Chapter 34: Judgment Phase 10

Chapter 34: Judgment Phase
Raven
May mga nangyayari talaga minsan sa buhay ng tao na hindi kapani-paniwala. Sa tagal naming magkakasama dapat ay sanay na akong maloko ng iba kong kasamahan.
"Ayoko hindi ko iiwan ang kaibigan ko rito!" Pagpupumiglas ni Shane sa amin at patuloy na tumatakbo sa nakataling si Stacy. Tinanggal niya ang tape na nakalagay sa bibig ni Stacy.
"Shane! 'Wag kang lumabag sa mga rules, baka kung ano ang gawin nila sa'yo," Sabi ni Chelsea habang hinahatak si Shane.
"Hoy gaga ka. umalis ka na nga," Bakas ang pagkagaralgal sa tono ng pagsasalita ni Stacy. "Hindi ko kailangan nang awa ng isang boba."
Hindi ko maiwasan na maluha sa nakikita ko ngayon. Iyak ng iyak si Shane na parang nakikita niya na ang magiging kapalaran ng kanyang kaibigan. In fact, lahat kami ay umiiyak. Napamahal na sa akin lahat ng taong nandito, pasakit ng pasakit habang tumatagal.
"Hindi kita iiwan, sasamahan kita! Gagawa ako ng paraan para mailigtas ka" Sabi ni Shane. They treat each other as a sister.
Umiling naman si Stacy kasabay ang kanyang mga luha. "Hindi mo na kailangan gawin 'yon, Handa na rin naman akong mamatay. Tsaka hindi ko na rin kilala ang Stacy na nandito ngayon... Hindi ko na kilala ang sarili ko Shane," Umiiyak na sabi ni Stacy.
"Sa buong pananatili ko rito ay puro panlilinlang ang ginawa ko, buhay nga ako pero pakiramdam ko ay patay na ako. Ang galing ko palang sinungaling, ang galing kong manloko ng kapwa, ang galing kong manakit ng ibang tao, ang galing kong manlaglag ng kaibigan. Hindi na ako 'yon, Shane. " Humahagulgol ng iyak si Stacy.
Pinagmamasdan ko lamang silang dalawa pero parang dinudurog na ang puso ko sa mga nangyayari. Dapat ay galit ako kay Stacy ngayon dahil siya ang dahilan kung bakit marami sa mga kasamahan namin ang namatay. Pero hindi ko magawang magalit kay Stacy. She just did her role.
"Ako kilala kita Stacy. Oo sa trial maaaring manloloko ka. Pero para sa akin isa kang mabuting kaibigan, Stacy," Humahagulgol na iyak ni Shane. "Kahit na sinasabi ng ibang tao na bobo ako, na wala akong tamang bagay na magagawa, pero iba ka Stacy, naniwala ka sa mga bagay na kaya kong gawin at tinanggap mo ang lahat ng pagkukulang ko."
"Hindi ka tanga Shane, kulang ka lang ng pitong buwan no'ng pinanganak pero hindi ka tanga. Para sa akin matalino ka. Ikaw ngayon ang nagiging source ng happiness ng karamihan sa atin. You make us smile without noticing it, that's what makes you smart."
Saglit silang nagkatinginan dalawa habang umiiyak. Walang tigil ang mga luha sa kanilang mga mata pero sa pamamagitan din ng mata ay parang nauunawaan na nila ang isa't-isa.
"Shane kailangan na nating lumabas," Wika ni Hannah.
"Mami-miss kita Stacy" Sabi ni Shane at pinahid ang kanyang luha.
"Mas mami-miss kita. Tomy ikaw na ang bahala sa kaibigan kong hindi nabiyayaan ng utak," tumango naman si Tomy sa kanya. "Salamat."
Mabigat man sa loob naming lahat pero iniwan na namin si Stacy na nag-iisa sa trial court. Pagkaalis namin sa court ay doon na umiyak ng napakalakas ni Shane. "Ayokong mawala si Stacy. Gusto kong ipakita sa kanya na malakas ako pero hindi ko kaya."
Mas pinili ko ng umalis para ihanda ang sarili ko sa kung ano ang mangyayari kay Stacy. Nagtungo ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko pa lamang ay ramdam ko na ang lungkot.
Bakas pa sa carpet ang dugo na galing kay Owen. "Owen ilalabas ko ang mga kasamahan natin dito.”
Patuloy ko pa rin sinisisi ang sarili ko sa pagkawala ni Owen pero imbes na magmukmok ako, tatapusin ko ang bagay na nasimulan niya.
Naalala ko bigla ang huling ini-utos sa akin bago siya mawala. Iyon ay ang pumunta sa kwarto ni Phil. Hindi ko alam kung bakit niya ini-utos sa akin 'yon. Pero may kutob ako na may kinalaman iyon sa lahat ng nangyayari.
