Chapter 23: Night 7
Chapter 23: Night 7
Raven
Ang isa sa mga inaalala ko sa larong 'to ay si Owen. Alam ng lahat na si Owen ang ace player namin. Siya ang pag-asa naming para makaalis sa lugar na ito.
"Sa kwarto muna ako," Sabi ni Owen at naglakad na paalis sa restaurant. Isa ito sa napansin ko sa kanya buhat nung namatay si Caleb, he isolated his self from others.
"Sobra talaga siyang naapektuhan," Sabi ni Mario. "He should get over with it soon, baka tuluyang kainin ng galit si Owen."
Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko, hindi ko na kayang maupo na lang at walang gawin lalo na't alam kong magulo na ang sitwasyon namin. "Wait, susundan ko si Owen." Tumayo ako at naglakad palayo sa kanila.
Tinignan ako ng lahat ng mga players habang mabilis akong naglalakad tungo sa hotel. Narinig ko pa ang pagpigil sa akin ni Mario at Crystal pero hindi naman namin pwedeng pabayaan si Owen sa gano'ng sitwasyon.
"Owen!" Kumatok ako sa kanyang pinto. Umabot din ng isang minuto ang pagkatok ko sa kanya bago niya buksan ang pinto.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya sa akin pero pumasok muna ako sa kanyang kwarto. "Rude." Isinara niya ang pinto.
"Owen ayos ka lang ba? 'Wag mo namang hayaan na kainin ka ng galit dahil lang sa pagkamatay ni Caleb," Sabi ko sa kanya.
"Mukhang wala na akong magagawa kun'di i-explain ang lahat sa tangang kagaya mo," Sabi ni Owen at umupo sa kanyang kama... He's back with his usual self.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Lahat nang nakita mo kanina... Lahat ng inakto ko kanina, it was only an act. Of course hindi agad iyon maiintindihan ng tulad mo." Sabi ni Owen, naguguluhan ako. Bakit niya kailangang umarte?
"Bakit mo naman kinakailangang gawin ang bagay na iyon?" tanong ko sa kanya.
"The killers want me to see falling on my own despair, they want to see me devastated... Ibinigay ko lang sa kanila kung ano ang gusto nilang Makita." Wika ni Owen... Ibig sabihin, alam niya ang mga plano ng killers?
"Pinatay nila si Caleb para makita nila akong magalit. Gusto nilang makita ang mga ia-akto ko sa oras na mawala si Caleb, siguro iniisip nila na ang tanga-tanga ng isang Owen."
"Kung gano'n it's all part of a big plan?"
"Yup. Plano nilang patayin si Caleb para mahuli ako... Plano kong gamitin ang plano nila para mahuli sila. As easy as that." Sabi niya sa akin.
"Alam mo kasi Raven. This is not only a battle for lives... This is a battle of manipulation, and battle of brains. Paggalingan 'to sa paggamit ng mga tao, paggalingan 'to sa pag-arte, at paggalingan 'to sa pagpapaniwala sa ibang tao," Wika sa akin ni Owen.
"Kilala mo na kung sino sila?"
"Not yet... Pero mabibigla ka na lang sa mga susunod na pasabog ko," Sabi sa akin ni Owen. "Sa ngayon, sakyan mo na lang muna ang pag-arte ko."
Napailing na lamang ako at napahinga ng malalim. Hindi siya si Owen kung hindi siya malihim, dapat masanay na ako.
"What do you want me to do this time?" tanong ko sa kanya habang nakatanaw lamang ako sa magandang view sa labas ng kwarto ni Owen.
"Just go with the flow and act na wala kang alam. I promised this to you, Ang mga killers mismo ang magbubuking sa mga sarili nila," Sabi sa akin ni Owen.
"Hindi ka ba natatakot Owen? Anytime pwede ka na nilang isunod." Dahil sa plano niya, mas nalalapit lang sa peligro ang buhay niya.
"Nope, alam kong hindi pa nila ako isusunod dahil nag-e-enjoy silang panuorin akong nahihirapan. I will use that opportunity para unahan sila bago pa man nila ako mapatay." He said to me. "May itatanong ka pa ba?"
Umiling na lang ako bilang tugon. Isang bagay ang napansin ko ngayon ay mas naging vocal na si Owen sa akin. Lumabas ako ng kwarto ni Owen at naglakad tungo sa kwarto ko para magpalit ng damit. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Hannah.
"Kumusta si Owen?" tanong niya sa akin at yumuko ito, siguro ay nahihiya siyang malaman na nag-aalala siya para kay Owen, nag-aalala naman ang lahat para kay Owen.
"He needs time to recover, apektado talaga siya sa pagkawala ni Caleb," Kahit pa sabihing malinis ang intensyon ni Hannah ay kailangan ko pa ring sundin ang sinabi ni Owen. Hindi dapat ako ma-guilty sa ginagawa kong pagsisinungaling.
"Sana maging ayos na siya,"
"Don't worry. Owen is a tough guy malalagpasan niya ang problemang 'to." Sabi ko sa kanya.
