Chapter 30: Trial Phase 9

Chapter 30: Trial Phase 9
Owen

I thought Phil will manage to finish the game, pero nagkamali ako. Phil is smart, but he was deceived by an enemy. Kahit ako ay hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng talino ko, masyadong maraming sikreto ang lugar na ito.

Labing dalawa na lamang kaming naririto at may anim na araw pang natitira. Kung magtutulong-tulungan lamang kami ay paniguradong hindi kami aabot sa huling araw... mahirap humingi ng tulong sa iba lalo na't may apat pa kaming kasamahan ang nagsisinungaling. Si Amanda, ang serial killer, traitor, at ang mafia.

"Owen kumusta, kilala mo na ba sila?" tanong sa akin ni Mario. Naglapag din siya ng dalawang tasa ng kape para sa aming almusal.

"Hindi pa," That's the usual words that I always say. Hindi ko ugali na sabihin sa iba ang karamihan ng nalalaman ko. "Masyadong matinik ang mga killers."

"Parang wala lang ang pagkamatay ni Phil,” sabi ni Mario.

Hindi naman masyadong close sa aming lahat si Phil. Bihira siyang makihalubilo sa amin kaya naman hindi kami ganoong kaapektado sa kanyang pagkawala.

"Akala niyo lang wala pero pakiramdam ko ang daming alam ni Phil," Saglit akong napakagat ng dila, Hindi ko intensyon na sabihin iyon kay Mario. Like I always say, gusto ko na ako lang ang nakakaalam ng ibang bagay.

"Ha? Ano may sinabi ka ba Owen? Bigla kasi akong napalingon sa banda nila Jessie at Shane."

Mabuti na lamang at hindi niya narinig. “Wala, nalungkot lamang ako dahil labing dalawa na lamang tayo rito.”

Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain, "Uhm pwedeng maki-share ng table sa inyo?" Biglang lumapit sa amin si Hannah at um-oo na lamang si Mario without my consent.

Medyo naghihinala rin ako kay Hannah,  this past days ay dikit siya ng dikit sa akin. I don't know kung inoobserbahan niya ako or she has a crush on me.

Lumingon sa akin si Hannah at ngumiti na lamang ako sa kanya. Parati niya akong sinasamahan at mukhang hindi niya alintana ang kagaspangan ng ugali ko.

The trial phase is about to start, hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin ang isa sa mga natuklasan ko. Aksidente lang ang pagkakatuklas ko sa bagay na iyon and hindi pa ako masyadong sure.

"Okay na pala si Stacy at Tomy," sabi ni Crystal na kanina lamang ay nakatulala.

Napalingon ako kanila Tomy at nag-aasaran na muli sila kasama si Shane. "That’s good. It means na naka-move on na sila sa nangyari.” Komento ni Raven.

Actually may isang bagay akong napapansin kay Crystal, she’s too weak. Wala naman akong magagawa kung lumaki siyang lampa at mahina. Matapos kong kumain ay bumalik lamang ako sa kwarto ko at pinagmasdan sa bintana ang kabuuan ng park.

"Kilala mo na rin siya 'diba?" Tanong sa akin ni Tomy na sinundan ako hanggang sa aking kwarto.

Pagtatanong sa akin ng isang tao na hindi ko alam na sinundan pala ako hanggang dito sa aking kwarto.

“Wala akong ideya kung sino sila,” that’s a lie. I am good at showing my good side and hiding my dark side.

"It's better na mawala siya sa pagkakataong ito ke'sa mawala ang mas marami sa atin," Bigkas niya. "Walang puso niyang pinatay ang mga kasamahan na'tin kaya hindi dapat siya bigyan ng kakarampot na awa."

Bumuntong hininga ako at humarap kay Tomy na seryosong nakatingin sa akin. "Wala akong ideya sa kung sino ang sinasabi mo. Kung kilala mo ang killer, sabihin mo sa lahat at ‘wag lang sa akin.”

"Kung hindi ka kikilos, baka isunod ka niya." Sabi ni Tomy at lumabas na ng aking silid.

Napalingon ako sa study desk sa aking kwarto. Nanatiling nakapatong ro'n ang notebook na ibinigay sa akin ni Phil, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito ginagalaw. Ano nga kaya ang bagay na nais iparating ni Phil?

Lumabas ako ng aking silid at kasabay nito ang malakas na pagtunog ng bell. 

