Chapter 40: The Escape

Chapter 40: The Escape
Raven

Ilang beses kong narinig ang mga pagsabog, mamamatay na ba ako? Dito na ba magtatapos ang buhay ko? Hindi ko alam kung anong magiging kapalaran ng buhay ko, ng mga buhay namin.

Naloko lang ba kami?

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata, no'ng una ay nahirapan pa itong mag-adjust pero maya-maya pa'y unti-unti na itong lumiwanag. Puro puti ang nakikita ko.

Kinusot ko ang aking mata ng may bigla akong lalaki na nakita na pumasok ng kwarto. Noong nakita niya na may malay ako ay "Doc! Doc! Gising na ang subject number eight!"

Napakaraming wire ang nakadikit sa katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito, wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Nasa isang ospital ba ako? Paano ako nakalabas sa lugar na iyon?

Hindi ko ginawang pakialaman ang mga nakakabit sa akin dahil baka kapag ginawa ko ay bigla akong mamamatay. Para akong bata sa lugar na ito, wala akong magawa.

Sumagi sa isip ko ang mga kasamahan ko, kumusta na kaya sila? Buhay rin ba sila? Nakaalis din ba sila sa Theme park na iyon?
Muling pumasok ang lalaki kanina, nakasuot siya ng lab gown at naglakad tungo sa direksyon ko. "K-kuya, ako lang ba ang nailabas niyo sa theme park? Nasaan ang iba kong kasamahan?" Ang dami kong gustong itanong sa lalaking ito, pero ni-isa ay wala siyang sinagot.

Maigi niyang tinanggal ang mga nakakakabit sa akin. "Discharge na ba ako doc? Hindi ba ako mamamatay kapag tinanggal mo iyan?"

Hindi maiwasan ng mga luha ko na isa-isang pumatak. Nakalabas ako. Nagawa ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rina ko makapaniwala, pero hindi pa rin nawawala ang takot sa akin.

Inalalayan niya akong makatayo "Dahan-dahan lang," Sabi niya sa akin. "Masuwerte ka bata dahil nakaligtas ka."

Inaapak ko ang paa ko sa lupa. Sa unang pagtayo ko ay muntik pa akong matumba, parang matagal-tagal ko ring hindi nai-apak ang paa ko sa lupa. "Dahan-dahan lang. Kailangan mo nang makaalis dito."

Hawak-hawak ng lalaki ang kamay ko habang naglalakad. Lumabas ako ng kwarto ko at puro puti ang nakikita ko. Maraming tao ang naglalakad sa pasilyo at marami sa kanila ay naka-lab gown. "Buhay ako, nakaalis ako."

"Makinig ka Raven, dadalhin kita sa mga kasamahan mo. Matagal ka na nilang gustong makita... Ang haba ng iyong naging tulog." Wika niya sa akin.

Dinala niya ako sa isang silid. Silid na hindi ko inaasahan ang makikita ko. "RAVEN!" Sigaw ni Crystal at agad na yumakap sa akin. "Gising ka na Raven, gising ka na!" May mga tubig ako na naramdaman sa balikat ko dahil siguro sa mga luha galing kay Crystal.

Nanatili pa rin akong nakatayo at hindi makapaniwala sa nakikita ko. "P-paanong... Buhay kayong lahat?"

Pinagmasdan ko ang kanilang mga mukha, mula kay Evan hanggang sa huling namatay na si Hannah.

"Ganyan din ang naging ekspresyon ko Raven nung nakita sila." Sabi ni Mario ng makalapit sa akin.

"Teka, sigurado kayo? hindi ako patay?" Naiiyak kong sabi. Yung mga taong nakasama ko sa loob ng parke, nandito, kasama ko lahat. Naguguluhan man ako ay wala namang mapaglagyan ang tuwang nararamdaman ko dahil buhay sila.

"Kumusta Raven? Ang tagal nang naging tulog mo." Naglalakad si Owen na lumapit sa akin. Hindi ko maiwasan na manlaki ang aking mata, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakahingi ng tawad mula nung mawala siya sa laro.

