Chapter 33: Trial Phase 10

Before I start this chapter, I have a great news for you, guys!

Killer Game will be publish under Psicom and will be available nationwide soon! It will be release at MIBF first and then, will bw available nationwide the month after. :)

Chapter 33: Trial Phase 10
Raven

Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako sa kawalan at hindi ko lubos maisip na si Owen ang sunod na mawawala sa laro. We're all affected sa nangyari, para kaming isang ibon na pinutulan ng pakpak... Hindi na kami makakalipad, wala na kaming mararating. 

“B-bakit nangyari ‘to!?” Malakas na sinuntok ni Mario ang pader.

"Hindi lang naman ikaw yung nawalan, kaibigan ko rin si Owen," Sabi ni Crystal.

Bago pa tuluyan na magkainitan ang dalawa ay pumagitna na ako at pinatahimik sila. "Walang mararating 'yang pagtatalo niyo.”

Masakit sa loob ko. Pakiramdam ko kasi ay ako ang may kasalanan sa pagkawala ni Owen. Kung hindi kami nagkaroon ng pagtatalo kagabi ay paniguradong nandito pa siya ngayon, kung sumunod lamang ako. Totoo nga ang laging sinasabi ni Owen... Bobo nga talaga ako.

“We should move forward. Tara muna sa restaurant at kumain,” kailangan kong ipakita sa mga kasamahan ko na okay ako, baka kapag nakita nilang kinakaya ko ay baka kayanin din nila.

As I continue my days here, nakalimutan ko na nasa isang survival game nga pala kami. This is a survival of the fittest. Alam ko naman na si Owen ang pinakamagaling sa amin, pero daig nga talaga siguro ng mandaraya ang matalino.

Dahil napatay ng serial killer si Owen, doon ko napatunayan na mali ang akala ko... Sabi ni Jessie ay bobo ang serial killer pero lumalabas na matalino naman pala ito. Kung hindi man siya matalino, paniguradong magaling siya sa Pagmamanipula at pagpapakitang tao.

Well, all demons once an angels.

Umupo na ako sa isang silya, sa tabi ni Tommy specifically. Pinagmasdan ko ang paligid at hindi ko maiwasang malungkot. Sa bawat sulok kasi ng restaurant na ito ay naaalala ko ang mga kasamahan namin. Maraming alaala ang nandito kasama ang ibang players.

"Ibang-iba na ang atmosphere ngayon 'no?" Nakangiting sabi sa akin ni Tomy habang humihigop siya ng kanyang kape. "Tumingin ka sa paligid."

Tinignan ko ang paligid at pinagmasdan ko ang ekspresyon ng bawat kasamahan ko. Lahat sila ngayon ay malungkot. Siguro ay pakiramdam nila ay wala na kaming pag-asa na makalabas pa rito dahil sa pagkawala ni Owen. Iyong mga ekspresyon na nakapinta sa mukha ng mga kasamahan ko... Ang ekspresyon na ayokong makita ng dalawang mata ko.

Tumayo ako, "Guys ba't ganyan kayo?  Makakaya natin 'to!" Malakas kong sigaw.

"Raven, wala na si Owen. Imposible na tayong makaalis dito, tanggapin na lang natin," Sabi ni Chelsea. Lahat sila ay pinanghihinaan na ng loob.

This kind of atmosphere wrecked my heart. Hindi ganito ang gusto kong kahantungan. Paniguradong hindi rin ganito ang gusto na mangyari ni Owen.

"Nasanay kasi ang lahat na nakadepende kay Owen," Biglang nagsalita si Tomy na nasa aking tabi. Napilitan akong umupo muli. "As Owen died, Their hope also died."

"Wala na tayong magagawa Raven," Biglang nagsalita si Nick. Hindi ko alam kung kailan nawala ang inis niya sa akin, pero I think that's a good thing. "Sa pagkakataon ngayon, para tayong isang ibon na pinutulan ng pakpak."

"Pero tandaan mo Nick hindi tayo ibon," Biglang nagsalita si Tomy sa kanya. "tao tayo. Hindi man nakakalipad ang tao, pero dahil sa walang katapusan na kagustuhan ng tao... Paniguradong hahanap ito ng paraan para makalipad."

