Chapter 31 "Judgment Phase 9"
Chapter 31: Judgment Phase 9
Owen
“Owen, salamat sa pagtanggol kanina,” sabi ni Crystal at lumapit sa akin.
“I saved you ‘coz we’re friends.” Kaplastikan. Sa totoo lang ay isa rin si Crystal sa mga pinaghihinalaan ko. "Wala kang dapat ihingi ng salamat, ginagawa ko lang ang makakaya ko para mailigtas ang mga inosente kong kaibigan."
Alam kong malapit na namin matapos ang larong ito at sa tingin ko ay hindi kami aabot sa ikalabing limang araw. Kaunti na lang ay malalaman ko na kung sino ang serial killer. Sa traitor at sa katauhan ni Amanda... Wala pa akong ideya.
Naglakad na palayo si Crystal at pagkaalis niya ay tumayo na ako sa aking kinauupuan. Wala akong oras na dapat sayangin lalo na't ngayon ay malapit na ako sa katotohanang ninanais ko.
Umupo ako sa isa sa mga park bench, napalingon ako sa taong tumabi sa akin ngayon—si Tomy. Here we go again, bakit ba kailangan ipaliwanag ko kay Tomy ang lahat?
"Akala ko ba wala kang alam sa identity ng mafia?" Bungad na tanong niya sa akin. Hangga't maaari gusto kong kapag nasa labas na kami ng trial court, ayokong pinag-uusapan ang mga gano'ng bagay.
"Nagkataon lang," Nakangiti kong tugon sa kanya. This fake smile, hanggang kailan ko ba susuotin ang pekeng ngiti na ito?
"Hanggang kailan ka ba magsisikreto sa amin, Owen? Hanggang ngayon ba naman ba ay hindi mo pa rin kami pinagkakatiwalaan?" Seryosong sabi sa akin ni Tomy.
I looked at him while wearing my fake smile. "Hangga't buhay pa ang mga killers, wala akong pagkakatiwalaan sa inyo." Maikli at seryoso kong tugon.
Sa larong ito, sarili ko lang ang kakampi ko, puwede akong humingi ng tulong galing sa ibang tao pero kahit kailan ay sarili ko lang ang dapat pagkatiwalaan ko.
Saglit siyang bumuntong hininga. "Akala ko ay tama ang hinala ko sa pagkakataong ito, akala ko ay parehas tayo ng pinagbibintangan pero sa hindi mabilang na pagkakataon, nagkamali na naman ako."
I'm not good at comforting someone and biglaan ang mga salitang binitawan ni Tomy. "Kapag hindi kasi sapat ang mga nakuha mong ebidensya, itikom mo na lang muna ang bibig mo. Hintayin kong mapagkone-konekta ang lahat ng bagay bago ka magsalita," Seryoso kong sabi. “I think you should say sorry to Crystal. She looked okay outside pero ang totoo ay nasasaktan siya, ang transparent niyang klase na tao, madali mo siyang mababasa."
Tumayo na ako at iniwan siyang mag-isa ro'n. Pumasok ako sa kwarto ko at muli na namang napako ang atensyon ko sa notebook na ibinigay ni Phil. Actually hindi ko alam kung mapapakinabangan ko ba 'to or it’s literally full of nonsense things.
Sa buong pahina ng notebook ay puro set ng alphabet letters lang ang nakikita ko. Mula sa unang pahina hanggang sa last leave ng notebook.
"Players please proceed to the trial court immediately!"
Sa mga salitang iyon ay muli kong inilagay ang notebook sa loob ng kabinet ko at tapos ay lumabas na ako.
Pagpasok ko sa trial court ay isang malaking drum ang nakalagay sa gilid at may host na nakalagay doon. Konektado ang host patungo sa bibig ni Jessie. Halata sa mga mata ni Jessie na hindi siya takot mamatay. Hindi ko alam na may tao palang tulad niya na kampante lamang habang malapit na ang kanyang kamatayan.
"We will now count the number of votes!"
"Stacy voted No"
"Hannah voted No"
"Chelsea voted No"
"Owen voted Yes"
"Tomy voted Yes"
"Nick voted Yes"
"Loren voted No"
"Crystal voted Yes"
"Mario voted Yes"
"Shane voted No"
"Raven voted Yes"
Hindi ko inasahan na halos magkadikit ang resulta. Siguro marahil ay hindi talaga tanggap ng karamihan na si Jessie ang Mafia, aaminin ko... Isa si Jessie sa mga players na may magandang pakikitungo. Lahat naman halos ay kaibigan niya. This lesbian knows how to manipulate the game.
"5 people votes No While 6 people voted Yes."
Sa pagkasabing iyon ng announcer ay may narinig kaming tunog ng makina. Napalingon kami kay Jessie at nakita namin ang pagdaloy ng laman nung drum papunta sa bibig ni Jessie.
Walang may alam sa amin kung ano laman no'n. Lason? Liquid medicine? Who knows. Pero habang pinagmamasdan namin si Jessie, kita sa mukha nito na sobrang nahihirapan siya.
Naglalabasan ang mga ugat niya sa mukha at napupuno ito ng pawis. Kung ano man ang ipinapainom kay Jessie... Paniguradong masama ang lasa no'n. Sa paglipas ng ilang minuto ay nawalan na ng buhay si Jessie. Nanatiling nakadilat ang kanyang mga mata at pagtagaktak ng pawis galing sa buo niyang katawan.
"It's a game over for Jessie Lopez!. Her game identity is— MAFIA."
Napasigaw ang karamihan sa mga kasamahan ko dahil sa pagkakataong ito, nabawasan na namang muli ang mga taong dapat naming patayin sa larong ito. Walong inosente pa kaming naririto samantalang tatlong nagpapanggap na lamang ang kailangan naming patayin. Si Amanda, ang Serial Killer, at ang traitor.
~
Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (Innocent) [X]
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent) [X]
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (Innocent) [X]
9. June Blake (Doctor) [X]
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]
FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (???)
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (Mafia) [X]
12. Erica Hunter (Innocent) [X]
Survivors left: 11
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top