"O-Owen!" Napayakap ako sa kanya, ang tagal kong hindi nakita ang taong ito. "Sorry, sorry. Dahil sa akin ay namatay ka."

"Buhay ako, Raven, pero salamat na rin dahil nawala agad ako sa laro. Ang daming oras ang napunta sa akin para pag-aralan ang lugar na ito. Hinintay lang namin ang paggising mo, mamaya ay tatakas na tayo rito." Mahinang bulong niya sa tenga ko.

Biglang may pumasok na isang tao sa loob ng silid. Agad akong hinatak ni Mario at Owen at nagkumpulan kaming lahat sa iisang sulok. Para kaming takot na kabataan no'ng makaharap namin siya—Si Jessie o mas karapat-dapat na sabihin na si Amanda.

"Oh my dear friends, gising na pala kayong lahat. May reunion palang nagaganap dito pero hindi ako na-inform," Nakangiti niyang sabi sa amin. Nakasuot siya ng lab gown, pero parang lalaki pa rin siyang kumilos dahil sa pagiging lesbian niya.

"Hindi ba kayo natuwang laruin ang laro ko?" Nakangiti niyang sabi sa amin. "Matagal na preperasyon ang ginawa ko roon para makagawa ng isang perpektong laro na parang dadalhin ka sa impyerno."

Hindi ko alam ang nangyayari. Wala akong maintindihan kahit isa. "A-anong ibig mong sabihin?" Ako na ang naglakas loob na magsalita.

"Wala kang naiintindihan? Poor boy," Umupo siya sa isang swivel chair at pinaikot iyon ng isang beses. "Tutal tapos na ang laro. Ano ba ang gusto niyong malaman?"

"Paanong nangyaring buhay pa kami?" Natatakot na sabi ni Chelsea.

"Computer age na tayo. Dito sa panahong ito ay nagsisimula ang karera tungo sa magagandang uri o produkto na magagawa gamit ang teknolohiya." Sabi ni Jessie. "Gaya nga nang lagi kong sinasabi sa inyo, isang laro lamang ang lahat ng ito. Isang taon ang preperasyon namin para sa larong ito. Ako at ang mga pinakamagagaling na siyentipiko at I.T. Professionals ay nag-program ng isang laro na makatotohanan."

"Pero paano kami nasali rito!?" Sigaw ni June. Mukhang kahit sila ay wala pang alam sa mga nangyayari kahit mas una silang nagising sa akin.

"Naaalala mo pa ang mga pinapirmahan ko sa inyo? Of course hindi lang ako basta-basta namili ng magiging players sa larong ito. Pinili namin ang mga taong may mabibigat na problema sa buhay. The purpose of this game is to bring you to hell... literally. Kayo kasi ang mga taong fragile, anytime pwedeng mabasag and anytime pwede kayong magkaroon ng mental breakdown. Kaunting tulak lang sa inyo ay mabilis kayong mapapapayag na sumali sa larong ito, hindi pala Laro ang tamang term— Experimentation!" Sabi niya sa amin.

"Isa itong malaking proyekto na kinasasangkutan ng maraming Non-Government Organizations. Maraming mga I.T. Professionals, Scientist, at programmers ang lumahok sa proyektong ito. Isa itong malaking proyekto na ginagawa sa Pilipinas. It's a game development, o mas kilala niyo ngayon bilang Killer Game," Pagpapatuloy ni Jessie. Wala siyang detalyeng iniiwan sa kanyang pagpapaliwanag pero kahit gano'n ay hindi pa rin nawawala ang takot ko sa kanya.

"May isa akong tanong Jessi— Amanda," Sabi ni Hannah. Isa sa malapit na kaibigan ni Jessie si Hannah kaya siguro hindi siya natatakot na magtanong dito. "Bakit ang mga kalendaryo rito ay 2019 samantalang 2018 pa lang."

"Because it's already 2019, bitch! Matapos niyong pirmahan ang papel na ibinigay sa inyo ni Linda noong 2018, agad namin kayong kinuha mula sa mga magulang niyo. Kusa naman kayong sumama." Sabi niya.

