Chapter 35: Night 11

Chapter 35: Night 11
Tomy
Hindi namin parehas inakala ni Shane na aabot sa ganitong punto, hindi ko alam na mawawalan pala ako ng isang importanteng kaibigan sa larong ito.
Who would thought that from enemy, we will be friends? Masama ang ugali niya, mataray, at masungit pero sa kabila ng lahat... Naging totoong kaibigan sa amin si Stacy.
Dapat nga ay magalit ako sa kanya dahil nalaman kong traitor siya pero mas nangibabaw pa rin ang lungkot ko. "Ingatan mo si Shane para sa akin." Iyan ang mga huling salita na binanggit sa akin ni Stacy. Hanggang sa malagutan siya ng hininga ay kaligtasan ni Shane ang inisip niya.
Napatawad naming lahat si Stacy at hindi ko rin naman gusto na magtanim ng galit sa kanya dahil malaki ang puwang niya sa puso ko. Marami siyang bagay na pinaintindi sa akin, umaasa ako na sa susunod kaming magkita, mas magkakilala pa kaming dalawa. Limitado lang kasi ang buhay ng bawat isa sa parkeng ito. Patatagan ang labanan dito, hindi ako aabot ng top 9 kung hindi ko ginagamit ang utak ko sa lahat ng bagay.
"Kumusta na kaya si Stacy ngayon?" sabi ni Shane sa akin.
"Sa tingin ko ay nakikipagtalo siya sa bantay ngayon sa langit kung papapasukin siya sa langit," Natatawa kong sabi sa kanya. We should divert the loneliness that we feel, hindi naman pwedeng magmukmok na lang kami.
"Siguro kahit mga anghel pinagbabara niya ro'n 'no?" Sabi ni Shane na ikinatawa ko na lamang. "Pero Tomy naniniwala ka pa ba sa Diyos sa pagkakataon ngayon?"
Napatigil ako saglit sa sinabi ni Shane. "Ako kasi, hindi ko na alam kung totoo ang Diyos o kaya naman hindi ko na alam kung mahal tayo ng Diyos. Kung mahal niya tayo, ba't tayo nasa lugar na 'to? Siguro hindi niya tayo gusto bilang anak niya."
Totoo ba ang Diyos? Hindi ko rin alam. Kahit ako hindi ko na alam ang isasagot ko. "H'wag mong isisisi sa Diyos, lahat ng bagay may dahilan,"
"Pero hindi ko maintindihan ang dahilan niya." Malungkot na tugon ni Shane.
"Basta 'wag ka lang mawalan ng kapit sa kanya. Siya lang ngayon ang makakapitan natin sa ganitong pagkakataon." Wika ko kay Shane.
Gusto kong maniwala na may Diyos at gusto kong palakasin ang loob ni Shane. I don't even know if he either exist or not pero siya lang ang taong makakatulong sa amin sa ngayon. Tumagal ang usapan naming dalawa ni Shane hanggang sa kumagat na ang dilim. Nagpaalam kami sa isa't-isa at nagtungo ako sa kwarto ko.
Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko ay may taong nasa loob na aking hindi inaasahan. "Raven! Fuck, nakakagulat ka."
"Hindi naka-lock yung pinto mo," Napakamot na lamang ako ng ulo ng wala sa oras. Bakit ko ba laging nakakalimutan na i-lock yung pinto ng kwarto ko? I should be more alert this time around.
"May itatanong lang sana ako sa'yo Tomy," Biglang sumeryoso ang boses ni Raven. "About doon sa nakita mong litrato no'ng nakaraan totoo ba 'yon?"
Yung tinutukoy niya ba ay yung litrato na nakita ko kung saan magkasama si Shane at Stacy? "Hindi ako nagsisinungaling tungkol doon sa litrato pero ayoko ng pag-usapan 'yon sa ngayon. Dahil sa litratong iyon ay muntik ko ng masaktan ang damdamin ng mga kaibigan ko. Ayoko lang na maulit ang ganoong sitwasyon."
"Paano kung sabihin ko sa'yong may nakita rin ako," Sabi ni Raven at may inihagis sa aking litrato. Isang litrato kung saan magkasama si Crystal at Jessie. "Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala d'yan. Ang iniisip ko kasi ay maaaring ginugulo lang ni Amanda ang samahan natin para mas madaling makagawa ng pagpatay ang serial killer."
Pinagmasdan ko maigi ang litrato. Wala akong makitang mali sa litrato upang sabihin na edited lang ito. "But still, hindi natin pwedeng ipasawalang-bahala 'to. Ayan na ang mga clues sa harap natin. Kumbaga sa pagkain, nakahain na lahat, kakainin mo na lang."
