Chapter 8: Night 2

Chapter 8: Night 2
Tomy

No'ng unang araw pa lang ay sinubukan ko ng tanggalin ang mga takot sa mga kasamahan ko. I tried to help them. Gusto ko maging panatag kaming lahat sa isa't-isa pero ngayon ay napagtanto ko, imposible nga pala ang bagay na gusto ko, apat sa kasamahan namin ang paniguradong magsisinungaling at makikipagplastikan sa amin—Serial killer, Mafia, Assasin, and Traitor.

Katulad ng nangyari sa trial court, binigyan ni Stacy ng ibang kulay ang malinis kong intensyon. Nainis ako dahil muntik na akong madiin sa pagkamatay ni Evan and worst, muntik na akong mamatay!

“Pasensya ka na at hindi ka naming natulungan sa trial kanina,” Sabi ni Coby at kasama niya si Cedric. Silang dalawa lang ang malapit kong kaibigan dito sa laro.

"Ayos lang, ayoko rin naman kayong madamay," sabi ko. Ang hirap umakto na mabait.

"Malapit ng magsimula ang game guys, tara na lumabas na tayo at pumunta ng lobby para kakitain ang ibang players." Sabi ni Coby at lumabas kaming tatlo.

"Alam mo Tomy, 'wag mo na lang patulan ang mga sinasabi ni Stacy para makaiwas sa gulo," Paalala sa akin ni Cedric.

Masyadong mapanghusga ang tao at hindi sagot ang pananahimik sa problemang ginawa ni Stacy. Baka sabihin niya lang na kaya ako nanahimik ay guilty ako, mas mabuti ng ipaglaban ang karapatan ko dahil alam ko sa sarili ko... Wala akong ginagawang masama.

"Babawiin niya rin ang mga sinabi niya sa’kin,” Nakangiti kong sabi. Marahil ay hindi nila lubos maisip na papatulan ko ang kagaguhang ginawa ni Stacy.

Pumunta kami sa lobby at karamihan sa mga players ay nandoon na, umupo ako sa isang gilid at tumabi naman sa akin si Cedric at Coby, pansin ko ang mga kakaibang titig ng ilan sa aking mga kasamahan. Fuck! Kasalanan 'to ni Stacy.

Kung ako ang tatanungin, nasa samahan nina Raven ang pinaghihinalaan kong killer. Samantalang malaki ang chance na si Stacy ang detective. Magaling naman talaga si Stacy, magaling siyang mag-annalyze ng mga bagay at malakas ang pandinig niya sa mga kakaibang sinasabi ng aming kasamahan.

Ilang sandali pa ay nakumpleto na kaming lahat at dumating na si Stacy kasama ang kanyang mga kaibigan. Tinignan ako ni Stacy. "Why so angry?" Natatawa niyang sabi sa’kin. 

She's getting on my nerves right now. Kung isa sa mga batayan ng pagiging gentleman ng lalaki ang pananapak ng babae, baka sobrang gentleman ko na sa mata ni Stacy. Biglang may ingay kaming narinig sa may mga speaker na nakakabit sa dingding ng Lobby kaya naman nabaling ang atensyon namin dito.

"Players the game will start in 5 minutes, please leave the hotel immediately... The doctor and the nurse decided to save Angel tonight" 

Natuwa si Angel sa kanyang narinig dahil nasigurado niya na ligtas siya nung araw na iyon. Nakakainggit din maging doctor at nurse dahil sila ang mga taong may kakayahang magligtas ng buhay which is iyon ang gusto kong gawin para sa lahat.

Tumingin ako kay Coby at Cedric at parehas ko silang tinanguan. "Sige mga p're, mag-ingat kayo" Parehas naman silang ngumiti. Sa lugar naman kasi na 'to walang assurance kung makakarating ka pa hanggang huli. Ang magagawa mo lamang ay ang paglaban hanggang sa makakaya mo.

Palihim kong sinundan si Stacy, madali ko siyang nakikita dahil siya lang ang parang tanga na nagsuot ng Neon green na damit sa oras nang pagpatay. 

"Game start!”

 Pumasok si Stacy sa isang bookshop kaya naman sinundan ko ito. Sinundan ko ito ng dahan-dahan. "Lumabas ka na!" Sigaw ni Stacy at tumigil sa paglakad. "Alam kong sinusundan mo ako Tomy, aso ka ba?"

Lumabas ako sa aking pinagtataguan ko, napakaprangka ng babaeng ito. "Gusto kong patunayan sa'yo na hindi ako ang killer, kaya magtiis ka na magkasama tayo ngayon," Sabi ko sa kanya at nginitian ko siya.

"Aso ka nga talaga! Wala ka nang magagawa, alam kong idi-distract mo lang ako at hahayaan sa iba mong kasamahan ang pagpatay ngayong gabi." Sabi niya at umirap sa kanya. Naglakad siya at sinabayan ko siya sa paglalakad.

"Bakit mo ba pinagpipilitan na ako ang killer?" Tanong ko.

"Kasi iyon ang nase-sense ko! It's a girl instinct at wala kang alam do'n," Sabi niya sa akin habang naghahanap ng matataguan at sinusundan ko na lamang siya.

"Girl instinct?"

"'Pag gumagana na ang girls instinct namin, it's always right" Sabi niya sa akin.

