Chapter 25: Judgment Phase 7
Chapter 25: Judgment Phase
Raven
Nasa restaurant ako at napadako ang tingin ko sa may labas. Nakita kong mag-isang nakaupo si Mario malapit sa isang souvenir shop. Naglakad ako palabas at tinungo ang kanyang direksyon. Ngayon ko lang nakita na ganito kalungkot si Mario.
"Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya at umupo sa kanyang tabi.
"W-wala." Sabi niya sa akin at ibinaling ang kanyang tingin sa kalangitan. "Hindo ba sumasagi sa isip mo Raven kung kumusta na kaya ang pamilya natin?"
Saglit akong napatigil sa sinabi ni Mario. “Pagkasabi mo niyan ay na-miss ko bigla ang mama’t kapatid ko.” Nakangiti kong sabi.
"Siguro dahil sa pagiging busy natin na makaalis ng park na 'to, nawala na sa isip na'tin ang mga taong nagmamahal sa atin sa labas. Hindi kaya nila tayo hinahanap?" Tanong ni Mario.
"Actually hindi naman kami mahirap kaya ako nasali sa larong ito, wala akong pangangailangan dahil lahat ng bagay mayroon kami," Sabi ni Mario sa akin. I thought ay lahat kaming nandito ay mahihirap.
"Paano ka nasali rito?" Curious kong tanong.
“I have a close friend who has a stage three cancer. Gusto ko siyang tulungan kung kaya’t naisip ko na baka etong laro na ‘to ang paraan. Do you know what’s more scary?” umiling ako bilang sagot. “Dahil nakakulong tayo rito, hindi ko alam kung ano na ang kalagayan niya. Gusto kong manalo rito, I will use the cash prize para maipagamot ang kaibigan ko.”
Hinimas ko na lang ang likod ni Mario, hindi ko alam kung paano siya papakalmahin this time. I always see him happy kaya nakakapanibago ang biglaang pag-iyak ni Mario.
Hinintay ko munang maging okay si Mario bago siya iwan. I now feel that Mario treat me as one of his closest friend here kasi nagkwento na siya sa akin ng past niya. Bigla tuloy ang na-curious sa past ni Owen. Mayroon kayang reason kung bakit gano'n siya makitungo sa amin?
Sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si Crystal. "Raven!" Pagtawag niya sa akin at ngumiti. Halata naman ang maga niyang mata na kagagaling lang sa pag-iyak.
Sa totoo lang unti-unti na nga rin akong nagbe-breakdown eh. Alam niyo yung pakiramdam na nasa punto kaming lahat kung saan nahihirapan ang bawat isa. I will be plastic if I will say that everything is fine, in reality, everything is mess up.
Sa kagustuhan kong mapagaan ang loob ni Crystal ay inaya ko siya na sumakay sa mga rides.
“Bakit tayo sasakay?” Tanong niya sa’kin.
“Wala lang, pampaubos oras lang.” Hindi ko sasabihin kay Crystal ang rason kung ba’t ko siya inaaya. Mahirap gumawa nang masyadong kabutihan dahil baka ma-misinterpret ito ng mga tao.
In-enjoy namin ni Crystal ang mga natitirang oras sa pagsakay sa mg rides at paglalaro sa mga booth. Hindi naman kasi ng happiness ang lalapit sa amin. We should be the one who seek for our own happiness.
"Players please proceed to the trial court immediately!"
"Tara na?" Pag-aaya ko kay Crystal at ngumiti siya sa akin.
Pagkapasok namin sa trial court... We saw Coby in a crazy setup. Nakaupo siya sa parang stage at may mga barenang nakatapat sa kanya gamit ang mga makina. Nakatapat ang barena sa may ulo, tiyan, hita, at binti. Siguro ay kapag naging Yes ang majority ba sagot ay bigla na lamang itong aandar.
Pansin ko ng masamang titig ni Tomy kay Stacy samantalang si Stacy naman ay tinaasan lang siya ng kilay at muling nakipagkwentuhan kay Shane. I hope na magkakaayos na silang dalawa.