Weird. Bigla na lang nag-alala si Hannah kay Owen, kailan pa sila naging close?
"Players the game will start in 10 minutes please prepare yourselves."
Iniwan ko na si Hannah at Mabilis lamang akong nagpalit ng damit. Agad din naman akong bumaba para maghintay sa game.
"Sigurado ka, Owen, ayos ka lang?" Tanong ni Crystal sa kanya.
Isang mapait na ngiti ang naging sagot sa kanya ni Owen. "Oo naman."
Owen is really good at pretending. He's a total deceiver in this game. Siguro kung isa siya sa mga naging killer, mahihirapan kaming malaman ang kanyang katauhan.
"The game is about to begin. The doctor decided to save Stacy Wilkins tonight!"
"Sana ay wala nang mabawas sa atin," Mahinang bulong ni Crystal at naglakad na siya palabas ng park. Sobrang kinakabahan na kami tuwing gabi, ngayong wala na si Caleb... Hindi malayong mangyari sa amin ang mga bagay na nangyari sa kanya.
Sa ngayon, wala kaming ideya sa kung ano ang mga bagay na kayang gawin ng killer. Sa pagkakataong ito, sa tingin ko ay hangga't hindi naisasagawa ni Owen ang kanyang plano ay hawak kami ng mga killer sa leeg.
Naglakad na ako palabas, paniguradong hindi kami titigilan ng killer hangga't hindi kami nagkakaroon ng mental breakdown.
***
Third Person
"Ang galing mo, para ngang nawala sa katinuan niya si Owen," Pagpuri ng serial killer sa mafia.
"Kailangan mo lang kasi na bigyan sila ng dahilan para sila na mismo ang sumuko. Nakita mo naman, hindi masyadong nakapag-isip si Owen kanina sa trial, bakit? Mas binibigyan niya ng pansin ang galit niya ke'sa malaman ang totoong killer." Wika ng mafia.
"Papatayin na na'tin si Owen ngayon?" tanong ng serial killer.
"Not yet, ibalato mo na sa'kin si Owen, gusto kong ako ang tumapos ng kanyang buhay." Sabi ng Mafia. "Ikaw na ang bahala ngayon.
***
Tahimik na naglilibot ang serial killer sa buong parke, nais niya sanang gayahin ang naging teknik ng mafia sa ginawa nitong pagpatay.
Habang naglilibot siya ay umaarte siya na parang nagtatago. Ayaw niya rin naman na magpahalata sa mga kasamahan niya na siya ay isa sa mga killer. Kahit na gusto niyang ipaghiganti si Terrence ay wala itong balak na sumunod dito.
Habang tumatakbo siya ay may isa siyang tao na nakita na tumatakbo sa makipot na daan. "Perfect timing," Mahina niyang bulong sa kanyang sarili.
Sinipa ng serial killer ang basurahan at umarte na parang nadapa. Napukaw nito ang atensyon ng taong kanyang minamanmanan-si Cedric.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Cedric at tinulungan siyang makatayo.
"Na-sprain yata ang paa ko," kunwari siyang tumayo at napaupo din dahil sa sakit.
Inalalayan siya ni Cedric na maglakad. "Halika sa clinic, gamutin natin 'yang paa mo.
Habang naglalakad sila ay maingat ang bawat hakbang ni Cedric at nagmamasid din siya sa kanyang paligid. Mabilis niyang napaniwala si Cedric dahil sa magandang imbento niyang kwento.
Dinala ni Cedric ang Serial killer sa clinic. "Umupo ka muna sa kama, hahanap lang ako ng bandage," Sabi ni Cedric at binuklat ang medical kit na nasa malapit.
"Salamat."
Pinagmasdan ng serial killer si Cedric na kasalukuyang naghahalungkat. Dahan-dahan siyang tumayo. "Cedrick ayos lang ba na isara ko ang pinto? Kinakabahan kasi ako na baka biglang pumasok ang killer dito,"
Ngumiti si Cedric sa kanya at tumango. Isinara ng serial killer ang pinto at ni-lock ito. Napag-aralan niya na ang lugar na iyon at alam niyang Sounds proof ang clinic na iyon.
Paika-ika siyang naglakad at kinuha ang asido na nasa kanyang bulsa.
"Cedrick!" Malakas niyang sigaw at pagharap ni Cedric sa kanya ay inihagis niya ang laman ng bote sa mukha ni Cedric.
"Ahhh!" Malakas na nagsisigaw si Cedric habang takip-takip ang kanyang mukha.
Ginawang chance iyon ng serial killer para kumuha ng mga medical knives na nakalagay sa isang kahon. Habang takip-takip pa rin ni Cedric ang kanyang mukha ay mabilis niyang sinaksak sa kanang balikat si Cedric.
Malalakas na pagsigaw at pag-inda lang ng sakit ni Cedric ang maririnig sa apat na sulok ng clinic na iyon. "Mamatay ka na tanga!"
