Chapter 26: Night 8
Chapter 26: Night 8
Tomy
No'ng nagsisimula na akong magtiwala kay Stacy, she suddenly wrecked it in just one snap. Pinagkalulong niya ng mga kaibigan ko para lang sa conclusion niya na walang any basis.
Sa buong pag-i-stay namin dito, I tried to be nice to her sa kabila ng kagaspangan ng ugali niya. Sinubukan kong unawain at intindihin siya pero dahil sa ginawa niya ngayon, pinatunayan niyang mali ang mga unang desisyon ko.
After the trial ay marami sa mga kasamahan ko ang lumapit sa akin at sinabing makipag-ayos na ako kay Stacy tulad na lamang nina Chelsea, Jessie, at Shaine. Hindi ko pa siya kayang patawarin, let her conscience grudge her first.
If Owen wants to know the identity of the killers, hindi ko siya papakialamanan doon dahil iyon ang trip niya sa buhay. Pero h'wag niya rin sana akong papakialamanan kung gusto kong malaman ang lahat ng sikreto sa parkeng ito.
isang bagay lang ang napansin ko simula nung naging curious ako sa lugar na ito. Lahat ng lugar dito ay accessible, lahat ay pwede naming gamitin, accessible lahat except sa private rooms ng bawat isa at ang main office ng parkeng ito.
Bago magsimula ang gabing ito ay may bagay akong gustong malaman. Imposible naman kasing mapunta kami sa lugar na ito nang biglaan, yung tipong pagmulat ng mata namin Viola! Nandito na kami sa demonyong parkeng ito.
Sinigurado kong walang taong nakakita sa akin habang naglalakad ako tungo sa main office. No'ng nasa tapat na ako ng pinto, as expected, naka-lock ito.
Inilabas ko ang isang manipis na hair pin na patago kong inipit sa aking buhok. Nakuha ko 'to kanina habang magkausap kaming dalawa ni Shane.
Maniniwala ba kayo magaling ako pagdating sa pagbubukas ng pad lock? Miyembro ako ng isang sindikato noong nasa labas palang ako. Tinuruan kami kung paano bubuksan ang mga ganitong klaseng lock at maging pag-diffuse ng bomba ay itinuro rin sa akin.
Actually hindi naman siya kasing hirap tulad ng mga napapanuod sa horror movies. Basta tantsado mo ang sukat ng lock ay madali mo ng mapapaikot ang loob nito para mabuksan.
Kung itatanong niyo kung bakit hindi ko na lang buksan ang pinto ng gate kung kaya ko naman pala, nope hindi ko siya kaya. It have some passcode at ang matatalino lang na tao ang nakakakuha ng gano'ng bagay. Miyembro ako ng sindikato kaya hindi ako nakapag-aral kaya wala akong alam sa mga passcode-passcode na iyon
Ipinasok ko sa loob ng maliit na padlock ang hair pin at unti-unting sumilay ang isang ngiti mula sa aking labi no'ng mabuksan ko ito.
Paniguradong nandito sa loob nito ang passcode. Pinihit ko ng doorknob, naka-lock. "Shit!" Isa ito sa pinakamahirap buksan. kapag padlock madali pa, pero kapag door lock ay medyo mahirap siya.
Ilang minuto rin ang lumipas bago ko ito nabuksan. Saglit akong nag-unat dahil sa pagkamanhid ng katawan ko sa pagdutdot ng lock.
Pumasok ako sa loob ng main office. Hindi ito isang simpleng office. Sabog-sabog ang mga gamit dito. Lahat ng bagay sa park na ito ay maayos nung pumunta kami... pwera lang sa lugar na ito.
Maraming papeles ang nakakalat at isa pang napansin ko ay yung registration form namin na nagkalat sa sahig. Pinulot ko ang registration form ni Terrence. Pansin ko lang nung inamoy ko ito, amoy lumang papel na samantalang nung halos isang linggo pa lang naman ang tagal nung form na 'yon.
