Chapter 38: Judgement Phase 11
Chapter 38: Judgment Phase 11
Raven
Hindi ba't dapat matuwa ako dahil nahuli na namin ang mga killers? Pero parang hindi ako makaramdam ng kahit anong tuwa dahil na rin napagtanto ko na napilitan lang ang iba kong kasamahan na gawin ang mga bagay na iyon dahil na rin sa kanilang role.
Ang isa pang pinoproblema namin ngayon ay ang sinabi sa amin ni Chelsea. "Raven may nakita ka d'yan?" tanong ni Crystal.
"Wala," Hinahanap namin ngayon ang mga bomba at susubukang i-difuse ito. Wala man akong kaalaman pagdating sa mga bomba pero may mga bagay na mapipilitan kang gawin dahil idinidikta na rin ito ng sitwasyon.
Hinahanap naming lahat ngayon ang mga bomba na sinasabi ni Chelsea. Ngunit halos ilang minuto na kaming naghahanap ay ni-isa ay wala pa rin kaming matagpuan.
Wala akong ideya kung paano nagawa ni Amanda na itanim ang mga bomba, pero paniguradong magagawa niya nga iyon dahil mas kabisado niya ang parke na ito ke'sa sa amin.
"Sa mga rides naman tayo maghanap," sabi ni Crystal at sumunod ako sa kanya.
Wala kaming oras na dapat sayangin lalo na't mayroon lamang kami hanggang alas-nuwebe ng gabi upang mahanap ang mga bomba o malaman kung sino si Amanda.
Naintindihan naman ni Crystal ang mga sinabi ko sa kanya nung nasa trial kami, pero kahit siya rin ay nagtataka tungkol sa litrato. Ano ba ang sikreto ng lugar na ito? Bakit may mga litrato ang ilan naming kasamahan na magkakasama?
"Crystal maghiwalay tayo, kailangan natin mapabilis ang lahat," Ang una kong tinungo ay ang Carousel upang doon maghanap.
Buong paghahanap ko ay nababalot ng kaba ang dibdib ko. Buhay namin ang nakataya rito, kung hindi namin gagalingan sa paghahanap ay mamamatay kaming lahat.
"Hindi ba't pandaraya na 'tong ginagawa ni Amanda?" Naalala kong sabi ni Mario kanina.
Oo pandaraya na 'tong ginagawa ni Amanda, pero siya ang batas sa larong ito. Siya ang nagpapaikot sa takbong ito. She's the ruler of this game and anytime ay pwede siyang gumawa ng kahit anong changes.
Habang iniikot ko ang paningin ko ay may napansin akong nakadikit na isang bagay sa carousel. "Eto may bomba rito!" Sigaw ko.
Biglang tumakbo papalapit sa akin si Tomy. "Okay na Raven, ako na ang bahala rito," Sabi sa akin ni Tomy at ibinaling ang atensyon niya sa bomba.
"Pang-ilan na 'yan Tomy?" Pagtatanong ko.
"Pangalawa pa lang, nakapag-diffuse na ako kanina. Nakita ni Hannah sa isang booth." Sabi niya habang masuri niya pa ring tinitignan ang bomba.
Nakatingin lamang ako kay Tomy habang ginagawa niya ang pagtatanggal ng bomba. "Oh, ba't ka nakatingin, Raven?"
"Wala. Hindi ko lang inakala na sanay ka mag-diffuse ng bomba."
"Bago pa ako mapunta sa parkeng ito at sinanay na ako para maging sindikato. Sanay akong magbukas ng mga lock, sanay rin akong maglagay ng bomba at mas sanay akong mag-diffuse nito." Proud na sabi sa akin ni Tomy.
Iba nga siguro marahil ang nagagawa ng kahirapan dahil sa murang edad ay tinuruan at sinanay si Tomy upang maging miyembro ng sindikato.
"Naaawa ka sa'kin?" biglang sabi ni Tomy at saglit na tumingin sa akin pero mabilis niya ring ibinaling ang tingin niya sa bomba. "Huwag kang mag-alala masaya ako sa naging buhay ko at wala akong pinagsisisihan doon at isa pa... Hindi ko alam na magagamit ko sa maayos na paraan ang mga itinuro nila sa akin doon,"
"Sige Tomy maiwan na kita, susubukan ko pang maghanap ng ibang bomba."
"Sa tingin ko ay hindi natin mahahanap lahat ng bomba, paniguradong maraming bomba ngayon ang nakakabit sa buong parke na ito. Isa pa hindi lang basta-basta ang bomba na ito dahil nakakalikha ito nang malakas na pagsabog." Sabi ni Tomy sa akin.
"Pero huwag tayong mawalan ng pag-asa Tomy, makakalabas tayo rito. Isang hakbang na lamang natin ay makakaalis na tayo rito kaya dapat ay huwag tayong sumuko," Pursigido kong sabi at tumakbo na ako palayo upang maghanap ng bomba.