Akmang tatayo si Cedric ngunit mabilis siyang hinawakan sa braso ng serial killer at sinipa sa maselang bahagi nito. "Hindi mo ako maiisahan Cedric, ikaw ang tangang nahulog sa pag-arte ko!"
"Naalala mo pa ba yung mga kwento mo sa akin? Yung ginagamit mo lang si Tomy para manatili sa laro, kinaibigan mo lang siya para may makapitan kang matatag, all the time ay pinaplastik mo lang siyang kasama!" Pinagmasdan lang ng serial killer ang pagdaloy ng dugo mula sa balikat ni Cedric.
"Ang mga manggagamit na kagaya mo ang dapat unang mawala sa larong 'to." Sabi niya at kinuha ang isang plastic bottle ng alcohol.
Tinanggal niya ang takip nito at iwinisik nito ang alcohol sa mukha ni Cedric na puno ng lapnos dahil sa paghagis sa kanya ng asido. "Oh ayan, anti-germs 'yan gago!"
Nagsisigaw sa sakit si Cedric, walang salita ang nais lumabas sa kanyang bibig dahil hindi niya inaakala na tatraydorin siya ngayon ng taong kaharap niya, all this time ay isang kaibigan ang turing niya rito.
"Tapusin na na'tin 'to Cedric. Hindi ka deserving na makapasok sa top 15 kasi nga, tanga ka." Wika niya.
Hinawakan niya sa ulo si Cedric at malakas na inumpog sa pader. Hindi lamang isang beses o dalawang beses... Maraming beses. Malakas na dumugo ang ulo ni Cedric at nagtatalsikan pa nga ito dahil sa lakas ng impact. Ang malinis at puting pader ng clinic ay nabahiran ng pula.
"M-Mamamatay ka rin," Mahinang bulong ni Cedric, dahil nga sa tindi ng pagkakauntog kay Cedric ay nawalan ito ng malay.
"Ay nakatulog? Wala kang kwentang gago ka!"
Sinaksak niya ng tatlong beses sa tiyan si Cedric. "Hahayaan kitang mamatay sa blood loss, Hindi kasi deserve ng isang manggagamit na kagaya mo ang isang magandang death scene."
Iniwan niya sa loob si Cedric. Bago siya tuluyang lumabas ay pinagmasdan niya ito sa huling pagkakataon. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang pag-agos ng pulang likido mula sa katawan ni Cedric, para itong isang gripo dahil mabilis na gumagapang ang dugo sa sahig.
***
Raven
"Players it's a game over for Cedric Weaver, His game identity is- Innocent! Napagdesisyunan ng silencer na patahimikin si Nick Warner para sa trial bukas!"
Hindi na ako magtataka kung isa si Cedric sa mga nawala ngayong araw. It's pretty obvious that he was just using his friends to survive in this game.
Isa pang ikinatuwa ko ay ang pagpili ng silencer ang bibig ni Nick, this time ay masasabi ko na part talaga ng laro ang silencer... Ngayon ko lang nakikita ang silbi niya.
"Nasa clinic ang bangkay niya," Sabi sa akin ni Mario na kasalukuyan ng pabalik sa hotel, siguro ay nakita niya na ang bangkay ni Cedric.
My curiousity kills me kaya naman naglakad ako patungo sa clinic, dahil nga nakaawang ang pinto ay dinig na dinig ko ang malakas na pagsigaw ni Coby... Isa sa mga naging malapit na kaibigan ni Cedric, or mas bagay yata yung isa sa mga ginamit ni Cedric.
Nakita ko si Owen na umiiyak habang nakatingin sa walang buhay na katawan ni Cedric. Yakap-yakap niya si Crystal na wala ring tigil sa pag-iyak. Kung hindi ko lang alam na umaarte lang si Owen, siguro ay iisipin ko na totoo ang mga luha niya... pero hindi. Ino-obserbahan niya ang walang buhay na katawan ni Cedric pero patuloy pa rin siyang umaarte para hindi maghinala ang mga killer sa kanya.
Tinignan ko ang bangkay ni Cedric at hindi ko na ito makilala dahil sa lapnos sa kanyang mukha. Napadako ang tingin ko kay Tomy at kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
The killer is smart dito ko lang napagtanto na plano nilang lahat na magkaroon kami ng mental breakdown. No'ng una ay pinatay nila si Kim para mag-mental breakdown si Jenny, Nick, at June.
Pangalawa ay pinatay nila si Caleb para mag-mental breakdown din kami nina Mario, Crystal, Owen, at ako.
Pangatlo ay si Cedric para maapektuhan si Coby at Tomy.
Paniguradong isa kanila Stacy, Hannah, Shane, Chelsea, Jessie, at Loren ang mamamatay bukas.
Bahagya akong napangisi dahil sa konklusyon na naisip ko. Kailangan kong gumawa ng paraan para protektahan sila.
~
Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (Innocent) [X]
9. June Blake (???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]
FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (???)
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (???)
12. Erica Hunter (Innocent) [X]
Survivors left: 15
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top