"T-tama sila. 'Wag muna tayong mawalan ng pag-asa!" Sabi ni Crystal. "Wala man si Owen sa ngayon pero kailangan natin ituloy ang nasimulan ni Owen, tayo ang magbibigay tuldok sa kanyang nasimulan."

Hindi sapat ang motivational words namin para mapagaan ang loob ng lahat. Hindi na akong nagtangkang kumibo pa at kinain ko na lang ang almusal ko. Useless lang din kung magpapaliwanag ako. Their mind sets on the negative side, wala na akong magagawa ro'n.

"So Raven, what did you feel na sa kwarto mo naganap ang krimen?" When Tomy asked that kind of stuff. Napatigil ako sa pagkain.

Noong makita kong namatay si Owen sa kwarto ko, ang una ko agad naisip ay sisihin ang sarili ko. We fought before it happened, so nung nakita ko ang bangkay ni Owen... It was all my fault, kung sumunod lamang ako.

"It hurts, but we need to move on." Labas sa tenga kong sagot. I need to keep my cool this time around. I don't know kung bakit nagiging ganito si Tomy, pero isa lang ang nasisigurado ko... Gusto niyang makita na naapektuhan ako sa pagkawala ni Owen.
Mabilis kong tinapos ang almusal ko and sakto...

"All players please gather at trial court the trial was 'bout to begin!"

Mas nakakatakot ngayon ang magiging trial dahil dito mo malalaman kung sino talaga ang mga taong may utak at mga taong puro dada lang ang alam pero wala namang laman ang sinasabi.

Saglit akong nagpunta sa kwarto ko upang magpalit ng damit.

"Maghintay ka lang Owen, sisiguraduhin kong magiging proud ka sa akin." Wika ko habang pinagmamasdan ang bakas ng dugo sa sahig.

I don't dream to be the protagonist dahil sa totoo lang, Owen is the real one and I'm just a supporting character that continuing what he started.

Pagpasok ko pa lang sa trial court ay ramdam ko na ang kaba.

"Makakalabas tayo rito, magtiwala ka lang." Biglang nagsalita si Stacy sa tabi ko. Until now hindi pa rin nawawala ang kamalditahan ni Stacy. Minsan makakausap mo siya ng matino pero usually eh parang sasampalin ka lang niya ng mga pambara niya. That's the thing that good about Stacy, hindi niya hinahayaan na tapakan siya ng ibang tao.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay unti-unti na kaming nakumpleto sa loob ng. Hindi maiwasan na pumatak ang luha galing sa aking mata. "'Wag mong ipakita na mahina ka ngayon Raven," Bulong sa akin ni Stacy. "Sa'yo ngayon humuhugot ng lakas ang karamihan." 

Sa sinabing iyon ni Stacy ay parang nagkaroon ako ng lakas, hindi ko dapat i-down pa lalo ang iba kong kasamahan. Gagamitin kong instrumento ang pagkamatay ng kaibigan ko para makaalis kami sa lugar na ito.

"Trial start!"

"Ano pang silbi nito, alam na rin naman ang kahahantungan ng lahat." Narinig kong mahinang bulong ni Loren.

Suddenly, negativity killed my confidence.

"Ano pang silbi nito? Para sa akin ang silbi ng trial na 'to eh para tumulong para makalabas na ako sa lugar na ito. Kung wala ka ng pag-asa e’di magpapatay ka na lang." Sabi sa kanya ni Tomy. "Bakit ba lumong-lumo kayo sa pagkamatay ni Owen? Diyos ba si Owen para mawalan kayo ng pag-asa? First of all hindi naman si Owen ang tutulong sa inyo para makaalis sa lugar na ito, walang ibang tutulong sa inyo kun'di ang sarili niyo lang."

"So let's start this,  Does who wanted to get out in this fucking place then speak up hindi yung makikinig lang kayo," Sabi ni Stacy at umirap.

"Sa tingin niyo ba ay papayag si Owen na mamatay ng gano'n-gano'n na lamang?" Pagtatanong ko sa kanila. Kilala ko si Owen, pinag-iisipan niya ang bawat kilos niya... Hindi siya gagawa ng isang desisyon na ikapapahamak naming lahat.