Hanggang magtanghali ay puro paghahanap lang ang ginawa namin at apat na bomba lamang ang nakita at na-diffuse namin.
Saglit na muna akong nagtungo sa kwarto ko at naligo.
Habang pinupunasan ko ng tuwalya ang aking buhok ay napadako ang tingin ko sa labas. "Umaambon pala."
Mukhang magtutuloy-tuloy ang buhos ng ulan hanggang mamayang gabi dahil na rin sa namuong sama ng panahon nitong mga nakaraaang araw.
Lumabas ako ng silid at saktong narinig ko ang pagtunog ng bell.
"Players please proceed to the trial court."
"Oras na pala," Ramdam ko pa ang pagkagutom dahil hindi pa ako kumakain, mas nagpokus kasi kami kanina sa paghahanap ng bomba.
Bumaba ako sa hallway ng makasalubong ko si Mario na mukhang kakaligo lang din. "Mario!" Pagtawag ko sa kanya.
"Oh Raven ikaw pala, papunta ka na rin doon?" Tumango naman ako sa kanyang sinabi. "Sa tingin ko ay mamamatay na tayong lahat dito."
"Bakit mo naman nasabi iyan? Makakalabas tayo rito. Huwag kang panghinaan ng loob Mario lalo na't malapit na tayong makalabas,"
"Imposibleng mahanap natin lahat ng bomba na nakalagay dito sa parkeng 'to. Tanggapin na lang natin Raven."
Inis akong napakagat sa ibabang labi ko, hindi dahil naiinis ako sa mga sinabi ni Mario kun'di naiinis ako sa sarili ko. Nakakainis dahil wala akong magawa para mapalakas ang loob ng mga kasamahan ko
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob ng Trial court ay napansin na namin agad si Chelsea na nakahiga at may mga nakataling lubid sa kamay at paa. Nakabukaka siyang nakatali habang may mga pihitan sa magkakabilang gilid ng kama ni Chelsea. "Ano 'to?" Mahina bulong ni Mario.
"The Rack torture method," Sabi ni Tomy. Kataka-taka ang daming alam ni Tomy sa mga ganitong bagay, pero syempre nakakatulong iyon dahil nabibigyan niya kami ng knowledge.
"Sa oras na hilahin ang magkabilang pihitan ay mahihila ang katawan ni Chelsea, madalas nang gamitin ang ganitong method ng pagpatay. Kapag nabatak ang katawan ni Chelsea at madi-dislocate ang buto niya sa paa at kamay, pwedeng hindi na siya makagalaw dahil doon. Pero ang worst part dito is kapag nasobrahan sa pagkakahatak kay Chelsea ay maaaring maputol ang kanyang kamay at paa." Kinilabutan ako sa pagpapaliwanag ni Tomy.
"We will now count the number of votes players."
"Hannah voted Yes"
"Tomy voted Yes"
"Loren voted Yes"
"Crystal voted Yes"
"Mario voted Yes"
"Shane voted Yes"
"Raven voted Yes"
Batid ko ng magiging unanimous ang magiging resulta ng botohan na ito lalo na't si Chelsea na rin ang kusang umamin na isa siya sa mga killer. Isa pang dahilan ng pag-Yes ng lahat ay dahil si Chelsea na lang ang killer na kailangan naming patayin sa larong ito.
Biglang may mga pumasok na Staff ng laro. Sa bilang ko ay tatlo, yung isa ay tinutukan kami ng baril samantalang yung dalawa ay pumwesto sa magkabilang pihitan na nasa kinahihigaan ni Chelsea.
"Chelsea!" Sigaw ni Hannah, akmang tatakbo siya ngunit nakarinig kami ng putok ng baril.
"Hannah!" Pagtawag namin sa kanya dahil tinamaan siya ng baril at umagos ang pulang likido mula sa kanyang balikat. Agad na tumakbo si Mario upang kuhanin si Hannah at ibalik sa pwesto namin.
"Eto ang panyo!" Sigaw ni Shane at tinalian ko naman ang balikat ni Hannah.
"Hindi muna na'tin matatanggal ang bala pero kahit papaano ay pipigilan natin ang pagkawala ng maraming dugo sa'yo," Sabi ko kay Hannah na umiiyak sa sakit.
"Pero si Chelsea..." Nawalan na ng malay si Hannah pagkapatapos no'n.
Lahat kami ay nagpapanic. "Si Chelsea!" Sigaw ni Mario.
Nakita namin na hinila na nung dalawang staff yung pihitan kay Chelsea at unti-unting nabatak ang katawan ni Chelsea.