Nagsisimula na akong ma-weird-uhan sa lugar na ito. Ngayon ko lang talaga masasabi... Hindi normal ang parkeng ito.
Isang maliit na envelope ang naapakan ko sa sahig may description itong nakalagay na ‘My Best buddies.’ Mabilis ko itong pinulot at tinignan kung ano ang laman nito. Folder ito na naglalaman ng napakaraming pictures.
Sa unang pahina pa lang ay nanlaki na ang aking mga mata dahil hindi ko inaakala ang aking makikita. Litrato ito ni Shane at Stacy na magkasama.
"Sa pagkakaalam ko ay walang cellphone ang lahat nung napadpad kami sa lugar na ito kaya imposibleng kuha ito sa loob ng park. Lahat din kami ay hindi magkakakilala nung napunta kami sa lugar na ito puwera kay Raven at Crystal na alam naming lahat na magkaklase sila," Isa lang ang konklusyon na naisip ko... Ibig sabihin lang nito na niloko kami ni Shane at Stacy na hindi sila magkakilala.
Ipi-flip ko na sana sa susunod na pahina ngunit biglang may panyong tumakip sa aking ilong. Isang mabangong amoy ang aking naamoy pero unti-unti akong nanghina.
"Masyado ka ng maraming nalalaman Tomy."
Sa muling pagdilat ng aking mata ay nasa kwarto ko na ako. Saglit akong napahawak sa aking ulo at may narinig akong katok. “Tomy!” Boses ito ni Shaine.
“B-bakit?” Bigla akong natakot kay Shane dahil sa litratong aking nakita.
"Mag-i-start na yung game, pumunta na raw sa lobby lahat." Sabi niya. Ilang sandali pa ang lumipas at wala na akong narinig, siguro ay nakaalis na siya.
***
Third Person
“Stacy, hindi ka ba magso-sorry kay Tomy?” Tanong ni Shaine sa kaibigan habang nasa lobby silang dalawa.
“Hindi ko sinasadya ang mga nangyari. Hindi ako magso-sorry,” Matigas na tugon ni Stacy. “Sino ba ang kinakampihan mo? Ako o yung magaling na si Tomy?”
“Syempre ikaw! Pero gusto ko kayong magkaayos na dalawa.”
"Players the game will start in 5 minutes and the doctor decided to save Hannah tonight!"
Naglakad na palabas ang karamihan. Bago lumabas ay napabaling ang tingin ni Stacy kay Tomy, hindi niya inaasahan na nakatingin rin ito sa kanya.
***
"Naisahan na naman tayo ni Owen," Naiinis na sabi ng Mafia at madiing piniga ang hawak niyang stress ball.
"Kinakabahan ako baka malaman niya na rin ang katauhan ko," Natatakot na sabi ni Serial killer.
Seryoso siyang tinignan ng Mafia, "Bobo ka kasi eh! Nag-iwan ka kasi ng ebidensya!"
"Malay ko bang babaon ang mga kuko ko nung biglang hinatak ko si Cedric," Pagtatanggol ng serial killer sa kanyang sarili. "Paano ang gagawin na'tin ngayon?"
"Ako na ang kikilos ngayon, tapos na ang pakikipaglaro ko sa kanila, oras na para seryosohin ko na ang larong 'to." Inis na sabi ng mafia at itinapon ang stress ball. “Bubuhayin ko ulit ang takot na nararamdaman nila upang hindi sila masyadong maging kampante.”
Tahimik lang na naglalakad ang Mafia sa parke, may isang tao siyang hinahanap, may isang tao siyang gustong patayin sa pagkakataong ito.
"Bwisit yung Tomy na 'yon, kung hindi ko pa nakita kanina sa main office baka nalaman niya na ang lahat-lahat." Mahinang bulong niya sa kanyang sarili habang naglalakad.
Kunwari siyang tumatakbo na parang nagtatago para kung may makakita man sa kanya na iba nilang kasamahan ay hindi siya paghinalaan nito.