"Players we will now count the number of votes"
"Stacy voted Yes"
"Hannah voted No"
"Chelsea voted Yes"
"Owen voted Yes"
"Tomy voted No"
"Nick voted No"
"Jessie voted Yes"
"Loren voted No"
"June voted Yes"
"Crystal voted No"
"Phil voted Yes"
"SANDALI LANG!" Biglang sumigaw si Owen pero patuloy lang ang pagbibilang ng bilang ng boto. I'm pretty sure he just want to confirm kung recorded lang talaga.
"Mario voted Yes"
"Shane voted No"
"Raven voted Yes"
"8 voted Yes while 7 voted no!”
Biglang umandar ang mga barena. Rinig na rinig namin ang matinis na tunog nito. "Coby!" Malakas na sigaw ni Tomy, tatakbo na sana siya ngunit mabilis namin siyang nahawakan ni Mario.
Kitang-kita namin kung paano unti-unting lumapit ang barena sa katawan ni Coby. "Ahhh!" Isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan.
Kitang-kita ng dalawa kong mata ang unti-unting pagbaon ng barena sa katawan ni Coby. Tumatalsik-talsik pa ang malapot na dugo nito. Halos mamula na ang mukha ni Coby sa kakasigaw.
Napahigpit naman ng kapit si Crystal sa laylayan ng aking damit, siguro marahil ay hindi niya kinakaya ang kanyang nasasaksihan. Mas lalong nagwala si Tomy nung makita niya ang pag-agos ng dugo sa katawan ng kaibigan.
Halos marindi ako sa tinis ng tunog ng barena pati na rin sa sigaw ni Coby. Napapikit na lamang ako nung malapit ng bumaon sa ulo ni Coby ang barena.
Hindi ko man nakikita ang nangyayari pero ang iyakan at malakas na sigaw ng aking mga kasamahan na patunay sa mga masakit na nangyayari kay Coby. Ramdam ko ang pagtalsik ng pulang likido sa aking pisngi.
No'ng una ay nakakayanan ko pa makita ang pagkamatay ng aking mga kasamahan pero iba na ang sitwasyon ngayon, may bond ng nabuo sa amin kahit papaano kaya naman masakit na makita silang mawalan ng buhay.
Sa muli kong pagdilat ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang wala ng buhay na katawan ni Coby. Walang tigil ang pag-agos ng pulang dugo mula sa kanyang katawan. Para itong isang gripo na dumadaloy. Unti-unting gumapang ang dugo niya hanggang sa marating ang aming paanan.
"It's a game over for Coby Francisco!. His game identity is— Innocent!"
Nabigla ako sa aking narinig and I'm pretty sure na gano'n din ang nangyari sa iba. We expect that Coby is one of the killers.
"Tignan mong ginawa mo!" Malakas na sigaw ni Tomy habang nakatingin sa nakatulalang si Stacy. Mukhang kahit siya ay hindi makapaniwala sa kanyang nalaman. "Masaya ka na? Masaya ka ng patay na si Cedric at Coby?”
“Hindi ko iyon ginus—“
“Hindi mo ginusto!? Inuuna mo kasi ‘yang pagmamagaling mo! Gusto mo ikaw ang bida! You’re just an attention-seeker bitch!” Sigaw ni Tomy. Hindi ko inaasahan na maluluha si Stacy at masasaktan sa mga bibitawang salita ni tomy.
"Guys may importante akong sasabihin sa inyo," Biglang nagsalita si Owen.
He smiled to us. He's back with his usual shape. "Isa sa atin si Amanda Matsui. Naalala niyo yung clue na ibinigay niya na isa sa'tin ang gumagamit ng fake name? There is someone who's pretending innocent here but actually... He or she is the mastermind.”
~
Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (Innocent) [X]
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (Innocent) [X]
9. June Blake (???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]
FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (???)
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (???)
12. Erica Hunter (Innocent) [X]
Survivors left: 14
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top