Pero wala akong maalala na sumama ako sa mga plano niya. Wala akong maalala na pumunta siya sa bahay namin para lang kuhanin ako.

"Hindi niyo maalala? Kasi binura namin ang alala niyo for the past one year," Ikinagulat naming lahat iyon. "Sabi ko naman sa inyo, isang taon ang preperasyon namin para gawin ang larong ito, oh scratch that. Halos limang taon namin pinrogram ang laro samantalang isang taon naman namin kayo pinag-aralan... Kasama na ako ro'n,"

"Bago pa man tayo mapunta sa lugar na iyon ay isang taon tayong magkakasama. Kaya kung may nakita kayong mga litrato na magkakasama tayo. It’s all real, too bad, dahil hindi niyo nga lang naaalala. Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang bawat galaw natin. Some Psychologist and Psychiatrist helps too, pinag-aralan nila ang pag-uugali natin. Ang mga programmer naman ang nagko-construct ng data ng personality natin at iyon ang ginamit sa laro. Mula kilos, pananalita, akto, sudden reaction, mannerism, habits, body built, dark past, physical appearance ay pinag-aralan nila. Sumatutal, naging lab rats kayo sa loob ng isang taon, hanggang ngayon," Mahabang litana ni Jessie. Ngayon ay unti-unti ko ng naiintindihan ang lahat.

"Bago kayo isalang sa actual start ng game ay binura nila ang alaala niyo, binura nila ang lahat ng alaala niyo mula nung pinag-aralan nila kayo. Kaya nung nagising kayo sa laro, akala niyo ay dinukot kayo," Nakangiti niyang sabi. "So basically, kapag namatay ka sa laro ay magigising ka sa totoong buhay. Kung tatanungin niyo ako kung bakit ramdam niyo ang sakit kapag pinapatay kayo samantalang game lang 'yon. Pinag-aralan din 'yan... Wala na ngayon ang imposible sa siyensya."

"Kung matagal kaming natutulog. Paano kami kumakain? Hindi ba't mahaba ang naging pagtulog namin?" Sabi ni Crystal.
"Nasogastric Tube. Pinapadaan nila sa ilong ang mga pagkain gamit ang isang tube. Sabi ko nga sa inyo maraming lumahok sa proyektong ito."

"Bakit? Anong purpose ng larong 'to?" Pagtatanong ni Tomy.

"To scare people. Balak naming gumawa ng isang virtual world na punong-puno ng hinagpis at sakit. We wanted to create an evil world. Gusto naming gumawa ng impyerno, walang apoy at walang mga taong may sungay at buntot. It’s all people death experiences for multiple times. Gusto naming palitan ang walang kwentang mundo na ito."

"That's it? Hindi ba't parang ang babaw ng rason niyo?" Tanong ni Tomy.

"Oh come on! Alam kong itong mundo ang gusto niyong maranasan. It’s the thrill na hinahanap niyo sa buhay. Parati niyong sinasabi na walang kwenta ang mundong ito, you feel vulnerable? Binigay lang namin ang mundo na gusto niyong kalagyan!" Nakangiting sabi ni Jessie.

"Jessie hindi ko alam kung tao ka ba sa mga pinaniniwalaan mong iyan. Pero eto ang sasabihin ko sa'yo Jessie, walang tao ang gustong mapunta sa mundo na puno ng hinagpis. Oo may mga problema kami sa buhay, pero hindi ibig sabihin nito ay gusto namin ang sinasabi mong mundo. I would rather live here, ke'sa sa mundo mong sinasabi na kayong matatalino lang ang nakakaintindi," Matalim na titig ni Stacy habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon.

"Dapat na ba akong kabahan dahil sa mga sinabi mo Stacy? This game will soon invades the whole world, ipina-finalize na lang namin ang mga huling data na nakalap namin mula sa inyo. The whole world will know about this, hindi man kami ang maging presidente ng bansa, we can be the ruler of our own virtual world. Sa mundo kung saan ako lang ang nasusunod. Sa mundo kung saan kalungkutan at paghihinaginagpis lang ang nararamdaman, iyon ang gusto kong mundo." Nakangiting parang demonyo si Amanda. May binukas siya sa projector at doon nakalagay ang mga litrato namin at sa baba no'n ang game role namin.

