Chapter 32: Night 10

Chapter 33: Night 10
Raven

Masaya ako dahil nabawasan na ang mga dapat mamatay sa larong ito pero at the same time... Nakakalungkot din, hindi kami makakalabas lahat dito ng sama-sama.

Madalas nga ay nakakasalubong ko si Owen, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako umiiwas. Siguro marahil ay pakiramdam ko ay ang layo ni Owen sa akin. Naturingan pa man akong pulis sa larong ito pero ako pa ang walang naitutulong. Nakakapagod din, ilang beses kong sinusubukan na makipagtulungan kay Owen pero parating siya mag-isa ang nakakaresolba ng kaso.

Napapatanong na nga ako sa aking sarili, ano bang role ko rito sa larong 'to? Kung dati ay malinaw sa akin na Pulis ang role ko ngayon ay nag-iba na... Pakiramdam ko ay saling pusa na langako sa larong 'to. Para akong isang matandang tao na naghihintay na lamang ng kamatayan.

Sa sampung kasamahan ko rito, sino pa nga ba sa kanila ang dapat kong pagkatiwalaan?

"Malapit na mag-gabi tumigil na tayo sa pagsakay ng mga rides," Sabi ni Mario at umupo kaming tatlo nila Crystal sa isang bench.

Ang sabi kasi nila ay dapat naming i-celebrate ang pagkakahuli sa mafia kaya dapat ay magsaya kami. Inaya rin namin si Owen ngunit mabilis itong tumanggi at pinagmasdan niya na lamang kami sa pagsakay sa mga rides.

"Ano kaya ang ibig sabihin nung mga sinabi ni Jessie kanina? Parang ang lalim ng clue na ibinigay niya sa atin," Sabi ni Crystal.

"Ano ba, niloko nga tayo ni Jessie mula unang araw eh. Hindi malayo na baka niloloko niya lang din tayo sa pagkakataong iyon. May sungay at buntot ang tomboy na yun 'wag mong pagkatiwalaan." Sagot sa kanya ni Mario.

Ang gulo! Ang hirap ng i-distinguish ng mga totoong salita sa peke. Habang tumatagal kami sa lugar na ito... Pagaling kami ng pagaling sa panloloko at pagsisinungaling.

"Ang mahalaga ngayon ay ang serial killer na lang ang kailangan nating hanapin." Sabi ko, iyon na lang naman kasi ang pumapatay.

"Magtulungan na lang tayong lahat para makaalis na tayo rito." Nakangiting sabi sa amin ni Mario. Ilang beses ko rin sinabi dati na magtulungan kami para malaman ang mga killers but in the end of the day... Owen do it all by himself. Si Owen talaga ang bida sa larong ito samantalang kami, umaasa lang kami sa kanya, we are just supporting characters.

Naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. Pumunta muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Hinubad ko ang aking saplot at nagtungo sa banyo, Binuksan ko ang Shower. Hinayaan ko lang dumampi ang malamig na tubig sa aking balat. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging nakakatakot ang parkeng ito. 

Ang galing din kasi 'no? Yung mga inaakala mong anghel ay iyon pala ang may mga sungay at buntot. Napapatanong nalang ako minsan kung may kakampi pa ako sa lugar na ito.

Sa muli kong paglabas sa banyo ay gabi na naman, sa ayaw at sa gusto ko ay paniguradong isa na naman sa amin ang mawawala. Sa sampung araw na naririto ako sa lugar na ito ay nakahanap ako ng pamilya. Hindi ko man sila maaaring pagkatiwalaan pero pamilya ang turing ko sa kanila, pakiramdam ko nga ay parang ang tagal na naming magkakakilala. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kasamahan.

"Mukhang uulan." Maikli kong sambit noong mapansin kong wala ni-isang bituin sa kalangitan. Kinuha ko ang jacket ko sa drawer bilang paghahanda kung sakaling umulan man.

