Chapter 3: Game Rules
Chapter 3: Game rules
Raven
Binuksan ko ang aking mga mata. Parang ang haba ng naging iglip ko. Naghikab ako at saglit na nagpungas ng mata. Parang biglang lumambot ang kama ko? Ang alam ko ay papag lang ito.
Dahil sa thoughts na 'yon ay napaayos ako sa pagkakaupo at ang kanina kong matang inaantok pa ay tuluyang nagising. Inilibot ko ang aking mata."Fuck nasaan ako!"
Fuck! This isn't our house. Nasa ibang lugar ako! Ang mas nakakatakot pa ay hindi ko alam kung nasaan ako!
Aaminin ko, nagpa-panic ako this time. Sino namang hindi? Dahil sa pagkakatanda ko ay nasa bahay ako at natulog lang ako sandali and when I opened my eyes again, tang ina nasa ibang lugar na ko. It gives my body chills dahil pakiramdam ko ay kinuha ako ng ibang tao.
Isang sulat ang nakapatong sa ibabaw ng drawer kaya naman agad ko 'tong dinampot.
Sabi ko naman sa’yo, Raven, the game will start today. Are you ready to play the game? Please proceed to the entrance of the park.
P.S. Remember that you are not allowed to tell anyone you're game identity.
Pagkabasa ng sulat ay napamura ako ng wala sa oras. "Fuck!" Naisampal ko ang aking kamay sa aking mukha. Hindi ko inakala na it was real, I thought it was just a prank.
Nanaginip lang ba ako? “Tama, Raven, panaginip lang ang lahat ng ito.” Malakas kong sinuntok ang pader, “Oh shit!” Hinimas ko ang kamao ko dahil sa sakit, tangina, totoo ‘to!?
Bago ako lumabas ng kwarto ay inalala ko ang game role ko. Police nga pala ang role ko.
Puno ng pangamba kong pinihit ang door knob at ang paglangitngit ng pinto ng kwarto ang tanging maririnig.
Gustuhin ko man humingi ng tulong o tumawag sa mga mahal ko sa buhay... Wala nga pala akong cellphone, bad timing ang pagkakabenta ko rito. Hanggang ngayon ay clueless pa rin ako sa kung paano ako napunta sa lugar na ito.
Nasa isang hotel room pala 'ko. Pero imbes na mga Room number ang nakalagay sa pinto—Mga pangalan.
Pinagmamasdan ko ang mga pangalan habang naglalakad. “Jessie Lopez.”
Until now ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang mga nangyayari.
Tanging mabibigat na paghinga ko lamang ang naririnig sa pasilyong aking dinaraanan. "May tao ba rito!?" Malakas kong sigaw ngunit um-echo lamang ito.
Bababa na sana ako sa hagdanan ng may isang pangalan ang nakapukaw ng aking atensyon. Crystal Park.
"Nandito si Crystal? Anong ginagawa niya rito?!" Hindi ko makapaniwalang tanong at ang mabagal kong paglalakad ay naging takbo na patungo sa Entrance ng park.
Paglabas ko pa lang ng hotel ay nanlaki na ang mata ko sa lugar-- Isang theme park.
Halos madaling araw na pala ng umaga dahil pansin ko na ang pagsikat ng araw. Fuck! Ganoon ba ko katagal nakatulog? Kinakalkula kos a utak ko ang naging oras ng aking pagtulog. I sleep for almost 9 hours! Pero ang sabi ko sa sarili ko kahapon ay iiglip lang ako.
This is a big theme park. A three times larger that Enchanted Kingdom I think. Pero hindi gaya sa normal na theme park na mararamdaman mo ang Fun atmosphere... Dito, hinahanap ko ang fun atmosphere pero hindi ko makita.
Sa gilid ng dingding ng hotel ay may nakadikit ng mapa ng theme park. Tinanggal ko ito sa pagkakadikit at dinala sa aking paglalakad.
Kahit sa mga oras na 'to ay gumagalaw ang katawan ko sa lugar na ito, pero fuck! Hanggang ngayon ay hindi pa rin nada-digest utak ko ang mga mangyayari.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad, pakiramdam ko ay parang ako lang ang tao rito dahil sa ilang minuto kong paglalakad ay wala man lang akong makasalubong ni-isa. Hindi ba't nakakatakot na magising ka na wala kang ka-ide-ideya sa mga nangyayari. Nagmumukha kang tanga and I hate that kind of feeling.
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa matanaw ko na ang mataas na gate ng parke. Kaunti pang paglalakad ay may mga tao na akong nakita. Hindi lang ako nag-iisa, marami kami.
“Raven!” Tumakbo papalapit sa akin si Crystal. “Ngayon ay gagaan na ang pakiramdam ko.
Nagtaka ako kung paano pa nagawa ni Crystal sa sitwasyon namin ngayon pero naisip ko rin na baka sa galak niya lang ito. Kahit din naman ako ay nakaramdam ng tuwa ng makita na hindi ako nag-iisa. Si Crystal lang ang nakita kong kakilala and the rest... It’s a bunch of strangers.
Halo-halong emosyon ang nakikita kosa kanilang mga mukha. Mayroong katulad ko na kinakabahan, mayroong din namang seryoso lang.
"Crystal kakilala mo?" Pagtatanong ng isang lalaki. Nakasuot ito ng maong na pantalon, plain black V-neck shirt. Halos kasing tangkad ko lamang ito at isama pa ang magulo't kulay brown na kanyang buhok.