Halos maikot na niya ang buong parke at kung sino-sinong players na rin ang nakasalubong niya niya nung gabing iyon pero hindi niya pa rin matagpuan ang kanyang target. Huli niyang tinungo ang Mini Forest ng parke at doon niya nakita ang kanyang pakay.
Napalingon sa kanya ang kanyang target nung araw na iyon. "Oh, ikaw pala," Bati nito.
Mabilis niyang ipinulupot ang kamay niya sa kanyang target at itinakip ang panyo. "Oras na para matulog ka."
Sinubukang manlaban nung target ngunit mabilis din siyang nawalan ng lakas dahil sa panghihinang naramdaman niya.
***
Raven
Pumasok ako sa isang kwarto na tinutukoy ni Amanda sa amin noon, kung gusto raw namin malaman ang identity ng isang tao ay pumasok lamang kami sa silid na iyon. Nagamit na ni Owen ang una naming power at ginamit niya iyon para malaman ang identity ni Phil.
“How may I help you?” Tanong nung babaeng nasa screen. Ito yung matanda na nagbigay sa amin ng form. Kung hindi siya ang totoong Amanda, baka isang staff lang siya ng game para linlangin kaming lahat.
"Gusto kong malaman ang game Identity ni..."
Nagtuloy-tuloy ang diskusyon naming dalawa at no'ng narinig ko na ang sagot na aking hinahanap ay mabilis akong tumakbo malapit sa may hotel... Doon ko kasi madalas makita si Owen at hindi nga ako nagkamali.
"Owen!" Pagtawag ko sa kanya.
"Tanga ka ba? Kung makasigaw ka parang nasa kanto ka lang, hindi mo na naman ginamit 'yang utak mo Raven," Sabi niya sa akin at bakas pa rin dito ang otoridad. Okay alam kong may mali ako.
"Nasaan si June? Alam ko na ang game identity niya... He's the DOCTOR Owen." Mahina kong bulong kay Owen at hindi ako mapakali.
"Alam kong iyon ang game identity ni June, wait ginamit mo yung isa nating power?" Halata ang inis sa boses ni Owen at hindi naman ako nakasagot sa kanya. "Idiot, hindi mo man lang pinaalam sa akin."
"H-hindi na importante 'yon Owen! Nasa'n ngayon si June?" Nag-aalala kong sabi
To be honest ay akala ko isa sa mga babae ang papatayin ngayong gabi pero dahil sa naging mga pasabog ni Owen kaninang tanghali at umaga... Parang nakutoban ko na magbabago ang plano ng killers. Paniguradong isang tao na may importanteng role ang papatayin nila.
"Bakit mo sa akin hinahanap? 'Diba pinabantayan ko siya sa'yo mula umpisa? " Halata kay Owen na pinipigil niya ang inis niya sa akin.
"Ang sabi mo huminto na ako sa pagbaban—“
"Because I thought you already knew that June is the Doctor! It’s pretty obvious na siya ang doctor dahil sa ginawa niyang pagligtas sa sarili niya no'ng unang araw.” Pagpapaliwanag sa akin ni Owen. May mga bagay talaga siyang napapansin na malayong mapansin ng isang pangkaraniwang tao.
Iniwan ko na siya ro'n mag-isa... Hindi ko alam kung tumataas ang I.Q ko or what, pero parang na-predict ko na mangyayari ang bagay na ito. Simula no'ng mga pasabog kanina ni Owen, parang nakutoban ako na gaganti ang killer
***
June
Iminulat ko ang aking mga mata ng mapansin ko na nasa isang madilim akong kwarto, inabot ng ilang segundo bago nakapag-adjust ang mata ko sa dilim. Tanging isang dim light lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.
"Kumusta, June?" Nakangiti niyang sabi sa akin. Tatayo na sana ako nang mapansin kong nakatali ang kamay at paa ko na nakahiga sa sahig. Naka-bend sa likod ang kamay ko kaya hindi ko rin maiaalis ang tali sa paa ko. "Or should I say... the Doctor."
