Chapter 39: Final Night

Chapter 39: Final Night
Raven

Pagkatapos ng mga kaganapan kanina sa Trial court, hindi ko na alam kung paano pa muli ako magsisimula. Parang hinihigop ang lakas at pag-asa ko habang tumatagal kami sa lugar na ito.

4:45 PM

Ilang oras na lang bago mag alas-nuwebe. Ilang oras na kaming naghahanap, pero mas mahirap ngayon dahil wala si Tomy at Loren dahil binabantayan nila ang kundisyon ni Hannah. Ayon kay Shane ay hindi raw maganda ang kundisyon ni Hannah dahil sa dami ng dugo na nawala sa katawan nito.

Dalawang bomba, dalawang bomba pa lamang ang natatagpuan namin matapos ang trial court. Hindi ko alam kung ilan ang eksaktong bilang ng mga bomba na nasa parkeng ito. Dalawampung bomba? Trenta? Sampu? Walang may alam.

"Raven kumain ka na ba? Kumain ka muna," Sabi sa akin ni Mario. "'Wag kang mag-alala kakakain ko lang, intindihin mo rin yung kalagayan mo Raven." 

"Hindi pwede 'yon. Kung hindi tayo kikilos ay baka mamatay tayo sa lugar na ito. Ayokong masayang ang pinaghirapan natin para makaabot sa puntong ito. Ayokong masayang ang pagkamatay ng mga kaibigan natin." Wika ko habang hindi ko maiwasang maluha dahil sa inis. Mahina ba 'ko sa lagay na 'to? Siguro nga.

"Raven. Kumain ka muna, magtiwala ka sa'kin," Sabi ni Mario. Parehas kami ngayon na basang-basa sa ulan. Lahat kami. Fuck this rain! Sobrang bad timing.

"Hindi Mario kaya ko p—" 

Naputol ang aking sasabihin ng biglang tumama ang kanang kamao niya sa aking pisngi. "Sapat na ba 'yan Raven para magising ka?! Masyado ka ng pathetic! Hindi tayo makakakalabas sa lugar na ito kung nagpa-panic ka!" Sigaw niya sa akin habang inaalog ang magkabilang balikat ko.

"Makakaalis tayo rito okay? Just relax.  Marami pa tayong oras, mas magandang kumain ka muna ke'sa naman maging pabigat ka sa amin." Sabi ni Mario at naglakad palayo.

Napahawak ako sa pisngi ko, hindi ko alam na magagawa ni Mario iyon pero I guess nakatulong iyon dahil kahit papaano ay parang nabalik ako sa katinuan.

Naglakad ako patungo sa isang maliit na tindahan dito sa Park at kumain ako ng instant noodle. Wala na akong oras para magluto at mag-demand sa pagkain.

Napatingin ako sa orasan at malapit ng mag 5:15pm. May usapan kasi kami na magkikita kaming lahat sa clinic para pag-usapan ang mga nakita naming bomba upang masabi kay Tomy kung saan ito idi-diffuse.

Mabilis kong tinapos ang aking pagkain at kumuha na rin ako ng isang isang coca-cola sa fridge upang inumin sa paglalakad. 

Balak ko sanang magdala ng payong kaso basa na rin ako kaya naman useless lang din. Sinuong ko ang malakas na buhos ng ulan. Dinama ko ang malalaking butil ng ulan habang naglalakad. Pansin ko ang paglubog ng araw, kahit na malakas ang ulan ay makikita pa rin ang unti-unting paglubog nito.

Malapit ng kumagat ang dilim but still... Wala pa ring progress.

Pagpasok ko sa loob ng clinic ay kataka-taka ang pagiging tahimik nila, dapat kasi sa mga oras na ito ay nagsisimula na sila ng meeting at plano na dapat namin gawin.

"Raven... Wala na si Hannah," Pagpasok ko pa lamang ay isang hindi magandang balita na agad ang aking narinig.

"H-ha? Paanong nangyari 'yon? Akala ko ba ay maliligtas niyo siya?" tanong ko kanila Loren.