Pumasok ako sa kwarto ni Phil at isinara ang pinto upang walang makakita sa akin. Madilim ang kwarto dahil na rin nakapatay ang ilaw at ilang araw na rin ang lumipas simula ng mabakante ito. Binuksan ko ang ilaw.
Tumambad sa akin ang napakagulong kwarto ni Phil ngunit ang pinaka nakaagaw ng aking atensyon ay ang mga letrang nakadikit sa pader. Nakasulat sila sa isang bond paper at nakadikit.
E-I-T-S-L-T-Q-O-L-L-T-K-O-Q-S-A-O-S-S-T-D
Iyan ang nakasulat sa bawat bond paper. "Anong ibig sabihin nito?" Hindi ko man alam kung ano ang ibig ipahiwatig sa akin ni Owen o kaya naman ni Phil ay kinuha ko pa rin ang maliit kong notebook at isinulat ang bawat letra.
Ito siguro ang nais ipakita sa akin ni Owen kaya niya ako pinapapapunta sa silid ni Phil. Naghanap pa ako sa kwarto ni Phil baka mayroon pa akong makitang ibang bagay at hindi nga ako nagkamali.
Isang litrato ang aking nakita. Litrato kung saan magkasama si Jessie at Crystal. Magkasama sila sa litrato kung saan masaya silang nagtatawanan
Naguluhan ako sa aking nakita dahil sa ayaw ko man o sa gusto ay bigla akong nagkaroon ng kutob kay Crystal. Alam naman ng lahat na isa si Jessie sa mga killers kaya naman nakakapagtaka na may litrato silang dalawa na magkasama.
Imposibleng sa loob ng park nakuha ang mga litrato na iyon dahil wala kaming lahat na cellphone. And most likely ay parang sa isang beach siya kinuhanan.
Itinago ko na sa bulsa ko ang litrato kong nakuha at dali-daling lumabas ng kwarto ni Phil na parang wala nangyari. Ayokong paghinalaan ang kaibigan ko pero... Argh! Damn those clues! Pinapasakit lang nito ang utak ko.
Umupo ako sa isang upuan at ilang minuto lang ay dumating sina Crystal at Mario upang tumabi sa akin. "Just like the old times, nagsama-sama na naman tayo?" Natatawang sabi ni Mario.
Just like the old times? Hindi na maibabalik ang old times dahil maraming nagbago, wala na si Owen at Caleb. Ngayon naman ay nagkakaroon ako ng kutob kay Crystal.
Habang tumatagal ay mas nagiging katulad ko na si Owen. Natututo na rin akong magbalat-kayo at hindi ipakita ang totoo kong nararamdaman. Dito ko lang naramdaman ang pressure kay Owen, may mga bagay pala talagang mahirap sabihin o ipagkatiwala sa iba kaya mas maganda kung sarilihin ko na lang.
"Makakalabas din naman tayong lahat dito eh. Malapit na natin mahulaan kung sino ang killer," Sabi sa amin ni Crystal.
"Huwag muna tayong makasigurado na makakalabas tayo agad." Nakangiti kong sabi sa kanya. Isa pa ring malaking palaisipan para sa atin ang katauhan ng Serial Killer.
Tumagal pa ang pagkekwentuhan namin tatlo ng ilang oras. Nakaka-miss din naman silang kausap dahil pare-parehas na kaming naging busy sa pag-alam kung sino ang mga pumapamatay.
Nakakalungkot lamang dahil wala si Owen ngayon. "Alam niyo, nagi-guilty ako sa pagkawala ni Owen" Pagsasalita ko at hindi ako makatingin sa mga mata nila.
"Bakit naman Raven?" Pagtatanong ni Mario.
"Nagkaroon kasi kami ng pagtatalo bago siya mamatay at nasabihan ko siya ng masasakit na salita," Malungkot kong tugon. "Katulad na lamang na sana ay mawala na siya sa larong ito."
"Dito ko napatunayan na words are really powerful. It can break someones heart or worst, It may happen. Nakakalungkot isipin na hindi man lang kami nagkaroon ng maayos na conversation bago siya nawala." Kahit papaano naman ay gumaan sa pakiramdam ang pag-o-open up ko sa kanila.
"Wala kang kasalanan Raven," Sabi ni Crystal at hinawakan ang aking kamay. "Hindi ikaw ang gumawa ng pagpatay. Pero alam naming dalawa ni Mario na hindi mo kasalanan ang nangyari at napatawad ka na panigurado ni Owen."
"Oo nga tama si Crystal. You just have a ‘not-so-good-farewell’ with Owen pero hindi mo kasalanan ang nangyari Raven." Sabi ni Mario.
Ang laking pasasalamat ko na lamang na napatawad nila ako at kinomfort na rin at the same time. Aminin man natin o sa hindi, malaki ang papel ng ating mga kaibigan sa buhay natin. They are the one who helping us in carrying the burden.