Mabilis naman na hindi ang kanilang mga naging tugon. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan kung bakit nawala si Owen kaya naman responsibilidad ko 'tong trial na 'to. Hindi ko hahayaan na mapunta sa wala ang mga ginawa ni Owen para sa amin. Malayo na ang narating namin, ngayon pa ba ako mawawalan ng pag-asa?

"Matalino si Owen—" 

"Kaya lang ay nagpadala siya sa kanyang emosyon," Biglang nagsalita si Stacy.
"So most probably he was been deceived by someone." sabi naman ni Tomy. Stacy and Tomy has a good partnership in terms of doing investigation. Maybe masyado na silang close dalawa kaya naman nagkakaintindihan sila. They are like North and South Pole... Both different but making all things balance.

"And that someone will be Raven, Crystal, Mario... and Hannah." Magre-react na dapat ako. "No more buts! Iyan ang totoo, matalino si Owen and hindi siya showy sa kanyang nararamdaman, maybe sa inyong apat ay nagpakita siya nang emotion na hindi namin nakikita."

"Hindi ko magagawang pumatay ng kaibigan!" Sigaw ni Mario, naging malapit silang dalawa kahit na nagkaroon sila ng alitan ni Owen. Mario value our so called "friendship" a lot.

"Let me finish first okay?" Mataray na sabi ni Stacy at pinagtaasan ng kilay si Mario. "Kung pagbabasehan natin yung ika-pitong trial, sinabi ni Owen ang mga taong mahahabang kuko na posibleng killer. Isa ro'n si Crystal at Hannah. Our suspect right now is down to two."

Napatingin ako kay Crystal, bakas sa kanyang mukha na nais niyang magsalita kaso nga lang ay hindi pwede dahil siya ang napili ng silencer na tumahimik sa araw na ito.

"Imposibleng ako 'yon. Oo magkaibigan kami ni Owen pero hindi naman kami gano'n ka-close," Pagtatanggol ni Hannah sa kanyang sarili.

"But your still a friend."

Gusto kong matuwa sa ginagawa ni Stacy dahil nalaman niya na agad ang maaaring gumawa ng pagpatay sa kaibigan naming si Owen. Kaso nga lang ay may part sa akin na kinakabahan. Pakiramdam ko ay may mali.

"Teka, Stacy," Bigla kong sabi sa kanya, magkatabi lamang kami kaya nilingon niya lang ako. "Hindi ba't parang ang tulin naman ng lahat?"

"Nakakapagtaka lang dahil ang bilis mong nahulaan kung sino ang maaaring killer." Dugtong ko pa.

“Oo nga, Stacy, nakakapaghinala ang bilis mong malaman sa kung sino ang gumawa,” sabi ni Mario. “Pakiramdam ko ay planado mo ang lahat."

"'Wag niyo ng subukan pang iligtas ang mga kaibigan niyo Raven." Biglang nagsalita si Chelsea. "Tinutulungan na nga tayo ni Stacy!"

"I don't do this investigation alone katulong ko si Tomy. 'Wag kayong tanga na dalawa."

"But Tomy is having a hard time in connecting all things. Pero sa'yo parang alam mo na kung sino agad ang pagbibintangan mo" sabi ko.

"H-hindi kaya Stacy ikaw ang Traitor?" Biglang nagsalita si Nick. Lahat kami ay nagulat.

"Ba't naman napunta kay Stacy ang mga pagbibintang niyo?" Sigaw ni Shane at pilit na pinagtatanggol ang kaibigan. "Wala namang basis 'yang pinagsasabi niyo."

At this point ay inalala ko lahat ng nangyari na trial sa amin. Katulad na lamang nung unang araw, agad na pinagbintangan ni Stacy si Tomy. Wala siyang investigation na ginawa no'n at sinabi niya lang na instinct ang pagbibintang niya kay Tomy.

Yung mga panahong inaalam namin kung sino ang Assassin. Ang sabi namin ay pwedeng nasa babae ang killer pero pinalaki niya at dinamay lahat ng lalaki.

Yung pagsasabi niya kahapon na si Owen ang pinaghihinalaan niyang si Amanda, ngayon ay alam ko na kung bakit niya ginawa iyon, gusto niyang maghinala rin ako kay Owen. She wanted to shake my trust on Owen that night.