"Wala kaming sinabi na maililigtas namin siya, nakita mo naman kung gaano kami nagmadali para madala siya sa clinic," Pagtatanggol ni Tomy.

"May lagnat si Hannah dahil nabasa siya sa kagabing game, mahina ang kanyang katawan samahan mo pa ang matinding blood loss. Sinubukan namin siyang iligtas, natanggal nga namin ang bala ngunit hindi na rin kinaya ng katawan ni Hannah." Pagpapaliwanag ni Loren.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko, dalawang kasamahan namin ang namatay ngayong araw. Napaluhod na lamang ako at napaluha. Hindi ko alam ang gagawin ko, lubhang naapektuhan ako sa nangyari... Parang sa isang iglap, nawala lahat ng confidence na inipon ko sa matagal na panahon.

"Sumatutal ay tayong anim na lamang ang natitira sa larong ito," sabi ni Tomy, "Wala na tayong oras para iyakan ang bangkay ni Hannah dahil kung hindi natin bibilisan ay sama-sama tayong sasabog sa lugar na ito."
Tinalukbungan ni Shane ng puting tela ang katawan ni Hannah, sabay-sabay kaming nagdasal para sa kanya.

"Let's talk everything now," Hinintay ni Tomy ang sasabihin namin. Malaki ang papel ni Tomy sa pagkakataong ito dahil siya ang nagde-diffuse ng mga bomba.
"May bomba akong nakita sa ilalim ng lababo sa kusina," sabi ni Mario.

"Sa trashcan malapit sa may ferris Wheel." dugtong ko pa.

"Okay. let split into 3 groups. Dala-dalawa lang—"

"Teka, isa sa atin si Amanda. Kung magdadala-dalawa tayo, baka mapahamak ang isa sa atin." Konklusyon ni Loren. Tama nga siya, medyo risky kapag nahati kami by three groups.

"Then tig-tatlo kada-grupo. Loren, Crystal, Mario, kayo ang magkakasama sama. Kami naman nina Raven at Shane ang magkakasama. Our group will diffuse all the bomb samantalang ang role niyo is maghanap pa ng ibang bomba." Pag-uutos sa amin ni Tomy, wala naman akong tutol sa mga sinasabi niya lalo na't para sa amin iyon. Magaling naman na lider si Tomy.

5:30 PM

Tinignan namin ang orasan.  "Let's meet every 30 minutes." 

Matapos ang usapan na iyon ay mabilis kaming tumakbo palabas. Mabilis ang naging pagkilos namin at wala kaming balak sayangin ang bawat minuto.

"Unahin natin yung Trashcan na sinasabi mo Raven," nakasigaw na sabi ni Tomy, kailangan namin lakasan ang aming boses dahil kalaban namin ang malakas na buhos ng ulan.

Itinuro ko ang trashcan at mabilis naman tumakbo roon si Tomy, "Shane yung flashlight?" Tanong niya.

"Kailangan mo ba 'yon? Iniwan ko sa loob ng clinic." Napahinto si Shane sa pagtakbo. 
"Malamang kailangan ko 'yon, paano ko makikita yung mga wire ng bomba kung walang ilaw, sa dilim ba naman na 'to," Naiiritang sabi ni Tomy lalo na't nagmamadali kaming lahat. Walang oras na dapat masayang.

"S-sandali lang kukuhanin ko."

"FASTER!" Sigaw ni Tomy. 

"E-eto na nga eh. Kalma, don't boobs it." Nagmamadaling tumakbo si Shane patungo muli sa Clinic.

Tinignan ko si Tomy pero kahit walang ilaw na tanglaw ay sinusubukan niyang i-diffuse ang bomba. As I watch him... Pakiramdam ko ay ang walang silbi ko ngayon, I'm just standing here. Wala akong magawa kun'di ang panuorin si Tomy.

Maya maya pa ay dumating na si Shane habang dala-dala ang flashlight "Eto na yung flashlight. Nagdala rin ako ng payong para hindi tayo mabasa ng ulan."