Matapos ang kwentuhan namin ay muli na kaming nagdiretso sa Trial court upang tignan ang magiging kapalaran ni Stacy.
Eto ang unang trial na walang kaba sa aking dibdib. Siguro marahil ay tanggap ni Stacy ang maaaring maging kapalaran niya at tinanggap na rin namin. Pagkarating namin sa trial court ay nakita agad namin si Stacy na nakahiga habang sa itaas ng kanyang kinahihigaan ay mayroong mga kandila.
"We will now count the number of votes!"
"Hannah voted Yes"
"Chelsea voted Yes"
"Tomy voted No"
"Nick voted Yes"
"Loren voted Yes"
"Crystal voted Yes"
"Mario voted Yes"
"Shane voted No"
"Raven voted No"
"6 players voted yes while 3 players voted No"
Bakit mas pinili kong mag-"No" kay Stacy? Siya yung tipo ng tao na deserving na makaalis sa lugar na 'to. Isa siya sa mga taong nagpapalakas ng loob sa bawat isa. Malaking bagay para sa akin ang existence ni Stacy. Pero gaya nga ng sabi nila, nasa isang laro kami, may mga tao talagang mawawala sa ayaw at sa gusto namin. Hawak ni Amanda ang mga buhay namin at kaya niya itong paikot-ikutin sa kanyang palad.
"One player must lit the fire on candle,"
Ibig sabihin lamang nito na kami mismo ang papatay kay Amanda. "Ako na ang gagawa." Pagpi-prisinta ni Tomy.
Ako ang nahihirapan para kay Tomy at Shane dahil parehas nilang malapit na kaibigan si Stacy. Kaya naman paniguradong masakit para sa kanila na sa mga oras na ito ay maaaring mawala na si Stacy sa laro.
"P-pwede bang tayong dalawa Tomy?" Pumayag din si Tomy sa sinabi ni Shane.
Habang naglalakad sila tungo sa nakahigang si Stacy ay bigla na lamang pumatak ang luha ko. Ako ang nasasaktan para sa kanila.
Nakita kong nag-usap-usap pa silang tatlo at nasaksihan ko rin ang pag-iyak ni Shane. Saying goodbye to your friend is one of heart wrecking scenario. Sinimulan sindihan ng dalawa ang maraming kandila na nasa itaas ni Stacy.
Tumakbo papunta sa amin si Shane at napayakap sa kaibigang si Loren. Siguro marahil ay ayaw niyang masaksihan ang pagkamatay ng kanyang kaibigan.
Makalipas ang ilang segundo ay puro sigaw na lang ni Stacy ang narinig sa apat na sulok ng Trial court.
Unti-unting pumapatak ang kandila sa balat ni Stacy kaya siya napapasigaw. Sa dami ng kandilang nasa itaas niya ay mapapasigaw na lang talaga siya dahil para siyang pinapaulanan ng mainit na tubig galing sa kandila.
Punong-puno ng pawis na ang katawan ni Stacy at walang tigil siya sa pagsigaw. Ang bawat patak sa kanya ng kandila. Ang paglapnos sa balat ni Stacy ng bawat patak ang nagiging sanhi ng igat sa loob ko.
"Wala kang dapat ikabahala, Tanggap ni Stacy ang pagkawala niya sa larong ito," Biglang nagsalita si Tomy na nasa aking tabi lang. Halata naman sa mata niya ang pamumula... Siguro ay pinipigilan niya na lang din ang maiyak.
"Iiyak mo na 'yan Tomy. Ito na rin naman ang huling beses niyong magkikita ni Stacy."
"Hindi ito ang huling beses. Naniniwala ako na magkikita ulit kaming dalawa. Sa ibang panahon, sa ibang lugar, sa ibang oras pero alam ko, magkikita kami muli.” Paliwanag ni Tomy.
Nabalutan na ng puti ang katawan ni Stacy dahil sa mga patak ng kandila at tuluyan na rin itong nalagutan ng hininga.
"Players it's a Game over for Stacy Wilkins! Her game identity is— Traitor!"
Ito ang unang beses na umiyak ang lahat dahil sa pagkawala ng isang player na may masamang identity. Kahit puro pagmamaldita si Stacy ay itinuring niya kami bilang isang kaibigan, napamahal na sa amin ang maldita niyang ugali
In this game, seeing your friends loss one by one is like killing yourself for how many times. Ito siguro ang rason kung bakit ayaw ni Phil na maging close sa ibang players... Ayaw niyang masaktan.
Masakit man ang nangyari ay kailangan naming magpatuloy. Kailangan naming tapusin ang demonyong larong ito, kailangan naming tapusin ang aming nasimulan.
~
Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (Innocent) [X]
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent) [X]
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (Innocent) [X]
9. June Blake (Doctor) [X]
10. Owen Garcia (Detective) [X]
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]
FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (Traitor) [X]
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (Mafia) [X]
12. Erica Hunter (Innocent) [X]
Survivors left: 9
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top