"Girls instinct? Iyan lang ang basis mo sa mga paratang mo sa akin? You destroyed my reputation!” Inis kong sabi sa kanya pero sapat lang ang boses ko upang kaming dalawa lang ang magkarinigan.

"Kung sesermunan mo lang ako puwede ba bukas na lang?" Naiirita niyang sabi sa akin. Kahit ako naiirita sa kanya.

"Lumayo ka nga sa aking pange—" 
Agad kong tinakpan ang kanyang bibig at hinila siya papalapit sa akin nung may marinig akong ingay. Noong una ay nanlalaban pa siya pero nung narinig niya na rin ang mga ingay ay nanahimik din siya. Unti-unting  lumakas ang mga hakbang na narinig namin at mas lalo kaming sumiksik sa isang sulok ng bookshop.

Ilang sandali pa ay sumilay na sa amin ang hitsura ng taong may gawa na naririnig naming mga yabag ng paa—Galing ito kay Kim. 

"Oops! Sorry wala akong nakita!" Mabilis na naglakad palayo si Kim.

Kinagat ni Stacy ang aking kamay dahilan upang mabitawan ko siya. "Lumayo ka nga talaga sa'kin, minamanyak mo lang ako." Umirap siya at dire-diretsong naglakad.

***

Third Person

"Si Angel pa naman ang masarap na target dahil sa pagiging mahina niya," sabi ng Assasin habang kasabay niyang naglalakad ang Serial killer. "Teka nasaan ba si Mafia?"

"Naghahanap ng susunod nating target, pero kung babagal-bagal siya ay tayo na lang ang kumilos. May nakita na ako." Pagsasalita ni Serial killer. 

"Oh sure!"

"I will grabbed her attention and ikaw na ang bahala sa pagtapos," Sabi ni Serial killer at pabirong sumaludo naman si Assasin dito.

Sa saglit na panahon ay sinisigurado nila na perpekto ang kanilang ginagawang pagpatay at alam nilang malayo sa kanila ang radar ng mga kasamahan nila. Si Mafia ang ang taong gumagawa ng paraan upang maiwasan ang pagpunta ng mga tao sa lugar kung saan ginagawa ang pagpatay. Si Assasin naman at si Serial Killer ang nagtutulungan sa pagpatay ngunit si Serial killer din ang nag-iisip ng kanilang mga sunod na magiging target.

"Nakita ko na siya, nagtatago siya sa matataas na bushes ng park. Standby ka muna," Sabi ni Serial killer at um-oo na lang si Assasin.

Huminga ng malalim si Serial killer bago naglakad patungo sa direksyon ng kanilang target. Masama ang pumatay pero para mabuhay siya sa laro, kailangan niya itong gawin.

"April anong ginagawa mo d'yan? Delikado sa lugar na iyan," sabi ni Serial killer.

"Oh ikaw pala 'yan! Kinabahan naman ako sa biglaan mong pagsulpot" Natatawang sabi ni April. Umupo sa tabi niya ang serial killer. 

"April 'wag kang gagalaw may dumi ka sa ulo.” Sabi ng Serial killer at hinawakan ang buhok ni April. 

Ang kaninang hawak lang nito ay naging matinding sabunot at malakas niyang inumpog ang ulo ni April sa malaking tipak ng bato dahilan upang mawalan ng malay ang dalaga. Iyon lang kasi ang tanging paraan upang makagawa sila ng pagpatay ng walang makakarinig sa kanila.

"Kaya mo naman pala mag-isa." Sabi ng assassin.

"Ikaw na ang bahala d'yan ihahanap kita ng ruta na maaring daanan kapag napatay mo na 'yan." Sabi ng Serial killer at naglakad palayo.

Naiwan kay Assasin ang walang buhay na katawan ni April habang umaagos galing sa ulo nito ang isang malapot na dugo. "Pasensya na trabaho lang." Sabi niya. Ang una niyang ginawa ay tinanggalan ng saplot si April.

Kumuha siya ng isang pocket knife sa kanyang bulsa at sinulatan ang tiyan ni April ng ‘Killed by assassin.’

"Ayan may autograph ka na," Sabi niya.

"Eto ay para sa pagiging tanga mo," Sabi nito at ibinaon ang kitchen knife sa ulo ni April dahilan upang sumuka ito ng dugo.  Matapos bumaon ay hinugot niya ito at makailang ulit na sinaksak sa mukha si April at sa huli ay isinaksak niya muli ito sa ulo nito.

"Eto naman ay sa pagiging santa mo." Sabi niya at ibinaon ang kutsilyo sa kaliwang dibdib nito.

"Pasalamat ka at ganyan lang ang naging pagkamatay mo, favorite shirt ko kasi ang suot ko at ayaw kong matalsikan ito ng dugo," Sabi ng assassin at naglakad palayo.

Makailang minuto pa ay mabilis niyang nahugasan ang kanyang kamay at hinanda ang sarili sa isang matindi na namang pag-arte.

Narinig niya na ang ingay ng announcement na umalingawngaw sa buong parke. 

"Players it's a gameover for April Morris! April Morris Identity is— Innocent!"

“Mali na naman.” Sabi ng assassin matapos hugasan ang kanyang kamay.

"Pinili ng Silencer si Phil Hernandez upang h'wag magsalita sa buong Trial phase bukas. Once again napili ng silencer si Phil Hernandez!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top