"Seriously Shane? basang-basa na tayo ng ulan and ngayon mo pa naisipang magdala?" Natatawang sabi ni Tomy kay Shane. Tinanglawan ni Shane ng ilaw si Tomy. Maiging dine-diffuse ni Tomy ang bomba.

Pinagmasdan ko lang si Tomy na gawin iyon. "Raven anong oras na?"

6:00 PM

"Raven ikaw muna ang makipag-meet kanila Mario habang kami ni Shane matapos kong i-diffuse 'tong bomba na 'to ay didiretso kami sa kitchen sa restaurant," Sabi sa akin ni Tomy kaya naman tumakbo ako ng matulin.

Alam ni Tomy kung paano namin magagamit ang oras namin sa maayos na paraan. He don't let any minute to be wasted. 

Pagpunta ko sa clinic ay nandoon na sila. "Anong balita Mario?"

"May isang bomba kaming nakita sa bookstore, second floor... Sa may fiction section." Matapos no'n ay tumakbo na kami upang maghiwa-hiwalay.

Sa may kitchen na ako dumiretso dahil paniguradong nandoon na sila. Ramdam ko ang pananakit ng tagiliran ko dahil kanina pa ako takbo ng takbo at nangangatog na rin ako sa lamig dahil sa lakas ng ulan.

Halos kasabayan ko lang din silang pumasok sa loob. "Anong sabi nila Raven?"
"Sa bookstore tayo next, second floor fiction section," Sabi ko kay Tomy. Agad kaming pumasok sa kitchen at pumunta sa ilalim ng lababo. 

"Shane pabukas ng ilaw." Sabi ni Tomy at agad naman itong ginawa ni Shane. "Kumain muna kayo dahil it will takes a couple of minutes. Hindi niyo na rin ako kailangan tanglawan." Hirap na hirap na si Tomy pero ang kalagayan muna namin ang inintindi niya.

"Buti na lang may isda pang natira na ulam kanina," Eto namang si Shane hindi man lang nakaramdam ng hiya at kumain nga siya. "Ikaw, Raven 'di ka ba nagugutom?"
Umiling ako, "Kakakain ko lang kanina bago ako pumuntang clinic." Sagot ko sa kanya.

Titingin sana ako sa wristwatch ko ng oras ngunit tinanggal ni Shane iyon sa kamay ko at malakas na inihagis sa sahig. "Alam mo Raven masyado ka lang mate-tense kung panay ang tingin mo sa oras, kayo na rin ang may sabi, pwedeng huling gabi na natin dito 'to. Imbes na kabahan ka, i-enjoy mo lang,"

"Sa wakas Shane may nasabi ka ring matino." Narinig kong sabi ni Tomy. "H'wag kang mag-panic Raven makakalabas tayo rito. Magtiwala ka sa kakayahan ko."

"Tsaka ang sarap kaya kumain," Sabi ni Shane, hindi ako makapaniwala sa kanilang dalawa... hindi ba sila natatakot? "Isda na may sawsawan na toyo! 'Wag nga lang masosobrahan sa toyo dahil baka ma-comatose ako haha!"

Tumagal kami ng ilang minuto roon at si Shane naman ang tumakbo papunta kanila Mario. Kaming dalawa naman ni Tomy ay tumakbo patungo sa Bookstore.

Kahit ilang beses na pakalmahin ng dalawa ang sarili ko, hindi ko pa rin magawang maging okay. "Still tense?" Tanong ni Tomy sa akin habang hinahanap niya kung nasaan ang bomba.

"Hindi naman maiiwasan 'yon. Gusto kong makalabas dito, gusto kong makalabas tayo para man lang sa mga kasamahan natin na nawala." Malungkot kong tugon habang pinipiga ko ang laylayan ng damit ko para mabawasan ang tubig.