Simula ngayong gabi ay panigurado akong magsisimula na ang totoong laban. Pagkalabas ko ng aking kwarto ay nakita ko pa si Crystal at Tomy na nag-uusap. Mukhang inaayos nila ang problema sa pagitan nila.

Nabigla ako nung biglang may humatak sa akin. “Huwag kang nakikinig sa usapan ng ibang tao.” Sabi ni Stacy.

Wala na akong ibang nagawa kun'di ang sumunod kay Stacy. "Stacy bakit ganyan ang ugali mo?"

"Simple lang, ayokong masaktan. Kung matapang ako hindi ako masasaktan ng ibang tao." Paliwanag sa akin ni Stacy.
"Matapang ka? Pero sa tuwing sasapit ang trial parating nanginginig ng kamay mo." Sabi ko sa kanya habang binabagtas namin ang pababang hagdan. Katabi ko si Stacy tuwing trial at sa siyam na araw na pinamalagi ko rito, napapansin ko na rin ang mga mannerism o ugali ng ibang players.

Being bitch is her disguise to protect her feelings. Apektado rin siya sa mga nangyayari, ayaw niya lang ipahalata.

"Alam mo kasi Raven lahat tayo ay may kutsilyo sa likod. Anytime pwede kang mamatay pero ang mas nakakatakot, hindi mo alam kung sino ang sasaksak sa'yo," Saglit kaming huminto sa paglalakad. "Aaminin ko natatakot ako. Sa tuwing sasagi sa isip ko na baka isa ako sa mga hindi makakaalis sa parkeng ito nanginginig ang kamay ko."

Eto ang unang beses namin magkaroon ng seryosong konbersasyon sa pagitan ni Stacy. Madalas kasi na natatakot ako sa mga pambabara pero minsan din pala ay ayos ding kausap si Stacy.

"Imposible naman na matanggal ka sa larong ito. Ikaw kasi yung tipo ng tao na matatakot kalabanin dahil sa kakaibang aura mo." Sabi ko sa kanya, ipinagpatuloy namin ang aming pag-uusap hanggang sa malapit na kaming makababa kami sa ground floor.

"Hindi naman ang killer ang kalaban dito, bukod kay Amanda ay kalaban mo rin ang lahat. Kalaban ko rin ang lahat. Sa ngayon ay si Owen ang pinaghihinalaan kong si Amanda." Nagulat ako sa kanyang sinabi dahil si Owen ang tumutulong sa aming lahat ngunit siya pa ang pinagbibintangan ni Stacy.

"Imposible 'yan,"

"Hindi iyon imposible, sa ngayon ay hawak tayong lahat ni Owen. Siya ang nagpapaikot ng laro sa ngayon, sabi nga ni Jessie na kung sino pa raw ang taong tumutulong sa atin ay siya rin ang maaaring si Amanda." Wika pa ni Stacy.

"Hindi ko naman totally pinagbibintangan si Owen pero may kutob lang ako." Nakangiti iyang sabi matapos naming marating ang main lobby.

"Bakit ang tagal mo Stacy kanina pa kita hinihintay," Bungad na sabi ni Shane at lumapit sa kaibigan.

"Sinabi ko bang maghintay ka? Boba ka talaga e." Umirap si Stacy at naghanap ng puwestong mauupuan.

Umupo ako sa tabi ni Mario at hinintay ang iba naming kasamahan. Unang dumating si Owen at kasunod naman si Crystal na kasabay si Tomy. Mabuti nga at nagkaayos na ang dalawang iyon.

Tumabi malapit sa akin si Owen at tanging ngitian lang naman ang aming ginagawa sa isa't-isa. Gano'n naman lagi eh, hangga't hindi ako ang unang kakausap kay Owen ay hindi niya rin naman ako papansinin.

Aaminin ko, si Owen ang pinakamagaling na player dito. Pero kung gaano kataas ang respetong ibinibigay namin sa kanya ay ganoon rin ang kataas ang tingin niya sa kanyang sarili.Masyado siyang focus sa laro. Kung kakausapin ka man niya, paniguradong pa-plastik-in ka lang niya.  He don't trust anybody in this game, even me.