Naalala ko bigla ang notebook na nakuha ko sa bulsa ni Owen nung gabing namatay siya. "Raven, pakiramdam ko ikaw dapat ang magpatuloy ng sinimulan ni Owen," Inabot ko sa kanya ang isang notebook. Hindi ko pinakialamanan iyon dahil isa iyong importanteng bagay mula sa isang importanteng tao. "Nakita ko 'yan nung in-examine ko yung bangkay ni Owen."
"Pero bakit ayaw mo bang ikaw ang maka-solve ng misteryo rito?"
"Hindi ko kailangan ng fame, hindi ko kailangan magpa-bida sa isang storya na alam kong ekstra lang ako," Innocent lang naman ang role ko sa larong ito, isa lang ako sa mga buhay na pwedeng paglaruan ng mga killer.
"Alam mo Raven lumabas ka na ng kwarto ko. Magsusupetsa ang killer sa ikinikilos nating dalawa. Ang mata ng killer ay nasa ating dalawa na lang. Isang maling kilos na makita niya, patay tayong dalawa." Babala ko sa kanya.
"Basta Tomy, 'wag kang mamamatay ngayong gabi, gusto kong makita mo kung paano ko tatapusin ang larong ito." Habang nakatingin ako sa kanya ay parang saglit kong nakita si Owen ngunit sa pagpikit ko ay naging si Raven na ulit ito. Nakakagulat pero sa tingin ko ay si Raven nga ang tatapos nang laro.
Tanging tango lamang ang naging sagot ko kay Raven at lumabas na siya ng silid ko. "Sinong mag-aakala na mula sa mangmang ay magiging ganyan ka katalino Raven."
Napatingin ako sa labas ng bintana. Umuulan.
"Magiging masaya 'tong laban na 'to." Hinubad ko ang aking saplot at nagtungo sa banyo upang maligo.
Ilang minuto lang ang tinagal ko sa banyo dahil na rin malapit ng magsimula ang laro. Nagsuot lang ako ng isang sando at ipinatong ko ang kulay green kong jacket at itim na short para madali na ring makagalaw.
Pagtingin ko sa orasan, sakto malapit ng magsimula ang laro. Agad-agad akong lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa lobby kung saan nandoon silang lahat.
"Malapit na. Malapit ng matapos ang larong 'to." Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan.
"The Game will start in 5 minutes. Please prepare yourselves!"
Sa pagkasabing iyon ay nauna na akong lumabas ng hotel at sinuong ang malakas na buhos ng ulan. Eto na ang maaaring huling beses na makikipaglaban ako para sa aking buhay.
***
Serial Killer
Naalala ko pa nung unang gabi namin dito. Hindi ko pa sila kilala pero sobrang takot na agad ang naramdaman ko. Sinong matinong tao ang gustong makakuha ng isang role kung saan kinakailangan mong pumatay para mabuhay.
Ang pagkawala ng mga kasamahan namin ang bubuhay sa aming mga killers.
"So, sino ang gusto na unang gumawa ng pagpatay?" Pagsasalita ng Mafia, ang awkward dahil ganoong klase ang usapan na naming ginagawa sa unang araw. Unusual.
Nakatahimik lamang ako habang sila ang nagdidiskusyon dalawa at para pa silang excited sa kung paano nila papatayin ang kanilang target. "Hoy ikaw! Wala ka bang balak magsalita? Hindi na uso ang hiya-hiya dahil pare-parehas lang tayong madudungisan ang kamay."
"A-ayokong gumawa ng pagpatay," wika ko sa kanila.
"Ano ba! Bobo ka ba! Kung hindi ka papatay, ikaw ang papatayin nila... Tandaan mo magkalaban ang mga killers at innocent." Wika sa akin nung Assassin.
Ilang saglit ding nakatahimik ang Mafia. Tumayo siya sa harap ko at biglang naglabas ng kutsilyo, akala ko ay isasaksak niya sa akin kaya naman napapikit ako.
"Eto ang kutsilyo. Gamit ang bagay na 'yan pwede kang maging malakas at dito iikot ang kapalaran ng buhay mo sa halos dalawang linggo. Sa tingin mo ba kapag nagpakita ka ng awa sa kanila ay kakaawaan ka rin nila kapag nalaman nilang ikaw ang Serial Killer?" Sa sinabi niyang iyon ay doon ako nakapag-isip ng maayos at nakuha ang kanyang punto. "Sa oras na kuhanin mo ang kutsilyong ito. Ikaw ang gagawa ng pagpatay at handa kang maging isa sa amin. Pero kung hindi mo ito kukuhanin, baka mapilitan lang akong patayin ka dahil magiging balakid ka lang sa mga plano ko."