Si Mario pala ang Silencer. Actually hindi ko naman kailangan malaman ang identity ng silencer dahil kahit matalo o manalo kami, makakaligtas ang silencer. Ang goal lang naman niya ay huwag mamatay sa laro.

"You know what, your heartless." Sabi ni Coby. "Yes I’ll admit it, I have problems in life. Pero hindi ako gano'ng kabaliw para gawin ang bagay na gusto mo. You can be the ruler of your fucking virtual world, pero ang Diyos ang nagpapatakbo ng totoong mundo. Ginawa ng Diyos ang buhay ng tao ng maraming ups and downs, he just challenge us. Sa tingin mo ba malakas ka dahil sa ginagawa mo?" Seryosong sabi ni Coby.

"Oo!"

"Haha! 'Wag mo kong patawanin," Matalim niyang tinitigan si Jessie, "You're the weakest person that I'd ever met. Isa kang duwag, tinatakbuhan mo ang mga problema mo sa buhay gamit ang mundong sinasabi mo? Kung na-reincarnate lang si Satan, sa tingin ko nasa katawan mo siya, magsama kayo ng virtual world mo... It's for the weakest people anyway.” Ako ang kinakabahan sa mga sinasabi ni Coby, Ang matalim niyang dila ang maaaring magpahamak sa amin.

"Too bad, hindi ako apektado. Kayong lahat ng nandito ay habang buhay makukulong sa lugar na ito. You will be lab rats forever!" Sabi ni Jessie habang tinitignan ang kanyang kuko. "Balang-araw ay yayakapin ng lahat ng tao sa mundo ang mundong nais ko."

"Hindi mo kasi alam ang pakiramdam kung paano maghirap Jessie. Hindi mo alam ang hirap ng pinagdaanan ng bawat isa sa'min. It's easy for you to say that we are lab rats, a tool for an experimentation. Hindi ka ba naaawa? Ang mga taong pinaglalaruan mo ngayon, tinatanggalan mo sila ng karapatang mabuhay." Umiiyak na sabi ni Loren.

"Isang taong tayong magkakasama? Siguro ay naging malalim ang pagkakaibigan nating lahat," Biglang nagsalita si Shane at ngumiti siya kay Amanda. "Naiintindihan ko si Jessie, pero hindi ko naiintindihan si Amanda."

"Oras na." Bulong ni Owen. "Tumakbo ka sa pinto pagbilang ko ng tatlo."

"Pero paniguradong mapapatay tayo ni Jessie." Mahina kong bulong.

"Magtiwala ka sa akin, habang nakikipaglaban ka sa parkeng iyon ay nakikipaglaban ako sa lugar na ito. We're still a partner right?" Tumango ako sa sinabi niya. "Then trust me."

"Alam mo Amanda, you're pretty smart, but I'm fucking smarter than you" Tumingin si Owen sa kanyang orasan. "Oh siguro sa mga oras na 'to ay nagsisimula ng maubos lahat ng files at data tungkol sa vitual world mong sinasabi."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ka pa nasanay sa mga biglaang pagkilos ko, Jessie? Naglagay ako ng virus sa mga computer na ginagamit niyo. Sa tingin ko ay wala kayong ibang copy nito kasi masyadong malaki ang file nito at hindi magkakasya sa mga flashdrive. Too bad, yung limang taon mong pinaghirapan, Limang oras lang sisirain ng virus ko."

"Hindi totoo 'yan!"

"Siguro ngayon ay nagpa-panic na ang mga scientist mo kung paano nila mapipigilan ang virus na 'yon," Sabi ni Owen. "Walang ibang tao ang makakaranas ng mundo mo. Sapat na ang paglaruan kami... Ang Diyos lang ang may kakayanan na mamuno sa mundong ibabaw. Kung ang Diyos nga ay hindi nagawang gawin na perpekto ang mundong ginagalawan natin... ikaw pa kaya na tao lang?"

