Chapter 24: Trial Phase 7

Chapter 24: Trial Phase 7
Raven
Tahimik lang akong kumakain sa may restaurant, I'm proud to say na naka-get over na ako sa pagkawala ni Caleb, I'm back in my usual shape.
"Guys may itatanong lang ako," Sigaw ni Tomy, akala ko nga ay dadamdamin niya ang pagkamatay ni Cedric pero hindi... He's totally fine, I think?
Lahat kami ay napalingon sa kanya at napatigil s pagkain ng almusal. "Itatanong ko lang sana kung bago kayo napunta sa lugar na ito ay natulog kayo then pagmulat ng mga mata niyo nandito na kayo sa parkeng ito,"
"Oo! Ganyan nga ang nangyari sa akin!" Halos pare-parehas lamang kami ng mga naging sagot namin kay Tomy.
"Okay, thanks for the answer." Umupo na muli si Tomy.
Napaisip ako sa sinabi ni Tomy, so yung nangyari sa akin no'ng unang araw ay nangyari rin sa iba kong kasamahan. Ain't it weird na magigising na lang kami sa lugar na ito and we didn’t have any idea how we get here.
Hindi naalis ang tingin ko kay Tomy na kasabay kumakain sina Stacy at Shane. "Ano ba 'yan Tomy... Do not talk eat your mouth is full," Biglang nagsalita si Shane at hindi ko naman naiwasang mapangiti.
"Shane magmula nga ngayong araw 'wag ka ng mag-english," Pagsita sa kanya ni Stacy.
"Bakit nagmumukha ba akong matalino?"
"Hindi, mas pinapatunayan mo lang na tanga ka. Kumain ka na lang.” Sabi ni Stacy.
Pakiramdam ko nga ay imbes na magtulungan kaming mahanap ang mga killers, lalo lang lumalayo ang loob namin sa isa't-isa sa bawat araw na lumilipas. Nagkakaroon na kasi nang alitan at galit sa pagitan ng ilang mga players. Tulad na lamang ni Nick at June, paniguradong galit sila sa amin.
Gusto ko mang i-comfort si Coby sa mga nangyayari, pero sino ba naman ako para pakialaman siya? Hindi naman kami masyadong close. Hindi naman ako isang dakilang tao na magpapakabayani na pakalmahin lahat ng kasamahan ko.
I suddenly looked on Owen. Ano ba ang mga pinaplano ng taong 'to? Si Owen ang tao na napakahirap basahin.
Matapos kong kumain ay nagpalipas na lamang ako ng oras sa hagdan patungo sa basement. Actually it isn't a good idea na magpagala-gala na mag-isa sa lugar na ito. Masyado kasing tahimik kapag mag-isa ako at maraming bagay ang pumapasok sa isip ko.
"Players please proceed to the trial court.”
Pumasok na ulit ako sa trial court. Pinagmasdan ko ang trial court, parang dati lang ay napupuno namin ang lahat ng silyang naririto. Ngayon, isang stand na lang na may picture ang nagre-represent sa mga namatay naming kasamahan. Labing isang tao na ang nawawala at labing lima na lamang kaming naririto.
Isa-isa ng dumating ang mga kasamahan namin. Gusto ko ng malaman kung sino ang killer, gusto ko nang makaalis sa lugar na ito.
"Trial Day 7 starts now!"
Okay muli na naman umandar ang oras na aking kinatatakutan. Alam niyo ang nakakatakot na parte rito? Iyon ay ang mapagbintangan at mahusgahan ka ng ibang tao kahit minsan ay wala kang maling ginawa.
"Okay let's do the usual stuff guys," Sabi ni Jessie at inayos ang suot niyang cap. Wait, lesbian ba siya? If yes, ngayon ko lang napansin. "Wala kasing gustong magsalita at mukhang kailangan na pumapel ng tomboy na ‘to,”
"Is there any unusual thing na napansin niyo sa crime scene?" Pagtatanong niya sa amin.
"Bukod sa mga kutsilyong nakakalat doon ay wala ng iba," sabi ko, iyon lang naman ang bagay na napansin ko.
"Mukhang mahihirapan tayong malaman kung sino ang dalawa pang natitirang killers," Sabi naman ni Chelsea.
"Guys hindi na uubra na palalampasin na'tin ang trial na 'to, hindi na tayo pwede magsayang ng araw." Tama si Jessie.
"Parang awa niyo na," Biglang nagsalita si Coby. Do'n lang namin napansin na may tumutulong luha na pala galing sa kanyang mga mata. "Alamin niyo kung sino ang pumatay sa kaibigan ko."
"Imbes na umiyak ka d'yan tumulong ka kaya sa pag-alam sa katauhan ng killer. Hindi kami gagawa ng isang himala para lang masiyahan ka, kumilos ka!" Biglang nagsalita ang malditang si Stacy. Well, she have the point.
"You have 1 hour left"
Sa pagkasabing iyon ni Amanda ay kinabahan na kaming lahat. Hanggang ngayon kasi ay wala pa kaming idea kung sino ang maaaring pumatay, ayoko naman magsayang kami ulit ng araw dahil lang wala kaming nahanap na clue.
