bryan left hander," Biglang nagsalita si Owen.
"Hindi lang naman ako ang nag-iisang left hander dito!" Sabi ni Bryan.
"At hindi ko rin naman sinabi na porke't left hander ka ay ikaw na ang killer. Nadulas ba?" Nakangising sabi sa kanya ni Owen. He have a real nice skills pagdating sa verbal fights dahil malaman ang bawat salitang kanyang sinasabi.
"Pero gano'n na rin ang sinasabi mo!" Sigaw ni Bryan.
"Nakita rin kita Bryan, pumasok ka sa kitchen dala mo ang kitchen knife," Sabi ni Chelsea.
"What the— Kaibigan ba kita Chelsea!?" Halos um-echo sa buong trial court ang boses ni Bryan at pilit pinagtatanggol ang kanyang sarili.
"Time's up! Isulat niyo na ang pangalan ng taong inyong pinaghihinalaan."
Sa sinabing iyon ni Amanda ay muling naging unanimous ang nangyaring botohan at lahat kami ay tanging si Bryan ang binoto samantalang siya ay si Owen ang kanyang ibinoto.
"Bryan Park you have 30 seconds to defend yourself!"
"Fuck guys! Gusto niyo bang maulit ang nangyari kay Ian? Gusto niyo bang pumatay kayo ng inosente?! Inosente ako at wala akong ginagawang mali! Trust me, if you let me live I will prove to all of you that I'm innocent!" Ramdam na ramdam namin ang tensyon sa bawat binibitawang salita ni Bryan.
"Times up!"
Ngayon ay nasa kamay na namin ang kapalaran ni Bryan. Inilagay siya sa silyang pinaglagyan ni Ian at muling nilagyan ng tali ang kanyang paa at kamay samantalang nilagyan naman ng tape ang kanyang bibig.
It's the same method again. We will press the green button if sa tingin namin ay guilty si Bryan samantalang red button naman if sa tingin namin ay inosente siya.
Isa ito sa pinaka-ayokong parte dahil nasa kamay namin ang kapalaran ng isang tao. It took me a couple of seconds bago ako nakapagdesisyon. Mas pinili ko ang red button— He said he want another chance so maybe I will give it to him.
~
Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (???)
5. Phil Hernandez (???)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (???)
8. Cedric Weaver (???)
9. June Blake(???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis(Innocent) [X]
12. Terrence Estrada(???)
13. Bryan Park(???)
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]
FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park(???)
2. Shane Rodriguez(???)
3. Jenny Ortiz(???)
4. Hannah Guttierrez(???)
5. Chelsea Summers(???)
6. April Morris(Innocent) [X]
7. Loren Martinez(???)
8. Stacy Wilkins(???)
9. Angel Dela Pena(???)
10. Kim Gomez(???)
11. Jessie Lopez(???)
12. Erica Hunter(???)
Survivors left: 23
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top