"Kayo ang nagturo sa akin kung paano maging isang mamamatay tao pero sa ating tatlo ay ako na lang ang natira." Nakakalungkot isipin ang pagkawala ng mga kaibigan ko.
Akala niyo ay sila-sila ang nasasaktan? Nasasaktan din ako dahil wala na ang mga kasamahan ko na nakakapitan ko sa tuwing nalulungkot ako. Ngayon, I have to stand all by myself.
Muli kong tinignan ang pocket knife na ibinigay sa akin ng Mafia. "Tatapusin ko ang nasimulan natin 'wag kayong mag-alala."
Kung desidido silang mapatay ako... Desidido rin akong ubusin sila.
***
Nick
Nakasuot ako ng itim ng jacket at itim na jogging pants na pagkakataong ito. Maulan ngayon kaya naman medyo blurry ang makikita ng ibang tao sa gabi. Sa ganitong klaseng pananamit ay mahihirapan ang killer na makita ako. Camouflage.
Sa tagal na rin namin sa lugar na ito ay natuto na akong mag-adapt sa environment, I learned how to fit in this norm.
Kung mayroon mang bagay akong natutunan sa larong ito, iyon ay ang matutong magpatawad. Kapag nagtanim ka ng galit sa puso mo, ikaw lang din ang masasaktan. Sa oras kasi na mangyari iyon ay mabubuhay ka ng puno ng inggit, mabubuhay ka ng puro galit at mabubuhay ka ng puro paninisi lang ang alam mong gawin.
Dati ay akala ko rito ay survival game pero ngayon ay mas nakikita ko na ito as a training ground. Day by day ay may mga bagong bagay akong natututunan, kung sino yung mga players na may malalaking improvements sila ang makaka-survive 'till end.
"May sumusunod sa'kin," Bulong ko sa sarili ko at bahagyang lumingon sa likod. Hindi ko man nakikita pero may alam ko, nasa panganib ang buhay ko.
This is a battle of deceiving kaya dapat lang na malusutan ko 'to. Hindi ako ang mamamatay ngayong araw.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang basang-basa sa ulan at lumiko. Pagkaliko ko ay doon na ako kumaripas ng takbo. Alam kong mapapansin niya ang pagtakbo ko dahil na rin sa pilantik ng tubig.
Panay ang pahid ko sa aking mukha dahil nababasa ng tubig ang aking paningin. As of now ay sumusunod pa rin siya sa akin. Kailangan kong makarating sa Book shop. Iyon lang kasi ang pinakamalapit na shop dito na may silungan.
Hinubad ko ang suot kong sapatos at inihagis sa kabilang banda no'ng makarating ako sa crossing para sa ganoon ay isipin niya na sa kabilang side ako dumaan. Madali lang takasan ang kamatayan as long as you keep your calm.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang library. "Hindi ikaw ang taong makakapatay sa akin gago," Nakangisi kong sabi sa aking sarili. "Hindi pa pinapanganak ang taong papatay sa akin."
I'd successfully escape my own death. Naglakad ako papasok sa library. As usual madilim. Hindi na akong nagbalak buksan ang ilaw dahil takaw atensyon lang 'to sa labas.
Para makatakas kay kamatayan, kailangan mong siyang dayain. Tandaan mo, wala nang nakikipaglaro ng patas ngayon, pwede kang maging manloloko o pwede kang maging nagpapaloko... iyan lang ang kahahatungan mo sa laban ng buhay.
May nakita akong isang silid sa loob ng Bookshop. Mukhang ito yung storage room. "Nakakangatog sa lamig."
Panay ang piga ko sa laylayan ng damit ko upang lumabas ang tubig. "Baka naman may spare shirt doon sa storage room,"
Binuksan ko ang pinto. pagkabukas ko ay saktong pagputok ng baril. "Shit!" Dapat sa dibdib ko ito tatama pero dahil sa pagiging alerto ko ay sa balikat lang ito tumama. Umagos ang malapot na dugo at mas lalong tumingkad ang kulay ng itim kong suot. Napahawak ako sa balikat ko dahil sa sakit.
Tinignan ko ang loob ng storage room. May nakataling sinulid sa door knob at nakakonekta ito hanggang sa gantsilyo ng baril. Kaya pagkapihit at pagkabukas ko ay nagkaroon ng puwersa upang maigalaw ang gantsilyo at mapaputok ang baril. "What a smart ass."