"Anong sinasabi mong doctor?" Pag-arte ko sa harap niya. Ayokong mapatay niya ako. Isa ako sa mga taong kinakailangan ng mga Innocent sa larong 'to.
“Obvious na nga, ikinakaila mo pa,” sabi niya habang nilalaro ang kanyang hawak na pocket knife.
“Akala mo ba hindi ko alam ang skit mo na maggalit-galitan para mailayo ang sarili mo sa’ming mga pumapatay?”
“A-anong sinasabi mo!? Hindi ako ang doktor!” pagtanggi ko.
Bigla niya akong sinipa sa tiyan dahilan para mapagulong ako sa sakit. “Ginagawa mo pa akong sinungaling, gago ka. ‘Wag mo ‘kong gawing tanga!”
Mabilis niyang kinuha ang isang paso at napasigaw ako sa sakit. Ramdam ko ang pag-agos ng pulang likido na gumagapang mula sa aking noo..
"Diba doctor ka? Gamutin mo ang sarili mo!" Sabi niya sa akin at kumuha siya ng isang tubo at sunod-sunod hinambalos ang aking tiyan.
Paulit-ulit na sakit ang aking naramdaman at napaduwal na lamang ako na may kasamang dugo. Humahalo ang pulang likido sa aking mata kaya hirap akong makita ang mala-demonyo niyang mukha.
Ibang-iba siya sa pagkakakilala ko. "Bakit? Tang ina ka! Bakit mo 'to ginagawa?" Pinilit kong kumuha ng lakas para maisigaw ang mga salitang iyan.
"Ang bobo mo tang ina! Alangan namang panalunin ko kayo? killer ang role ko sa larong 'to," Sabi niya at sinipa ang aking mukha dahilan upang mas lalong lumakas ang dugo na umaagos rito.
Bigla siyang may kinuha sa isang gilid, isang tubig na nasa isang plastic bottle. Binuksan niya iyon at ibinuhos sa buo kong katawan. Wait, hindi ito tubig... ang sangsang ng amoy— isa itong gaas.
Pilit akong gumugulong sa kanya palayo pero nakasunod lang siya sa akin kasunod ang malakas niyang pagtawa.
"Akala mo siguro papatayin kita gamit yung kutsilyo 'no? Alam mo kasi June, hindi na saksakan ang labanan ngayon, Sunugan na." May kinuha siyang isang palito ng posporo at sinindihan ito.
"Welcome to hell, June." Binitawan niya ang palito. Parang nag-slowmotion ang buong paligid at tanging sa bumabagsak na palito lamang ako nakatingin.
Naramdaman ko ang init sa aking bandang paa at wala pang tatlong segundo ay gumapang na ang init sa buong katawan ko.
Nagsisigaw ako sa sakit dahil pakiramdam ko ay parang kumukulong balat ang buo kong katawan. Rinig na rinig ko ang mala-demonyo niyang tawa. Ipinaranas niya sa akin ang impyerno dahil siya mismo si Santanas.
Nararamdaman ko ang paglobo ng balat ko dahil sa paso at mabilis itong nagsisiputukan. Wala na akong magawa kun'di maiyak sa sakit.
"Good bye June. Enjoy your stay in hell." Huli kong narinig sa kanya at naglakad na palayo and it all went black.
***
Tomy
"Players it's a game over for June Blake! His game Identity is— Doctor! Napili ng silencer na patahimikin si Shane sa susunod na trial!"
Napatigil ako sa aking kinauupuan, parang nahirapan i-digest ng utak ko ang nangyari. Yes, totoong pinaghinalaan kong si June ang doctor pero as the time goes by ay nawala ang aking hinala. We lost someone that is really important in this game.
Kailangan na naming mag-ingat dahil sa mga susunod na gabi... wala ng taong magliligtas sa bawat isa sa amin.
~
Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (Innocent) [X]
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (Innocent) [X]
9. June Blake (Doctor) [X]
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]
FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (???)
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (???)
12. Erica Hunter (Innocent) [X]
Survivors left: 13
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top