"Players the trial is about to start, please proceed to the trial court"

Bumaba na ako sa trial court. There are 14 pictures of dead people habang labing dalawa na lang ang buhay. Who would thought that dead people can outnumber us?

Pumunta na ako sa aking pwesto at pinagmasdan ang mga mukha ng aking kasamahan. All of us still wearing their mask, walang gustong magpakita ng kanilang totoong ugali.

"Okay players trial start!"

Walang gustong magsalita. Hindi ko ugaling umpisahan ang trial. Ayokong magsalita ng mga walang katuturang bagay. Mas gusto kong nakatahimik lang at magsasalita lamang kung kailan nila kailangan ang opinyon ko.

"How should we start this? Owen magsalita ka naman," sabi ni Chelsea na parang hinihintay nila ako.

"Let me analyze things first. H'wag kayong masyadong umasa sa akin" sabi ko.
Masaya ako dahil nagre-rely sila sa akin, it means pinagkakatiwalaan nila akong lahat. Paano kapag  nawala na ako rito? Hindi ang talino ko ang magsasalba sa mga buhay nila, may mga utak sila at sana naman matutunan nila iyong gamitin.

“Let start with the kill—“

“Pocket knives,” sabi ni Stacy kay Hannah. “Ngayong alam mo na ang killing weapon, ano na ang sunod? Don’t state the obvious.”

“Si Crystal ito,” sabi ni Tomy at nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya.
“Bakit ako bigla ang pinagbintangan ninyo?” Tanong ni Crystal.

"Oo nga naman! Walang kasalanan si Crystal dito" Pagtatanggol ni Raven. "Prove it, Tomy. Hindi ko hahayaan na mawala ang kaibigan ko sa mga pagbibintang mong walang dahilan."

"I think her kindness is too suspicious. Sige nga ipaliwanag mo ang kalendaryo sa kwarto mo Crystal," Matapang na sabi ni Tomy.

"Bakit ba ang big deal sa'yo no'n? Anong kinalaman ko doon? Ako ba ang gumawa ng kalendaryo na 'yon!? Sinabi ko naman sa'yo nandoon na 'yon bago pa man tayo mapunta sa lugar na ito." Sagot ni Crystal. This is the first time na narinig ko siyang nagtaas ng boses.

"Anong kalendaryo ba ang pinag-uusapan niyo? Mas masaya sana kung alam namin 'yon," Sabi ni Stacy at umirap. "Kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan at nagmumukha kayong dalawang tanga sa mga mata namin."

Kahit ako, clueless din ako sa sinasabi ni Tomy. “It’s about the 2019 calendar in my room samantalang 2018 pa lang.” Si Crystal na ang nagpaliwanag. I taught there’s a deeper reason behind it.

"Alam mo Tomy," Saglit na nagbuntong hininga si Stacy. "Para kang siraulo, una pinagbintangan mo kami ni Shane sa picture na magkasama tapos ngayon yung walang malay na kalendaryo pinagbintangan mo pa!”

“Guys, kalma tayo. Don’t boobs it.” Sabi ni Shane.

“Anong don’t boobs it?” Tanong ni Loren.

"Ano ba 'yan simpleng english lang 'di niyo pa alam. Don't Boobs it... H'wag niyong dibdibin. Next time magpaturo kayo sa'kin." Para sa akin ay nakatulong ang kabobohan ni Shane dahil kahit papaano ay nabawasan ang tensyon.

"Sa sarili mo sabihin 'yan. Don't boobs it, wala kang boobs 'wag kang assuming." Umirap pa si Stacy kay Shane.

“You’re being OA, Tomy.” Sabi ni Raven.

"Sige ipagtanggol niyo 'yang babae na 'yan. Then ipaliwanag niya ang two way mirror sa kwarto niya?" Tanong ni Tomy.

“Two way mirror? Walang ganoon sa kwarto ko!” Sabi ni Crystal.

"Oh really? I performed the finger nail test sa salamin ng kwarto mo, there's no gap between my finger point and my own reflection. Hindi ba two way mirror 'yon?" Sabi ni Tomy at ngumisi.

Kung itatanong niyo kung ano ang Two way mirror. At first you would thought that it’s just an ordinary mirror, pero mas mataas ang liwanag sa two way mirror. It means parang nakakasilip ang isang room sa kabilang room dahil sa mirror na 'yon.”

"H-hindi ko alam 'yon.” Sabi ni Crystal.

"Players! 30 minutes left!"

Sa announcement na 'yon ay gusto ko nang basagin ang aking katahimikan. I thought na parehas kami ng idea ni Tomy.