"Ako kasi masaya na ako sa ganito, Ini-enjoy ko na lang yung natitirang oras. Alam kong mas maganda kung makakalabas tayo rito pero satisfied na ako sa ganito. Lahat tayo nag-i-struggle para makalabas dito, pantay-pantay ang naging labanan natin sa lugar na 'to. Nawala ang mga kaibigan ko sa lugar na 'to, ayos na sa akin na dito na lang din mawala." Sabi sa akin ni Tomy.

"Isa pa, dito sa lugar na ito, naramdaman kong may pamilya ulit ako." Bakas ang sinseridad sa bawat salitang binitawan ni Tomy.

Iba-iba kami ng past pero sa lugar na ito, nahanap ko ang thrill na hinahanap ko sa buhay. Sa saglit kong pagpikit at pagdilat. Nakita ko ang mga kasamahan kong namatay, lahat sila ay nakangiti sa akin. Ngiti na parang sinasabi na magiging ayos lang ang lahat. Ang bawat ngiti nila ay parang nagbigay sa akin ng panibagong kalakasan.

"Uy Raven, napikit ka na d'yan," Biglang dumating si Shane at winisikan ako ng tubig gamit ang kanyang daliri. "Wala pa raw silang nakita."

Napatingin ako sa wall cock. 

7:30 PM

Maraming oras na pala ang nagamit namin. Isa't kalahating oras na lang ang mayroon at sasabog na ang parkeng ito.

Inalala ko ang pagkamatay ng mga kasamahan ko. I'm pretty sure na mami-miss ko silang lahat.

Habang inaalala ko lahat ay may napansin akong kakaiba. "Naalala ko na! Parang kilala ko na si Amanda." Sigaw ko sa kanila.
"Sino?" Tanong ni Tomy, tapos niya na yatang i-diffuse ang bomba.

"Wala sa ating anim si Amanda Matsui." 
"Tara sa hotel!" Sigaw ko. "Shane pasunurin mo sina Mario ro'n!"

Tumakbo ako palabas, hindi pa huli ang lahat. May pag-asa pa. Makakalabas kami sa lugar na ito.

Naisip ko ang sinabi ni Shane kanina.

 "Isda na may sawsawan na toyo! 'Wag nga lang masosobrahan sa toyo dahil baka ma-comatose ako haha!"  

Pumasok ako sa Hotel at hinintay ko silang lahat. "Raven ba't tayo nandito?" Tanong ni Crystal.

Nakumpleto kami ngunit hindi ko pinansin ang bawat tanong nila. Ang utak ko ay nakapokus lang kung tama ba ang hinala ko. This is our final shot, kung mali man ito... Tatanggapin ko na dito sa parkeng ito ako mamamatay.

Tinignan ko ang nameplate na nakalagay sa pinto ng aming kwarto. Hinanap ko ang pangalan niya.

"Kung mas nagpokus lang tayo simula pa lang ay makikilala na natin siya." Wika ko sa kanila na kanila pa ring ipinagtatakang lima. "Simula pa lang ay nag-iwan na siya ng clue sa atin.” Inikot ko patalikod ang name plate niya.

Ikinagulat nilang lahat ang aming nalaman. Amanda Matsui. Iyan ang nakasulat noong binaligtad namin ang nameplate. Hindi namin inakala na buhay pa siya.

"Si Jessie si Amanda Matsui?" Tanong ni Loren. "Paano nangyari 'yon? Patay na si Jessie!"

"Si Jessie patay na. Si Amanda, buhay pa ang demonyong babae na 'yon." Inis na sabi ni Mario. If I am not mistaken, pangalan ni Jessie ang una kong nabasa pagkarating ko pa lang sa theme park na ito, kung mas naging observant sana ako simula pa lang ay hindi na hahantong sa ganito ang lahat.

Naisip ko lang ito noong sinabi ni Shane na pwedeng ma-comatose ang isang tao gamit ang toyo. Naalala ko na may pinainom lang kay Jessie noong pinapatay siya sa Judgement. Sapat na ang isang galon ng toyo para ma-comatose ang isang tao, ibig sabihin no'n ay buhay pa si Jessie, nagtatago lang siya sa loob ng parkeng ito.