Napapakagat na lamang ako sa ibabang labi ko. Maya maya pa ay narinig na namin ang malakas na pagsigaw ni Chelsea dahil sobrang batak ang katawan niya.
"Tama na 'yan!" Sigaw ni Shane ngunit hindi siya pinakinggan ng mga tauhan ni Amanda.
Nakarinig kami ng tunog na paglagutok, kasunod no'n ay ang nagkukumahol na iyak ni Chelsea. "Ang paa ko! Ang mga kamay ko! Hindi ko maigalaw! Hindi ko maigalaw!"
Hindi ko napansin na may butil na pala ng luha ang tumulo galing sa kanan kong mata.
Dapat masaya ako sa nangyayari... But I can't be happy. Masakit para sa akin ang makita ang kaibigan namin na pinapatay samantalang kami ay walang ibang magawa kun'di panuorin lamang siya kung paano mahirapan.
Akala ko ay itutuloy pa ng mga tauhan ng parke ang paghihila pero tumigil sila at tinanggal sa pagkakatali si Chelsea na malakas pa ring umiiyak.
Wala kaming ibang magawa kun'di manuod dahil sa oras na kumilos kami ay papaputukan nila kami ng bala ng baril. This is a real damn torture. Hindi lang para kay Chelsea kun'di para sa aming lahat.
Maya maya pa ay naglabas sila ng isang kulungan at ipinatong sa tiyan ni Chelsea. Walang lapag ang maliit na kulungan na iyon kaya naman nakapatong ito talaga sa tiyan ni Chelsea.
"Oh shit!" Napamura na lang ako at halos maduwal sa diri dahil naglabas sila ng naglalakihang daga at inilagay sa loob ng kulungan.
Nagpatong sila ng isang mainit na baga sa ibabaw ng kulungan at nagsimulang magwala ang mga daga sa kulungan.
"Tama na!" Malakas na sigaw ni Chelsea habang patuloy na umiiyak. Hindi siya makapanlaban dahil hindi niya nga maigalaw ang kamay at paa niya.
Dahil ang instinct ng daga ay makaalis sa kulungan na iyon dahil na rin sa init ay nagsimula silang maghukay at kagatin ang tiyan ni Chelsea. Nagsimulang umagos na parang gripo ang dugo galing sa tiyan ni Chelsea. Iyak lang ng iyak si Chelsea.
Napasuka na lamang si Loren sa napapanuod namin at sa nangyayari sa kaibigan niya. "Malala na 'to, guys dumarami na ang nawawalang dugo kay Hannah, kailangan na nating matanggal yung balang nasa balikat niya." Sabi ni Tomy.
Habang sumisigaw si Chelsea ay biglang hinila ng isang lalaki ang kanyang dila. Habang naglabas ng gunting na tinatawag na tongue tearer. Ang tongue tearer ay oversize pair of scissors at mabilis lang nitong mapuputol ang dila ni Chelsea.
Habang sumisigaw si Stacy ay Pinutol ang kanyang dila at umagos ang dugo sa buo niyang katawan.
Pansin ko rin ang ilang balat na natatanggal dahil sa pagkagat ng daga sa kanyang tiyan.
Isang malakas na sigaw galing kay Chelsea ang huli naming narinig matapos no'n ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Pinagmamasdan lang namin ang walang buhay niyang katawan na umaagos ang pulang likido na para bang isang gripo. Chelsea doesn't deserve to die in this way.
"Players it's a game over for Chelsea Summers! Her game identity is—SERIAL KILLER"
Sa pagkasabi no'n ay biglang kumaripas na ng takbo palabas Tomy palabas dahil pansin niya na yata ang maraming dugo na nawawala kay Hannah. "Sasama ako kay Tomy, nursing student ako at kahit papaano ay may alam ako sa ganoong bagay," Sabi ni Loren. Sumama na rin si Shane dahil si Tomy ang kaibigan niya at nag-aalala rin siya para kay Hannah.
"Shit! Nangyari ang lahat ng ito na parang kisap-mata lang." Sabi ni Mario.
"Guys, kung hindi natin made-diffuse lahat ng bombang nandito sa parke. Bakit hindi na lang tayo magpokus kung sino talaga si Amanda," Suhestiyon ni Crystal. "Imposible na nating maalis lahat ng bomba sa maikling oras na lamang."
Tama. Ito na ang huling laban namin... Ito na ang labang naming mga players sa pagitan ni Amanda Matsui. Makikilala na namin kung sino ang nagpasimula ng larong ito.
~
Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (Innocent) [X]
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent) [X]
6. Nick Warner (Innocent) [X]
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (Innocent) [X]
9. June Blake (Doctor) [X]
10. Owen Garcia (Detective) [X]
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]
FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (Serial Killer) [X]
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (Traitor) [X]
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (Mafia) [X]
12. Erica Hunter (Innocent) [X]
Survivors left: 7
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top