Chapter 7: Judgment Phase 1
Chapter 7: Judgment Phase 1
Raven
Bago kami lumabas ng silid ay pinaalalahanan kami ni Amanda na bawal naming ipagsabi ang mga boto namin. Nandito kami ngayon sa restaurant habang naiwan si Ian doon sa may trial cour. Nasa kamay namin ang buhay ni Ian.
"Bakit mo pinagpipilitan na ako ang killer, ha?" Napalingon kaming lahat sa pagsigaw ni Tomy habang nakatayo sa harap ni Stacy.
Nakaupo lang si Stacy at umiinom ng ice tea. “Bakit? It’s a trial after all. It’s just an honest opinion.”
"You fucking getting on my nerves now—"
"Tumigil na nga kayo! Parehas kayong nagiging immature," Sabi ni Mario st pumagitna sa
dalawa. "Halika na Tomy kumain ka na lang muna." Sabi ni Mario at hinatak si Tomy patungo sa kusina.
“Kung hindi sinabi ni Owen na kahina-hinala si Ian ay baka si Tomy ang ibinoto ko,” Sabi ni Caleb.
“Hindi ko nga alam kung makakatagal ako sa lugar na ito, Sana malaman na ang mga killers para makaalis na tayo,” Dinadaan lang ni Bryan sa biro pero alam kong seryoso ang kanyang sinasabi.
Sino ba namang matinong tao na matutuwa sa ganitong sitwasyon, nakikisama kami sa lahat pero may chance na pala yung killer ang kasama namin. Ngayon ay nagsisisi na ako kung bakit ako naniwala sa mga mabulaklak na salita ni Amanda. Hindi ko gustong kitain ang pera sa ganitong paraan, hindi ko gustong makaahon sa hirap kung may mga taong namamatay.
Ginamit ko ang oras na 'to upang kausapin si Phil na kasalukuyang mag-isang kumakain. Mas gusto niyang nag-iisa at wala rin siyang sinasamahan.
"Ang galing nang ginawa mo kanina Phil." Pagpuri ko sa kanya. Kung hindi nila sinubukan ni Jessie na patahimikin si Stacy at Tomy ay baka mas nalayo pa kami sa taong napagbintangan.
"Ayokong masayang ang oras na'tin sa walang katuturan na bagay, kahit naman kasi papaano ay magkakakampi tayo rito and we have the same goal, ang makalabas sa lugar na ito," Paliwanag niya.
Inubos namin ang aming mga oras sa pagsakay sa mga rides at paglalaro sa mga booths. Ngayon pa lang ay nami-miss ko na ang normal kong buhay kung saan pumapasok ako sa paaralan, magtitinda ng kakanin, at mag-aaligaga sa paghahanap ng pera upang magkaroon ako nang pambaon sa mga susunod na araw.
Sa isang araw ko rito ay parang naibibigay ng park na 'to ang mga material needs ko. Malambot na kama at masasarap na pagkain pero kahit gano'n ay hindi ko magawang maging masaya. Hindi ito ang gusto kong maging sagot sa patapon kong buhay.
“Players! It's Judgment time for Ian Curtis! Please proceed to the trial court. Once again please proceed to the trial court!"
Naputol ang aming pagsasaya ng mga oras na ito, malalaman na namin ang kapalaran ni Ian. Aminado akong pinindot ko ang green button pero you can't blame me! He really acts weird that time.
"Paano guys kung hindi pala si Ian ang killer then namatay siya sa mga oras na 'yan? Matatawag na ba natin ang ating mga sarili na mamamatay tao?" Sabi sa amin ni Crystal. Alam kong isang tanong ito pero parang sampal na rin para sa'kin or maybe para sa amin ito.
Sa pagpindot ko ng green button kay Ian ay hindi na rin ako nalalayo sa isang mamamatay tao.
"This is a survival game, Crystal, may mawawala talaga. Hindi ka mamamatay sa ganoong paraan, you're just playing the game. Kung hindi na'tin gagawin 'yon ay hindi natin malalaman ang mga killers.” Kahit na ano pang gawing paliwanag ni Caleb. Tama naman talaga si Crystal.
Nakarating kami sa trial court. Puro pawis na ang katawan ni Ian at mugto na ang mata nito dahil sa kakaiyak. Marahil ay kinakabahan na siya kung ano ang kanyang magiging kapalaran.
"Players Sasabihin ko na ngayon ang resulta ng naging pagboto..." Biglang nag-appear sa isang screen si Amanda.
"Angel voted no"
"Cedric voted Yes"
"April voted no"
"Bryan voted Yes"
"Stacy voted Yes"
"Hannah voted No"
"Erica voted No"
"Chelsea voted No"
"Tomy voted Yes"
"Raven voted Yes"
"Nick voted Yes"
"Jessie voted Yes"
"Jenny voted No"
"Loren voted No"
"Kim voted No"
"Coby voted Yes"
"Terrence voted Yes"
"June voted No"
"Crystal voted No"
"Phil voted Yes"
"Mario voted Yes"
"Caleb voted No"
"Shaine voted Yes"
“Owen voted Yes”
"11 people say no while 13 people say yes!" Pagkasabi no'n ni Amanda ay may narinig kami na isang malakas na putok ng baril. Nabaling ang atensyon namin kung saan nanggagaling ang ingay. Nakita na namin si Ian, nakayuko ito habang umaagos ang dugo mula sa kanyang ulo. Tagusan ang bala sa kanyang ulo. Ito ang unang pagkakataon na makita ng taong namatay.
Malakas na sumigaw ang ilan. Hindi ako katulad ng iba na aarte na naaawa kay Ian pero ang totoo, isa din naman sila sa mga taong mas pinili na mamatay si Ian. Ngayon ay masasabi kong karapat-dapat na ako sa larong ito. Sa simpleng pagpindot ko ng berdeng buton... Hindi na rin ako nalalayo sa serial killer, Assasin , o Mafia.
“It’s a game over for Ian Curtis! His game identity is… innocent.”
Fuck. We killed the wrong person.
~
Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (???)
5. Phil Hernandez (???)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (???)
8. Cedric Weaver (???)
9. June Blake(???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis(Innocent) [X]
12. Terrence Estrada(???)
13. Bryan Park(???)
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]
FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park(???)
2. Shane Rodriguez(???)
3. Jenny Ortiz(???)
4. Hannah Guttierrez(???)
5. Chelsea Summers(???)
6. April Morris(???)
7. Loren Martinez(???)
8. Stacy Wilkins(???)
9. Angel Dela Pena(???)
10. Kim Gomez(???)
11. Jessie Lopez(???)
12. Erica Hunter(???)
Survivors left: 24
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top