Tumango si Crystal. “Raven, si Caleb. Caleb, si Raven.” Sabi niya at nagtanguan naman kaming dalawa.
"Ang dami natin 'no? Ilan kaya tayo rito?" Pagtatanong ni Caleb at parang isa-isa niyang binilang gamit ang daliri niya ang mg tao.
"26 tayo rito, nabilang ko base na rin sa mga pangalan doon sa hotel room." Pagsagot ko sa kanya. Hindi ko alam pero mas naging observant ako no'ng nakarating ako sa lugar na ito.
"Ang dami nati—" Naputol ang mga sasabihin ni Crystal ng bigang bumukas ang malaking TV na nakadikit sa isang malaking building sa tapat ng entrance ng park.
Isang babae ang aming nakita. Nanlaki ang aking mga mata at hindi ko inaakalang siya ang may pakana ng lahat ng ito-- Yung babaeng nakita ko sa makipot na daan noong nasa parke ako.
Naging bulong-bulungan ang babaeng nasa screen. So ibig sabihin ay niloko niya kaming lahat, pero ang nakakapagtaka lamang ay alam niya ang mga personal issues namin sa buhay. Isa lang ang masasabi ko, this girl is dangerous... She can play our lives; siya ng may hawak sa laro.
“Welcome players!” Masaya niyang sabi. May ngiti sa kanyang labi na hindi gugustuhin makita ng ninuman. “Ako ang game master! Ako si Amanda Matsui!”
"Actually this day is your only free day in the park, dahil bukas... Magsisimula na ang isang laro," Inikot niya pa ang swivel chair na kanyang inuupuan. “Idi-discuss ko sa inyo ang rules and how to play the game. At siyempre, ang prize!”
Nasa kanya lang ang atensyon naming lahat.
“Simple lang ang rules ng killer game, there are players na may importante role sa laro PERO hindi nila pwedeng sabihin ang kanilang identity. Napapalibutan ng kamera ang buong lugar so cheating is not allowed and I’ll never tolerate any kind of cheating.” Sabi niya.
"In this game there's one Doctor, Nurse, Police, Detective, Serial Killer, Assasin, Mafia, Traitor, silencer... And the rest are just innocent. Ipapaliwanag ko muna sa inyo ang mga roles nito,"
Doctor and Nurse- they have the power to save one person in each night. Kapag namatay ang doctor, papalit sa kanya ang nurse. Pwede nilang iligtas ang sarili nilang buhay at kakampi sila ng mga innocents.
Police and Detective- Magiging katulong sila ng mga innocents, may tatlong chance sila para malaman ang identity ng isang tao. They have the chance to investigate the whole crime. They are on innocent side.
Serial killer, Assassin, mafia- They are responsible in killing. Innocent must find their identities and kill them. They are on the killer side.
Traitor- Aarte ito bilang innocent at kailangan niyang pigilan ang innocents na malaman ang katotohaan. Mananalo lamang ang traitor kapag nanalo ang killers sa laro.
Silencer- Sa oras ng pag-uusap sa court, may kakayahan ang silencer na pigilan ang isang tao na magsalita sa mga oras na iyon. Silencer can prevent killers to defend theirselves or prevent the police on saying the truth. Walang pinapanigan ang silencer, ang goal niya lamang ay makaligtas sa laro.
***
Game guide: The game will have trial phase, judgment phase, and murder phase.
Murder phase- Mangyayari ito tuwing gabi at ito lang ang oras para makapatay ang mga killers, mag-imbestiga ang police at detective, at makaligtas ng isang tao ang doctors.
Trial Phase- Magaganap ito tuwing umaga. Sa pagkakataong ito ay maaari ninyong sabihin ang mga taong pinaghihinalaan ninyo.
Judgment Phase- Dito ninyo malalaman kung mamamatay o mabububuhay ang taong inyong inakusahan.
***
Game Rules
1. Hindi niyo puwedeng sabihin ang role kahit kanino But there's exception:
-Alam ng doctor at nurse ang isa't-isa at kung sino sila.
-Alam ng Detective at Police ang isa't-isa at kung sino sila.
-Killers know each other.
-Alam ng traitor ang identity ng killers pero hindi alam ng killers ang identity ng traitor.
2. Hindi kayo puwedeng magkumpulan lahat sa iisang lugar.
3. You are not allowed to kill unless you are the killer.
4. Doctor and Nurse have 15 minutes to decide kung sino ang kanilang ililigtas. Mayroong cellphone sa kwarto ng doctor and he can send a message to me kung sino ang ililigtas niya. I can monitor the phone kung kaya’t malalaman ko kung may iba pa siyang kinakausap bukod sa akin.
5. Between 8:00 PM-11:00 PM lang pwedeng pumatay ang killer. Everyone is required to leave their room at that time.
***
“Ganoon lang kasimple!” Sabi ni Amanda nung nag-appear ulit siya sa screen. “Naguguluhan pa kayo sa ngayon pero maiintindihan ninyo ang laro pagkatapos nang first night.”
Literal kong hindi naintindihan ang lahat. O baka naman naintindihan ko ito ngunit ayaw lang i-process ng utak ko?
"Game prize, 1 billion pesos." Nanlaki ang mata ko sa game prize pero at the same time ay kinabahan na rin ako.Alam kong masisilaw ang killer sa ganoong kalaking pera at mag-uudyok ito na mas lalo silang gumawa nang pagpatay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top