Dito ko napagtanto, hindi kami tinutulungan ni Stacy. Inilalayo niya kami para hindi namin malaman kung sino ang killer. Our first impression to her is smart and she used that as her strength in this game.

"Guys hindi niyo ba nahahalata sa every trial ay inilalayo tayo ni Stacy? Hindi niya tayo tinutulungan! Niloloko niya lang tayo." Malakas kong sigaw, wala na akong pake kung katabi ko lang si Stacy. Hindi na kami magpapabulag sa mga panloloko niya.

"Raven pwede ba! Wala namang kwenta 'yang pagbibintang mo!" Sigaw ni Tomy sa akin. Malapit siya kay Stacy kaya naman paniguradong ipagtatanggol niya ito.

"Guys hindi na namin kailangan magpaliwanag. Nasaksihan niyo lahat ng mga panloloko ni Stacy, nasa sainyo na kung magpapakatanga pa kayo o gigising na sa katotohanan. Nasa harap niyo na ang katotohanan... Huwag na kayong magbulag-bulagan." Sabi ni Nick.

"Alalahanin niyo lahat ng nangyari. Huwag niyong hayaan na masayang ang pagkamatay ni Owen. Gusto ng kaibigan ko na makaalis tayong lahat sa lugar na ito at alam kong iyon din ang gusto niyo." Sabi ni Mario.

Itinaas ni Crystal ang kanyang placard at nakasulat ro'n ang pangalan ni Stacy.

"Kung papatayin niyo si Stacy e’di ituring niyo na ako ang Serial Killer!" Malakas na sigaw ni Shane.

"Shane itigil mo na ang pagtatanggol sa akin. Malayo na ang narating ko and I should be satisfied with that," Nakangiting sabi sa kanya ni Stacy. Walang halong ka-plastikan ang ngiti ni Stacy sa kanyang kaibigan.

"P-pero Stacy..." Biglang dumaloy ang mga luha sa mga mata ni Shane. "Nalaman nila na ikaw ang Traitor,"

"What!? All this time Shane alam mong si Stacy ang traitor!" Sigaw ni Tomy. Parehas niyang kaibigan si Shane at Stacy. "Alam mo pala ang lahat and all this time ako lang pala ang niloloko niyong dalawa!"

"Si Stacy ang unang naging kaibigan ko rito. Oo alam kong siya ang traitor, pero magkaibigan kami, our friendship is too strong to the point na ayoko siyang ilaglag." Umiiyak na sabi ni Shane.

"Bumoto na tayo," Inilagay ni Stacy ang pangalan niya sa placard. "Raven dumating na ang kinatatakutan ko." Sabi niya sa akin.

"'Diba sabi ko sa'yo kahapon na natatakot ako na baka hindi ako isa sa mga makakalis dito. Eto 'yon. Eto ang dahilan kung bakit hindi ako makakasama na makalabas, dahil isa ako sa mga kinakailangan niyong patayin sa larong 'to," Nakangiting sabi sa akin ni Stacy pero iba ang sinasabi ng kanyang mga mata. Ang mga luha na dumadaloy sa kanyang mga mata ang nagsasabi na ayaw niyang mamatay.

"Tapusin na natin ang trial na 'to. Eto lang ang masasabi ko sa inyo. Simula pa lamang ng laro ay niloloko na tayo. Huwag kayong matakot sa kamatayan dahil dadating talaga sa bawat isa 'yan." Wika ni Stacy.

Maluwag sa loob na tinanggap ni Stacy ang resulta ng boto namin.

Dito ko nalaman na hindi lahat ng masasamang tao ay may masasamang loob. Minsan nakakagawa sila ng masasamang bagay dahil kailangan nila. Walang tao na ginawa ang Diyos na perpekto. Lahat tayo nagkakamali, lahat tayo nagkakasala.

Sa pagkawala ni Owen ay itutuloy ko ang bagay na kanyang nasimulan. Ako ang tatapos sa larong 'to. Ako ang magbibigay tuldok sa larong 'to.

~

Male Players:

1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (Innocent) [X]
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent) [X]
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (Innocent) [X]
9. June Blake (Doctor) [X]
10. Owen Garcia (Detective) [X]
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]

FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (???)
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (Mafia) [X]
12. Erica Hunter (Innocent) [X]

Survivors left: 10

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top