"Players the game will start in 5 minutes please prepare yourselves!"

Naglakad na ako palabas at naghanap ng aking pagtataguan. Ang laki ng park na 'to pero parang paliit ito nang paliit para sa amin. This is hell that disguised as a theme park.

Nakakalayo na ako sa hotel at malapit na rin ako sa isang part ng park na puro damo. 
"Raven saglit lang," Biglang may tumawag sa aking pangalan at paglingon ko—si Owen.

"May ipapapagawa ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya, lalapit lang naman sa akin si Owen kapag may kailangan siya, he considered me as his puppet not as his team mate.

Hindi ko naman ugaling magtanim ng galit sa ibang tao at lalo na kay Owen na isa sa mga una kong naging kaibigan dito sa park na ito... Pero habang tumatagal parang nagkakaroon ako ng inis sa kanya, which is not good.

"May ipapa-check ako ngayon sa'yo sa kwarto ni Phil,"

"Owen pwede ba! ikaw na lang ang gumawa ng bagay na 'yan!" Hindi ko na maiwasang magtaas ng boses. Sawa na akong maging sunud-sunuran ni Owen. "Humihingi ka nang tulong sa akin pero wala naman akong ideya sa mga pinaplano mo. Ginagamit mo lang ako rito!”

Saglit na napatigil si Owen pero mabilis na puminta sa kanyang labi ang isang ngiti, Plastik. "Raven tatanungin kita, ano na bang naitulong mo sa laro?" 

Ako naman ang napatigil sa kanyang tanong. Naikuyom ko ang aking palad at naikagat ang ibaba kong labi. "Sana ikaw na lang ang nawala, masyado ka ng nadadala ng kayabangan mo. Oo matalino ka pero wala ka mang lang panramdam. 'Diba matalino ka? Ba't hindi mo matutunan na magkaroon ng panramdam sa ibang tao?"

Ito yata ang unang beses na makipagtalo ako kay Owen, madalas kasi ay nananhimik na lang ako kapag sinasabihan niya ako ng bobo at tanga o kaya naman na kung ano-ano pang masasakit na salita.

"May ipagyayabang ka na ba ngayon?" Sabi niya at ngumisi sa akin. Eto ang totoong Owen, mayabang, makasarili, walang pakialam sa ibang tao.

"Sana mawala ka na sa larong 'to," Iyan ang huli kong sinabi at naglakad sa kanya palayo. Wala akong balak sundin ang ipinapagawa niya.

***
Owen

I don't know why Raven say that stuff. Am I too dense? Hindi naman talaga madali para sa akin ng ipakita na nag-aalala rin ako para sa kanila. I have a dark past and ayoko lang maulit 'yon.

Hinayaan ko lang si Raven na lumakad palayo. Teka nasasaktan ba ‘ko? Of course not, hindi ako pwedeng masaktan. Walang permanenteng kaibigan sa larong 'to.

Simula na ng game hour at wala akong ibang nagawa kun'di ako ang pumunta sa kwarto ni Phil. "That jerk." Mahinang bulong ko sa aking sarili at kinagat ang ibabang labi ko. Napadiin yata ang pagkagat ko kaya may kaunting dugo na lumabas dito.

Mataas naman talaga ang tingin ko sa sarili ko, walang ibang tao na ibang pupuri sa akin kun'di ako lamang. I'm not being bossy, pero ganoon lang talaga ako makitungo sa ibang tao. Plastikan. Sa larong 'to sarili ko lang ang kakampi ko. Walang permanenteng nagtatagal sa mundo... Even friendship.

Iniwan na naman ako. Ang papa ko, mama ko, kuya ko, Si Caleb, ngayon ay si Raven. "Wala kasi akong dala."

Binagtas ko muli ang daan tungo sa kwarto ni Phil. Dahan-dahan lamang ang ginagawa kong hakbang dahil paniguradong mainit ang mata ng killer sa akin. Ako lang naman ang gusto niyang mawala sa larong ito lalo na't ako ang ang kumikilos sa lahat ng players na nandito.