"Nagawa mong iwasan yung trap ko." Biglang may nagsalita sa likod ko at paglingon ko ay tumambad sa akin ang mukha ng Serial killer. What the- siya ba ang killer!?
"Lumayo ko sa'kin," Sabi ko at naglakad paatras.
"Alam mo ang tanga mo. Imbes na umatras ka sana ay kinuha mo yung baril at itinutok sa'kin. Bakit? Did I shaken your confidence kaya ngayon ay nagpa-panic ka na?" Nagpatuloy siya sa paglalakad na may pinaglalaruang isang dart.
Kinuha niya ang baril at itinutok sa akin. "Alam mo Nick, tigilan mo na ang pakikipaglaro. Alam mo na rin naman ang kahahantungan mo 'diba?"
"Tumig-" Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko ng may maramdaman akong kirot sa kanang binti ko. Biglang may tumulong dugo galing dito at ramdam ko ang mainit na bala na ngayo'y nakabaon sa aking katawan. Dahil nga mas dominant at madalas kong gamitin ang kanan ay nahirapan na ako sa paghakbang.
"Alam mo kasi Nick, ang bobo pwedeng tumalino, pero ang mga matatalino ay lumalaki ang ulo at nagiging kampante sila na hindi sila matatalo ng bobo. Akala mo mananalo ka sa'kin using that lame kind of trick?"
Inapakan niya ako sa tiyan at dahil sa ungol kong nagawa ay mas lumakas ang daloy ng dugo galing sa aking balikat at binti. "Huwag kang mag-alala Nick hindi ka naman agad mamamatay sa ganyan dahil malayo parehas 'yan sa mga organs,"
"Pero alam mo. Gamit ang isang pirasong dart na 'to, kaya kong wakasan ang buhay mo." Tanging takot na lamang ang nararamdaman ko ng mga panahong iyon. Sinubukan kong manlaban ngunit masyado ng mahina ang katawan ko. Damn those bleedings.
Bigla akong may naramdaman na isang tusok na tumama sa dibdib ko pero agad din nawala pero ramdam ko ang mahinang pagdaloy ng dugo. "Iyang tusok ng dart na 'yan ang papatay sa'yo,"
Bigla siyang tumayo. "Ipapaliwanag ko sa'yo maigi para mas matakot ka. Akala mo ba sa dibdib mo lang pinatama ko ang dart? No, it was specifically on aorta. Ito ang nagiging daan tungo sa mga arteries. Dahil na rin sa pagdudugo ng Aorta ay ito na ang magpapalaki ng sugat d'yan sa puso mo,"
Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang daloy ng dugo galing sa dibdib ko. Nahihirapan din akong huminga.
"Paalam na Nick, iyan ang huling bagay na matututunan mo sa larong 'to."
Ibang tao na ang kaharap ko ngayon... Para siyang isang professional killer dahil alam niya ang weakpoint ng isang tao. Nagdilim na ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.
***
Tomy
Akala ko ay ako ang magiging target ng killer ngayon pero mukhang sa ibang tao niya napiling makipaglaro. Nakasakay lang ako sa isang cab sa Ferris wheel upang magpatuyo dahil nabasa ako ng ulan,
"Players it's a game over for Nick Warner! His game identity is- Innocent! Pinili ng silencer na patahimikin si Loren sa susunod na trial!"
Sa pagkarinig kong iyon ay napakagat ako sa ibabang labi ko. Napadiin yata ang pagkakagat ko kaya nagsimulang dumaloy ang mahinang dugo galing dito. Damn it.
Buhay pa pala ang silencer na 'yan. Wala rin kaming ni-isang clue para malaman ang identity niya pero hindi na importanteng malaman 'yon as long as hindi siya mangingialam sa magiging takbo ng trial.
Kilala ko si Nick, hindi agad 'yan mapapatay dahil kahit papaano ay matalino si Nick. "Nagaya siguro siya kay Owen, parehas silang naisahan ng Serial Killer."
Hindi matalino ang serial killer pero napakagaling niya pagdating sa panloloko. Serial killer outsmarted all our ace players. Kung hindi pa kikilos si Raven... Ako na ang susunod.
~
Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (Innocent) [X]
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent) [X]
6. Nick Warner (Innocent) [X]
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (Innocent) [X]
9. June Blake (Doctor) [X]
10. Owen Garcia (Detective) [X]
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]
FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (Traitor) [X]
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (Mafia) [X]
12. Erica Hunter (Innocent) [X]
Survivors left: 8
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top