“Let me drop the bomb now,” sabi ni Owen ang he’s back with his usual self. “Sa pagkamatay ni Cedric, hindi niya siguro inaaakala na makakapag-iwan siya ng clue.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Scratches,” Wait, magagamit niya ba ang mga kalmot na iyon para malaman ang katauhan ng killer?
“Some of you will think that it’s just a scratch but the clue here is, mahaba ang kuko ng killer. Hindi siya makakakalmot kung maiksi ito, tama?” Sabi ni Owen. “Ang mga taong may mahahabang kuko sa ngayon ay sina Hannah, Coby, Chelsea, Stacy, Raven, June, at Loren. Maging ikaw, Crystal, bagong gupit lang ‘yang kuko mo kung kaya’t hindi ka ligtas sa mga paghihinalaan ko.”
“Parang ang imposible naman na nasa aming mga lalaki ang pumatay dahil kahit mahahaba ang kuko namin ay hindi ito matulis unlike sa mga babae,” sabi ni June.
"Suspect ka rin! 'Wag ka ngang gumawa nang lusot Nick. Yes, hindi matulis ang kuko niyo pero mas malakas ang force na nagagawa ng mga lalaki so if you insert too much force, babaon din yun sa balat" Sabi ni Stacy. Mukhang ayaw talaga nito na may makalusot sa mga pinaghihinalaan. She have a great explanation in everything.
"Ba't niyo ako pinaghihinalaan! Hindi ko magagawang patayin ang kaibigan ko!"
"Wait dude. We're not accusing you, wala ngang nagdidiin sa'yo sa kaso. Sadyang nagkataon lang na isa ka sa mga suspect okay?" Sabi ni Mario in a low-toned voice.
Nakahinga na ng maluwag ang iba naming kasamahan dahil paniguradong ligtas sila sa tria na 'to. Pansin ko ang masamang tingin sa amin ni Nick, no'ng una ay nagtataka ako kung bakit tahimik siya. Siya nga pala ang napatahimik ng silencer. Tama lang ang ginawa ng silencer dahil kung hindi niya ginawa iyon, paniguradong magsisisigaw lang 'yang si Nick ng mga walang kwentang bagay.
"Masyadong maraming tao pa rin ang mga taong pinaghihinalaan so hindi pwedeng basta-basta magbintang. Pero right now, alam na na'tin na sa kanila umiikot ang katauhan ng serial killer." Sabi ni Phil.
"30 minutes left"
"Kung may tao mang kahina-hinala rito... iyon na marahil si Coby." Biglang nagsalita si Shane. Ikinabigla naming lahat 'yon dahil bihira lang nag-aakusa si Shane.
"I agree with Shane, siya ang pinaka-close kay Cedric kaya hindi malayo na magawa niya ang bagay na iyon," Dugtong naman ni Jessie.
"Then where’s your proof?"
"Proof? You're too O.A. in everything. It's not your usual self," sabi ni Phil
“Stop blaming my friend—“
“Tomy, wake up!” Sigaw ni Stacy. “Coby and Cedric didn’t treat you as a friend. Ginamit ka lang nila para tumagal sa laro!”
"Hindi mo ba napapansin na lagi silang magkasamang dalawa? Lalapit lang sila sa'yo kapag may kailangan sila! Lalapit lang sila sa'yo kapag magsisimula na ang trial! Iyon ba ang definition ng friendship para sa'yo?" Sabi pa ni Stacy.
"Ano ang friendship para sa'yo, yung pakikipag-plastikan mo kay Shane?" Balik ni tomy.
"Excuse me? Para sabihin ko sa'yo oo boba ang tingin ko kay Shane pero hindi ako plastik na kaibigan," Ganting sigaw ni Stacy.
"I think we should nominate our main killer now." Sabi ni Jessie na napahilot ng sentido ng kanyang ulo.
I writes Coby's name. Ako na ang nag-initiate ng pagboto. Halos majority sa amin ay si Coby ang binoto.
Puwera kay Coby, June, at Tomy na si Stacy ang binoto, Si Nick naman ay ako ang ibinoto.
"You destroyed my trust to you," Narinig kong sabi ni Tomy habang matalim na tinititigan si Stacy.
"You destroyed my respect to you." Ganting sagot ni Stacy at hinawi ang kanyang buhok
Simula nung namatay si Terrence ay napansin ko na tinigilan na ni Amanda ang pagbibigay ng clue. Maybe to raise the difficulty level of this game. Dati kasi ay nakaasa pa kami sa ibinibigay na clue ni Amanda but this time... Kami-kami na mismo ang magso-solve nito.
"Coby Francisco you have one minute to defend yourself,"
"I'm not using my one minute to please you but I have one message for you, Stacy. JUST DIE BITCH!" Sigaw ni Coby.
"Well, you go first jerk." Sagot sa kanya ni Stacy at umirap.
"Do you believe that Coby was the responsible for killing Kim? Press the green button for "Yes" while Red Button for "No""
I'm still hoping na sana ay tama ang hula ko this time. We're lack of evidences but I believe on my own guts so I press the green button.
~
Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (Innocent) [X]
9. June Blake (???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]
FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (???)
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (???)
12. Erica Hunter (Innocent) [X]
Survivors left: 15
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top