Inihakbang ko ang paa ko patungo sa ikalawang palapag nang may maramdaman akong sumusunod sa akin.

Hindi ako sigurado kung may sumusunod nga talaga sa akin pero malakas ang aking kutob. Kailangan kong baguhin ang plano ko sa pagkakataong ito. Nag-iba ako ng daang tinatahak at hindi dumiretso sa kwarto ni Phil. 

Maaaring nasa kwarto ni Phil ang mga kasagutan sa ilang sikreto sa lugar na ito kaya kailangan kong mag-ingat. Pinanatili kong kalmado ang aking sarili habang naglalakad dahil alam kong kapag kumilos ako ng kakaiba ay makukutuban ng sumusunod sa akin na nakakahalata na ako.

Medyo malaki naman ang second floor at pasimple akong pumasok sa kwarto ni Raven upang doon manatili.

Pinanatili kong bukas ang pinto at kampanteng umupo sa kama ni Raven hinintay kong lumabas ang anino hanggang sa makita ko ang mukha niya. "The angel already showed up," Wika ko na may ngiti sa aking labi.

Hindi naman ako nakakaramdam ng kahit anong kaba sa pagkakataong ito. Gumanti siya ng ngiti sa akin, ngiting alam kong punong-puno ng ka-plastikan, kung bakit ko alam? I used to have that kind of smile.

"Alam kong reckless move 'tong gagawin ko. Pero dapat ka nang mawala Owen, ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang mga malalapit na kaibigan ko." Wika niya sa akin at inilabas ang kutsilyo na itinatago niya sa kanyang likod.

Wala na rin naman akong kawala sa kanya pero ang mahalaga ay nailayo ko siya sa kwarto ni Phil. Halata naman sa mukha niya na hindi siya masamang tao pero nagagawa niya lamang na pumatay dahil kailangan niya. Killer ang role niya at wala siyang magagawa ro'n.

Unti-unti niyang inihakbang ang kanyang mga paa papalapit sa akin samantalang ako ay hindi gumalaw sa aking pagkakaupo. Tinignan ko siya ng mata sa mata bago ako magsalita, "Sa oras na isaksak mo sa akin 'yang kutsilyo na 'yan ako na ang sinisigurado kong tapos na ang larong ‘to.”

Nagsasalita ako ng may sapat na confidence sa aking sarili. Sinusubukan kong paikutin ang sitwasyon gamit ang mga galing ko sa pagsisinungaling. Sometimes, telling lies can turn the table around. Kung confident ka sa pagsisinungaling mo, hindi malayong maloko mo ang ibang tao.

"Nagsisinungaling ka lang." Bakas ang kaba sa kanyang boses.

"Why would I lie? Kahit papatayin mo ako, paniguradong makakagawa pa rin ako ng paraan upang maipaalam sa iba kung sino ka." I'm great at this. Magaling akong magsinungaling.

Saglit siyang napatigil sa paglalakad at biglang yumuko, ilang segundo lamang ay narinig ko ang kanyang pagsinghap. "Sa totoo lamang ay hindi ko naman ginusto na maging isa sa mga killers. Natatakot lang ako na baka ako na rin ang sunod na mamatay kung hindi pa kita tatanggalin sa larong 'to," Bakas ang panginginig sa kanyang boses.

Walang may gusto kahit isa sa amin ng aming mga game role, hindi ko rin naman ninais maging detective dahil ramdam ko ang bigat ng ganoong klaseng role. Nakakasigurado rin naman ako na hindi gusto ng bawat killers ang kanilang roles dahil walang matinong tao ang papatay ng isang inosenteng tao para lamang sa pera.

Lumapit ako sa kanya. "Tapusin na natin ang larong 'to, tapusin na natin ang kabaliwan na 'to" Wika ko sa kanya.

