Chapter 28: Judgment Phase 8

Chapter 28: Judgment Phase 8
Tomy

"Tomy ano bang pinagsasabi mo kanina?" Biglang lumapit sa akin si Shane at pansin sa ekspresyon nito ang galit. "Muntik mo ng ipahamak si Stacy dahil sa mga sinabi mo."

"Lahat nang sinabi ko'y totoo. Kayong dalawa ang nagsisinungaling sa larong 'to. Alam kong may kinalaman kayong dalawa sa mga nangyayari!” May diin ang bawat salita kong binitawan. Kung nalilinlang nila ang ibang tao, ibahin nila ako.

“Alam kong galit ka kay Stacy per—“

“Walang kinalaman ang alitan naming dalawa ni Stacy, totoo ang mga sinabi ko.” Inis kong sabi sa kanya.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Shane. “Dito lang kami nagkakilala ni Stacy at totoo rin itong sinasabi ko. Wala ka rin pa lang pinagkaiba sa kanila, Tomy. Handa ka rin palang manghila pababa para sa sarili mong kapakanan.”

Why do I feel alone this time. Parang sa pagkakataon ngayon ay wala na akong kakampi. Sinusubukan kong tulungan sila, sinusubukan ko ang lahat ng bagay para lang makaalis kami rito but in the end... Ako pa ang lumalabas na masama. Suddenly I became the antagonist of this game.

Sumakay ako sa umaandar na Ferris Wheel. Gusto kong mapag-isa ngayon. Malapit ng tumaas ang cab na sinasakyan ko ng may biglang pumasok dito—si Stacy.

"Wala ka ring balak mag-sorry sa akin gunggong ka 'no?" Mataray niyang pagtatanong at pumameywang. Hindi ako makapagsalita, parang na-shock pa ako sa mga nangyayari. "Kailan ka pa napipe?"

"Why would I say sorry? Hindi ka humingi ng tawad sa akin nung nawala ang dalawa kong malapit na kaibigan," Malamig kong tugon ko sa kanya. It's a battle of our pride and our big ego.

"It wasn't my intention na mawala si Coby, okay? Pero ikaw!" Dinuro niya pa ako. "Sinasadya mo talagang gumawa ng paraan para mawala ako sa larong 'to."

“I said the truth. Hindi ko ugaling gumawa ng storya para lang maka-survive sa larong ‘to.” Ganti ko sa kanya. Mabagal ang takbo ng cab sa ferris wheel. Kanina ko pa gustong makababa ito dahil hindi ko makaya na kasama si Stacy sa iisang lugar.

"Sinabi ko naman sa'yo dito lang kami nagkakilala ni Shane. Imposible ang mga binibintang mo," Tumaas na ang kilay niya.

"Then why do you act like you're guilty?" Nagde-kwatro pa ako sa harap niya and smirked at her. 'Wag mo ka na kasing ikaila, alam kong may kinalaman kayong dalawa rito.

"Then vote for me, kill me. Doon natin mapapatunayan kung totoo nga yung mga sinasabi mo," Siya naman ngayon ang ngumisi.

“Okay fine,” umirap sa akin si Stacy. “Hindi ako pumunta para makipagtalo, gusto kong mag-sorry sa’yo.”

"What? I can't hear you?" Suddenly I started to teased her again. 

“Sorry!” Sigaw niya sa akin.

“More sincere, please.”

“Okay. Tomy... I’m sorry.” Sabi niya habang tinitingnan ako sa aking mata.

Suddenly, all my anger faded away. “Apology accepted."

Oo mapapatawad ko si Stacy, pero hindi pa rin maiaalis ang kutob ko sa kanya. Maybe kung maibabalik ang closeness naming dalawa, mas maiintindihan ko pa siya at maraming bagay pa akong matutuklasan.

“It’s your turn,” sabi niya at umupo sa katapat kong seat.

“Stacy, sorry.” Sabi ko.

Minsan sa buhay kailangan mo rin naman matutong humingi ng tawad at matutong magpatawad. Hindi ka naman bubuhayin ng sarili mong ego, hindi ka rin pagmumukhaing karespe-respeto ng pride mo. Hindi naman porke't ikaw ang nag-sorry ay ikaw na ang mali... It means lang na mature ka na para ikaw na mismo ang mag-innitiate na ma-fix ang problema.

"Hindi porke't nag-sorry ako sa'yo ay ayos na tayong dalawa," Sabi ni Stacy.

"And hindi rin porke't nag-sorry ako ay mawawala na ang paghihinala ko sa'yo." Nakangisi kong sabi sa kanya.

Matagal na katahimikan ang nanaig at tanging pag-ugong lang ng makina ang maririnig. "Alam mo Stacy may naikwento sa akin si Shane. Ano ba ang nangyari sa'yo bago ka mapasok dito sa park?"

***
Stacy

Ang daldal talaga nung Shane na ‘yon, bakit ko ba kinuwento sa kanya ang nakaraan ko? 

Nagdalawang isip pa ako kung dapat ko bang sabihin ito kay Tomy, but in the end, kinuwento ko pa rin ito. “I was a big fool back then. Masyado akong uto-uto. Nakipag-break sa akin ang dati kong boyrfriend sa akin and sinabi niyang ikakamatay niya kapag nawala ako.”

"Stacy ikamamatay ko kapag nawala ka sa akin." Pagsusumamo sa akin ni Mark.

Naalala ko na naman ang boses niya. “Isang araw ay nalaman ko sa bestfriend ko na nagpakamatay si Mark. My conscience and guilt grudged me every night, pakiramdam ko that time ay ako ang may mali. You know what’s funny? Nalaman kong he just faked his death alongside with my bestfriend. The two people that I trusted the most fooled me.”

It’s the most painful memories of my life. Muntik kong patayin ang sarili ko dahil sa isang kalokohan ng SO CALLED BESTFRIEND and EX-BOYFRIEND ko.

Masyado kasi akong mahina that time kaya nakaya nila akong paikutin at lokohin. Simula nung araw na iyon, tuluyan ko nang pinatay ang dating Stacy tulad ng gusto nilang mangyari.

Inayos ko ang sarili ko, mas ginawa kong malakas ang sarili ko. I changed myself for better at wala akong pinagsisihan ro'n. Natapos ang pag-ikot ng Ferris Wheel nang matapos ang pagkukwento ko kay Tomy. "Happy now? Alam mo na ang storya ko?" Saglit akong napairap sa kanya.

Players, please proceed to the trial court!”

Bumalik kami sa trial court at gaya nang inaasahan ay nakaligtas si Owen sa judgment na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top