"Walang kasalanan si Crystal," sabi ko kaya napatigil sila sa pagdedebat. "Kilala ko na ang isa sa mga killer, I think I caught a big fish this time," Sabi ko at ngumisi sa kanilang lahat.

"Let's go back with June's death. Ano nga ulit ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay?" 

"Sunog," sabi ng lahat. They have some brains, why don’t they use it?

"Kahapon ay nagpunta kami ni Hannah sa laundry para labahan ang mga damit namin, right Hannah?" Tanong ko kay Hannah.

“O-oo.” Sabi ni Hannah. Iyon yung time na nagkita kami ni Tomy sa lobby bago ako pumunta sa trial court.

"Habang nasa laundry kami. May isang damit na amoy gaas ang kumuha ng atensyon ko," Ngumisi ako at pinagmasdan ang kanilang ekspresyon. Viola! Nahuli rin kita. "Hindi niya siguro napansin na baka natapunan siya ng ilang patak ng gaas pero dahil sa tapang ng amoy nito, maaamoy mo ito."

"K-kaninong damit?" Tanong ni Loren.

"Let me give you a clue and kayo na ang humusga," Huminga ako ng malalim bago ako magsalita. I like this, paano kaya ipagtatanggol ng MAFIA ang kanyang sarili kung gayong nahuli na siya ng lahat. "It’s a dark green long sleeve,” Tumingin ako sa kanilang lahat at parang may puzzle na binubuo sa kanilang mga utak. Ayan! Gamitin niyo 'yan hindi lang 'yan pan-display.

May iilan ng napatingin sa iisang tao dahil mukhang natandaan nila ang suot nito. "It’s a unisex shirt."

Napalingon lamang kami sa iisang tao. She have her shock expression—Si Jessie.

"We don't have any time left. Tungkol naman sa Two way mirror na sinasabi ni Tomy, baka nagkamali lang siya nang pinagbibintangan. Crystal kaninong kwarto ang katabi ng kwarto mo?" Tanong ko.

"K-kay Jessie," sabi ni Crystal.

"T-teka! Ba't naman ako nadamay dito!" Alam kong maraming magrereklamo dahil kahit ganyan si Jessie, naging malapit na siya karamihan sa mga babae.

"Wait Jessie, nakita ko nga pala sa bulsa ng pantalon mo habang nasa laundry kami," Sabi ko at inalog-alog ang kahon ng isang posporo. "Sa susunod kasi ingatan mo ang mga gamit mo, nabubuko ka tuloy." Hinagis ko sa kanya ang posporo.

Ilang minuto ang lumipas at narinig na lang namin ang malakas na pagtawa ni Jessie. "So game over na ba talaga 'to para sa'kin? Gusto ko pa namang makipaglaro sa inyo ng matagal." 

When Jessie said that, she already admitted that she is the mafia.

"Ikaw pala ang may kasalanan nitong lahat! Ikaw ang pumatay kay June!" Akmang aalis si Nick sa kanyang pwesto nang pigilan siya ni Mario.

"'Wag kayong magalit sa akin guys, ginawa ko lang ang role ko," Sabi niya sa amin habang nakangisi. "Eto lang ang tandaan niyo, si Amanda pa rin ang pinakamalaking kalaban niyo sa larong ito... Makilala niyo kaya siya?"

Dumating na ang oras ng botohan at pare-parehas kaming iisang tao lang ang ibinoto... Iyon ay si Jessie.

"You have 30 seconds to defend yourself Jessie Lopez"

"Sana mapatay niyo na ang bobong serial killer. Akala ko ay kontrolado ko ang mga nangyayari sa larong ito, akala ko ay umaayon lahat sa plano ko. But Owen can really turn the table. Hindi man kumikilos si Amanda pero once na makilala niyo siya, katapusan niyo ng lahat. Malay niyo kung sino pa ang akala niyong tumutulong sa inyo... Siya pala si Amanda." May halong pang-aasar ang tono ng boses ni Jessie sa amin.

I voted yes. Natanggal ko na rin ang pinakamalaking kalaban sa laro. Mula umpisa ay hawak ko na ang larong ito... Ako ang tatapos nito.

~

Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (Innocent) [X]
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent) [X]
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (Innocent) [X]
9. June Blake (Doctor) [X]
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]

FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (???)
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (???)
12. Erica Hunter (Innocent) [X]

Survivors left: 12

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top