Nakakaramdam ko ng lungkot para sa kanya dahil hindi niya ginusto ang mga nangyayari. Sa paglapit ko sa kanya ay nakaramdam ako ng lungkot pero bukod doon, Nakaramdam ako ng sakit dahil sa biglaang pagtusok ng isang kutsilyo sa bewang ko.

Iniangat niya ang kanyang ulo at ngumiti sa akin ng mala-demonyo. "Nadala ka naman ng pag-arte ko Owen. Sa larong 'to kung sino ang unang magpakita ng awa... Talo." Mas lalo niya pang idiniin ang pagkasaksak dahilan upang mapaubo ako ng dugo.

Mabilis kong sinipa ang kanyang tiyan upang saglit siyang mapaatras. Ginamit ko ang pagkakataong iyo upang tanggalin ang kutsilyong nasa aking bewang. Damn! Bakit ba ako nadala sa pag-arte niya?

Mahigpit kong hinawakan ang tagiliran ko upang kahit papaano ay mapigilan ang pagdaloy ng dugo. Ang kulay gray kong suot na jacket ay unti-unting naging pula.

Isang malakas na kidlat ang narinig ko sa labas at kasabay nito ang pagbuhos ng ulan. 

Itinapon ko papalabas ang kutsilyo. Ngunit sa muling pagharap ko ay may hawak na siyang isang matulis na gunting na hindi inaasahang tumama sa kaliwang mata ko.

Napasigaw ako sa sakit at mabilis kong inihawak ang kamay ko sa mata kong hanggang ngayon ay lumuluha ng dugo.
Isa ako sa mga magagaling na player dito pero hindi ko lubos akalain na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. 'Ni-hindi ko man nga lang nakita ang sarili ko na mababalutan ng sarili kong dugo ang buo kong katawan.

Medyo nanlabo ang paningin ko at nahihirapan na rin akong gumalaw dahil sa patuloy na paglabas ng dugo sa katawan ko.

"Ang turo sa akin ni Jessie. Sa chess ay ang Queen ang may pinaka-importanteng role sa laro. If you can eliminate the queen, all the pawns will be shaken." Malakas niyang sinipa ang aking mukha.

"Akala mo ba hindi ako takot mamamatay? Ako na ang nagsasabi sa'yo, sumusunod ang lahat ng nangyayari sa plano ko," For the last time ay sinubukan ko muli siyang takutin.

Kinagat niya ang ibabang labi niya at mabilis na tinapakan ang aking tagiliran kung saan naroroon ang saksak ko. Mas lumaki ang sugat nito at mas napalakas ang agos ng dugo rito.

Dumukot siya sa bulsa niya ng isang pocket knife. "Tapusin na natin 'to Owen. Sawa na akong makipaglaro sa'yo, hindi na ako magkakaroon ng awa sa bawat players na nandito dahil kayo rin naman... Hindi kayo naawa nung pinatay niyo ang mga kasamahan ko."

Ang huli kong naramdaman ay ang pagtama ng kutsilyo sa kinaroroonan ng aking puso at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Pasensya na Raven, hindi mo ako kasama na makakalabas sa lugar na ito.

***
Raven

Makalipas ng ilang oras ay naging mahinahon na ako at napag-isipan ko ng mabuti ang pagkakamali kong nagawa.
"Hihingi na lang ako ng sorry sa kanya mamay—"

"Players it's agame over for Owen Garcia. His game identity is... DETECTIVE! Napili ng silencer na patahimikin si Crystal for the next trial."

Para akong nabato sa aking pinagtataguan noong marinig ko ang mga salitang iyon. Bakit ba hiniling kong mawala si Owen sa laro. People should be careful on what they wished for.

Noong marinig namin na wala na si Owen sa larong ito... Kasabay nitong nawala ang pag-asa na makakaalis pa sa lugar na ito.

~

Male Players:

1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (Innocent) [X]
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent) [X]
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (Innocent) [X]
9. June Blake (Doctor) [X]
10. Owen Garcia (Detective) [X]
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]

FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (???)
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (Mafia) [X]
12. Erica Hunter (Innocent) [X]

Survivors left: 10

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top