Yung mga sinabi sa amin ni Jessie na baka kung sino pa raw ang tumutulong sa amin ay siya pa si Amanda. It was all a lie. She is a girl that full of lies. Sinabi niya lang 'yon para mas mahirapan kaming makilala siya.

8:15 PM

45 minutes left. "Paniguradong nagtatago lang siya rito. Ang tanong saan?" Sabi ni Mario habang pabalik-balik na naglalakad dito sa loob ng lobby.

"Sa lugar kung saan walang mag-e-expect na doon siya magtatago," Biglang sumeryoso ang tingin ni Tomy. "Sa main office."

Mabilis ang naging takbo namin paglabas namin sa loob ng hotel. Dinama namin ang patak ng ulan, Kaunti na lang... makakalabas na kami sa lugar na ito. 

Kasabay ng bawat hakbang namin ay ang lakas ng kabog ng aming dibdib. Habang tumatakbo kami ay biglang nadapa si Shane. Agad ko siyang binalikan at inakay para makatakbo. "Okay ka lang?"

"Oo naman."

Pagdating namin sa Main Office ay agad na tinignan ni Tomy ang pinto. "Not again. Pahinging clip!" Sigaw ni Tomy.

Tinanggal ni Loren ang clip na nasa kanyang buhok at mabilis naman na kinatikot ni Tomy ang padlock. "Shane ilaw!" Sigaw ni Tomy. In-on ni Shane yung flashlight at tinangalawan si Tomy.

Maya maya pa ay natanggal niya na ang padlock. Malakas na hinagis ni Tomy ang padlock. "Are you ready to face Amanda?"
Tinignan niya kaming lahat sa mata at hinintay niya ang pagtango ng bawat isa sa amin. Ibinaling niya muli ang tingin sa pinto. Malakas niyang sinipa ang pinto.

Parang nag-slow motion ang lahat habang unti-unting bumubukas ang pinto. Nakita namin si Jessie, nakaupo sa desk na parang hinihintay kami. Nakangiti siya sa amin. "Nice meeting you again, guys."

Pumasok kaming lahat sa loob  at nakipagtitigan kay Amanda. "Paanong buhay ka pa?" Nakikipagtagisan ako ng titig sa kanya. 

"Well before that, gusto ko muna kayong ipakilala sa kaibigan ko," Mula sa kanyang likod ay may kinuha siyang isang pugot na ulo, iyon yung ulo nung matandang babae. "Meet Linda, ang matandang walang silbi."

Hinagis niya pababa ang ulo nito at gumulong sa paanan namin. "Pumunta kayo sa lugar na ito na wala kayong dalang armas? Tsk! Tsk! Wrong move my dear friends," Doon ko lang napansin na wala kaming kahit anong dala. We just only bring ourselves. "Para lang kayong mga kuneho. Kuneho na dinala ang kanilang mga sarili para magpakain sa lobo."

"Sagutin mo ang tanong ko, paano ka nabuhay?" Pag-uulit ko ng tanong.

"Because I have horns? Planado ko ang lahat na 'to. Isang taong preperasyon ang ginawa ko para magawa ang perpektong laro na ito. Of course alam ko ang tungkol sa toyo, sinigurado kong masasanay ang katawan ko sa ganoon kaya mako-comatose lang ako for how many days," Ngumisi siya sa amin, tumayo siya at nagsimulang ihakbang ang kanyang paa. Napaatras kaming anim at napayakap sa isa't-isa. "I'm not just an evil... I'm evil with a brain."

Tumingin siya sa kanyang orasan. "It's already 9:00 guys!" Nilabas niya ang parang buton, alam ko na kapag pinindot niya 'yon ay sasabog ang buong lugar.

"Teka nahanap ka namin!"

"It's a game over." Pinindot niya ang buton at sunod-sunod na pagsabog ang aming narinig.

Napaupo kaming lahat dahil sa tindi ng pagyanig. napatingin ako kay Amanda at may inihagis siyang isang bagay sa paligid. Biglang nagkaroon ng makapal na usok at unti-unti akong nawalan ng malay.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top