Pagkabilang ni Owen ng tatlo ay tumakbo ako patungo sa pinto at sumunod sa akin ang iba. Bago ako lumabas ay sumilip ako sa nangyayari sa loob. "Chelsea! Terrence! Tara na!" Sigaw ko.

Pero nakatayo lamang silang dalawa habang tinututukan ng baril si Amanda. "Ikaw ang nagturo sa aming pumatay, Amanda. Ikaw ang nagpatubo ang sungay at buntot naming dalawa... Laban ito sa pagitan ng mga demonyo." Narinig kong sabi ni Terrence.

"Terrence tara na!" Sigaw ko.

"Oras na para bumawi kami Raven, laban namin 'to... and sorry," Sabi ni Chelsea.
Tatakbo sana ako palapit sa kanila ngunit hinatak ako ni Tomy. "Let's go."

"Sumunod kayo sa akin," Sigaw nung isang lalaki. Siya yung lalaking naka-lab gown na gumising sa akin.

"Paano yung mga CCTV cameras! Panigurado ay nakikita pa rin nila tayo," Sigaw ni Caleb. I miss my friends so much, pero hindi ito ang tamang oras para magyakapan at magkamustahan. Kailangan muna naming makaalis sa lugar na ito.

"Shiro , nagawa mo ba yung sinabi ko sa'yo?" Pagkakausap ni Owen sa lalaki habang kami'y tumatakbo.

"Oo."

"Sa ngayon ay hindi gagana ang mga CCTV na 'yan. May virus akong pina-install kay Shiro. Pero dahil sa taas ng kalidad ng security rito, sa loob lamang ng ilang oras ay maaayos nila iyon. May ilang oras lamang tayo para makaalis dito." Sabi ni Owen.

Tumakbo lamang kami ng tumakbo. "Sa parking lot kayo um-exit. May naghihintay sa inyong isang truck, sumakay kayo at tutulungan nila kayong makabalik sa pamilya niyo."

Halos pitong palapag lamang ang gusaling ito dahil siguro ay hindi alam at sinusuportahan ng gobyerno ang kanilang proyekto. NGO's lang ang sumusuporta sa kanila kaya't hangga't maaari ay ginagawa nilang tago ang kanilang research.

"Salamat Shiro," Sabi ni Owen.

"Nakakapagtaka lang na walang mga tao sa paligid." Sabi ni Stacy, tama siya. Walang ibang tao na pumipigil sa amin. Malaya kaming nakakaengkwentro sa pagtakbo namin si pasilyo.

"Mas mahalaga ang kanilang virtual world. Mas una nila iyong ililigtas. May mga taong nabubulag sa kapangyarihan. It's their world, and it's their downfall." Sabi ni Tomy.

Nagpatuloy kami sa labas hangga't nakita na namin yng sinasabi ni Shiro na Truck. "Sumakay na kayo!" Sigaw ni Owen at tumakbo na ang iba pasakay sa likod ng truck. "Shiro, hindi ka sasama?"

"Hindi na Owen, aayusin ko ang problema rito. Mag-ingat kayo." Sabi ni Shiro at muling papasok sa building. Hindi ko siya kilala at wala akong ideya sa pagkatao niya, isa lang ang alam ko, tutol din siya sa virtual world na sinasabi ni Amanda.

Sumakay kaming lahat sa truck at mabilis itong umandar. "Paano mo nakilala si Shiro?"

"He's a mole galing sa gobyerno. Sabi ko naman sa'yo Raven, habang nakikipaglaban ka sa parke ay may sarili akong laban sa totoong mundo. Magka-partner pa rin tayo, lumalaban tayo sa magkaibang lugar pero parehas lang tayo nang pinaglalaban, naghahanap lang din tayo ng kalayaan.”

Tumingin ako sa paligid at naaamoy ko ang masarap na simoy ng hangin. "Wala ng mga pader na nakaharang, natatanaw ko na ang mundo." Nakangiti kong sabi habang nakatayo sa likod ng truck.

"Makakauwi na tayo," Tumingin ako sa kanilang lahat.

"Oo, makakauwi na tayo." Sabi ni Tomy sa akin.

Game complete!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top